Letter G - Crimes

826 Words
Letter G - Crimes Aira Isang manipis na tali ang sumalubong sa mga mata ko. Isang titig at sulyap ko palang ay mayroon na akong nabuong hinala. It's a set up! S-in-et up lang 'to ng salarin para may ibang inosenteng sisihin. A tricky game, huh? Kitang-kita naman 'yung tali na nakasabit sa ceiling, kahit na medyo may kanipisan ito, sa palagay ko doon sa edge na 'yon nakatali yung kutsilyo at ni-release ito sa tamang tiyempo at timing. Bigla kong naisip kung ano ang dapat kong gawin. Agad kong tinignan yung mga murder weapons, yung mga kutsilyo. Tinignan ko itong maiigi and I found it. Nandito pa yung mga kakaunting piece ng tali na nagpapatunay na isa 'tong setup lamang! Mahirap malaman kung sino ang nasa likod nito. Kasi alam ko namang matatalino ang mga estudyanteng nandito, at lahat sila ay kayang gumawa ng pambihirang setups. Someone Hindi ako mapakali habang tinitignan si Aira na para bang may mga ideya na at tinatagpi-tagpi na ang mga pangyayari. Hindi ako pwedeng tumayo at manood lang, kailangan may gawin ako para sa iba mabaling ang atensiyon nila, hindi sa pag-iimbestiga. Palihim kong in-operate ang projector at laptop, at nag-set ng timer para bumukas ito. Kailangan hindi ako magpamanipula sa kanila, dapat ako ang kokontrol sa bawat galaw nila. I'm the captain here. Kate Kahit na napakaingay na namin sa loob ay halos wala pa ring nakakarinig mula sa labas. Marahil na rin siguro na soundproof ang classroom na ito, dagdag pa na walang bintana at nakasara ang pintuan. Natigil ang lahat nang biglang may nag-flash sa screen. Isang foreign word. DÈCÈS Nabalot ng katahimikan ang room dahil na rin sa takot at kyuryusidad. Nakatitig pa rin kami doon sa lumabas sa screen projector. Nakita kong tinuon ng mga kaklase ko ang kanilang paningin doon sa isang lalaki. "What's that word, Kyle Aris Bannha?" seryosong tanong ni Tess, habang nasa likuran niya naman si Aira na seryosong nakikinig din. "Death," ani ng isang taga-ibang bansang guy na nasa likuran. Iba kasi yung hubog ng mukha niya compare sa atin. Napapalibutan din siya ng maninipis na balbas. I think his country is around in middle east. "That's the English of dècès, a Latin and French word." Napailing na lamang ako no'ng sinabi 'yon 'nung lalaki. Bigla na lamang akong napaupo sa malapit na upuan at napahaplos na lamang ako ng sentido. Pumaikot-ikot sa utak ko at pilit na rumerehistro rito ang nangyari kanina. Nanatili akong nakatayo at mistulang naging yelo nang maramdaman ang pagbulong nito sa akin. "Death," mahinang banggit niya na nakapagpatayo ng balahibo ko, pagkatapos ng mga katagang iyon bigla na lamang siyang tumakbo papalayo. Nabalik ang diwa ko nang bumaba sina Aira at Tess marahil sila ang namumuno sa klase. Nanatili lang akong nakaupo. Lahat kami ay nasa kanya-kanyang puwesto at iba-iba ang ginagawa; 'yung iba'y natataranta na halos lumandas na ang luha sa mga mata nila, may nagce-cellphone na para bang walang nangyari, at 'yung iba naman ay tahimik lang na napatingin sa paligid nila. Hindi sila makapaniwala. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na sila Tess at Aira, nahimasmasan naman kami sa sinabi niya. "Class dismissed muna tayo guys." sabay dampot ng handbag niya sa upuan. Kyle Umalis na ako sa room para pumunta na sa tinutuluyan kong condominium. Nakakatakot 'yung nangyari kanina, like hell! Parang nasa impyerno talaga kami kanina. Puro iyak at hagulgol lang ang maririnig mo. I hate seeing people crying. I felt pity for them. Medyo wala pang gaanong tao no'ng umalis kami sa school siguro dahil nasa kani-kanilang room sila lahat at nagkaklase. Mukhang mapapaaga ang commute ko. Yeah, I don't have car. Nakakahiya mang sabihin pero 'di ako marunong mag-drive, na-thrauma ako noon 'nung bata pa lang ako. Both of my parents died in a car accident, ayaw kong magaya sa kanila. I know it's uncool, pero ayos lang, as long as I'm safe. While I was walking I heard something around me. Yung tipong parang may nasunod sa akin, nakakailang lingon at balikwas na rin ako ng tingin. - Bumaba na ako doon sa sasakyang pinag-commute-an ko dahil malapit na rin naman ako sa condo. Pero katangahan nga naman, 'di ko sinasadyang maapakan ang sintas ng sapatos ko kaya naghanap ako ng malilim na lugar. Hindi pa gano'ng subdivided ang lugar na ito kaya marami pang puno sa paligid, at kakaunti pa lang ang mga bahay at mga tao. So I go in that tree. Para naman kahit papaano'y makasinghap ako ng sariwang hangin matapos 'yung nangyari kanina. But in that moment I feel a cold sharp steel in my cheeks, and it slowly cuts my face and make it deepened. Pagkalingon ko, the killer reveals in front of me. Nakaitim ito na jacket at mayroong puting maskara. "Y-you are t-the killer!?" I slightly talked the killer even it was hard for me to speak. "Yes, and that's all!" and the killer grabs the knife and quickly stabbed me in the chest. Someone "You're so unlucky!" dagdag ko kahit alam kong hindi niya na 'yon naririnig. "Bye, poor boy!" sabi ko habang hinihila ko yung bangkay niya papalayo. Pagkatapos no'n ay marahan kong tinanggal ang guwantes na suot ko at mahinahong umalis sa punong 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD