18

2190 Words
CLARISSA couldn’t believe her eyes. Si Lester ang nakatayo sa labas ng pinto ng silid niya. For what seemed like an eternity, they just stood there gazing each other. Then, Lester just hugged her tight, para bang ayaw na siyang pakawalan pa. Panay lang ang ginawa nitong paghaplos sa kanyang buhok at panaka- nakang paghalik sa kanyang bumbunan. Tinangka niyang kumawala sa mga bisig nito subalit hindi niya magawa. “Just tell me you love me and I will call the wedding off,” narinig niyang bulong nito sa kanyang tainga. Napapikit siya. Kung sana ganoon lang kadali ang lahat. “Just tell me,” may paghihirap sa damdaming saad nito. Magpakatatag ka, Clarissa. Tinangka niyang kumawala ngunit hindi niya nagawa; bihag siya ng mga bisig nito. “Just let me be. Hayaan mo lang na yakapin kita ng mahigpit. If this is the last time na mapalapit ako sa iyo ng ganito, hayaan mong baunin ko ang magandang alaalang ito,” madamadaming pahayag nito. Doon na tuluyang nalusaw ang kanyang puso. Pumatak ang mga luha niya hanggang sa lihim na pagtangis ay nauwi sa mahinang hagulhol. Tino-torture ang puso niya. Ramdam niya Ang sensiridad ng mga sinasabi nito. Nakapanghihinayang lang na kung kailan huli na ang lahat ay saka pa natupad ang matagal na niyang hiling. Naramdaman niya ang pagluwag ng yakap nito. “I didn’t mean to make you cry,” alo nito habang sa ikinulong sa magkabilang palad ang mukha niya. Itinaaas nito ang baba niya upang mag-ugnay ang kanilang mga mata. Love is mirrored in their eyes. Masuyo nitong tinuyp ang mga luha niya sa pamamagitan ng mga daliri nito. “Hindi ka dapat naririto. Bumalik ka na kay Jillian,” sa wakas ay nasabi niya. May halong pagsusumamo ang boses niya. “Where do I belong, Clarissa?” tila hirap na tanong nito. “If I don’t belong with you, then I don’t belong to anybody.” Gusto niyang yakapin at payapain ang kalooban nito pero kapag ginawa niya iyon ay para na rin niyang inamin na mahal din niya ito. “Bumalik ka na kay Jillian. Hinihintay na niya.” If pushing his love away was the only solution to this mess, then she would gladly do it. No matter how painful it was. “Tell me, kahit kaunti ba ay wala kang nararamdaman sa akin?” Napalunok siya. Paano ba niya pasusubalian ang bagay na iyon? Mahal na mahal niya ito. “Hindi na mahalaga kung ano man ang nararamdaman ko.” “You can lie to me but you can never lie to your heart, Clarissa. Kung mahal mo ako at mahal din kita, bakit hindi natin sundin ang mga sarili natin?” “Hindi maaaring sarili lang ang iisipin natin. Hindi rin tayo magiging masaya sa hinaharap kapag nagkataon. May mga damdamin tayong sinasagasaan.” Habang namumutawi sa kanyang bibig ang mga katagang iyon ay para ding pinipiga ang puso niya. Ang lahat ng sinabi niya ay taliwas sa idinidikta ng kanyang puso. “Siguro hanggang dito na lang ang kwento natin. Ni ang magiging magkaibigan ag hindi na tayo pwede. Naiintindihan mo ba, ha, Lester?” Hindi ito kumibo. Nakayuko ito at nang mag-angat ng mukha ay isang nakakasugat sa puso ang masilayan niya. Hilam sa luha ang binata. Senyales na tunay itong nasaktan. At mas nsasaktan siya. “Bumalik ka na kay Jillian,” taboy niya rito. Hindi na niya hinintay na makita itong umalis. Kusa na siyang tumalikod at humakbang ngunit napahinto siya nang bigla ay niyakap siya nito mula sa likuran at inilibing ang mukha ss kanyang leeg. Lester, pinahihina mo ang depensa ko. “If this is good-bye, then spare me a few seconds, even a few seconds to feel you.” Ang luhang kanina pa niya pinipigilan ay hindi na niya nakaya pang kontrolin. “Mahal na Mahal kita,” paulit-ulit na sabi nito. Paulit-ulit ding sumusugat sa puso niya. “Siya ba ang babaeng ipapalit mo sa akin?” Bigla siyang nanlamig nang marinig ang boses ni Jillian. Awtomatiko siyang napalayo sa katawan ni Lester. Ang kinatatakutan niya ay nangyari na nga. Mababanaag ang matinding galit sa mga mata ng kapatid. “She’s got nothing to do with this, Jillian. It’s my fault,” pagtatanggol ni Lester sa kanya. “I would have given you up to anybody, anybody but her.” Ang matatalim na titig nito ay tila nanunuot sa kanyang kaluluwa. “You’ve just given me more reasons to hate you, Clarissa. I would have forgiven you for ruining my parents' marriage, pero sa ginawa mong ito ay abot-langit ang galit ko sa 'yo. I hate you!” “Anong kaguluhan ito, ha?” tanong ng kadarating lang na si Tita Bridgette na nagpalipat-lipat ang nagtatanong na tingin sa kanilang tatlo. “Jillian?” “Sila na lang ang tanungin n'yo, Mommy.” Iyon lang at mabilis na itong pumanaog ng hagdan. Pinigil man nito ang pagpatak ng mga luha ay kitang-kita niya ang sakit na bumalatay sa mga mata nito. Gusto niya itong habulin at paliwanagan subalit tila natulos na siya sa kinatatayuan. Natatakot siya. Narinig na lang nila ang pagsibad ng kotse nito palayo. “Ano'ng nangyari dito?” tanong uli ni Tita Bridgette na noon ay papalapit sa kanila. Ganoon din ang mga magulang Lester at ang papa niya. “Will somebody explain what just happened?” “Lester,” untag ni Mrs. Andrada. “Ano’ng ibig sabihin nito?” Lalo siyang nahintakutan at nahihiya. Napasiksik siya sa likod ni Lester. “Hindi pa ba malinaw sa inyo kung ano'ng nangyayari? Clarissa is stealing Lester away from my daughter,” galit na sabi ni Tita Bridgette. “Ano ba’ng kabaliwang ito, Lester?” galit na tanong ni Mr. Andrada na napahawak sa sentido nito. “I’m sorry, Ma, Pa, Tito, pero walang kasalanan si Clarissa dito,” matapang na pahayag ni Lester. "And who do we have to blame?” maigting na tanong ni Tita Bridgette. Kung maaanit Lang siya nito ay siguradong kanina pa siya sinasabunutan. “ That girl is a curse to my family.” Akmang manunugod ito subalit maagap na napigilan ito nga kanyang ama. “Lester, you need to explain all this,” sabi ng mama ni Lester. “I’m just doing the right thing, 'Ma. I’m fighting for my love.” Sa pagkakataong ito ay hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang binata. Para sa kanya, iyon na ang pinakamatapang na nagawa ng isang tao pero sa halip na ikatuwa iyon ay mas nanaig sa kanya ang takot. “And this is what you call right?” tanong ng ama ni Lester. “Yes, it’s exactly what you did when you were young. You married Mama sa kabila ng pagtutol nina Lolo at Lola.” May naantig si Lester sa damdamin ng ama. “Please, Papa, ayokong hbang-buhay na magsisi dahil gunawa ako ngayon ng isang bagay na alam kong hindie bukal sa kalooban ko. If it’s a sin to love Clarissa then I’d rather