YB Chapter 19

203 Words
"Thank you sa tiwala at pagmamahal, Sukan..." sambit n Amir habang nakayakap sa asawa. Natutulog pa ito at hindi siya naririg. Ngunit nais pa rin niyang magpasalamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay nito sa kanya. Hinigpitan pa nito ang yakap habang inaamoy ang balat nito sa balikat. Araw-araw ay nagpapasalamat siya rito. Sobrang maasikaso ni Sukan. Kahit pa matagal na silang kasal ay hindi ito nagsasawang alagaan siya. Masaya siya dahil pati sa anak nila ay maalaga ito. Isang buwan nang buntis ito at talaga namang hindi nito pinababayaan ang baby nila. "Thank you rin." napaawang ang bibig ni Amir nang humarap si Sukan sa kanya. Gising na rin pala ito. "Gising ka na?" tumango naman si Sukan. "Nasanay na akong magising kapag gising ka. Hindi ko lang ipinaaalam." ngumiti ito. Kung sabagay ay simula nang mabuntis ito ay hindi na ito nakatutulog nang mahimbing. Halos mababaw na lamang ang tulog nito. "I love you..." hinagkan niya ito sa labi at tumugon naman ito. "Nagugutom ako..." kumalas ito sa paghalik sa kanya at saka sinabing nagugutom siya. "Ano'ng gusto mo?" tanong niya. Hiling niya na huwag itong humiling nang kakaibang pagkain. Baka humingi na naman ito ng pagkain na imposible niyang makuha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD