ALVIN & SUSIE TIE THE KNOT...
Nagsimula na ang preparation ng wedding nina Alvin at Susie. Busy ang lahat sa pagprepare ng wedding nila. Pinaghandaan nila itong mabuti. Ang Mom ni Alvin ang punong abala sa wedding nila pero lahat ay may approval ng ikakasal. Simple lang ang kasal nila pero elegante. Mula sa invitation, sa wedding dress, sa venue ng wedding, sa reception, sa accessories at sa mga bulaklak. Talagang masaya ang lahat. Sa wakas forever na sila magkakasama.
Napakaganda ng wedding dress ni Susie. Ang Mom ni Alvin ang pumili nito. Napakaganda at eleganteng Long white slim fit tube lace dress. Super white ito na lalong naglabas ng kagandahan ni Susie. Sobrang saya ni Susie habang naglalakad papasok ng Kapilya para makaisang dibdib si Alvin. Kakaba kaba pero sabi niya sa wakas ito na to.
"This is it!" sabi niya sa sarili niya.
Si Alvin naman ay napaka gwapo sa suot niyang amerikanang black. Plantsadong plantsado ang damit niya at napakakintab ng sapatos niya. Ganun din ang buhok niya ay napaka neat. Bagay na bagay sila sa isa't isa. Kabado din Si Susie sa paghihintay kay Susie. Habang naglalakad si Susie papasok ng kapilya ay nagkatinginan sila ni Alvin at nangusap ang kanilang mga mata na para bang nag sasabi na mahal nila ang isa't isa. Napapalibutan ng napaka gaganda at napakapuputing rosas. Habang naglalakad naman sa napakapulang carpet.
Natapos na ang pagtuturo at ang pagbabasbas. Ngayon ay sinabi nito...
"You may kiss the bride". Nagkatitigan silang dalawa at hinagkan nila ang isa't isa. Damang dama naman nila ang pagmamahal ng isa't isa.
Pagkarating sa reception at agad na nagbihis ang dalawa at nagpalit ng mga suot nila. Inistima nila ang mga bisita at nagsimula ang program. Isa isang nagsalita ang mga kaibigan at malalapit na tao sa buhay nila
Matapos ang programa ay masayang masaya ang dalawa na umalis ng reception at sumakay sa sasakyan nila papunta sa isang beach resort kung saan sila magha honey moon.
Naghoneymoon sila sa isang beach resort na overlooking ang dagat sa tinuluyan nilang hotel. Ito ang pangarap ni Susie noon pa. Magkaroon ng mapagmahal na asawa at masayang pamilya. Makasama lamang ang mahal niya at mga anak niya. Lubhang hindi maipaliwanag ang nadarama niya sapagkat sila ngayon ay kasal na. Wala duda siya nga ang one true love ni Susie at si Susie naman ang one true love ni Alvin. Mula sa love at first hanggang sa forever love.
"I love you, Susie!" Sabi ni Alvin kay Susie.
"I love you too Alvin!" Sabi naman ni Susie kay Alvin.