14

1661 Words
Habang papalapit si Clarissa kay lester ay wala namang pigil sa pagkabog ang kanyang dibdib. Ilang araw din niyang hindi ito nakita at nakasama, nadatnan niya ito sa poolside na nakaupo sa steel bench na naroroon habang tahimik na nakatunghay sa tubig at tila kay-lalim ng iniisip. Kahit ang kanyang paglapit ay hindi nito namamalayan. “Lester,” mahinang tawag niya sa pangalan nito. Saka lamang ito nag-angat ng mukha. Tumayo ito at pinakatitigan siya. Sa loob ng ilang minuto ay nanatili ito sa ganoong posisyon at labis niya iyong ikinaasiwa. “Lester,” muli ay untag niya. Dahan-dahan itong lumapit sa kinatatayuan niya at buong taimtim na tumunghay sa kanyang mukha. Labis niyang ipinagtataka ang inakto nito. Kung hindi siya nagkakamali ay may tila sumungaw na tila butil ng luha sa gilid ng mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Iyon bang tipo ng pagtitig na karaniwang nakikita sa mga pelikula. Huli na nang mamalayan ang gagawin nito. Bigla siyang niyakap nito nang mahigpit na tila ba hindi na siya pakakawalan pa. habang magkadikit ang mga katawan nila ay hindi n iya naiwasang magbunyi. All her life, she had dreamt of this. Totoo nga ba talaga ito? naitanong niya sa isip. Nakumpirma niyang totoo iyon dahil ramdam na ramdam niya at dinig na dinig ng kanyang mga tainga ang eratikong pagtibok ng puso nito. It was beautiful music to her ears. “L-lester, hindi ako makahinga,” mahinang sabi niya nang hindi pa rin ito bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Saka pa lang ito tila natauhan. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya, saka pinahid ang luhang nangilid sa mga mata nito. Umiiyak ito? “May problema ba?” Ngumiti ito. “I’m just happy.” Hinaplos nito ang kanyang pisngi at masuyo siyang tinitigan sa kanyang mga mata. Gusto niyang magtanong pero natatakot siya na biglang maglaho ang romantikong tagpong iyon. “Come with me.” Parang hangin na napasunod na lang siya rito. Hindi niya naiwasang mapatingin sa magkahawak na mga kamay nila. Naguguluhan man ay kusa na rin siyang sumama. Sumakay sila sa kotse. “Lester, hinay-hinay lang sa pagpapatakbo,” paalala niya nang makitang lampas 60kph ang itinatakbo ng kotse. It was as if Lester was in a race kagaya ng nakagawian nito. “This is the most important race of my life,” kapagkuwan ay sabi nito. “I missed you.” Naramdaman na lang niya ang paggagap nito sa kanyang kamay kasunod ang masuyong pagpisil nito sa mga iyon na naghatid ng kakaibang kiliti sa kanyang puso. Lalo siyang nagtaka sa sumunod na ginawa nito. Dinala nito sa tapat ng dibdib nito ang kanyang kamay. Ilang sandaling nakalapat ang kanyang palad roon na tila ba ipinaparamdam sa kanya ang mabilis na t***k ng puso nito. What was even more surprising ay nang masuyong hinalikan nito ang likod ng palad niya. Ang simpleng pagdampi ng mga labi nito sa balat niya ay kumiliti sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang puso. Ngayon lang niya nalaman na ang ka-corny-hang nakikita niya sa mga pelikula ay siya rin palang mararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Alam niyang mali iyon subalit hinayaan niyang magpatangay sa agos ng mga pangyayari. Sa buong durasyon ng kanilang biyahe ay nanatiling nakatuon ang pansin nito sa daan habang hindi binibitiwan ang kamay niya. “We’re here,” anunsiyo nito nang marating ang farm ng mga Andrada. Tila ito isang batang excited na makasakay sa carousel. Kakaiba ang excitement nito. Nang makapag-park ay kaagad siya nitong inakay at magkahawak-kamay na tinakbo nila ang orchard ng mama nito patungo sa harap ng fountain na nasa loob niyon. Naguguluhan na siya sa mga inasal nito. “Lester, ano’ng ginagawa natin dito?” lakas-loob na tanong niya sa kabila ng kaba na namamahay sa dibdib niya. Bago sumagot ay pumitas muna ito ng isang rosas at ibinigay sa kanya. “I came unprepared.” Prepared saan? piping tanong niya. “This is where my mom and dad got married. Dito rin nag-propose si Kuya Marco sa asawa niya at dito rin nagpakasal.” Makahulugan ang bawat pahayag nito. Sa tinig nito ay mababanag ang emosyong naghahari sa dibdib na lalong nagdulot sa kanya ng kaba. “Memorable sa akin ang lugar na ito. Dito sa mismong kinatatayuan natin inihayag ni Papa ang pag-ibig niya kay Mama.” Bakit kailangang sabihin nito ang isang malaking bahagi ng buhay nito? “Sa lugar na ito rin naganap ang proposal ng mga magulang ko.” This time ay lalong naging seryoso ito. “At sa mismong lugar na ito ko rin nais magpahayag ng damdamin sa babaeng minamahal ko.” Habang nagsasalita ito ay sa mukha niya ito nakatitig. Diyos ko, kung nananaginip man ako sana gisingin N’yo ako habang maaga pa. “Eh, di dapat dalhin mo si Jillian dito?” Pilit niyang pinapakaswal ang pagkakasabi niyon. Ilang sandali ang lumipas bago ito muling nagsalita. “What is marriage to you, Clarissa?” “A lifetime commitment and never-ending partnership. ‘Yong magkasama ang dalawang taong nagmamahalan na pinagbigkis ng Diyos.” Gaya n’yo ni Jillian. “Then, why should I marry Jillian?” Tila inaarok ni Lester ang laman ng kanyang puso. “Answer me, why should I marry your sister?” “Dahil mahal mo siya.” “I wouldn’t be here kung mahal ko siya.” Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang pisngi. A jolt of electricity suddenly rushed through her spine dahil sa simpleng pagdantay ng balat nila. Wala man siyang karanasan sa pakikipagrelasyon ay batid niya na may kaakibat na kahulugan ang aktuwasyon ni Lester. Pinatutunayan iyon ng mga titig na halos tumatagos sa kaluluwa niya. Lester was staring into her eyes the way she never dreamed he would. Iyon bang titig na tila siya lang ang nag-i-exist na babae sa buong mundo. Iyong titig na nagpapahina sa bawat kalamnan niya. Iyong titig na… Ang mga iniisip ay tuluyan nang tinangay ng hangin nang dumantay ang mga labi nito sa mga labi niya. Awtomatiko siyang napapikit at ninamnam ang daluyong ng damdaming hatid ng unang halik. Sa pakiwari niya ay nasa paraiso siya- parasiso na si Lester lang ang kayang lumikha. Sa kanyang sariling paraan ay natutong gumanti ang inosenteng mga labi niya. Hanggang sa ang simpleng paglapat ng kanilang mga labi ay unti-unting lumalim at pakiramdam niya ay mahuhulog na siya sa isang napakalalim na bangin kaya nangunyapit siya sa leeg nito. Tila lalong nasindihan ang pagnanasa nito dahil sa ginawa niya. Naging mas mapusok at mapang-angkin ang mga kamay at mga labi nito. Bumaba nang umaba ang mga halik nito hanggang sa pribadong bahagi ng kanyang katawan. Parang bbinuhusan ng malamig na tubig ang katawan niya nag maramdaman ang paglapat ng mga labi nito sa dibdib niya. “Lester, no!” Pabigla niyang turan kasabay ang pagtulak sa katawan nito nang sumingit sa kanyang isip ang mukha ni Jillian. Ngayon ay nakaramdam siya ng labis na kahihiyan. Hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata nito dahil sa labis na guilt. Pinatunayan lang niya kung gaano siya kababang-uri ng tao na kahit ang boyfriend ng kapatid niya ay magagawa niyang sulutin. Ngunit hindi man lang niya nakitaan ng pagsisisi si Lester. “Mahal mo rin ako. Your kisses simply tell me so,” may kumbiksyong wika nito. Nasukol siya dahil iyon ang katotohanan. Oo, gusto niyang sabihin ngunit nagpakatimpi siya. Kapag sinabi niya iyon ay magiging katulad na rin siya ng ina na nakikiapid sa iba. “Mali ito,” nasabi niya sa wakas. “Aren’t we all living with mistakes and lies?” Naihilamos nito ang mga kamay. “Pagod na akong magsinungaling, Clarissa,” tila hapong-hapong sabi nito. “Gusto ko namang magpakatotoo.” “Anong pagpapakatotoo ba ang sinasabi mo? Ito?” naiiyak na tanong niya. Sinalubong niya ng tingin ang mga mata nito. “Alam kong magiging masama ang tingin mo sa akin. Kung utak ko lang sana ang masusunod ay hindi ko gagawin ito. Pero iba ang idinidikta ng puso ko.” Napakasarap pakinggan niyon. But she knew better. “Akala mo ba hindi ko pinilit na pigilan ang sarili ko, Clarissa? God knows, I’ve tried so hard. Pero hindi ko kayang diktahan ang puso ko. I never intended to love you but the more I get to know you, the more I love you.” Mahal siya nito. Gusto niyang maiyak sa katotohanang iyon. Kaya nga lang ay malaking pagkakamali. Kumplikado. “Please,” pigil niya sa ano pa mang sasabihin nito. Nginangatngat siya ng matinding konsensya. “Please,” muli ay pakiusap niya. Bago pa man ito makagawa ng iba pang marahas na bagay ay patakbo na niyang nilisan ang lugar na iyon. Mabilis ang kanyang mga hakbang sa kabila ng katotohanang hindi niya kabisado ang tinatahak na daan. Maya-maya pa ay hinintuan siya ni Lester na nakasakay na ng kotse nito ngunit inignora niya ito. Being alone with him even just for a minute might make her succumb to her feelings. Nagiging mahina siya. Nagpatuloy siya sa paglalakad ngunit bumaba ito ng kotse at pinigilan siya sa braso na kaagad din niyang ipiniksi. Nakakapaso ang bawat paghawak nito sa kanya. Nakita niya ang pagbalatay ng sakut sa mga mata nito dahil sa kanyang ginawa. “Alam mo bang kagagaling ko lang sa airport?” May hinampo sa tinig nito. “You just don’t know what I’ve gone through makita ka lang.” Naramdaman niya ang paghihirap ng kalooban nito at gusto niya itong aluin ngunit hindi niya iyon gagawin. “If what we shared was a mistake, then I’m sorry. Hindi muna kita pipilitin sa ngayon. I’ll give you some time to think. Saka na lang tayo mag-usap uli but please, sumakay ka na sa kotse, Clarissa. Ihahatid kita sa inyo.” Wala siyang nagawa kundi sundin ito. Habang nasa daan at hanggang sa makarating sila sa bahay nila ay walang namagitang pag-uusap sa kanila. Ilang beses na pinilit nitong nag-umpisa ng usapan ngunit inignora niya ang lahat ng effort nito. Tuloy ay panay buntong-hininga lang nito ang maririnig sa loob ng kotse. Pity how they ended up this way. Napakaganda na sana ng simula ng kanilang pagkakaibigan pero hindi siya nakontento. Nagpadala siya sa tukso at wala siyang maaaring sisihin kundi ang sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD