Tulala si Sukan habang nakatitig sa labas ng bintana ng eroplano... Binabalikan lahat ng pangyayari mula sa airport. Nagsisisi kung bakit sumama pa siya kay Amir. Durog na durog ang puso niya sa mga nangyari.
"Kailan ba ako magiging masaya? Simula bata pa ako never na akong naging masaya. Nawala ang mga magulang ko... Iniwan ako ng asawa ko. Inilayo sa akin ang mga anak ko. Ngayon naman si Amir...” sinisisi niya ang sarili kung bakit nangyayari ang mga ito. Napakabilis din kasi niyang magtiwala. Hindi pa siya nadala noong una.
“Bakit hindi niya ako ipinaglaban man lang. Ipinakilala nga niya ako. Pangalan ko lang ang nabanggit niya. Hindi man lang niya nasabi kung sino ako sa buhay niya. Grabe naman ang sakit-sakit talaga". durog na durog ang puso na sabi ni Sukan sa sarili habang pumapatak ang mga luha sa mga mata niya.
Habang nag uunahan ang mga luha niya sa pagpatak na tila hindi na huhupa pa kasabay ng walang tigil na pagtakbo ng isip niya ang mga nangyari sa engagement party. Tuloy-tuloy pa rin ang mga katanungan niya sa sarili niya kung bakit.
Paglapag ng eroplano ay dumiretso siya sa hometown niya. Kung saan naroon ang ipinamanang bahay ng daddy niya—ang kanilang bahay nang mamatay ito.
Solong anak lang din naman kasi siya. Simula noon ay siya na ang nagmi-maintain ng bahay na ito. Ginagawa rin niya itong bakasyunan kapag umuuwi siya sa bansa niya. Hindi na niya namalayan na nakatulog siya sa sobrang pagod niya sa byahe at sobrang pagod ng puso at isip.
"Benj, may balita ka na ba kay Sukan?" Sabi ni Kyla.
"Wala pa nga eh. Hindi pa rin nagpaparamdam hanggang ngayon. Kawawa naman ‘yon sobrang depression na ang na-experience niya noon tapos ngayon nasaktan na naman siya. Hindi naman siguro siya nag-isip na pagtangkaan na naman ang buhay niya... Ano sa tingin mo Kyla?'' Sabi ni Benj sa kanya.
"Hindi naman siguro. Although matagal na niya itinigil ang gamot niya sa depression, alam ko na okay na siya." Sabi ni Kyla.
Nakalipas ang ilang araw at malapit nang bumalik sa trabaho sina Sukan at Amir mula sa kanilang leave. Hindi mawaglit sa isipan ni Sukan ang binatang si Amir. Kung paano niya ito haharapin dahil sa pag alis niya nang walang paalam at kung paano niya ito kakausapin ngayong napakasakit ng mga nangyari. May biglang pumasok sa isip ni Sukan. Masakit pero wala na siyang magagawa.
"Kasal nga pala nila ngayong araw na ito. Kamusta kaya si Amir. Ano na kaya hitsura niya pagbalik ng Malaysia. Masaya kaya siya?" sabi ni Sukan sa sarili.
Pumayat ng todo si Sukan dahil hindi siya masyadong kumakain mula nung dumating siya sa hometown nila. Nagkulong lang siya sa kwarto matapos niyang maproseso ang kanyang papeles para sa trabaho. Nasayang ang leave na ini-file niya for one month na akala nila ay maeenjoy nila after siya ipakilala sa magulang ni Amir. Iniisip niya kung paano niya pakikitunguhan si Amir after ng mga nangyari. Natapos na ang bakasyon niya at kailangan na niyang bumalik ng trabaho.
Nag-empake na si Sukan pabalik ng mga dadalhin niyang gamit pabalik ng Malaysia. Hindi man siya masaya ay bumili pa rin siya ng mga pasalubong para kay Kyla at Benj. Hindi niya din alam sa sarili niya kung bakit bumili rin siya ng para kay Amir. Siguro ay nakagawian na niya na magbigay ng regalo dito.
Lumipad si Sukan patungong Malaysia na baon baon pa rin ang sakit na naranasan niya. Pero kailangan niya maging matatag at harapin ang dapat harapin. Napakarami niyang gamit na dala. At nawala sa isip niya na bago pala siya umalis at magbakasyon ay iniwan niya na ang kwarto sa condo na tinutuluyan niya kasama kaibigan niya. Kaya mabilis na tumakbo ang isip niya kung saan siya titira. Naalala niya si Kyla. nabanggit nito noon na lilipat siya ng condo at may available na Master's bedroom. Hindi nga lang niya alam if available pa rin ito.
"Hello? Kyla..." Sabi ni Sukan sa kabilang linya.
"Oh Sukan! How are you? Ang tagal mong nawala hindi ka man lang nagparamdam sa amin ni Benj. Nag aalala kami sayo". Sabi ni Kyla sa kanya.
"Sorry, I was so busy that I was not able to update you at all. Actually I don't have a room to stay. Do you have any available room for me?" Sabi ni Sukan.
"Oo naman matagal ko na ini-offer sa’yo ‘to. Ikaw na lang ang hinihintay nito. Nasaan ka na ba? Gusto mo sunduin kita?" sabi ni Kyla.
"Nandito na ako sa Airport. Galing ako sa hometown ko nag process ng papers ko. Okay lang kahit wag mo na ako sunduin para di ka na maabala. Mag gagrabcar na lang ako" sabi ni Sukan.
"Okay sige I'll have your room ready na lang, kaya lang fan lang meron ang masters bedroom. wala siyang AC". Sabi ni Kyla.
"Hindi naman ako mahilig sa AC saka lamigin ako. Sige message nalang kita kapag nandiyan na ako. Send mo nalang sa akin ang address mo". Sabi ni Sukan.
"Sure!" Sabi ni Kyla, At inisend niya nga sa w******p ang kanyang address.
Pagdating ni Sukan sa condo nila Kyla ay agad naman siyang sinundo ni Kyla sa baba ng condo. Napakarami nitong dala na para bang buong bahay niya sa hometown nila ay dinala niya. At na over baggage pa ito kaya napilitang bumili ng bagong luggage sa airport.
Nagkumustahan sila at nagkuwentuhan. Nawala naman sa isip ni Kyla na ikuwento ang tungkol sa sinabi ni Amir. Matapos makapag ayos ni Sukan ng luggage niya, nagpahinga siya ng kaunti. Naisip niya papasok na siya muli kinabukasan sa trabaho kaya inihanda niya ang gamit niya. Nagpahinga muli si Sukan at nakatulog.
Kinabukasan sa office ay nakita niya si Amir pero hindi siya nakita ni Amir at busy din naman ito sa business meetings niya. Iniwasan ng iniwasan ni Susie si Amir sa tuwing mapapansin niya na magkakasalubong sila sa daan, nagtatago siya. Malayo pa lang ay nakikita na niya ito kung magkakasalubong sila. Palagi kasing may hawak na cellphone si Amir kaya hindi din naman niya nakikita si Sukan.
Hindi pa din makita ni Amir si Sukan at hindi niya padin makontak ang cellphone nito. Lingid sa kaalaman niya na pumasok na ito at bumalik na sa opisina. Palagi niya hawak ang cellphone niya at sinusubukang tawagan si Sukan pero unattended padin ang telepono niya.
Araw araw naman na tumatawag ang family niya para kamustahin ang pagahahanap niya kay Sukan at kung nasabi na ba niya ang totoo. Ngunit bigo si Amir. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Samantala si Sukan ay todo iwas padin kay Amir. Hanggang sa pumasok sa loob ng office nila Sukan si Amir at kinamusta ang mga tao.
"Hi Guys! kumusta kayo rito? Any question for me? Any update?" Tanong ni Amir sa mga agent. Hindi padin palangiti si Amir at seryoso pa rin.
Nagtanong siya ng hindi tinitingnan ang mga tao. Hanggang sa naamoy niya ang pamilyar na pabango... Mahilig kasi si Sukan sa pabango. At ang naaamoy ni Amir ay pabango ni Sukan. Biglang lumakas ang t***k ng puso ni Amir at lumundag ang puso niya sa tuwa ng masilayan niya si Sukan.
Sa unang unang pagkakataon na ngumiti ito sa office pero napawi din agad ang ngiti nito ng hindi siya pinansin ni Sukan. Nalungkot si Amir at naisip niya na mukhang hindi pa naliliwanagan si Sukan sa mga nangyari.
"Kelangan makausap ko siya at masabi ko sa kanya ang totoo". Sabi ni Amir sa sarili.
Ngunit nabigo siya sa pag asang makakusap si Sukan dahil pagkatapos ng trabaho biglang nawala si Sukan. Sa kasamaang palad ay hindi niya ito naabutan dahil sa meeting niya sa iba pang client.