Kasalukuyan siyang nakikipag-usap sa HR nang sumilip muli ang babae sa kwarto. Nagpaalam ito sa kanya na mauuna na pero mukhang hindi narinig ni Sukan. Inulit ito ng babae ngunit mahina yata talaga ang pagsasalita nito. Mabuti na lang ay mabait ang HR at ito na ang nagsabi sa kanya.
"Your friend wants to say goodbye to you," parang nagulat naman si Sukan kaya nagpaalam na lang rin siya rito.
"Oh, bye!" sambit niya sabay ngiti nang pagkaganda-ganda. Nginitian lamang siya nito pabalik at nag-wave saka umalis. Naiwan naman siya na kausap pa rin ang HR tungkol sa application niya.
Lubos ang kasiyahan niya na natanggap siya sa trabaho. Hiniling niya na sana ay magtagal siya rito para naman makapag-ipon siya at makuha na niya ang mga anak niya.
“Congratulations again and you may start the training tomorrow. You can directly go to the training.” sabi ng Hr sa kanya.
“Thank you so much.” nang matapos ang pag-uusap nila ng Hr ay nagdesisyon siyang umuwi na ng bahay. At dahil natanggap siya sa trabaho ay nag-grab car na siya para mabilis siyang makauwi. Kailangan niyang maghanda ng sarili niya para bukas. Kailangan niyang maging matatag. Hindi lang para sa sarili niya. Kung hindi ay para sa mga anak niya.
“Good morning, Self!” sambit niya sa sarili niya saka nag-inat ng mga braso niya.
Nagising siya nang mas maaga kinabukasan kaysa sa usual na gising niya. Dahil first day niya ay kailangang may energy siya. Naghanda siya ng almusal at kumain bago pumunta sa trabaho. Simple lang ang breakfast na ginawa niya. Light lang para sa first day of work. Excited na siya.
Medyo kinakabahan kasi totally new sa kanya ito. Hindi niya alam if makakaya ba niya ang mga pag-aaralan sa training or hindi. Pero buo na ang loob niya. Ano man ang mangyari kakayanin niya ang lahat.
“Okay, this looks perfect.” bulong niya. Isinuot niya ang white blouse niya na may raffles sa v-neckline at sa sleeves nito. Nag-black skirt siya at black stiletto. Nang handa na siya ay nag-book na siya ng grab car at hinintay na dumating ito. Mabilis lang din namang nakarating ang sasakyan. Hindi na siguro masamang mag-grab car siya sa unang araw ng trabaho niya para hindi siya haggard ‘pag dating ng office. Mabagal lang ang takbo ng grab driver. Sobrang aga pa naman din kasi. Wala pang masyadong sasakyan at wala pang traffic.
“Thank you.” sabi niya sa driver pagbaba niya. Uso naman ang payment online kaya hindi na niya kinailangan pang maglabas ng cash para magbayad sa driver.
Pagdating ni Sukan sa opisina ay wala pang ka-tao-tao. Naghintay na lang siya sa lobby ng opisina. Sinabihan kasi siya na pumasok ng alas-nuebe ng umaga kaya naman alas-otso pa lamang ay nakarating na siya ng opisina. Ayaw niyang pumangit ang impresyon sa kanya.
‘Ika nga nila, first impression last’. Matapos ang dalawang oras na paghihintay ay dumating din sa wakas ang trainer niya. Agad siya nitong pinapasok siya sa loob ng office na akala niya ay training room lang. Ito na pala ang operation floor nila. Nagulat pa ang trainer at napakaaga niya.
You’re so early today.” sambit ng trainer niya na sa tingin niya ay gay.
Kinakabahan na naman siya. Parating ganoon ang nararamdaman niya lalo pa kapag may mga taong nakapapansin sa kanya. Lalo pa kung hindi niya ito kilala. Ngunit nawala ang kaba niya nang makita niya ang babae na nakausap niya kahapon sa interview. Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Natuwa siya dahil may kakilala na siya sa opisina.
"Good morning!" bati ni Sukan nang masiglang-masigla ngunit may lambing ang tono. Ganoon talaga ang boses niya. Malambing na mahina. Kulang na lang ay isigaw ang lahat ng sasabihin para marinig siya ng mga tao.
"Hi! Good morning, how are you?" balik na bati naman ng babae sa kanya sabay ngiti rin naman nito. Mukhang palakaibigan ang babae na ito at madali pakisamahan.
"Have you been here since earlier? I didn’t see you. Where did you stay? Me, I was there in the lobby. I thought you belong to a different project.” sunod-sunod na sabi niya. Hindi naman alam ng babae kung alin ang una niyang sasagutin sa dami ng sinabi nito. At muli itong nagsalita. Hindi pa pala ito tapos.
“I’m glad we’re on the same project. We can go together to the training. I arrived at nine. How about you?" hindi rin naman mapigilan ang pagkadaldal ni Sukan kapag close na niya o kakilala na ang isang tao. Ang akala mo ay hindi mauubusan ng kwento. Although madaldal siya ay nahihiya pa rin siya dahil hindi siya ganoon kagaling mag-English. Paminsan ay nakapagsasalita siya ng Thai. Saka lang niya nare-realized kapag hindi na siya naiintindihan ng kausap niya.
"Oh... really? You’re so early.” sagot naman ng babae.
“It’s nice to know that we’re on the same training. I also thought that we needed to be early. Well, that's nice though!” sabi pa nito.
“The hr also told me to be here at nine but the TL said it’s okay to come at ten. I instead follow what the hr said. I came in at ten but this trainer came past ten.” may pagkainis pang sabi ng babae dahil napaaga siya ng pasok sa trabaho. Sa halip na ipinahinga pa niya sa bahay ang isang oras.
“By the way, what’s your name?” tanong ng babae. Naalala kasi nito na hindi pala sila nakapagkilanlan sa pangalan.
"I’m Sukan. Sukan Chen," pakilala ni Sukan sabay abot ng kamay rito para makipag-hand shake.
"I’m Kyla. Kyla Martinez," sabi naman ni Kyla sabay ngiti at abot ng kamay ni Sukan.
"Nice meeting you!" hindi maalis ang ngiti ni Sukan sa babae.
Isang Filipino Nationality naman si Kyla. Hiring ang airlines ng iba’t ibang nationality. Kaya naman, hindi importante kung hindi magaling si Sukan mag-English dahil Thai support ang pinasukan niyang trabaho. Samantala, Filipino and English Support naman si Kyla. Pareho lamang naman sila ng gagawin magkaiba nga lang na lengguwahe.
"Nice meeting you too!" nakangiti rin namang sabi ni Kyla sa kanya. Magaan ang pakiramdam niya rito at sa tingin niya ay magkakasundo sila nang mabuti.