YB Chapter 20

401 Words
“Gusto ko ng pancit canton…” nakangusong sabi nito. “Sige… ilan?” agad naman na tanong niya sa buntis niyang asawa. “Dalawa…” agad na sagot nito. “Ang dami naman…” pag-aalala niya. “Para hati tayo…” sabay halakhak ni Sukan. Saka lamang na-realized ni Amir na napanood na niya ang eksenang iyon sa social media. “Niloloko mo naman ako e. Really, what do you want?”pinindot pa nito ang ilong ng asawa. “Gusto ko ng garlic bread na walang garlic…” napakunot ang noo ni Amir. Napapaisip kung paano nangyari na garlic bread ang gusto nito pero walang garlic. “Saan naman ako kukuha ng garlic bread na walang garlic?” tanong niya sa asawa. “Hindi ko alam sa’yo. Basta. Gusto ko niyon. Pag wala niyon hindi ako kakain.” nakangusong sabi ni Sukan. Kung hindi niya lang ito mahal ay hindi niya pagbibigyan ang gusto nito. “Sige, hahanap ako…” sabi nito. Saka lumabas ng kuwarto upang mag-isip kung saan hahanap ng gusto ng asawa. “Hello, Kass…” walang maisip si Amir na tawagan kung hindi ay si Kassandra. Siguradong alam nito kung saan makahahanap ng ganoon. “Amir? Bakit ka napatawag?” Napatingin pa si Kass sa wall clock sa loob ng kuwarto. Maaga pa para sa usual na gising niya. “Si Sukan kasi. Naghahanap ng garlic bread.” Sumbong nito sa kababata. Akala mo naman ay pagagalitan nito si Sukan. “Tumawag ka para sa garlic bread? Bumili ka. O kaya pa-deliver ka.” Sabi nito na tila nadistorbo niya kaya naman paangil itong sumagot. “Madali lang sana. Kaya lang ang gusto niya ay garlic bread na walang garlic.” Sabi ni Amir na naiiling. “Ano?” Napaupo si Kass sa narinig. “Garlic bread pero walang garlic?” Napapasapo pa ito sa batok dahil sa narinig na sinabi ni Amir. “Iyon nga. Kaya heto. Hindi ko alam saan kukuha niyon.” Sabi pa nito. “Ang weird naman ng asawa mo.” Sabi ni Kass. Agad na nagsearch siya sa online. Eksakto na nakakita siya ng recipe para sa garlic bread. “Mag-be-beyk ako. Ipadeliver ko na lang mamaya kapag luto na.” Natuwa si Amir sa sinabi ni Kass. “Thank you, Kass.” Pagkatapos mag-usap ay ibinaba na nito ang telepono.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD