
“This could ever end well.” She said.
Isang dalagang nagnanais na magkaroon ng buong pamilya balang araw. Nais niyang maramdaman ng alaga ng isang ina at ama, ngunit malabong mangyari.
Lumaki siyang nakapiling lamang ang kaniyang nakatatandang kapatid na babae at hindi ang kaniyang magulang. Mahirap para sa kaniya na lumaking walang magulang, walang natatawag na “mama/papa”.
