Letter H - Puzzle Game #1
Kate
Isang nakakainis na pag-vibrate ng cellphone ang umalimpungat sa mahimbing kong pagtulog. Binuksan ko naman ito at nakita ang ilang messages ni Aira. Saka ko lang natandaan 'yung huli naming pag-uusap kaya bigla akong napabangon.
"Kailangan nating pumasok ng maaga bukas para hanapin 'yung libro. Sigurado akong nandoon lang din 'yun kung saan ko nakita 'yung unang libro." seryosong wika nito sa akin, kaya't di na ako nag-atubiling tumango.
"3:30AM, bukas."
Sh*t! Anong oras na ba? Tinignan ko naman ang nasa upper right part ng cellphone ko kung saan nakalagay 'yung oras.
Nagitla na lamang ako sa nakita. Fvck! 3:37AM na. Mabilis akong kumaripas sa banyo para maligo.
-*-
Una kong nasilayan si Aira na nakaupo sa mahabang bench, hawak-hawak niya ang kanyang cellphone at animo'y naghihintay ng reply rito. Agad ko naman siyang nilapitan para makakuha ng pansin, napatingin naman siya sa akin at binigyan ako ng isang ngiti. Bigla kong natandaan na mag-aalas kuwatro na kaya mabilis akong nagpaumanhin.
"Sorry," patawad ko rito habang bahagya pang yumuko.
"Ano ka ba? Okay lang 'yon." aniya habang inaangat ang ulo ko, "Ako kaya ang nang-abala sa 'yo. Tara na sa library,"
Nagsimula na siyang maglakad, at sinimulan ko na rin na sundan siya. Hindi ko pa gaanong kabisado ang pasikot-sikot dito kaya nakabuntot lang ako sa kanya.
Ilang sandali lang ay nakarating na rin kami sa loob ng library. Malaki ito at napakaraming book shelf na nakahilera. WiFi zone rin ang library na ito at airconditoned din. Kahit na ganito kaaga ay may librarian na na nakabantay dito. Marami na rin akong nadatnang mga guards at mukhang 24/7 ang school na 'to.
"Dito 'yon," wika ni Aira habang tinuturo niya sa akin 'yong book shelf kung saan niya nakita 'yung libro.
Napaluhod naman siya upang maging ka-level niya 'yung mga libro na nasa ibaba. Isa-isa niya itong tinitingnan saka nakita ko nalang na may isang libro na siyang kinuha at nakumpirma kong ito na 'yung tinutukoy niya nang siya'y ngumiti.
"Finally," wika pa niya habang pinupinasan ang libro. Obviously, puro alikabok na ito na pwede nang sulatan gamit ang daliri.
Humanap muna kami ng magandang pwesto at doon sinimulang basahin ang libro. Napatigil kami sa pagbuklat ng front page nang biglang may pumasok sa pinto.
"Bakit kayo nandito?" nagtatakang tanong ni Aira.
"May isasauli lang kasi si Gemryll, sinamahan lang namin ni Cha," sabi 'nung isa sabay kamot sa ulo. "Saka magre-review na rin sana kami dito ng sabay-sabay, magandang bonding kasi 'yon e."
"E kayo, ba't kayo nandito?" tanong naman nila sa amin pabalik.
"May importante lang kaming gagawin." sabi naman ni Aira habang pilit niyang tinatago ang libro.
"Ano 'yon?" sabi ni Sean at napakunot pa ang noo, "Sabay na kami sa inyo,"
Aira
Napakamot nalang ako sa ulo sa sinabi ni Sean sa 'min, naman!
Napatango nalang ako sa sinabi niya at hinayaan ko nalang silang makisali. 'Pag nagkataon baka maghinala sila sa 'min ni Kate at mapagbintangan pa kami. Halos mapapikit na lamang ako ng ilabas ko ang libro.
"Ano 'yan?" tanong ni Gemryll habang nakatingin doon sa libro.
"This is our university's confidential." sagot ko sa kanya na halos pabulong na lamang, dahil may ilang estudyante na rin ang nandito sa library.
"Confidential? Edi dapat private 'yan kasi puro secret infos ang nandiyan." wika naman ni Charlize.
"Yes it's private and full of secrets. Pero buhay natin ang nakataya dito. Nandito kung paano matigil 'yong sumpa na 'yan." usal ko sa kanila, nanlaki naman ang mga mata nila.
"Yes, at tingin ko nagsimula na ang salarin kahapon lang." wika ko habang tinitingnan sila.
Sabay-sabay kaming nagbuklat ng libro. Nasa ikalawang pahina na kami at mayroong message do'n sa ikalawang page ng book.
"The alphabet killer is behind the alphabet letter?" nagtatakang tanong ni Charlize.
Ibinaliwala nalang namin ito at naglipat ng pahina. May isang artikulo do'n tungkol sa unang batch ng sinasabing sumpa.
Nagsimula ang p*****n sa room ng isang unibersidad, ang Techno-Archeology of Knowledge. Lingid sa kaalaman ng iba ay tapos na ang sumpa ngunit pinasa niya ito sa kanyang anak. Kaya nang mag-aral ang kanyang anak at nang makatuntong ito sa 4th year highschool ay ginawa niya rin ito. Ang Unibersidad ng Timog Akademiko ng Kabite ang naging paaralan niya noon, at sa kasamaang palad ay iisa lamang ang nakaligtas. Malaki ang posibilidad na muli itong mangyari sa paaralang may T, A, at K sa pamamagitan ng anak nito.
Nahinto ang aking pagbabasa nang maramdamang nag-vibrate 'yung cellphone ko.
From: Unknown
Wag ka ngang magpakaduwag diyan! You want me right? Nasa canteen lang ako. We're having a puzzling game.
Napatayo ako nang mabasa 'yung text kaya't napatingin sa akin sila Kate.
"I gotta go," wika ko at tinitigan ko sila ng lahat, "Ingatan niyo 'yang libro."
Akmang aalis na ako ngunit may hunawak ng kamay ko.
"Sasama ako," boluntaryo ni Kate
-*-
Pawisan kaming nakarating sa canteen dahil tinakbo lang namin ito. Wala na kaming panahon pa para maglakad lalo na't may klase pa kami mamaya.
Tumambad sa 'min ang pintuan ng canteen, at nakakita ako ng isang notepad na malapit sa door knob nito.
Puzzle #1
You're too boring, I need some spice if you want me!
Naiinis kong kinuha ang papel at pinagpupunit-punit ito. Alam kong gusto niya ng laro, larong gugulo sa utak namin. Sinubukan kong intindihin ang nakasulat doon sa papel at ilang sandali lang ay mukhang na-gets ko na ang tinutukoy niya. Since nasa canteen kami, nandito lang din ang sagot, at maaaring nandito lang din siya.
Pumasok na ako sa loob ng canteen at isa-isang hinahalughog ang bawat lugar. Wala namang magawa ang cook na nasa gilid na para bang takot mawalan ng trabaho.
20 minutes na kaming nandito at mukhang wala pa ring nangyayari. Napamura na lamang ako ng sunod-sunod nang matandaan ang nakasulat doon sa note.
You're too boring, I need some spice if you want me!
Sh*t! Ibang spice pala ang tinutukoy niya! Mabilis naman akong pumunta doon sa lagayan ng mga maaanghang na junkfoods at nakita ko ang isa pang papel na nakadikit sa gilid.
Napatingin naman ako doon kay manang na cook na takot na takot. An idea struck me.
"Manang, may nakita po ba kayo ditong pumasok na naglalagay ng kung ano dito?" tanong ko doon sa manang na halos manginig-nginig na.
"M-mayroon p-po, s-sir. Ay! Ma'am." napailing na lamang ako sa sinabi niya. She's very nervous!
"S-sino?" tanong ko rito.
"N-nakamaskara po kasi e, saka nakaitim na j-jacket. N-nakita ko rin po na kumikinang din po 'yung kwelyo niya. K-kaya 'di ko na pinakialaman pa 'yung mga pinaglalagay niya," napahaplos na lamang ako ng aking sentido sa sinabi niya.
Binalik ko na rin ang atensiyon ko doon sa papel.
Puzzle #2
'Find me where I am,
I give knowledge and superiority,
And has advanced technology'
Nagkatinginan na lamang kami ni Kate, iisa lang ang naiisip namin.
"Sa Computer Lab,"