The wedding was all set- ang petsa, ang entourage, ang mga bulaklak, at ang reception. Jillian was given the best wedding Lester’s family could give. Sa gitna ng preparasyong iyon ay parang bola na nagpapadala lang siya sa agos.
Clarissa, I hope it’s you whom I’m going to marry, piping hiling niya.
Sa lahat ng ikakasal ay bukod-tanging siya lang ang tila namatayan. Habang nalalapit ang petsa ng kanilang kasal ay para din naman siyang dinadala sa hukay.
Sinasabi ng karamihan na napakaswerte niya kay Jillian pero mali ang mga ito. Paano ba siya magiging masuwerte kung ngayon pa lang ay minamanipula na siya nito?
It was a shotgun wedding. Kaya lang nangyari ang kasalang iyon ay dahil sa patuloy na pamba-blackmail ng babae na magpapakamatay ito kapag hindi natuloy ang kasal nila. Aminado siya na tinablan siya ng pananakot na iyon. Subalit habang nakatingin siya rito ng mga sandaling iyon ay hindi niya naiwasang maitanong sa sarili kung hanggang saan niya kayang magpanggap na mahal niya ito.
Lokohin na niya ang sinuman pero hindi ang puso niya na buong-buo nang inangkin ni Clarissa.
Love is not the only reason for a relationship to survive. Pero sa pagkakataong ito ay gusto niyang bawiin ang sinabi noon. Love is all I need right now- love for Clarissa.
“Lester.” Hindi niya namalayan na nakailang sambit na pala si Jillian sa pangalan niya. “You’re lost again.”
“May iniisip lang ako.”
“Sino?” May bahid ng pagdududa sa tinig at mukha nito.
Nayamot siya sa tanong na iyon. Hindi pa man sila kasal ay nirerendahan na siya nito. Kung noon ay naku-cute-an siya kapag nagseselos ito, ngayon ay naiinis na siya.
“Huwag kang magsimula ng away,” banta niya, saka nagpatiuna nang magtungo sa kinahihimpilan ng kotse. Sumakay na siya roon at hindi na niya pinagkaabalahang ipagbukas ng pinto si Jillian.
Nag-drive siya na walang sinasabi sa katabi. Okupado ang isip niya sa napakaraming bagay. Isa pa, baka mag-away lang sila ni Jillian kapag kapwa nila hindi nagustuhan ang sasabihin ng isa’t-isa. Kahit nang makahinto sila sa harap ng Shangri-La Hotel ay hindi niya ito pinagkaabalahang pagbuksan ng pinto.
Ngayon ang scheduled dinner nila kasama ang malalapit na pamilya at kaibigan. May ilan kasing kakilala na hindi makakadalo ng kasal.
Sa buong durasyon ng salu-salong iyon ay nanatili siyang tahimik at sumasagot lamang sa mga importante at may sense na tanong. Nang makahanap siya ng tiyempo ay lihim siyang umalis at tahimik na naglakad-lakad sa poolside ng hotel.
Umupo siya sa isa sa mga upuan doon at tahimik na tumunghay sa malinaw na tubig.
Sana, kasinlinaw ng tubig ang utak at buhay ko ngayon.
In an instant ay nakaramdam siya ng pagod. Hinilot niya ng kanyang mga daliri ang nananakit na sentido. Pagkatapos ay humiga siya sa pool side bed, saka pumikit at ninamnam ang katahimikan ng gabi.
Peace was all he needed at that moment, a minute to himself.
Habang nakapikit ay malinaw namang naglalaro sa kanyang balintataw ang mukha Ni Clarissa. Nakangiti ito habang nakatitig sa kanya. That would have been the most wonderful and beautiful smile he had ever witnessed.
Clarissa, tahimik na daing niya.
Dumilat siya, saka nagdesisyon nang tumayo. Maybe he just needed some fresh air kaya nagdesisyon siyang mag-drive muna bago muling bumalik sa maingay na pagtitipong iyon.
Habang nagda-drive ay kayraming tanong na nag-uunahan sa kanyang isip? Paano ba niya magagampanan ang papel ng isang mabuting asawa kay Jillian kung hindi naman buo ang pagmamahal niya rito?
Hindi niya namalayan kung gaano na siya katagal na nagmamaneho. Hanggang sa mapagtanto niyang sa direksiyon ng bahay ng mga dela Merced ang tinatahak niyang daan.
Inihimpil niya ang kotse at tahimik na tumingala sa gawi ng silid ni Clarissa. Ilang dipa lang at maaabot na niya ito. Sana ay marinig man lang niya ang boses nito. Kinuha niya ang cell phone sa dashboard at nagsimulang mg-dial ng numero.
This is a mistake, kastigo niya sa sarili kasabay ng pagpindot sa Cancel button ng cell phone.
God, I’m losing my sanity. You have to go home, Lester, and go back to Jillian, sabi ng kanyang isip.
No, you have to seek for your love and find Clarissa, bulong naman ng kanyang puso. Parang mabibiyak na ang utak niya. Alinamn ang piliin niya ay pihadong may masasaktan.
“You have to go home,” pagkausap niya sa sarili. Sinimulan niyang buhayin ang makina ng kotse ngunit hindi pa man niya iyon tuluyang napapaandar ay kaagad niya iyong pinatay. Parang kidlat siyang lumabas ng kotse. Inilang-hakbang lang niya ang distansiya ng gate ng bahay nina Clarissa.