15

1155 Words
"Hello, sweetheart!" Parang natuklaw ng ahas si Lester nang makita niya si Jillian kasama ang kanyang mama sa sala. He hated surprises. Para sa kanya, lahat ng bagay sa mundo sa alinmang larangan ay nakaayon sa plano. Hindi siya nakahuma nang tumayo ito at walang anumang hinalikan siya sa labi. "There is no escaping now, my love," bulong nito sa kanyang tainga, saka ito pumulupot sa kanyang baywang. "Come join us, hijo. Jillian and I were discussing the wedding," sabi ng mama niya. This must be a joke. Ibang Jillian ang nakikita niya nang mga sandaling iyon. Ang anumang trace ng pagiging mahinhin nito- bagay na kinahuhumalingan niya noon- ay naglahong parang bula. "Ito nga pala 'yong possible wedding guests natin, sweetheart. I took the liberty of jotting down their names while I was on the plane," malambing na sabi ni Jillian. Ipinakita nito ang piraso ng papel na may nakasulat na mga pangalan. "Lester, what happened to you?" untag ng kanyang mama sa pananahimik niya. He couldn't find be the strength to speak. "Maybe he's just surprised to see me, Mama," sabi ni Jillian. "Why don't you accompany your fiancee, Lester?" tanong ng kanyang mama nang mapansing hindi siya tuminag nang tumayo ang babae. Galit na pinigilan niya sa braso si Jillian nang makalabas na sila ng bahay. "What is this all about, huh?" "Tinutupad ko lang ang plano natin two years ago." Naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha dala ng desperasyon. "Nag-usap na tayo." "It was a one-sided conversation. Hindi mo narinig na inayunan ko ang sinabi mo, so the wedding plans are still on." "No!" mariing sabi niya. "Yes, everything is already set. Nag-usap na ang mga magulang natin." Suddenly, his mind was in a confusion. Paano ba niya matatakasan ang lahat gayong naunahan na siya nito? "Hindi mo ako mapipilit, Jillian." "Oh, really? Akala mo ba, basta na lang kita pakakawalan? No, Lester. Buong buhay ko, ikaw lang ang minahal ko at hindi ka basta maaagaw sa akin ng iba." "It's too late. Someone has already stolen my heart." Dapat na siyang magpakatotoo kaysa pareho silang mabuhay sa kasinungalingan. "I begged you to stay before but you didn't give a damn. Sarili mo lang ang iniisip mo. But what was I expecting from you?" Hindi ito naksagot. Marahil ay tinablan din ito sa mga sinabi niya. "You always do whatever you want, Jillian. Sa relasyon natin, laging ikaw ang nasusunod. Ang kaisa-isang bagay na hiniling ko lang sa 'yo ay pakasalan mo ako. But you left. At kasama ng pag-alis mo ay ang unti-unting pagkawala ng pagmamahal ko sa 'yo." Jillian just stood in front of him, speechless and motionless. Pinigil nito ang pagpatak ng luha sa mga mata nito. At aaminin niya, tinablan siya ng awa sa babaeng dating minahal niya. "You can't do this to me, Lester " "Please, Jillian." "Magpapakamatay ako." She sounded desperate. Dinadaan siya nito sa blackmail. "Go home, Jillian at subukan mong mag-isip-isip." Sa ilang sandali ay nanatili lamang itong nakatitig sa kawalan. "Tell me whoe she is. Baka sakaling maintindihan ko kung karapat-dapat ba kitang i-give up sa kanya." "Go home." Hindi niya pwedeng ipahamak si Clarissa. Hanggang maaari ay mas makabubuting wala munang makaalam sa tunay na nararamdaman niya. SA PATHWAY pa lang sa labas ng bahay nina Clarissa ay narinig na niya ang malalakas na kalabog mula sa loob. May tunog din ng animo ay mga boteng nababasag. Napabilis ang takbo niya at sa loob ay nadatnan niya si Jillian na nagwawala. Nilapitan niya ito at pinigilan ang dalawang kamay na may hawak na isang mamahaling figurine. "Jillian, tama na." Tumigil sa ere ang kamay nito at napapihit ito paharap sa kanya. "Tama na." Jillian was a complete mess. Wala sa ayos ang buhok nito at mugto ang mga mata tanda na galing ito sa matinding pag-iyak. Ang gilid ng mga mata nito ay nangingitim dahil sa nagkalat na eyeliner. Sa tuwina ay larawan ng poise and bearing ang kapatid niya ngunit sa pagkakataong iyon ay imahe ito ng helplessness at kabiguan. Mula nang dumating ito noong isang araw ay wala na itong tigil sa paglalasing. Batid niyang si Lester ang dahilan. "I love Lester so much," sabi nito sa pagitan ng pag-iyak. I love him so much that I don't want to lose him. Not to some faceless woman." Ang galit ay mababanaag sa boses nito. Mahigpit na nakakuyom ang mga kamay nito. Faceless woman. Siya 'yon. Tumayo ito at sumusuray na nagpalakad-lakad sa sala, saka humarap sa kanila ni Nana Belen. "I am Jillian, for Pete's sake! And nobody says 'no' to me. Nobody!" Napaluhod ito at muling napahagulgol. Hindi na niya natagalan ang lahat. Nilalamon ng matinding guilt at awa ang kanyang puso. Ah, may panahon pa para maitama ang lahat. May panahon pa para maibsan ang paghihirap nito. LAKAS ng loob ang nagtulak kay Clarissa para personal na puntahan si Lester. Kakausapin niya ito tungkol kay Jillian. Kung kinakailangan lumuhod siya sa harap nito ay gagawin niya. Nasa studio raw ito sa attic ayon sa katulong na napagtanungan niya. Minsan na siyang nakapunta sa tahanan ng mga Andrada at minsan na ring naipakita ni Lester ang studio kaya alam niya ang papunta roon. Pagkatapos magpasalamat sa katulong ay umakyat na siya sa matarik na hagdan papunta sa studio. Malamlam ang liwanag na bumungad sa kanya. Wala siyang nadatnang tao sa loob. Ang tanging naroroon ay ang mga nagkalat na pintura at kung anu-ano pang gamit sa pagpipinta. Malawak ang attic kaya nagagawang display area ang bahaging iyon. Naengganyo siyang tingnan ang mga masterpiece na nasa isang panig ng silid. Sa panggigilalas niya ay pawang mukha niya ang lahat ng nasa painting na naroroon. Iba't-ibang anggulo ang mga iyon, may nakatungo, nakangiti, natutulog, at kung anu-ano pa. Ang pinakamalaking painting ay repleksyon ng kanyang hubad na katawan na nakahiga sa kama. God. Hindi siya makapaniwala. Kung hindi siya nagkakamali, sa Siargao iyon base sa ibang elemento na nakikita sa canvass. Sa gilid niyon ay may nakasulat na dedication. Binasa niya iyon. Mi amor, Clarissa. I never imagined myself ever falling for you. Yet, things turned out differently. Without even intending to ay nasakop mo na ang buong puso at kaluluwa ko. I love you. I will never grow tired of loving you. Yours, Lester Ang mga luha na sumungaw sa kanyang mga mata ay tuluyan nang pumatak at nauwi sa mahinang pag-iyak. Mahal nga siya ni Lester. Gustuhin man niyang magbunyi ay hindi maaari. Lalong masasaktan si Jillian. Sa nanlalabong isip ay sinikap niyang magpakatatag. Bago pa man siya makagawa pa ng isa pang kasalanan na siguradong pagsisisihyan niya ay kusa na siyang lumayo sa lugar na iyon. Basta tuluy-tuloy siyang tumakbo hanggang sa makalabas ng gate pagkatapos ibilin sa katulong na huwag sasabihin kay Lester na nanggaling siya roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD