***Wedding Day Behind the Scene***
Masayang masaya ang pakiramdam ni Sukan mula nang magpropose si Amir sa kanya. Hindi rin niya pinalampas ang pagkakataon na gawing memorable ang wedding nila. Nang magsimula ang preparation ng wedding nila ay katuwang na niya ang fiancée niya.
Nagsimula na ang preparation ng wedding nila sa mga guest. Isinulat nila lahat ng magiging guest nila sa wedding. Maraming gustong imbitahan ang magiging mother-in-law ni Sukan ngunit siyempre ay sila pa rin ni Amir ang mag-de-decide kung sino-sino ang puwede at sino ang hindi.
Mabusisi rin nilang pinili kung saan sila magpapakasal at sino ang magkakasal sa kanila. Ganoon din sa kung anong kulay ng motif nila at kung ano ang klase ng bulaklak ang ilalagay sa pagdarausan nito. Simple lang ang kasal nila ngunit kakikitaan pa rin na may pagka-elegante.
Personalize rin ang invitation letter at wedding dress niya. Sobrang napakabait ni Tita Veena sa kanya. Maalaga at maalalahanin. Personal siyang sinamahan nito sa kilala nilang designer ng wedding dress. Gusto ni Sukan ay simple lang ang wedding dress niya. Mahilig siya sa lace kaya maraming lace ang dress niya.
Dahil slim siya bagay na bagay ang tube dress na personal pa niyang pina-sketch sa designer. Pati ang damit na susuotin niya sa reception ay pinagawa rin nila personally. Nag-e-eenjoy naman si Tita Veena sa kanya dahil hindi sila nauubusan ng kwento. At talagang nakapag-bonding sila ni Sukan. After nila magpunta sa boutique at flowershop ay nagpunta sila sa isang bake shop kung saan ay personalize din ang cake. May sarili silang wedding designer at organizer pero pinilit nila ito na sila ang personal na makikipagmeet sa mga tao then after ito na ang makikipagcommunicate. Pagod na pagod sila sa lakad nila pero sulit naman dahil kahit ganon iba parin ang fulfillment na naramdaman nila. Dumaan sila sa isang coffee shop at doon nagpahinga bago umuwi.
Samantala si Amir naman ay busy sa pagpili ng watch at shoes an ipepair niya sa kanyang amerikana. Talaga namang napakagwapo niya sa susuotin niya. Fit na fit ito sa katawan niya kung saan kitang kita ang korte niya. Sobrang excited at kaba ni Alvin. Excited dahil finally, makaksama na niya ang pinakamamahal niyang forever.
Sa kabila ng mga pinagdaraanan nila ay sila pa rin hanggang sa huli. Masayang-masaya rin naman ang parents niya para sa kanya. Sa kabila ng nangyari noon sa kanila ni Sukan ay hindi naman nagbago ang tingin ng magulang niya sa kanya dahil alal niya na aalalagaan niya si Sukan habang nabubuhay sila. maayos ang pagpapalaki nila kay Amir sa kabilang ng pagiging seryoso nito ay madalas na itong ngumingiti.
Naunang dumating si Amir sa Kapilya. Matiyaga niyang hinintay si Sukan sa loob habang si Sukan naman ay kinakabahan na baka hindi sila umabot. Nakalimutan kasi icheck ng driver yung sasakyang gagamitin nila at nagkaaberya pa. Mabuti na lamang at palaging maaga si Sukan kumilos dahil nakasanayan na niya. Hindi siya katulad ng iba na nalelate sa mga appointment. Sa kalagitnaan ng biyahe nila ay tumirik ang sasakyan.
"Manong anong nangyari? Bakit tayo huminto?" tanong ni Sukan sa driver na hindi mapakali sa paghahanap ng tools niya sa compartment ng sasakyan.
"Maam Sukan, Nasiraan po tayo. pero tingin ko po naman ay madali lang maaayos ito. Hintay lang po ng konti" Sabi pa ng driver habang inaayos ang kung ano mang naging problema ng sasakyan.
Kakaba kaba si Sukan halos magbutil butil ang pawis niya sa kaba. Hindi niya alam kung ano gagawin niya. Pero kailangan niya kumalma tutal sabi naman ni Manong ay maaayos din naman kaagad. Patience is a virtue, ika nga.
