Letter E - Revelation

945 Words
Letter E - Revelation Third Person Halos 'di mabilang ang pagpintig ng puso ni Kate dahil sa kaba. Hindi niya inaakalang may mas malalim pa palang panghuhugutan ang kanyang mga nakita't naranasan. Hindi niya akalain na konektado ang lahat ng mga nangyayari. Kahit na kinakabahan ay lakas-loob itong nakinig sa kanyang kausap. "My thought in the very first place, that this school is known for advance technology and high in knowledge. For it's name Technological And Knowledge University, well it's true but a sudden changes happened after I read the revelation book of this school." wika ni Aira sa kanyang kausap na si Kate, mabilis namang napalitan ang ngiti ng dalaga sa isang seryosong ekspresiyon, "This past few weeks ay lagi lang akong nakatambay sa library dahil sa paparating na monthly exam namin. Expected ko na rin kasi na mahirap iyon lalo na't nasa Sui Generis ang seksyon ko..." Habang nagkukwento si Aira ukol sa pangyayaring hustong bumagabag sa kanya ay hindi maiwasang magbalik-tanaw ang isip niya. Habang sinusubukang kuhanin ni Aira ang librong nais nitong basahin upang makapag-aral sa gaganaping pagsusulit, ay 'di sinasadyang napukaw ng kanyang paningin ang bahagyang nakabukas na drawer na nasa paanan lamang nito. Dati pa ito nakikita ng dalaga ngunit ngayon niya lamang ito napagdiskitahang pakialaman, lalo na't nag-iinit na ngayon ang kanyang kyuryusidad. Bumungad sa dalaga ang isang nakasiksik na libro. Alam niyang may kung anong nakasulat dito ngunit 'di niya man lang ito mabasa dahil sa kapal ng alikabok na tumatabon dito. Upang maging klaro ang lahat ay pinunasan ni Aira ang libro gamit ang kanyang palad. Bagama't 'di siya sanay na narurumihan ang kanyang kamay ay nagawa niya ito dahil sa kyuryusidad na bumabalot sa kanya. Nang maglaon ay isa-isa niya nang nakikita ang mga letra na animo'y naglilitawan sa kada punas. Nang maging malinaw na ang lahat ay agad niya itong binasa. "T.A.K. confidential?" tanong ng dalaga sa sarili na para bang hindi makapaniwala na may sikreto ang kanyang pinapasukang unibersidad. May ilan pang nakasulat sa ibabang bahagi nito kaya agad niya itong binasa. "Written by J.D.S.," Nagsimula na ang dalagang buklatin ang libro nang marahan upang kahit papaano'y walang magawang ingay. Hindi na rin ito humanap pa ng isang komportableng lamesa sa halip ay nagbasa na lamang ito sahig. Nagpatuloy lang si Aira sa kanyang pagbabasa kasabay ang pagdiskubre ng sinasabing sikreto ng kanyang pinapasukang unibersad. Wala itong ideya na nakalakip rin dito ang sikretong itinatago ng kanyang seksyon, sikretong punong-puno ng baho at dahas na binurda ng nakaraan. Kate "At 'yun, doon ko nalaman ang lahat, na ang tunay na pangalan ng school na ito should be T-he A-lphabet K-iller U-niversity." Medyo nagtaka ako kaya bahagyang nagkasalubong ang dalawa kong kilay. "Ano namang koneksyon ng alphabet sa eskwelahang ito?" Ngumiti naman siya. "Ayon sa nabasa ko, may isang star section sa naturang school na isa-isa silang pinapatay. Based on their surname alphabetical aranggement." Parang isang tambol ang pagkabog ng dibdib ko, nakaramdam bigla ako ng takot. Ilang sandali pa ay nagsimula ulit siyang magsalita "Sa tingin ko nga ay we're not in a Sui Generis section, we're in a Cursed section." Nagkatitigan na lamang kaming dalawa at nagkaroon ng saglit na katahimikan sa 'ming pag-uusap. Nabasag ito ng sundan ko siya ng isang tanong. "Tapos mangyayari sa atin ang point na 'yun, ang isa-isa nating pagka-ubos?" hindi makapaniwalang tanong ko. "I dont know. Kasi based doon sa book na nabasa ko sa ibang school 'yon nangyari. Pero parehas lang kung sino ang nagmamay-ari ng unibersidad na 'yon, si Lee Gregorio Reyes. May-ari rin ng school natin." Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng room, "Then we will die!" pabulong na sigaw ko, "This not a classroom anymore, this is hell!" Kailanman ay hindi ko pinangarap mamatay. Hindi ko akalain na anumang oras o panahon ay mangyayari 'yon. Letter D is very near from letter A. Sooner ay pupwede akong patayin. Mahal ko pa ang buhay ko, marami pa akong pangarap! Nakita ko namang naisapo niya na lamang ang kanyang palad sa mukha nito. "Hindi ko akalaing malapit na akong mamatay." usal ko sa hangin, napansin ko namang narinig niya ito dahil bahagya siyang napatingin sa akin. "Kung 'yan ang inaalala mo, nagkakamali ka. You're a transferred student right?" tanong nito sa akin kaya naman tumango ako, "Curse started at the very start of this school year, so you're not counted since late na ang pagpasok mo. Baka ikaw ang pinakahuli, you're the last, the final girl." Napalunok na lamang ako ng laway sa sinabi niya, kahit na ako naman ang huling matira ay mamamatay pa rin ako. All students here has the same fate. We're destined to die. Napatigil na lamang ako ng may pumasok na ideya sa utak ko. "Nasa 'yo pa ba ang libro?" pagbalikwas ko ng pag-uusap. "Mayro'n ba do'ng nakalagay para matigil man lang 'yong pesteng sumpa na 'yon?" "Sad to say, putol 'yong nabasa ko. Halatang may ibang details na hindi nabanggit. Kumpleto ang table contents nito pero 'yung content ay kulang." napabuntong-hininga na lamang ito, "Wala na rin sa 'kin 'yung libro, binalik ko lang ito doon sa bookshelf at kinabukasan ay wala na ito. Sinabi ng librarian na may nanghiram daw no'n na isang Sui Generis student din. Kaya may possibility na hindi lang tayo ang nakakaalam tungkol sa sumpa." "Kung putol 'yong libro, ibig-sabihin mayro'n 'yong karugtong." hinuha ko since may alam ako tungkol sa mga libro dahil dating manunulat si mama pero nag-iba lang siya ng trabaho para sa mas malaking kita. "I think so," wika naman ni Aira. Napaayos ako ng upo nang makita si ma'am na papasok ng room. "Bored?" ani ma'am habang pinagmamasdan kami, "I have a energizer by the way," saka naglabas siya ng kung anong papeles sa bag niya at ipinatong ito sa desk. "We will play logic games," wika ni ma'am, napakunot naman ang noo ko. Logic?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD