Sinunod nga ni Travis ang pangako niya na dadalawin niya ako rito Mansyon ng mga Moonzarte. Napag-usapan ulit namin ang tungkol sa pag-outing namin. Ang sabi niya this week, hindi raw siya puwedeng makaalis dahil nasa training siya, inatasan siya ng kanyang daddy na magmani-obra Company nila dahil siya ang susunod sa yakap ng kanyang ama. Habang bakasyon rin, mas mabuting may pagkakaabahalan rin siya. "Next week, Elizabeth. Matutuloy na," sabi niya nang mapadalaw na naman siya sa Mansyon. Nasa garden lang kaming dalawa for the whole day na nandito siya. Kung ano-ano na lang ang pinag-uusapan namin. Hindi boring kasama si Travis, ang dami niyang kuwento tungkol sa nangyayari sa kanya. Natigilan kami nang may ingay kaming narinig sa labasan ng Mansyon. Pagtingin namin, maraming kotse ang

