YB Chapter 6

1669 Words
Hindi na namalayan ni Sukan na nakatulog pala siya sa sala habang iniisip ang nangyari kahapon sa office. Kung paano siya tingnan ni Amir. Nag-aalala siya na baka ayaw sa kanya nito at inoobserbahan siya. Baka bilang na ang araw niya sa opisina. Pero wala naman nababanggit ang TL niya. Isa pa ay hindi rin naman nagtuturo ang TL niya pero kahit papaano ay nagsisikap siyang matuto. "I can do it. Fighting, Sukan!" blong niya sa sarili at inakto pa nito ang braso na kaya niya nga. Napanaginipan pa nga niya ito sa kabila ng pangyayari na isang beses pa lamang sila nagkita. Hindi niya mawari kung bakit naaalala niya na napanaginipan niya ito ngunit hindi niya maalala kung tungkol saan ang panaginip niya. "Hmm... Why will I dream of him? And what did I dream of our boss?" bulong niya sa sarili. Halos maubos ang tatlumpung minuto niya sa kakaisip sa panaginip niya pero hindi niya talaga maalala. "What do you think?" parang baliw na tanong pa ni Sukan sa sarili habang yakap-yakap niya si Kokkiri---ang stuff toy niya. Napaka memorable ng stuff toy na ito sapagkat bigay ito ng Daddy niyang namatay dahil sa diabetes. Walang araw na lumilipas na hindi niya ito kayakap. Napakalambot din naman kasi ng pink na elephant stuff toy at napaka-fluffy nito. Para bang nagsasabi ito na yakapin siya ni Sukan. Kapag nalulungkot siya o kaya naman ay masaya siya ay niyayakap niya at kinukuwentohan niya ito na para bang kausap niya ang daddy niya. Pakiramdam niya ay kaharap lang niya ang daddy niya. Palaging maaga nagigising si Sukan. Mahilig siyang magluto ng breakfast. Palagi rin siyang natutulala at nag iisip nang kung ano-anong bagay bago maligo. Mahilig din siya magbasa ng libro kung paano mag-i-improve ang English niya. Nakahiligan niya rin ang i-record ang sarili niyang boses habang kumakanta. Matapos niyang maligo ay isinuot niya ang paborito niyang white dress at white stiletto. Matapos na magprepare ay pumunta na siya sa train station. Mukhang fifteen minutes pa bago dumating ang train. Naiinip si Sukan habang naghihintay ng train. Napag-isip isip niya kasi na kung lagi siyang mag-ga-grab car papuntang opisina ay baka mawalan na siya ng allowance papasok sa office at ang ending ay hindi siya makakapasok sa trabaho. Mga labinlimang minuto kasi ang interval ng bawat dating ng train. Kaya iyon din ang kinokonsider niya kaya siya nag-ga-grab car pero ngayon ay napag-isip isip niya na hindi bali nang magdagdag siya ng oras ng gising kaysa magdagdag ng gastos. Habang hindi pa dumarating ang train ay naisipan niya na mag-record muna ng isa sa mga paborito niyang kanta. Ang kanta ni Britney Spears na Everytime. Notice me,Take my hand, Why are we, Strangers when, Our love is strong, Why carry on without me, Every time I try to fly I fall, Without my wings, I feel so small, I guess I need you baby Feel na feel pa niya ang pagkanta. Pumipikit-pikit pa ang mga mata na animo'y nasa stage siya. Naalala pa niua noong vocalist siya ng banda ng asawa niya noon. Naalala ng na lamang siya nang maalala niya ang ex-husband niya. Magaling din naman talaga kasi siyang kumanta. Masarap pakinggan ang boses niya. Malumanay at mahinahon. May pagkamalambing na para bang anghel ang kumakanta. Minsan nga maiisip mo kung paanong nawalan ng kulay ang pagsasama nilang mag l-asawa noon sa kabila ng pagiging mahinahon at malambing niya. Pero hindi lang din naman kasi doon nasusukat ang pagsasama at pagmamahal sa isa't isa. "At last!" sambit niya nang makita ang paparating na train. Sa wakas ay dumating din ang train na akala niya ay aabutin pa ng siyam-siyam. Paano ay halos ma-i-record na niya nang buo ang kanta dahil sa tagal ng train. Halos ten minutes din ang byahe niya bago nakarating sa babaan. Pagkababa ng train ay naglakad na siya patungong office niya. Mabilis din siyang maglakad na tila may humahabol sa kanya. Kaya naman mabilis siyang nakarating ng opsina kahit papaano. Nagdala na rin siya ng slippers para panigurado kung sakaling uulan man. Madalas kasi umulan sa Malaysia kapag hapon. Ngayon ay nasanay na siya. Pagdating niya ng office ay nakita niya kaagad si Kyla. "Hi Kyla, Good morning! Why are you so early?" usisa ni Sukan na nagbibiro pa dahil pareho naman silang maaga. "You too. You are so early." balik na sagot naman ni Kyla rito. "My house is very far from here that's why I need to leave my house early. I hate being late and I don't want to be late." sabi pa ni Kyla na para bang kailangan na ipaliwanag ang lahat kay Sukan. Pagkatapos nang kaunting kumustahan ay nag-focus na sila ulit sa trabaho nila. Wala namang nagbago sa gagawin nila dahil sobrang sipag ng TL nila na kabaliktaran lang. Pareho pa rin naman ang ginawa nila sa training. Madami ang nadagdag na babasahin at ime-memorize. Paano ay naniwala agad sila sa sinabi ng isa nilang katrabaho. Ang sabi ay kailangan nilang ime-memorize lahat nang ito. Naiiling na lang si Sukan dahil ang bagay na iyon ay sinabi ng mayabang at intrimitida nilang katrabaho na si Lucresia. Sabay pa rin silang nag-coffee break at lunch break as usual. Ngunit may napansin ulit si Kyla rito. Parang giraffe na humahaba ang leeg ni Amir kakatitig kay Sukan. Pero mukhang busy si Sukan sa training at pag-mememorize ng lesson nila. Mukhang hindi titigil si Sukan hanggat hindi niya ma-memorize lahat ng tinuro sa kanila. Focus na focus ito dahil gusto niya maging magaling. Kaya lang ay hindi yata mawawala ang kontrabida sa mundo. Sa tingin ng isang maldita niyang katrabaho ay hindi niya matututuhan lahat ng itinuturo sa kanya sa kabila ng paulit ulit na pagtuturo nito. Naatasan kasi si Lucresia na turuan sila. Hindi rin naman ganoon ito kagaling pero napakataas ng ere. Feeling niya trainer siya. Noong panahon nga na ininterview si Kyla doon ay inilibot ito sa opisina. Nakausap niya ito at tinanong kung ano ang trabaho nito roon. At ang sagot nito ay hindi niya rin alam. Feeling nito ay isa ito sa mga trainor. Tama ba naman na ganoon ang isagot kay Kyla e pareho lang pala silang agent doon. Nagmamadaling at nagmamarunong. Mayamaya ay tinawag ng trainer si Kyla at pinaupo ito sa tabi ng mayabang nilang katrabaho para turuan ng iba pang detalye. Samantala si Sukan naman ay nasa mga kapwa niya Thai speaker para turuan din ng iba pang bagay. Madali naman silang natuto. Hindi lang talaga magaling magturo yung isang katrabaho nila. Makailang oras ay tinawag muli sila ng kanilang TL para ipakilala sa mga bagong trainees dahil may dumating na bagong trainees. Isang lokal at isang pinoy. Pinakilala ito sa kanila ng kanilang TL. Si Benj at si John. Unang pag-uusap pa lang ni Kyla at Benj ay nagkasundo na sila na para bang matagal na silang magkaibigan. Nagtaka rin ang mga ka-team nila dahil sa close agad sila. Akala tuloy nila ay matagal na silang magkakilala sa Pilipinas pa lamang. Marami na kaagad napagkwentuhan sina Benj at Kyla at isa na roon ay ang tungkol kina Amir at Sukan. Ang lokal naman ay nakasundo ni Sukan kaagad. Ito ay si John. Guwapo rin ito pero moreno at mukhang Indian ang lahi. May asawa na si John at may isang anak na 3 buwan. Tatlong taon pa lang silang kasal ng asawa niyang si Cindy na nagtratrabaho rin sa parehong kumpanya bilang QA. Sa kabila noon makikitaan mo ng pagkagusto kay Sukan si John. Mukhang unang araw pa lang nila ay tipo na ni John si Sukan. Palagi itong nakatitig at palaging nasa tabi niya ito. Ang lakas talaga ng appeal ni Sukan. Pati doctor nito sa depression ay tipo rin siya at lalo na ang Boss niyang Chinese. Sino ba naman hindi magkakagusto kay Sukan? Mabait, Soft Spoken, Genuine na genuine ang pagkilos. Binibining binibini kumbaga sa babae. Sa kabila nang may 2 anak na siya at hiwalay sa asawa. Kung baga ang kilos niya ay malumanay at 'di makabasag pinggan. Hindi siya kagandahan pero maappeal. Slim lang siya at hindi katangkaran pero maputi. Hindi naman siya yung tipo ng babae na artistahin ang dating pero malakas talaga ang appeal niya. "Ay teka... parang may sumama ang timpla ng mukha..." Sabi ni Kyla sa sarili niya. Nakita niya kasi si Amir na mula sa maaliwalas na mukha ay biglang dumilim na parang tinamaan ng kidlat. Pero infairness guwapo pa rin siya. Napalingon si Kyla kina Sukan at John. "Kaya naman pala... Kahit sino naman, kung type mo ang isang tao tapos may isang asungot na aaligid aligid e sasama nga naman ang mukha mo." sabi ni Kyla sa sarili niya muli. Ito naman kasing si John may itsura rin parang bumbay ang datingan ng mukha pero lokal siya Makinis ang mukha pero mabalbas ng pagkanipis nipis. Pero guwapo siya at maappeal din. Pero para kay Sukan ay wala itong malisya. Marunong lang siya makisama sa tao at maki-salamuha sa ibang lahi. Nasanay na siya noon pa man sa dati niyang asawa. "Benj, tingnan mo ung dalawa, hindi na nila tayo kinakausap, sila na lang ang nag uusap na para bang wala tayo rito" sabi ni Kyla. Sabay nguso sa dalawa. Napansin din kasi agad ni Kyla ang pagkagusto ni John kay Sukan. Observant kasi si Kyla kumbaga lahat ay napapansin niya. "Ay oo nga, Hayaan mo yan sila malalaki na yan sila. Hindi na sila bata". Sabi ni Benj sabay tawa nang malakas. Minsan hindi mo alam kung ganon talaga siya tumawa or napipilitan lang. Si Benj ay isang tomboy. May itsura din siya at maappeal. May girlfriend siya at magkasama sila sa bahay. Mapagkakamalan mong Chinese ito dahil sa singkit nitong mata. Malihim si Benj tungkol sa pagkatao niya pero madaldal siya at madaling pakisamahan. Kaya naman nakasundo ito agad ni Kyla. Palakaibigan din naman kasi si Kyla. "Sabi ko nga eh" Sabay tawa ni Kyla. Nagkatawanan ang dalawa at tuoy tuloy ang kwentuhan ng kung ano ano pang bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD