Letter C - Curse
Kate
Papauwi na sana 'ko papuntang bahay, nang biglang may kumatok sa pinto ng kotse ko. Napangisi na lamang ako kasabay ang palihim na pagkamot ng aking ulo. Sino na naman 'to?!
Ini-scroll ko naman ang salamin at tumambad sa 'kin ang isang gwapong mukha na nakangiti. Maganda ang mga mata nito, matangos ang ilong at may mapulang labi. Pamilyar rin ang kanyang mukha, na sa tingin ko'y kaklase ko ang isang ito.
Bakas sa kanyang mukha ang pagkahapo dahil sa 'di mapigil na pagtagaktak ng kanyang mga pawis. Mukhang hindi sanay ang isang 'to sa init, na mahahalata mong anak-mayaman. Hindi na ako nag-aksaya pa ng laway at tinignan ko na lamang siya; tingin na gusto kong ipahiwatig kung anong ginagawa niya rito.
"Hi?" anito't mabilis na gumuhit sa kanyang labi ang isang malapad na pilit na ngiti, sa tono ng kanyang boses ay parang hindi pa ito sigurado. Kaya't napakamot na lamang ako nang bahagya sa aking ulo.
Sunod naman niyang inilahad ang kanyang kaliwang kamay, na animo'y nakikipag-shakehands. Tinitigan ko na naman ito hanggang sa siya'y magsalita.
"I'm Spike," anito at muling ngumiti, sa pagkakataong ito mukhang tunay na ang ngiti na lumalagi sa kanyang labi. Huminga pa ito ng malalim saka muling nagsalita, "Spike Yelton."
Pumeke naman ako ng ngiti at pilit na inabot ang kanyang kanang kamay, "H-hello, I'm Kate."
Nang magpiglas ang aming mga kamay ay inunahan ko na siya ng ngiti.
"Sige, salamat I gotta go." aniko at ini-scroll ang glass. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan at nagsimula na akong magmaneho. Tanging pagkagulat lang ang huli kong nakita sa kanyang ekspresiyon bago ko ito scroll-an ng salamin.
Habang minamaneho ko ang aking kotse ay nagawi ng aking paniningin ang repleksiyon ni Spike sa side mirror ng kotse ko na tumatakbo, para bang isa siyang bata na iniwanan ng kanyang magulang 'pagkat papasok ito sa trabaho. Kaya agad ko namang hininto ang aking sasakyan.
Lumapit siya muli sa aking kotse, kaya muli kong ini-scroll ang salamin. At nang muling magtagpo ang aming mga mata ay isang hingal na hingal na Spike na ang nadatnan ko.
"Wa-it, l-lang," hinihingal niyang sabi.
Tinaasan ko naman ito ng kilay upang muling manghingi ng kasagutan. Sa pinta ng kanyang mukha ay mahahalatang may gusto siyang sabihin ngunit 'di niya ito masabi dala siguro ng pagkailang o kaya nama'y kahihiyan. Nakita kong kinalma niya muna ang kanyang sarili at humugot pa ng hininga upang magkaroon ng lakas ng loob upang magsalita.
"P-pwede bang makisabay?" tanong nito kasabay ang paglaglag ng kanyang pawis, napakunot na lamang ang aking noo at nakita kong ready-ing ready na siya mag-explain. "My car won't run, and I don't have knowledge in repairing machines. I don't have any driver because I tought I can drive it by myself. And lastly, I don't know how to commute."
Bakas sa kanyang mukha ang kahihiyan no'ng sinabi niya na hindi siya marunong mag-commute. Huminga muna ako ng malalim upang mag-isip, mahirap na kasing magpasakay ngayon ng 'di mo gaanong kilala. Laganap na sa social medias at balita ang mga gano'ng mga modus.
"D-don't worry, wala akong gagawing masama sa 'yo. Ikaw nalang kasi ang nakita kong taga-Sui Generis, na p'wedeng hingan ng tulong." wika niya na para bang nabasa ang inaalala ko, "Pero kung ayaw mo, okay lang."
Akmang aalis na siya pero bigla ko siyang napigilan. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa pero sa tingin ko ay ayaw kong sapuin ako ng sarili kong konsensya, dagdag pa na ang pangit naman tingnan kung hindi agad maganda ang ipapakita ko sa kanya sa unang pagkikita't pag-uusap namin. Ika nga nila, first impression lasts.
Binuksan ko na ang pinto ng kotse sa likuran gamit ang remote nito na siyang ikinalapad ng ngiti niya.
"Are you sure?" pagkukumpirma niya na halatang hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ko, tinanguan ko naman ito.
"Salamat," aniya saka pumasok na sa loob ng kotse.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay pansin ko ang madalang niya na pagpaypay gamit ang kanyang palad, atsaka ko lang napagtanto na dahil 'yon sa aircon. Hindi ko kasi nakasanayang magbukas nito lalo na't nakakaramdam ako ng panghihilo at kung minalas pa'y pagsusuka.
"Ang init," rinig kong bulong nito kaya tinignan ko siya gamit ang kanyang repleksiyon sa salamin na nasa itaas. Basang-basa ang kanyang buhok at pawis na pawis ang kanyang buong katawan dahil na rin siguro ng pagtakbo niya kanina.
"Hindi ako nage-aircon, nahihilo kasi ako." nakita ko ang gulat sa kanyang mukha nang malaman niyang narinig ko 'yung sinabi niya, "Kung gusto mo, buksan mo nalang 'yang salamin para naman may hanging makapasok."
"H-hindi na, I will just take my shirt out." aniya't napalunok na lamang ako ng laway, sinimulan na niyang i-unbutton ang kanyang uniform ngunit napatigil ito at napatingin sa salamin na tinititigan ko kaya mabilis kong binaling ang aking paningin sa pagmamaneho. Isang nakakalokong ngiti ang huli kong nakita sa kanya bago ko ito balikwasan ng tingin.
Habang nagmamaneho ay nagawi ng paningin ko ang tatlong nakaitim na jacket. Sa laki at kilos nila ay masasabi kong sila'y mga estudyante pa. Bigla na lamang rumehistro sa aking utak ang nakita ko sa corridor. 'Yung nakita kong nakasuot ng itim na jacket. 'Yung mga kutsilyo.
-
Binuksan na niya ang pinto ng kotse nang makita ang kaniyang bahay. Hindi na rin niya sinuot ang kanyang uniporme 'pagkat nakasando naman pala ito.
"Salamat," aniya bago bumaba lulan ng aking kotse, ngunit ilang saglit lamang ay narinig ko na naman ang kanyang boses.
"Ano 'to?" duro niya sa kung ano mang parte ng kotse ko. Kaya bumaba ako upang tingnan kung ano ba ang itinutukoy niya.
Bumungad sa mga mata ko ang tatlong kutsilyong nakabaon sa ibabang bahagi ng pinto ng aking sasakyan. Daglian ulit na rumehistro sa aking utak ang isang pangyayari na naganap lamang kanina. 'Yung nakaitim na jacket. 'Yung mga kutsilyo.