Nang makarating na kami sa mamahaling restaurant. Nasa entrance pa lang kami agad na akong hindi mapakali. Mula sa labas kita ko na ang ilang mga tao na kumakain sa loob. Sobrang laki ng restaurant. Naunang pumasok si Rebecca, sumunod naman ako sa kanyang likuran. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa mga tingin ng mga tao sa akin. Nakuha ko ang kanilang atensyon. Nakita kong humahanga sila sa akin. Tiningnan ko naman ang repleksyon ko sa salamin na nasa wall ng restaurant. Hindi ko na talaga nakilala ang sarili ko. Sobrang layo ng itsura ko sa dating Elizabeth na hindi palaayos sa sarili dahil nasanay ako sa probinsiya na walang tumingin sa itsura mo. Akala ko nandoon lang ang mga Moonzarte pero nang may sumalubong sa amin na may nakalagay na 'manager' sa kanyang dibdib. Binati niy

