Kinausap ni Amir si Kyla at tinanong kung saan nakatira si Sukan dahil nang puntahan niya ang dating tinitirahan nito ay wala na siya roon. Dali dali naman itong sinabi ni Kyla upang maayos na ang problema nila. Ganoon din ay ibinigay nito ang bagong number ng cellphone ni Sukan. Tinawagan ito ni Amir at nakipagkita sa kanya.
"Sukan, please talk to me... pagusapan natin ang nangyari". Sabi ni Amir.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Malinaw naman na sa’kin ang lahat". Sabi ni Sukan.
"Anong wala? Minsan lang akong nagkamali at iyon ay ang itago sa’yo ang tungkol sa amin ni Kassandra pero maliban doon ay wala na akong itinago sa’yo". Sabi ni Amir.
"Ano bang dapat pa nating pag-usapan? Hindi ba ay ikinasal na kayo ni Kassandra? Gusto mo bang dagdagan ang sakit sa puso ko?" Sabi ni Sukan habang umiiyak.
Biglang siyang nilapitan ni Amir at hinalikan siya nito. Nagpumiglas naman si Sukan nang may pag-tatanong sa puso niya na kung bakit kailangang gawin ni Amir iyon sa kanya. Para ba masaktan pa siya nang lubusan?
"Miss na miss kita, Sukan... Kung alam mo lang kung gaano ako nahirapan sa pagkawala mo at sa paghahanap ko sayo. Kung alam mo lang ang totoo hindi ka magkakaganyan..." Sabi ni Amir kay Sukan.
"Miss na miss din kita Amir. Mahal na maha kita. Pero may nagmamay-ari na ng puso mo. Narinig ng mga tainga ko at nakita ng mga mata ko ang mga pangyayari. Itatanggi mo pa ba?" Sabi ni Sukan habang lumalandas ang luha sa kaniyang mga mata.
"Mali ang nakita mo at mali ang mga narinig mo. Makinig ka sa’kin nang mabuti. Unang-una ay gusto kong mag-sorry sa’yo... Hindi kita naipakilala nang maayos sa mga magulang ko. Hindi ko nasabi sa kanila na ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.” paliwanag ni Amir.
“Gusto ko ring linawin ang lahat-lahat sa’yo. Hindi kami ikinasal ni Kassandra. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Nang hinalikan niya ako ay akala niya na wala pa akong mahal at gusto niyang subukan namin ma-in love sa isa’t isa dahil mahal na niya ako. Pero hindi ko siya mahal.” paliwanag pa ng binata. Hindi niya alam kung nararapat bang paniwalaan niya ang mga sinasabi nito.
“Nang gabi ng dinner na iyon na pag-alis mo at ng mga bisita ay ipinaliwanag ko sa magulang ko na ikaw ang mahal ko at hindi ako magpapakasal kay Kassandra. Naintindihan ako ng mga magulang ko, kaya the same night ay lumipad ako pabalik dito para ipaliwanag lahat sa’yo pero pagdating ko rito ay wala ka.” umiiling si Sukan. Ayaw niyang maniwala ngunit ang traydor niyang puso ay marupok.
“Hindi ko alam kung saan ka hahanapin at hindi ko alam kung paano ka kokontakin dahil hindi nagwo-work ang cellphone number mo. Hanggang sa nakuha ko ang bago mong number kay Kyla.” napakagat ng labi si Sukan. Sobra-sobra na ang effort nito ngunit naguguluhan siya.
“Sabi ng magulang ko ay ipaliwanag ko kaagad sa’yo ang lahat at linawin nang mabuti. Hindi nila ako tinigilan na tawagan everyday to make sure na naipaliwanang ko na sa’yo. Sana ay maintindihan mo ang mga nangyari at mapatawad mo ako". nagsusumamong pakiusap na sabi ni Amir na may kaunting kirot sa puso at patak ng luha.
Nakaramdam ng awa si Sukan sa mga paghihirap ni Amir sa paghahanap sa kanya. Ganoon din ang luha na pumatak sa mga pisngi ni Amir ay pinunasan niya. Sa sulok ng puso niya ay nagsasabi na totoo ang sinasabi ni Amir pero may bahagi rin na paano kung hindi totoo ang mga sinabi niya?
"Amir, bigyan mo muna ako ng space para makapag isip-isip". sabi nito kay Amir.
Hindi na nagpahatid ng bahay si Sukan. Hindi niya pa kayang umuwi kasabay si Amir. Nagkulong siya sa kwarto at yakap-yakap si Kokirri.
"Kokkiri... Oh kokkiri... Ano bang gagawin ko? Naguguluhan ako. Gusto kong maniwala sa kanya pero may part na ayaw kong maniwala. Ang sakit ng mga nangyari. Ayaw ko na mag-expect". Sabi niya sa sarili niya habang yakap-yakap si Kokkiri.
Sobrang lungkot niya. Nagpa-flashback pa rin ang mga nangyari sa airport at sa dinner. Pati ang pag uusap nila ni Amir. Hindi niya rin kasi alam kung maniniwala ba siya na hindi pa ito ikinasal kay Kassandra. Isa lang ang way na naiisip niya at sure siya na malalaman niya ang katotohanan.
Super close sila ni Ailene, ang kapatid ni Amir. Hindi nga lang sila nakapag-usap nang matagal dahil naging busy si Ailene pero alam niya na pabalik na ito from Paris. Umalis kasi ito after ng dinner kaya walang chance si Ailene na sabihin kay Sukan ang totoo.
"Mamaya kakausapin ko siya para malaman ko ang totoo". sabi ni Sukan sa sarili.
Pero hindi niya makontak si Ailene. Hindi niya alam kung nasaan ito pero hindi din naman ito online. Hindi niya din matawagan ang cellphone nito. Nag aalala siya kung ano ba ang nangyari kay Ailene.
Si Amir naman ay busy sa pag aasikaso ng mga bagay bagay. Tinawagan niya si Sukan kung pwede ba itong makipag kita sa kanya. Pumayag naman si Sukan. Mahal niya si Amir at hindi niya ito matatanggihan. Inimbitahan siya ni Amir na mag dinner bukas.
The Dinner Date
Kinabukasan pumasok siya sa trabaho at nagkita sila ni Kyla. Maaga kasi ang pasok ni Kyla ng isang oras sa pasok ni Sukan. Bihira sila magkita sa bahay. Busy din naman kasi lagi si Kyla. Buong araw ang lumipas puro kwentuhan lang ang ginawa ni Kyla at Sukan and sa wakas nasabi na ni Kyla kay Sukan ang sinabi ni Amir. Sinabi naman ni Sukan na nasabi nga ni Amir na ganun ang nangyari. Para kay Kyla kapani paniwala naman ang sinabi ni Amir base sa pagkataranta ni Amir noong hinahanap nito si Kyla sa kanya. Pero para kay Sukan mahirap paniwalaan ang ganoong bagay. Pag aasikaso palang ng kasal mahirap na, yung hindi pa kaya matuloy ang mas mahirap. And ano na lang ang magiging feelings ni Kassandra sa nangyari.
As usual umuwi si Kyla ng mag isa dahil hindi sila sabay ng out sa work ni Sukan. Nag out naman din si Sukan sa work after an hour. Umuwi siya ng bahay at nagshower. Isinuot niya ang isang formal dress niya para sa dinner nila ni Amir. Sa isang fine dining restaurant kasi siya inimbitahang magdinner ni Amir. Although hindi pa okay si Amir sa kanya, hindi din naman niya hahayaan na hindi magsuot ng maganda sa harapan nito. Sinuot niya ang dress na binili niya noong umuwi siya sa hometown niya. Balak niya kasi ito suotin sa isang formal party kung meron man.