Seen-Zoned

304 Words
Ngayon ko lang natapos ang tula ko para kay Riz. Medyo nahirapan ako. Matagal-tagal na rin nang huli akong sumulat ng tula. Nanibago ako ngayon kasi ang tema ay pag-ibig. Dati-rati, kalikasan at musika lang ang tema ng mga tula ko. Ngayon, iba na. Sana kiligin nito si Riz: INIIBIG KITA Iniibig kita, aking sinta Totoo, maniwala ka sana Aking puso, ikaw ang laman Sa umaga, maging gabi man. Ngiti mo sa isip ko tumitimo Ang puso ko kalabog ay todo. O, Riz.. mahal na mahal kita Hindi si Dindee, ikaw talaga Hindi kami, hindi naging kami Sa iyo ako totoong nabighani Kaya, paniwalaan mo sana ako Si Red ito, pagmamahal, totoo. Corny man, pero okay na. Gagawin ko ang lahat, kausapin niya lang ako at muling pagtuunan ng panahon. Gusto kong ibalik ang dati niyang paghanga sa akin upang mas madali ko na siyang maligawan. Hindi na ako magpapakatorpe pa. Hindi ko na rin kailangang ang mga alalay dahil may sarili naman akong isip at diskarte. Siguro ay mas matutuwa si Riz, kapag effort ko talaga ang makikita niya. Hindi na ako nag-atubili pa. Sinend ko ang tulang ito sa sss niya. PM sent. Naghihintay na lang ako ng violent reaction niya. Ilang minuto lang, nabasa na niya. Kaya lang, no comment siya. Na-seen-zoned ako. Nakakalungkot. Hindi man lang nagpasalamat o kahit nagalit. Walang reaksyon. Puta! Ano na lang ba ang gagawin ko para mapagsalita o mapag-comment siya? Pakipot na si Riz. Hindi na siya ang dating Riz... Bakit kaya hindi na lang niya ako diretsahin. Kung ayaw na niya sa akin, e, 'di sana sinabi niyang taken na siya. At ayaw niya ng nililigawan siya dahil magagalit ang ogag niyang syota. Kaso, hindi niya sinabi iyon. Kung masama lang akong mag-isip, baka inisip ko pang gusto niya lang akong i-two-time. Bahala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD