YB Chapter 4

1235 Words
Nang makapasok sila sa operations floor ay nag-ready na sila para sa training. May ipinagamit sa kanila na sari-sariling laptop. Kaniya-kaniyang bukas ng laptop ang mga ito. Nag-log in sila gamit ang acces na ibinigay sa kanila pagkatapos ay pinapunta sa website ng airlines nila. Ang akala nila ay magtuturo ang trainor. Pero pinagbasa lang sila sa website ng airlines. "It’s a lot, Kyla!" bulong ni Sukan na para bang nagulat sa dami ng babasahin niya. Ang ibang empleyado naman ay tahimik na nakatutok sa mga computer nila. Magsasalita lamang ang mga ito kapag may client sila. "Yeah. I don’t think I can absorb all this in just one reading. And even if I read it multiple times, I don’t think I can understand all this. Do you understand it?" sabi rin naman ni Kyla. Kumusot ang mukha ni Sukan at ngumuso. Para bang kahit paulit-ulit niya itong basahin ay hindi niya maiintindihan ang mga ito. Bukod sa bago ang mga terminology sa kanya ay malalalim pa. "I don’t understand anything at all. I actually don’t get what it means." sabay na nagkatawanan ang magkaibigan. Naisip ni Sukan na kahit wala siyang naiintindihan ay ayos lang dahil may nagpapagaan ng araw niya. Isang kaibigan na karamay niya sa kakulitan. At kahit na gaano pa ito kahirap ay kailangan niyang matutunan ito. Para sa future niya. At lalong-lalo na para sa mga anak niya. "Why are they so quiet?" saad ni Sukan. Inoobserbahan kasi niya ang mga katrabaho niya. Tila seryoso ang mga ito at wala kahit isang nagbibiruan. Nasanay siya sa dati niyang trabaho na maingay. Ano pa nga bang aasahan doon sa dati niyang trabaho? E maingay talaga kapag bar. Nag-focus na lang siya sa pagbabasa kahit na wala siya gaanong maintindihan. Paano ba naman ay English ang training materials. Pero Thai language ang line niya. Habang abala sa pagbabasa sina Sukan at Kyla ay tumunog ang access ng glass door at bumukas ito. Iniluwal nito ang isang may katangkarang lalaki. Nang pumasok ito sa loob ng opisina nila ay nagsilingunan ang lahat. Kahit pala busy ang mga ito ay makukuha rin ang atensyon nila. Nagbulung-bulungan pa ang mga ito pagpasok ng lalaki. Bahagya nitong hinawi ang may pagka-wavy nitong buhok. Nakaputi itong long sleeve at gray na pants. Kung titingnan ay tila isang basketball player ito. Ganoon kasi ang datingan ng hubog ng katawan ng lalaking ito. Malaking bulas 'ika nga ng iba. May suot itong silver na relo at naka-black leather shoes. "Good morning Guys!" bati nito sa mga tao sa loob ng opisina. Ngunit kahit bumati na ito ay hindi man lang ito ngumiti. Bumati lang talaga ito. Wala rin namang sumagot sa mga ito. Dire-diretso ito sa upuan niya at nagbukas ng laptop na nasa desk nito. Palingon-lingon naman si Sukan dito. Marahil ay curious siya kung sino ito. Base sa suot nito ay mukha itong boss. Pero nakaupo lang ito sa station ng mga agents kaya naman puwedeng empleyado lang din ito. Nang magsimula itong magtrabaho ay inalis na niya ang paningin niya rito at nagpokus na rin sa nirereview niya. Seryoso rin naman sa pagrereview si Kyla. Hindi nito pinansin ang dumating na lalaki dahil seryoso ito sa pagmemorya ng mga lesson nila. Nagpatuloy ang training nila at tinuruan sila ng mga katrabaho nila. May pagka tamad kasi ang trainer nila bukod sa lagi daw itong late sa work. Mahilig pa itong tumambay at maglaro sa telepono. Ang bali-balita pa nga ay nagkakasino ito sa cellphone nito. Naalala pa ni Sukan ang sabi niya sa interviewer niya na ayaw niya ang mali-late kaya siya laging maaga. Ayaw niya kasi ung palaging nagmamadali sa trabaho tapos hingal na hingal pagdating sa opisina. Pero kung ganito ang trainer nila ay naisip niya na sana ay hindi siya maapektuhan. Pakiramdam nila ay napakahaba ng oras nila. Nakakainip din kahit papaano. Pero medyo gumaan na ang pagrereview niya. Nasanay na si Sukan magbasa ng tungkol sa airlines, hilig niya rin kasi ang pagbabasa. Ang pinagkaiba nga lang ay novels ang binabasa niya at hindi lesson. Sa sobrang tamad ng trainer/TL nila ay pinag-coffee break muna sila. Alas-diyes pa lang ay parang tanghalian na. Muntik na ngang makatulog si Kyla sa binabasa nito. "Let's take some coffee?" yaya ni Sukan kay Kyla. "Sure." ini-lock nito ang screen ng laptop niya at sabay silang nagtungo sa pantry para magkape. Nang makarating sa pantry ay agad na kumuha ng kape si Sukan habang inilalabas ang saloobin niya. "Why our TL is so lazy. You know what? I don't think I've learned anything." saad ni Sukan kay Kyla. "What do you expect. He's not even teaching us." segunda naman ni Kyla. "But let it be. Maybe because it's our first day. We'll see tomorrow and the following days. Let's enjoy our free time for the meantime." suhestiyon naman ni Kyla sabay tawa nang malakas. Tama naman sila. Paano nga ba na may matututunan sila e hindi naman nagtuturo ang team lead nila. Pero katulad ng sinabi ni Kyla ay baka ngayon lang ito kaya okay lang na petiks muna sila. "Oh. Let's go." mahinhing saad ni Sukan. Tila nadismaya pagkakita ng oras. Paano ay ang bilis ng oras na parang wala pa sila masyadong napag-uusapan ay time na agad. May inis pa sa tono ng pagkakasabi ni Sukan. Saglit lang silang nakapagkwentuhan at bumalik na rin sila agad sa ginagawa nila dahil 15 minutes lang talaga ang coffee break nila. Pero dahil sobrang sipag ng TL nila (Sa kabaliktaran lang) sinabi nito na bumalik sila after 30 minutes. Ang totoo niyan ay si Sukan ang nagyaya na bumalik na para makapag-review sila. Ay katulad kanina ay bored na naman silang dalawa dahil bukod sa nakabibinging katahimikan ay wala silang maintindihan sa binabasa nila. Paminsan-minsan ay nagtatanong siya kay Kyla. "What's this?" tanong niya rito habang pilit na iniintindi ang nakasulat na hindi niya maintindihan. "Oh, that one is for restriction when you ride a plane." tatango-tango naman si Sukan. Halos iilang minuto pa lang silang nagbabaasa. "Okay, guys! Lunch break!" announced ng TL nila na napakasipag. Makalipas ang ilang oras ay pinag-lunch break na sila. Mga dalawang oras ang ibinigay na oras sa kanila. Parang wala pa rin namang naituro sa kanila ang TL nila kung hindi ay ang magbasa nang magbasa. Mahaba habang araw ang training kakabasa pero masaya. Masaya para kay Susie. Kahit na kabado siya dahil may mga termino na bago sa kanya. Napansin din naman niyang kabado din si Kyla dahil pareho silang bago sa linyang ito. Dati nang nag customer service si Kyla. Halos 8 taon na siya sa linyang ito. Hindi na rin siya bago sa lugar na ito dahil nakapagtrabaho na rin siya sa bansang ito ng 2 taon. Kaya lang ay palaging sa banko siya nakapapasok. Ngayon ay sa airlines naman kaya medyo nahihirapan siya. "Let's go. Let's eat downstairs." yaya naman ni Kyla kay Sukan. Tumango naman ito sa kanya at magkasama silang nagtungo sa mga kainan sa ibaba. May mga restaurant na nakapalibot sa kanila sa ibaba ng opisina. At doon sila nagpunta para kumain. Fried chicken and gravy ang inorder ni Kyla at vegetables and ice lemon tea naman ang kay Sukan. Kaya naman kung titingnan ito ay may kapayatan naman ito. "I'm thankful that I've met you." saad ni Sukan sa kaibigan na nakikilala pa lamang dito. Ngunit nakagaanan na niya ito ng loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD