"How are you baby?" tanong ni Sukan sa mga anak niya lalo na kay Ashton---ang bunso niyang anak.
"I miss you, mommy..." sambit ng bata na tila iiyak na. Napansin naman kaagad iyon ng lola nito. Agad na pinatay ang tawag at mukhang pinagalitan ang mga bata.
Naikuwento kasi ng panganay niya na pinagagalitan sila. Huwag na raw makikipag-usap sa kanya. Masama raw siyang ina dahil iniwan nito ang tatay nila. Tila bini-brain wash ang mga bata para ilayo ang loob sa kanya. Nasasaktan siyang isipin na sinisiraan siya ng biyenan niya sa sarili niyang mga anak.
Ngunit matatalino ang mga bata at mababait. Kahit papaano ay may isip na ang panganay niya kaya nakapagsusumbong ang mga ito. Wala nga lang siyang magawa lalo na sa ngayon na bago lang siya sa trabaho. Wala pa siyang ipon upang makuha ang mga anak niya.
"Hey, are you okay?" basag ni Kyla sa katahimikan. Paano ay nakakaisang subo pa lamang si Sukan sa baon nitong pagkain ay isinara na nito ang takip ng baunan niya. Pagkatapos ay natulala.
"Yup. I'm good." pagsisinungaling nito. Hindi niya pa magawang mag-open up kay Kyla. Lalo pa at too personal ang problema niya. Ayaw niya ring makabigat dahil alam naman niya na lahat naman ng tao ay may problema. Baka makadagdag pa siya.