YB Chapter 5

1944 Words
Ilang araw pa lang magkakilala ang dalawa ay nagkasundo na sila. Sa tuwing oras ng break at lunch at magkasama ang mga ito. "Sukan, where do you want to eat?" tanong ni Kyla rito dahil palagi niyang kinokonsidera ito. Naisip niya na baka may ayaw ito o bawal dito. Si Kyla ang tipo ng tao na uunahin ang ibang tao kaysa sa sarili. "Let's just eat there at Uncle's restaurant so we can come back fast." saad ni Sukan. Hindi siya ganoon karunong mag-English kaya naman si Kyla na lang din ang nag-a-adjust kung saan mas maiintindihan nito ang sinasabi niya. Si Uncle ay ang chinese na may-ari ng resto sa tabi ng office nila. Halos kilala ng matanda ang mga bumili o kumakain sa kanila dahil sa maboka ang matanda. Madaldal si Uncle at usi o usisero. Lahat na lang ay inuusisa. One time ay sinabihan pa nito si Kyla ng naka-o-offend na bagay. "You know ah, good thing you married lah. If not ah..." sabi ni Uncle sabay tingin sa tiyan ni Kyla na may kalakihan. Dahil Malaysian-Chinese ito ay ganito ito magsalita. May lah at ah sa bawat salita nito. Nangiti na lamang si Kyla ng pilit. Siguro nga ay wala lang sa matanda ang sinabi nito o biro lamang pero para sa kanya ay naka-o-offend ito. "Pakialamerong chekwa 'yon ah." bulong niya na ang ibig sabihin ay pakialamerong chinese. Mabuti na lang talaga at magalang si Kyla sa matatanda kung hindi ay pinatulan na niya si Uncle. Matapos nilang kumain ay dumiretso sa toilet si Kyla at bumalik naman sa loob ng opisina si Sukan. Hindi malaman ni Sukan kung may dumi ba sa mukha niya o ano. Paano ay kanina pa sulyap nang sulyap ang lalaking pqrang basketball player. Sinilip na lang niya ang sarili sa salamin para matiyak na malinis naman ang mukha niya. Naisip niya na baka hindi niya napunasan nang maayos ang sarili nang kumain siya. "I don't see any dirt on my face... What is he looking at?" napapaisip niyang tanong sa sarili. Guwapo ang lalaki at matipuno. Ngunit wala siyang panahon para sa kung ano pa mang bagay. Nang mapansin nitong nakatingin siya ay umiwas ito ng tingin. Ang hindi naman maintindihan ni Sukan ay kung bakit hindi man lang ipinakilala ng TL niya ang mga katrabaho nila. "Are you okay?" tanong ni Kyla nang mapansin niyamg tulala si Sukan sa kung saan. "Yeah." tipid na sagot ni Sukan. Mayamaya ay direkta na niyang tinanong si Kyla. "Why our TL did not intorduce... introduce us to everyone ah?" nauutal pa niyang sabi. Sinisigurado na tama ba ang English niya. "Right. I don't know either..." sagot dito ni Kyla. Speaking of the devil ay biglang dumating ang TL nila. As usual ay late ito kaysa sa pagbalik nito from break. "Guys, guys, come hear." tawag nito sa lahat. Gay ang TL nila kaya naman ipit na ipit ang boses nito nang tawagin sila. Mukhang loading ang TL nila pero na-realized din nito na sa wakas ay halos kaunting oras na lang ay mag-uuwian na sila. Saka nito naisipan na ipakilala ang nga katrabaho nila. Ipinakilala sila sa lahat ng mga agent, QA at sa lalaking mukhang basketball player sa tangkad. "Guys, this is Arman, the Supervisor, this is Jim the QA and this is Amir, our client from the airlines." sabi ng TL nila na tila kinikilig pa nang ipakilala ang huli. Napapatango na lang si Kyla ngunit kinabahan naman si Sukan. Paano ay kanina pa ito tingin nang tingin sa kaniya. Halos ismiran niya ito. Iyon pala ay boss nila ito. Halos lahat ng mga babaeng katrabaho nila ay tila kinikilig sa boss nila. Maliban kay Sukan at Kyla. Paano ay married na si Kyla at masaya ito sa buhay may asawa niya. Si Sukan naman ay nadala na yata sa pag-ibig dahil sa nanlokong asawa. "Why do we need to shake hands?" naiiritang sabi niya. Paano ay ayaw niya makipag-shake hands dito. Pero baka kung ano ang isipin ng iba o baka sabihin na maarte siya kung siya na lang ang hindi makikipagkamay rito. Lalo pa at nakipag-shake hands na ang lahat. "You?" nakatingin na sabi ni Amir kay Sukan nang matapat ito sa kanya. "Y-Yes, Boss!" sambit niya saka kinamayan ang nakalahad na palad nito sa kanya. Awkward sa pakiramdam niya pero wala siyang choice. O dahil ayaw niyang mapag-isipan ng masama? Medyo kakaiba ang pakiramdam niya nang kamayan niya ito. Kinakabahan siya at nanlamig ang buong katawan niya. Hindi niya inexpect na ganoon ang mararamdaman niya. Naisip niya na baka nailang siya dahil sa kanina pa siya nito pinagmamasdan. Naramdaman naman ni Amir na malamig ang kamay ni Sukan at dama naman ni Sukan ang mainit na kamay ni Amir. "Are you cold? Is it because of the AC?" usisa ni Amir nang magbitiw ang mga palad nila. "Y-yes, Boss. I'm o-okay." saka itinago nito sa likuran niya ang palad niya. "Thank you, guys! Nice meeting you all." kahit na nagpasalamat ito ay hindi ito ngumiti man lang. Marahil ay dahil sa may pagkaseryoso talaga si Amir. Matapos magpakilala ay nagsibalik na ang mga ito sa kani-kaniyang station. "He's nice, right?" bulong ni Kyla sa kaibigan. Uang tingin pa lang nito kay Amir ay nakita na niya na mabait ito. Tumango lang naman si Sukan na tila hindi interesado. Seryoso kasi ito sa pag-aaral ng mga training materials na ibinigay sa kanila. Nakatutok na ito ngayon sa laptop niya. At ganoon din naman ang mga tao sa paligid. Abala ang mga ito sa kani-kanilang tawag sa telepono ng mga kilyente na magpapa-book ng flight sa kanila. Mayamaya ay narinig ni Sukan na nagrereklamo ang isa sa mga ka-trabaho nila tungkol sa isang booking. Agad na nilapitan ito ng TL. "What ah?" tanong ng TL. "Because, TL, this client wants to book a group booking. They are fiftwof them. I told them that we have no group booking as of the moment but they insist." sabi ng isang agent. Agad naman tumayo sa kinaaupuan si Amir. "Let them know that they can proceed at any traveling agencies. We can't do anything for now." sagot ni Amir sa agent. Napapatango naman si Sukan at Kyla. Paano ay isa ito sa mga nire-review nila. Ang hawak o hahawakan kasi nila ay booking, cancelation and re-schedulng of flights at kadalasang kilyente nila ay mga mismong customers, agencies at mga mismong crew sa airport. "Okay, Boss. Thank you." saad ng agent. Ngunit katulad kanina ay seryoso pa rin ito at hindi man lang ngumiti sa nagpasalamat na ahente. "He's so serious. He didn't even smile at her." bulong ni Sukan sa sarili. Pero naisip niya na okay lang din naman iyon. Kung sabagay ay boss ito at natural lang na seryoso ito. Nang mapatingin si Sukan sa boss nila ay napansin niyang nakatingin na naman ito. Kinakabahan tuloy siya. Dahil dito nakasalalay ang trabaho niya. Hawak ni Sukan ang dibdib niya na para bang lalabas ang puso niya. Kailangan niya ang trabaho niya. Napapadasal na lamang siya na wala siyang nagawang masama para matanggal sa trabaho. Napansin naman agad ni Kyla ang tila pagkabalisa ni Sukan kaya tinanong niya ito. "Are you okay? You look nervous." sabi niya rito. Tumango naman ito. "Yeah. I'm okay." pagkasabi ay tumungo ito upang hindi niya makita ang mukha ng boss niya at hindi na siya mag-alala pa. Naisip naman ni Kyla na baka kabado lang si Susie kaya ganoon dahil naroon ang boss nila. Sa isip naman ni Amir ay naglalaro ang tagpo nila ni Sukan kanina habang kinakamayan niya ito. Damang-dama niya ang lambot ng palad ni Susie ngunit nanlalamig. Para bang hindi ito ginagamit sa gawaing bahay. Ang mga ngiti nito napakahinhin na para bang espesyal ang ngiti na para lamang sa kanya. "Hell, what am I thinking?" naiiling na sambit ni Amir sa sarili. Pagkatapos ay muling napatingin ito kay Sukan. Hindi niya napansin na kanina pa pala siya nakatulala. Kanina pa ilang minuto na natengga ang trabaho niya. Bigla siyang natauhan nang mag-ring ang phone niya. Lumabas ito saglit at sinagot ang tawag. "Matapos ang tawag ay bumalik na siya sa mesa niya. Muking nag-focus sa kanyang trabaho. May pagka-weird si Amir. Weird na bigla na lang siyang magsasalita sa buong opisina at magtatanong ng mga procedure. Minsan nga hindi nila akalain na isa na pala sa kanila ang kausap nito. Ang binata ang tipo ng tao na sobrang seryoso sa buhay. Bihira mo siya makikitang ngumiti. Palaging trabaho ang nasa isip niya. Kaya naman napaisip din siya kung bakit bigla siyang natulala kay Sukan. Sa kabilang banda nagmamasid rin pala si Kyla. Napansin niya na panay ang tingin ni Amir kay Sukan. Kapag naman napapasulyap si Sukan dito ay inaalis nito ang tingin sa dalaga. Paano sa tuwing titingin si Amir sa dalaga ay nakayuko ito at saktong nagkasalubong ang tingin ng mga ito. Matapos ang mahabang araw ng pagtatrabaho ay sumapit na ang uwian. At sa wakas ay natapos din ang oras ng trabaho. Madaming natutunan si Sukan sa pagbabasa at hindi sa pagtuturo ng TL nila. Ganoon pa man ay natapos ang araw na masaya ang pakiramdam ni Sukan dahil kahit papaano ay may natutunan siya. "Let's go?" tanong ni Kyla. "Alrighty." sagot naman ni Sukan. Sabay silang nagpunta ng locker at sabay rin silang umuwi. Nagkwentuhan sila ni Kyla ng marami pang bagay-bagay. Tila ba may bumabagabag kay Sukan na hindi nito masabi-sabi kung ano ito. Tila nahihiya siya na sabihin kay Kyla ang tungkol dito. Ngunit naiintindihan naman ito ni Kyla at kahit hindi ito magkuwento ay darating din ang tamang panahon para roon. Mukhang ang panahon naman ay nakikiayon sa lungkot na nadarama ni Sukan. Malamig ang panahon, umaambon at mukhang lalaks na ang ulan. Mukhang masarap uminom ng tea habang nagmumuni-muni ng mga bagay bagay. Naglakad sila ni Kyla pauwi. "Are you okay?" tanong ni Kyla rito habang nakamasid sa kaibigan. Paano ay habang naglalakad sa daan si Sukan ay napansin ni Kyla na lumulubog ang takong ng heels nito. Hindi kasi sementado ang lahat ng madadaanan nila patungo sa LRT station. Kaya naman ang madadaanan doon ay ang mabuhangin at malupang daan. At dahil umuulancay maputik ang daan. Isang maling apak mo ay madudulas ka sa putikan. Wala namang choice ang dalawa kung hindi ay ang dumaan sa maputik na daan papuntang LRT. Paano ay kung mag-ga-grab car sila ay aabutin sila ng siyam-siyam sa paghihintay. Maaarte ang mga driver roon kapag umuulan. Either mataas ang rate o walang masyadong masasakyan dahil maulan. "Yeah. I'm fine?" tanong ni Kyla na parang sobrang nag-aalala dahil mukhang hirap na hirap na si Sukan sa lumulubog niyang takong sa putikan. "Are you sure?" pag-uulit pa ni Kyla. "Yup! I'm okay" pag-a-aasure ni Sukan. Pinakita pa niya na kayang kaya niyang makalampas sa putikang iyon. Nagkatawanan na lang sila dahil sa napakataas ng heels ni Sukan at tuluyang lumubog sa putikan. Sanay kasi ito na magsuot ng heels dahil sa dati niyang propesyon. Halos araw-araw ay naka-stiletto siya. Hindi naman niya naisip na uulan pala ngayon at maputik sa lugar na iyon. "Thanks." sambit niya kay Kyla dahil tinulungan siya nito hanggang makarating ng LRT. Nang makarating sa bababaan si Sukan ay nauna na itong bumaba. At nauna na rin itong nakauwi ng bahay. Naiwan naman sa LRT si dahil malayo pa ang uwian nito at halos lampas ng isang oras bago nakauwi dahil sa layo ng bahay nito. Nang makauwi ay agad itong nagmessage kay Sukan. "I'm home. See you tomorrow." basa ni Sukan sa mensahe. Natutuwa siya dahil nakatagpo siya ng isang mabait na kaibigan sa katauhan ni Kyla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD