YB Chapter 12

1351 Words
Sa kabilang side naman ng hotel ay nagmumukmok si Kassandra. Hindi siya makapaniwala na wala man lang nararamdaman si Amir para sa kaniya at feeling niya never itong nagtry na mahalin siya. Pero that's life. May gusto ka pero ayaw sa’yo at may gusto sa’yo na ayaw mo. Naisip niya na iyon na ang una at huling halik niya kay Amir. Kailangan niyang mag move on para irespeto ang kababata niya. Sabay na bumaba sina Amir at Sukan sa hagdanan ng hotel. Nagulat si Amir sa nakita. Napaka-engrande ng ayos ng hotel sa baba. Ganoon din ang mga tao. Napakarami at nakabihis ng napakagaganda. Marami ring pagkain at may dalawang upuan sa gitna na napalilibutan ng mga puting rosas. Sa baba ng hagdanan ay naghihintay ang mga magulang ni Amir at si Kassandra na nakabihis nang napakaganda at napakaseksi na dress. Pinaghandaan talaga ito ni Kassandra simula nang sabihan siya ng parents ni Amir na mag di-dinner sila. Sa isip ni Amir ay naglalaro kung bakit ganoon na lang kaganda ang salubong ng magulang niya sa kanya. “May idea na ba ang mga ito sa amin ni Sukan? Sinabi kaya ni Ailene ang tungkol sa amin ni Sukan?” Maloko talaga si Ailene at inunahan siya na kuya nito. Si Sukan naman ay nakaramdam ng kakaibang kaba. Kaba na hindi ng kagalakan dahil ipakikilala na siya sa magulang nito kung hindi ay ang kaba na may halong takot. Lalo na nang masulyapan niya si Kassandra na napagka-ganda-ganda kahit na napakaganda rin naman niya ng gabing iyon sapagkat pinaghandaan niya ang paghaharap nila ng pamilya ni Amir. Pagkababa nila ng hagdanan ay ipinakilala ni Amir si Sukan sa mga magulang nito. Ngunit may kulang... Tila ba umurong ang dila ni Amir at hindi niya nabanggit ang pinakahihintay ni Sukan na salita... Tanging pangalan lang ni Sukan ang nabanggit nito. "Everyone, listen! I would like to announce something. We would like to invite you all on February 19 for our son's wedding. Amir and Kassandra’s Wedding. And tonight Amir is officially Kassandra's Fiance', " sabi ng mom ni Amir. Nagpalakpakan ang mga bisita. At isa-isa silang nilapitan ng mga ito. Samantala, shock pa rin sina Amir, Kassandra at lalong lalo na si Sukan sa announcement na narinig nito mula sa mom ni Amir. Hindi niya ma-imagine na ang dinner party na pupuntahan pala nila ay engagement nina Amir at Kassandra. Hindi makapaniwala si Sukan. Nanlalamig ang mga kamay niya at nangingilid ang mga luha niya. Natabunan naman ng mga bisita sina Amir at Kassandra. Nagmamadali naman si Sukan na umalis sa venue at bumalik sa kwarto nila. Nag-empake siya kaagad nang mabilis at umalis. Nag-book agad siya ng ticket pero hindi pauwi sa Malaysia kung hindi ay pauwi ng Thailand. Masuwerte naman at may available na flight papuntang Thailand nang maaga. Umuwi siya sa hometown nila at doon niya tinapos ang leave niya. Sa hotel naman ay hindi na namalayan ni Amir ang pagkawala ni Sukan dahil sa sobrang dami na tao na akala mo ay celebrity sila at pinalibutan sila. Sa wakas at nakaupo din sila ni Kassandra sa upuan na inilaan sa kanila. Masakit ang mga paa nila sa tagal ng pagkakatayo. Pero biglang naalala ni Amir nang tanungin si Kassandra tungkol sa nangyari. "Kassandra may kinalaman kaba dito? Hindi mo man lang pinigilan sina mom and dad?" Mahinahon na sabi ni Amir na may kaunting paninisi. Worried na worried siya kung saan pumunta si Sukan pero hindi niya naman maiwan ang mga magulang niya at bisita. Magiging kabastusan naman ito kung bigla siyang mawawala. "Sa totoo lang Amir ay wala akong kaalam alam... All I know is I am giving a favor to tito and tita in fetching you at the airport and sending you here at the hotel. I never knew that they have plans like this. If I only knew something then I would have advised you immediately as you have introduced me your girlfriend". Sabi ni Kassandra na para bang nagsasabi na don't blame me for the things that I don't have any idea at all. "Then why did you kissed me at the Airport? Para bang alam mo na naka-set na ang wedding natin..." . tanong ni Amir na nag-i-isip pa rin kung bakit may paghalik na naganap. "Wala talaga akong alam Amir, I swear... kung alam ko talaga ay sinabi ko na sa’yo. Alam mo naman mula pagkabata ay wala na akong itinago sa iyo bukod sa pagmamahal na naramdaman ko para sa’yo". Namula si Kassandra nang mapansin niya na nakapagtapat na pala siya kay Amir tungkol sa pag-ibig niya rito. "Hindi ko alam na pagbalik mo pala ay may nagmamay-ari na sa puso mo. Kung sana ay hindi ko hinayaan na mahulog sa iyo. Pero kahit noon pa mang malaman ko na pinagkasundo na nila tayo ay wala pa naman akong nararamdaman para sa’yo". Sabi pa ni Kassandra. "Wait, nasaan na nga ba si Sukan?" tanong ni Amir sabay nagpalinga-linga at hinanap si Sukan pero hindi ito natagpuan ng kanyang mga mata. Natapos ang party bago tuluyang ipaalam ni Amir ang mga saloobin niya sa mga magulang niya lalong lalo na ang tungkol sa kanila ni Kassandra at Sukan. "Mom, Dad... I'm sorry hindi ko po kayang pakasalan si Kassandra... May mahal na po akong iba" Sabi ni Amir. "Pano nangyari iyon anak? Hindi ba nung umalis ka ay magkasintahan kayo ni Kassandra?" Sabi ng Mom niya. "Sorry Mom and Dad, Nagpanggap lang po kami ni Kassandra para pagbigyan po kayo dahil nung mga panahon na yun ay wala naman akong napupusuan. Pero hindi ko naman din po mahal si Kassandra". Sabi niya sabay tingin kay Kassandra na parang bang humihingi ng suporta na magpaliwanag sa mga magulang nila. "Yes po Tita... We are so sorry po talaga. Hindi po namin sinabi sa inyo na hindi po talaga kami magkasintahan ni Amir. We don't love each other". Sabi ni Kassandra na biglang napayuko ng sabihin niya ang katagang we don't love each other pero ang totoo ay mahal niya si Amir. "Okay, okay... I know that you just want us to be happy. We are just worried for both of you that you will not marry soon and get old. But since everything is cleared tonight then go find your girlfriend son... You might have hurt her so bad" Sabi ng Mom ni Amir. Dali daling umalis sa venue si Amir at nagpunta sa room nila ni Sukan pero unfortunately wala siyang naabutan. Walang natirang kahit na anong gamit ni Sukan. Kahit bakas na magsasabi kung nasaan siya. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone nito pero cannot be reached. Nagbook pauwi ng Malaysia si Amir upang doon hanapin si Sukan. Sa kabila ng paghahanap niya kay Sukan ay hindi niya ito natagpuan. Wala rin ito sa tinutuluyan niyang condo. Tinanong niya rin ang mga kaibigan nito ngunit wala din silang alam. "Kyla, alam mo ba kung nasaan si Sukan?" Tanong ni Amir kay Kyla. "Ha? E diba magkasama kayo na pumunta ng India? Ano ba ang nangyari? Bakit hindi kayo sabay umuwi? Tapos hinahanap mo pa siya? Tanong naman ni Kyla kay Amir na takang taka kung bakit mag isa lang bumalik si Amir at hindi niya kasama si Sukan. Sinabi lahat ni Amir ang nangyari sa dinner party nila na turns into engagement party arranged by his parents. Mula sa pangyayari sa airport hanggang sa umuwi siya ng Malaysia. "So that how it is... Hindi ako sinabihan ni Sukan kung nasan siya, ang huling update niya sa group namin is that you will introduce her to your parents". Sabi ni Kyla. "Totally unexpected ang mga pangyayari pero my parents accepted her with all their hearts that she didn't know because she left". Sabi ni Amir. "You can't blame her... Kung sinabi mo sa kanya ang tungkol sa inyo ni Kassandra, sana naintindihan ka niya at hindi siya nawawala ng ganito". Sabi ni Kyla. Sinabi ni Kyla kay Benj ang nangyari at tinulungan nila si Amir na hanapin si Sukan. Nagmessage din sila sa group nila. Pero wala ni isang reply galing kay Sukan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD