Kabanata 1
"May kuto ka ba at kanina ka pa kamot nang kamot diyan?"
Napaangat ako ng tingin kay Analyn dahil sa tanong niya. "Ha?"
Hinila niya ang monobloc at naupo. She placed her huge hot pink backpack on the table and gave me a small plate of spaghetti. Sasamahan ko lang dapat siya rito sa canteen dahil hindi ko naman afford ang bilihin pero heto na naman siya at nilibre ako ng pagkain.
"Sabi ko may kuto ka ba at kanina ka pa kamot nang kamot ng ulo," aniya.
I sighed. "Wala. Pero baka mapanot na ko kaiisip kung saan ako kukuha ng para sa projects ko. Bakit ba kasi dito pa ako pinaaral ni Tatay? Kapag hindi ako nakapagpasa ng project sa Byernes, tanggal na talaga ako sa scholarship program."
"Magkano ba kasi 'yon?" tanong niya habang may pagkain sa bibig.
Ayaw kong sabihin. Siya na nga ang sumagot ng pampa-photocopy ko kahapon. Siguradong babawas na naman siya sa allowance niya para lang mapahiraman ako. Ang haba na ng listahan ko sa kanya at ayaw ko namang isipin ng mga magulang niya sa Benguet na kinakaibigan ko lang ang anak nila dahil sa pera.
"Basta."
Siya naman ang bumuntong hininga. "May extra pa ko--"
"Hindi na, Ana. Masyado ka nang maraming napahiram sa akin. Baka mamaya ikaw naman ang kulangin ng budget. Magsasabi na lang ako mamaya kay Tatay. Baka sumahod na sila sa construction."
"Oh, sige pero kapag wala, mag-text ka sa akin para hindi ko ibili ng bagong DVD 'yong extra ko. Kumain ka na diyan."
Nahihiya ko na lang na kinuha ang plato ng spaghetti at kumain, ngunit nang akmang susubo na ako ay biglang tumili si Analyn habang nakatitig sa screen ng mamahalin niyang cellphone. Habang ang sa akin ay naka-scotch tape na 3310, ang kanya ay iyong touch-screen na sigurado akong hindi namin kayang bilihin ng Tatay ko.
Napatingin sa direksyon namin ang ibang estudyanteng nasa canteen kaya kinurot ko ang taba niya sa tagiliran. "Napapa'no ka na naman ba?"
Malaki ang ngisi siyang bumaling sa akin saka halos ipagduldulan sa mukha ko ang screen ng cellphone niya. "Tignan mo kasi!"
Inilayo ko ang mukha ko. "Paano ko makikita kung halos maduling na ako sa sobrang lapit?" I held her wrist, my fingers didn't even meet as I adjusted the distance of her phone from my face. Kaya naman pala nagtititili. May bago pa lang post ang isa sa mga crush niya.
Napabuntong hininga ako. "Bakit ba crush na crush mo 'yan? Tignan mo, ang bata-bata pa may bago na namang tattoo? Buti tinatanggap pa 'yan dito sa university?"
Hindi ko naman sana iyon makikilala o bibigyan ng pansin kung hindi lang ako kinakaladkad ni Ana sa buong university para lang makasilay siya sa mga crush niya. Tatlo iyon at magbabarkadang puro mayayaman. Ang isa ay anak ng heneral sa Krame, iyong isa ay anak ng politiko, at iyong saksakan ng pagiging basagulero at pinakakinahuhumalingan niya ay iyong anak ng negosyante.
"Alam mo, kaunti na lang talaga iisipin ko nang tomboy ka, Lisa. Lumalabo talaga 'yang mga mata ko kakaaral mo kaya hindi mo ma-appreciate 'tong reincarnation ng mga dati kong asawa sa past lives ko."
Napakunot ako ng noo. "Paano mo naman naging asawa ang mga 'yan noon?"
"Na-feel ko lang."
"So pati si Chris Evans dati mo ring asawa?"
She smirked, her dimple appeared on her chubby cheek. "Feeling ko nag-divorce kami kasi nag-propose sa akin si Chris Hemsworth."
Natatawa na lamang akong umiling. "Ewan ko talaga sayo, Ana. Kumain ka na nga lang--tapos ka na? Ang bilis naman?"
"Gaga, sa laki ng imbakan ko, tatlong lunok lang ang isang plato ng spaghetti."
Tumawa kami't nag-apir, pero dahil may katabaan ang kamay niya ay parang napilay ang braso ko. Hindi ko na lang ipinahalata. Not because I don't want her to get offended. Analyn loves her extra plus size that's why nobody can use it to bully her. Isang bagay na nagustuhan ko nang husto sa kanya maliban sa pagiging mabait magkaiba man ang estado namin sa buhay.
Kumain na lamang kami at bumalik na ng HRM building pagtapos. We spent four more hours taking different classes, and when it was time to go, I walked Ana home.
Malapit lang sa tinutuluyan niyang apartment ang pila ng pedicab kung saan pumipwesto ang Tatay ko kapag hapon. Pagkatapos niyang um-extra sa construction site ay namamasada naman siya ng pedicab hanggang alas dies habang nagbibihis naman akong parang lalake para maglibot sa barangay namin. Hindi alam ng Tatay na lumalabas ako ng gabi para magbenta ng balut dahil sinisiguro kong pag-uwi niya ay nasa bahay na rin ako.
Nang makita ako ng Tatay ay umalis siya sa pila. Nagmano naman ako bago sumakay sa loob para maihatid niya sa bahay namin.
"May iniwan akong isda sa lababo, Lisa. Tinakpan ko ng planggana para hindi makain ng pusa. Pakiluto mo na lang, anak ha? Huwag mo na akong hintayin," bilin niya.
Tumango ako at kumaway na nang umandar ang pedicab niya para bumalik sa pilahan. Nang hindi ko na siya matanaw ay tumawid ako sa kabilang daan para puntahan ang supplier ko ng balut.
"Ate Weng, okay na ba luto na?"
Tumango siya. "Oo, daanan mo na rito mayamaya. Huy ikaw mag-ingat ka. Baka isumbong ka niyang si Aleng Joy sa Tatay mo. Tanong nang tanong dito sa tindahan ko kanina. Saksakan pa naman 'yan ng pagiging chismosa."
Hindi ko na lang inintindi. Kung malaman ng Tatay at pagalitan ako ay hihingi na lang ako ng tawad. Kailan ko naman talagang rumaket dahil kung siya lang ang kakayod, kukulangin kami ng budget para maitawid ang pag-aaral ko.
"Sige, ate Weng. Magbibihis muna ko."
Bumalik ako sa kabilang daan at pumasok sa bahay namin ni Tatay. Kinuha ko kaagad ang sumbrero niya saka t-shirt. I tied my long black hair and hid it under the cap before I put on my fake mustache. Mas ligtas ako kung ganito at kahit madaanan ako ng Tatay sa daan ay hindi ako basta lang makikilala.
I put the rest of my stuff inside my small room before I went out. Muling magsisimula ang gabi ko, ngunit bago maglako, dumadaan ako sa simbahan para ipagdasal na maging ligtas ako sa daan at makapaubos. Kailangan ko ng pambili ng materials ng project ko kaya dapat maraming mabenta ngayon.
After praying at the local church, I went to my usual route. Kaya lang ay malas yata talaga kapag nangangailangan nang matindi dahil tatlong oras na akong paikot-ikot ay lilimang balut pa lang ang nababawas sa tinda ko.
Sandali akong tumigil sa labas ng hilera ng malalaking bahay para magpahinga. I massaged my arm that's carrying my basket, and while I was trying to stretch my back, I saw someone jumped over the fence; shirtless.
Napapitlag ako dahil akala ko'y napilayan, ngunit tumatawa lamang siyang bumangon at isinuot ang t-shirt niya. Ilang metro din ang layo niya sa aking pwesto kaya hindi ko kaagad namukhaan, ngunit nang tumakbo siya patungo sa direksyon kung saan ako nakatayo habang tila mayroong hinahanap, nalunok ko ang sarili kong laway.
Khalil Ducani? Ito ba 'yong crush na crush ni Ana? Ano ba 'to, akyat-bahay? Akala ko ba mayaman 'to?
He looked back with his phone on his ear when he heard dogs barking before the large gate screeched open. "s**t! Asan na kayo? Puta, ipapalapa na ko sa aso, gago!"
Sa katititig niya sa pinanggalingang bahay ay nabangga niya na ako. My cap fell and my disguise was revealed. Napakunot pa siya ng noo nang makitang babae ako, at nang makita niya ang basket ng balut sa gilid ng daan, tila kumislap ang mga mata niya matapos may maisip.
He took another glance over his shoulder. A big guy in blue shirt was trying to hold a giant dog's leash while roaming his eyes around. Nang mapatingin ito kay Khalil ay napamurang muli si Khalil. His wild obsidian eyes met mine once more before he offered me a deal.
"Kiss me."
Napakunot ako ng noo. "Ano?"
"I said kiss me and I'll buy all of whatever that is."
"Huh? Hoy, hindi ako p****k--"
Nanlaki nang tuluyan ang mga mata ko nang tuluyan niya akong kinabig. Bigla niyang hinila ang naka-tape na pekeng mustache sa aking balat at walang anu-anong hinalikan ako sa mga labi. Halos hindi ako nakagalaw nang magwala ang dibdib ko. His lips even moved as if he was trying to show the guy in blue shirt that we're really making out in public. Dinaanan lamang kami ng lalakeng may kasamang malaking aso, at nang lumiko ito sa kabilang kanto, isang mamahaling sasakyan ang pumarada sa aming harap.
Khalil pulled away from our kiss after he saw the white Maclaren that pulled over. Ngumisi siya sa akin habang hindi naman ako makakibo. My head was still foggy when he pulled out his wallet to take five one-thousand bills. Nang mailagay ang pera sa aking palad ay muli siyang nagsalita.
"Thanks, ha? By the way..." Nagnakaw siyang muli ng halik sa aking pisngi bago siya tumakbo papasok ng kotse, at bago iyon umandar ay inilabas pa niya ang ulo niya sa bintana saka nakangising sumigaw. "Tamis ng labi mo, Miss!"
Napakurap ako't ang pisngi ay labis na uminit. Nang matauhan ay kaagad akong sumigaw. "Hoy!" I pointed the basket as the car went farther and farther. "'Yong balut mo, hoy!"
I sighed when the car took a turn on the next street. Napatitig na lamang ako sa perang nasa palad ko saka ako umiling. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko bang may pambili na ko ng project ko o mabubwisit ako dahil hinalikan ako ng naninigarilyo't basagulerong crush ni Ana.
Napakamot ako ng ulo saka na dinampot ang basket matapos kong maibulsa ang pera, ngunit nang may tumigil na pedicab sa aking harap, halos mawalan ng kulay ang kanina lang ay namumula ko pang mukha.
"Tay..."