Nang maayos ang sasakyan agad namang sumakay si Manong driver sa sasakyan at nagsimula magmaneho. Napanatag na ang loob niya. Habang si Amir naman ay nag aalala dahil labinlimang minuto nalang ay magsisimula na ang wedding. Hindi na din maipinta ang mga magulang ni Amir. Nag aalala naman din si Kassandra para sa kababata niya. Hindi naman siguro mangyayari na hindi sisipot si Sukan sa kasal.
Napawi ang pag aalala ng lahat ng may marinig ang mga ito na sasakyang huminto sa harap ng Church. Dahan dahang bumaba si Sukan sa sasakyan at lumakad papunta sa loob. Nang masilayan ni Amir si Sukan ay umaliwalas ang mukha nito. Sobrang saya ni Sukan habang naglalakad papasok ng Church para makaisang dibdib si Amir. Kakaba kaba pero sabi niya sa wakas ito na to. Wala nang atrasan to.
Si Amir naman ay napaka gwapo sa suot niyang amerikanang black. Plantsadong plantsado ang damit niya at napakakintab ng sapatos niya. Ganun din ang buhok niya ay napaka neat. Bagay na bagay sila sa isa't isa.
Kabado din Si Amir sa paghihintay kay Sukan. Habang naglalakad si Sukan papasok ng Church ay nagkatinginan sila ni Amir at nangusap ang kanilang mga mata na para bang nag sasabi na mahal nila ang isa't isa.Napapalibutan ng napaka gaganda at napakapuputing rosas ang nilalakaran niya.
Nagsimula nang magturo ang magkakasala sa kanila at taimtim silang nakinig sa turo. Habang nagisisiiyakan naman ang mga magulang ay kaibigan nila na para bang nagsasabi na sa wakas ay nagkatuluyan din kayo. Masaya si Kyla at Benj sa dalawa. Natapos na ang pagtuturo at ang pagbabasbas. Ngayon ay sinabi nito...
"You may kiss the bride". Nagkatitigan silang dalawa at hinagkan nila ang isa't isa. Damang dama naman nila ang pagmamahal ng isa't isa. Nagsimula na silang kumuha ng litrato. Mula sa pamilya ni Amir, mga kaibigan at kamag anak hanggang sa malalpit na kaibigan ni Sukan. Npakasaya ng nadarama niya habang napapaluha. Napakasarap sa pakiramdam.
Matapos ang pictorial ay masayang lumabas ang mag asawa habang nagpapaalam sa mga tao. Sumakay sila sa sasakyan nila papunta sa reception. Habang nasa sasakyan ay hindi maiwasang tumulo ang luha ni Sukan.
"I love you, Amir!... I love you so much!" Sabi niya dito habang tumutulo ang luha. Agad naman itong pinunasan ni Amir at hinalikan siya sa pisngi.
"I love you too Sukan! Mahal na mahal kita..." Sabi ni Amir na ngumiti ng pagkasaya saya.
Pagkarating sa reception at agad na nagbihis ang dalawa at nagpalit ng mga suot nila. Inistima nila ang mga bisita at nagsimula ang program. Isa isang nagsalita ang mga kaibigan at malalapit na tao sa buhay nila. Unang una na ang mga magulang ni Amir.
Mom&Dad: "I know na marami kayong pinagdaanan ni Sukan and I know na marami pa kayong mararanasan after marriage. Be strong and hold each other. Never give up and we will always be here for both of you. Congratulations Amir and Sukan".
Ailene: "Kuya, You've been through a lot of suffering and now it's your time to be happy. Always take care of Sukan dahil kung hindi... Wala lang I love you kuya! Congratulations to both of you!"
Kassandra: "Sorry sa lahat ng nangyari. I'm so happy for both of you! Congratulations!"
Kyla&Benj: "Sukan, Amir... Witness kami sa love story niyo. From the time na magkita kayo until maging magboyfriend/Girlfriend kayo. We know na ang dami niyong napagdaan, basta always be strong. Congratulations!"
Masayang masaya ang lahat ng tao at sinimulan na nilang hatiin ang cake. At sinubuan nila ng cake ang isa't isa at uminom din sila ng wine. Nagpalakpakan ang lahat. Kanya kanya na sila ng usapan. At ang mag asawa ay nagkaroon ng time sa isa't isa.