burn in hell than lose her.” Bawat katagang binitiwan ni Lester ay nagpapahayag ng katotohanan. Bawat salita ay tumimo sa kanyang puso. “At paano ang anak ko?” galit na sigaw ni Tita Bridgette. “Ipapahiya mo siya sa lahat ng tao?” “I’m sorry, Tita, but I love Clarissa, I’m sorry,” matapat na pahayag nie Lester na mas ikinabangis ng mukha ni Tita Bridgette. “Pero hindi n'yo dapat ibunton sa kanya ang sisi dahil sinikap niyang umiwas sa akin.” Doon na mas bumangis ang madrasta. “Malandi ka. Kiri ka! Mana ka sa nanay mo. Isa ka ring manunulot.” “Huminahon ka, Bridgette!” saway ng kanyang ama. Noon lamang ito nagsalita. “No, I won’t stop 'til I kill that bastard.” Sa lahat nge masasakit na salita ay tanging pag-iyak lang ang tugon niya. Sa pakiwari niya ay nasa gitna siya Ng nag-uimpugang mga bato. Ngayong nangyayari ang lahat ng ito ay wala siyang ibang gustong gawin kindi ang lumisan sa bahay na iyon ngunit kaduwagan iyon. Isa pa, hindi niya maaaring traydurin ange sariling kapatid na labis nang nahihirapan. “Anak ko siya, hindi siya bastardo.” Sa unang pagkakataon ay ipinagtanggol siya ng kanyang ama. “Clarissa, come with me,” baling ni Lester sa kanya. “Please, Lester, hayaan mo munang ayusin naming pamilya ang gusot na ito,” pakiusap ng ama niya. Sa wakas ay napahinuhod si Lester bagaman may pag-aalinlangan ito. Bago ito tuluyang umalis kasama ang mga magulang nito ay nagbitiw ito ng isang pangako. Babalikan kita. Nang naiwan siya ay domoble ang takot sa dibdib niya. Ngayon ay magagawa na ni Tita Bridgette na saktan siya kaya inihanda niya Ang sarili. “Malandi ka!” Sunud-sunod na minura siya nito. Akmang susugurin siya nito subalit maaagp na napigilan ito ng daddy niya sa braso. “Tama na!” “Puta ka! Manang-mana ka sa nanay mong kerida.” Kumawala si Tita Bridgette sa bisig ng kanyang ama at sinabunutan siya. Dahil di-hamak na mas malaki ito sa kanya ay wala siyang nagawa para manlaban. “Hayup ka, papatayin kita!” “Bridgette, tama na!” Pilit na inalis ng daddy niya ang pagkakakapit ni Bridgette sa buhok niya. “Sinabi nang tama na!” Isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa mukha ni Tita Bridgette na ikinatigagal ng huli. Marahil ay hindi inasahan ng madrasta niya na sa unang pagkakataon ay pagbuhuhatan ito ng kamay ng asawa. “Kakampihan mo ang hudas ito?” galit na sabi nito habang dinuduro siya. “Oo, dahil sobra ka na.” “Oo nga naman, mas mahal mo siya kaysa sa amin. Minsan mo na ngang binalak na iwan kami nang dahil sa malanding ina niyan.” Ngayon lang niya nalaman iyon. “Aleta was an honorable woman, much more decent than you have ever been.” Mas ikinagalit iyon ni Tita Bridgette. At ang galit nito ay sa kanya nabunton. Hindi ito nagawang pigilan ng daddy niya nang kaladkarin siya nito palabas ng kwarto. Para itong demonyo n sinaniban at kahit anong gawin Ng daddy niya ay hindi ito nagpaawat. “Tita, please, nasasaktan po ako.” “Lumayas ka,” galit na sigaw nito na pilit siyang pinababa ng hagdan. “Bitiwan mo si Clarissa, Bridgette!” sigaw ng daddy niya. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Tita Bridgette sa kanyang mukha kaya nawalan siya ng panimbang. Hindi niya magawang kumapit sa railing. Tuluyan siyang nabuwal at nagpagulong-gulong sa hagdanan. “Clarissa!” Iyon ang huling katagang narinig niya. Sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang patakbong paglapit ng kanyang ama. Pagkatapos ay tuluyan na siyang nawalan ng malay. NAGISING si Clarissa sa ospital, may benda ang ulo at nananakit ang katawan niya. “Kumusta ka na, anak?” maluha-luhang tanong ng daddy niya na nang mga sandaling iyon ay hawak ang kanyang mga kamay. Mababanaag sa mukha nito ang labis na pag-aalala. “I’m sorry, Dad.” Mabilis na sinawata nito ang anumang sasabihin niya. “No, I should be the one to feel sorry, anak. Hindi kita nagawang ipagtanggol kay Bridgette. Kahit kailan, I am an incompetent father.” Kitang-kita ang magkahalong awa at galit sa mga mata nito. “It’s okay, Dad.” “Nangako ako kay Aleta noon na aalagaan kita but I failed.” Larawan ng katatagan ngunit sa unang pagkakataong ay nakita niya itong lumuha. Napasubsob ito sa bisig niya at parang batang tumangis. And all she could do was hug him. Napatingin siya sa labas ng bintana ng ospital. Napakaganda ng panahon. Maaliwas ang paligid na tila ba nagsasaad na ang haharapin niyang buhay ay maganda rin. Napapikit siya at mas hinigpitan ang yakap sa ama. Sa huling pagkakataon ay dinama niya ang pagmamahal nito. “SAPAT na ba 'yan?” Iniabot ni Karen kay Clarissa ang sobreng naglalaman ng savings na w-in-ithdraw sa account nito. Hindi nito maitago ang namumulang mga mata dahil sa pag-iyak. “Sobra-sobra na nga ito. Salamat,” sagot niya. “Bakit ba kasi kinailangan mo pang lumayo? Pwede namang sa amin ka na lang tumira?” Mapait na ngiti lang ang itinugon niya sa suhestiyon nito. “Sige na at baka maiwan ka ng barko,” taboy nito sa kanya nang marinig ang malakas na pagsirena ng barko, tanda na ilang sandali lang ay aalis na sila. Sinulyapan niya ang malaking barko na magdadala sa kanya sa walang kasiguruhang direksiyon. Ang akala niya noon ay siya na ang pinakamaligayang tao kapag nakalayo sa kanyang pamilya subalit nang mga sandaling iyon at matinding pangamba ang nararamdaman niya. Katatagan ng loob at pananalig sa Diyos. Ang mga iyon ang magiging sandata niya sa pagsisimula ng bagong buhay- buhay na wala ang pamilya niya at si Lester. Napapikit siya. Ngayon pa lang ay nami-miss na niya si Lester. Kung sana ay ibang tao ka lang, natuto sana akong ipaglaban ka. Sumugal sana ako sa pag-ibig ko sa 'yo. Pero wala nang bawian pa. Nakapagdesisyon na siya para sa ikabubuti ng lahat. Hinugot niya mula sa bulsa ng bag ang sulat para sa kanyang ama. Lingid sa kaalaman nito ang pag-alis niya dahil alam niyang tututol ito. Ipinaabot na lamang niya iyon Kay Karen. “Mag-iingat ka,” habilin ni Karen sa kanya. Sa huling pagkakataon ay mahigpit silang nagyakap. Kapwa sila umiiyak nang kumalas sa isa't-isa. Pagkatapos ay walang lingon-likod siyang nakiisa sa maraming taong paakyat sa barko. Habang papalayo ay mas bumibigat din ang kanyang puso. Minsan pa ay nilingon niya ang kaibigan na tulad niya ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. “Good-bye, Lester,” bulong niya sa hangin. Pinahid niya ang luha na nag-unahan sa paglandas sa kanyang pisngi, saka nagpatuloy sa paghakbang patungo sa bagong hinaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD