Letter F - Bloody Riddles

1071 Words
Letter F - Bloody Riddles Kate Sinabi sa amin ni Ma'am Estacio na maglalaro muna raw kami ng logic games bago magklase, energizer nga kung tawag niya. Hindi ko maiwasang hindi matandaan ang school ko dati, nagbibigay rin sila ng kung-anong energizer sa amin. Minsan nga'y pinapasayaw pa kami. Masaya noon, kaya nagsisisi ako kung bakit pa ako lumipat dito. Mayamaya'y igrinupo na kaming lahat na may tig-lilimang members. Minalas pa na hindi ko kagrupo si Aira at sa halip ay naging kagrupo ko pa 'yong si Justin. Napaayos na ang lahat nang marinig ang boses ni ma'am. "First to score three points will win the match, at kung sino ang mananalo ay magdadagdag na lang ako ng additional points para sa periodical test natin." Napatingin ang lahat sa projector nang biglang may nag-flash dito. Riddle #1 There was an ancient invention, still used of some parts of the world today, that allows people to see through walls. What is it? Napalingon ako, halos ako nalang yata ang hindi nakataas ng kamay. Nakakahiya. "Aira," turo ni ma'am kay Aira na siya siguro ang unang nakapagtaas ng kamay. "Glass," ani Aira habang nakatuon pa rin ang kanyang paningin sa projector. "Correct," pagkumpirma ni ma'am saka muling may nag-flash sa projector. Riddle #2 Next, a man pushed his car, he stopped when he reach a hotel at the point he knew he was bankrupt. Why? As it happened earlier. Mukhang ako na naman ang napag-iiwanan. Nagulat naman ako na katabi ko pala 'yong unang nagtaas ng kamay. "Because he's playing monopoly," sagot 'nung Justin na para bang kinakalikot pa ang kuko nito. "Correct," as usual, may nag-flash na naman sa screen. Riddle #3 Think of it. You are in a room, In a room there's no window, no door, and no other way to escape. How would you go out of that room? Napangiti naman ako dahil alam ko ang isang 'to. Nakakahiya rin naman kung manalo kami at wala akong nagawa. Tataas pa lang sana ako ng kamay ng biglang tinuro ni ma'am kung sino ang nauna. Tiyumempo naman na kagrupo ko ulit ang nakasagot. "Stop thinking." banggit naman ni Tess atsaka nagpakawala ng isang magandang ngiti. Sa kasagsagan ng aming paglalaro, ay natigil ang lahat nang makita ang isang babae na nakatayo mula sa labas ng pinto. Sa hilatsa at galaw nito ay parang mayroon itong hinihintay o inaabangan sa loob ng klase. Kapansin-pansin din na nanginginig ang kanyang kamay buhat ng pagkakaba dahil siguro kaharap niya ang mga estudyante na nasa espesyal na seksyon. Mayamaya ay nagsimula na itong magsalita. "E-excuse me po, m-mayro'n daw pong general teachers' meeting," nangangarag na paliwanag no'ng babae. "Ow, I forgot about it, sorry students, class dismissed muna may meeting pa pala kami." anunsiyo nito sa amin at bahagyang napakamot pa sa kanyang ulo, "I'll add 10 points nalang do'n sa grupo nila Tess since sila ang may pinakamaraming nakuhang scores. I gotta go," Umalis na si ma'am kasama 'yung babae. Nang tuluyan ng nawala si ma'am sa aking paningin ay pinabalik na kami ni Tess sa kanya-kanyang upuan since siya ang Class President. Natigil ang lahat sa kanya-kanya naming ginagawa dahil may sadyang pumukaw ng aming pansin; isang nakakarinding sigaw. "Aaaah!" isang sigaw ng babae ang kumuha sa amin ng atensyon, sa lakas ng kanyang sigaw ay mukhang sa banyo ito galing. Agad-agad itong pinuntahan ni Tess at ni Aira upang tingan kung ano'ng nagyari, may mga ilan ding sumunod na kalalakihan dito at hindi ko rin matiis na makitingin din. Unang hakbang ko palang ay lumalakas na ang komosyon kaya lalo akong na-curious para tingnan kung ano ito. Napatakip ko na lamang ang aking palad sa bibig ko upang hindi makagawa ng kung anumang ingay. Nakakakilabot ang aking nakita; isang babaeng matangkad na may saksak na tatlong kutsilyo sa tuktok ng kanyang ulo kung saan naroroon ang kanyang utak. Unti-unti ay may dumadanak na dugo galing sa bibig niya. Bahagya pa itong nakakagalaw ngunit 'di nagtagal ay nawalan din ng malay. Kahit 'di ko siya kilala ay namumukhaan ko ito, at alam kong kaklase ko rin siya. Dagdag pa na parehas kami ng uniporme. "Sino naman ang gumawa niyan?" "Kadiri," Sari-sari ang mga lumalabas na salita mula sa bibig nila. Ang iba'y natatakot, at natataranta. Mukhang ito na ang simula. "Buti nga sa kanya 'yan." nilingon ko kung sino ang nagsalita, sa pagkakaalam ko Clarisse ang pangalan nito. "Malandi kasi, bitches go die!" Napailing na lamang ako sa sinabi niya. Mayamaya'y may isang babaeng lumapit sa 'kin at tinitigan pa ako ng masama. "Aha! Kabago-bago mo palang dito pumapatay ka na!" Halos manginig ang buong katawan ko sa sinabi niya, kaya mabilis akong umiling. "Tingnan mo, kinakabahan ka! Ibig-sabihin totoo!" dagdag nito habang humahakbang papalapit sa akin habang ako naman ay humahakbang papalayo sa kanya. Napatingin ako sa buong paligid at pansin kong nasa aming dalawa ang atensiyon ng buong klase. Halos naging yelo na lamang ako at 'di mapigil ang pagtagaktak ng aking pawis ng makitang hinugot nito ang kutsilyong nakabaon sa ulo 'nung babae kanina at tinapat ito sa akin, ngunit isang sigaw ang nakapagtigil sa kanya. "Stop that Camila!" sigaw ni Tess kaya nabitawan 'nung babae ang hawak niyang kutsilyo. Nagsimula na ring magsalita si Aira, "And I'm with her all the time so shut the f**k up!" "Base in my inspections in victim she gets an head damage, so may possibility na matangkad ang sumaksak sa kanya since she's a tall girl. Saka alam naman nating Jenna Marie Atienza is a taekwondo player. And we know na may tinuturo do'ng self defense.'' dagdag ni Justin. Naramdaman ko namang tumahimik ang lahat sa sinabi nila. Mayamaya pa ay sinisi ng iba si Sean dahil siya ang pinakamatangkad sa room. Aira 1 of our classmates died, dagdag pa na letter A rin ang unang letter ng apelyido niya. Hindi ko alam kung coincidence lang ito o ito na ang simula ng sumpa na 'yan! Nakita kong sinubukan pang sisihin ni Camila si Kate sa pagkawala ng kanyang best friend, kaya ayan siya ngayon iyak ng iyak. Bintang kasi ng bintang. Ngayon naman ay sinisisi nila si Sean dahil siya lang ang may enough height para gawin 'to. Nalaman ko rin na si Jenna palang ang unang pumasok ngayong araw sa Comfortroom kaya imposibleng si Sean 'yon. Habang naglalakad-lakad ako kung saan naganap ang crime scene ay iniisip ko kung paano nasaksak ng gano'n gano'n lang si Jenna, ang alam kasi ng lahat na siya ay magaling na taekwando player. Tama si Justin, for sure may itinuturo doong self-defense. Habang nag-iisip ako ng malalim sa nangyaring krimen, ay may nawari akong kakaiba. Napatingin agad ako sa ceiling at bumulagta sa akin ang isang bagay. That's it! Hindi si Sean ang pumatay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD