Kabanata 2

1505 Words
Kabanata 2 "Sandali lang naman tayong manonood!" pilit ni Ana habang hatak-hatak ako patungo sa field. Wala na akong nagawa kung hindi ang magpakaladkad. Hindi ko sinabi sa kanyang hinalikan ako ng crush niya dahil baka ngumawa na lamang bigla, ngunit mula noong gabing iyon ay todo na ang iwas kong makasalubong si Khalil Ducani sa daan. "Sandali lang tayo, Ana, ha? Magtitinda pa ako ng turon. Alam mo naman, nahuli ako ng Tatay ko na nagtitinda ng balut." "Oo. Bibili rin ako para maganda ang buena mano mo." I sighed. Nang makaupo kami sa bleachers ay itinaas ko ang folder na hawak ko upang itakip sa aking mukha. I could see Khalil Ducani in the field wearing his number seven blue soccer uniform. Bagong gupit din ang buhok niya at ngayon ay naka-devil's cut, habang kumikinang naman ang hikaw niya sa kaliwang tainga. Maybe if I wasn't warned about men like him, I'd bruise my throat right now just to cheer for him. But I know better. Men like Khalil will never take women seriously. They are just after the fun and will always be allergic to serious relationships. Tignan mo ngang iba na naman ang kasama ngayon? Nakaakbay pa sa isang babaeng may hawak na pompoms at halos kita na ang singit sa ikli ng palda kaya naman halos humaba na naman ang nguso ni Ana sa sobrang selos. "Kainis! Kapag talaga ako pumayat, papasok ako nang naka-swim suit. Kakabugin ko ang suot niyang inaakbayan ng asawa ko," bulong ni Ana habang naniningkit ang mga matang nakatitig sa direksyon nina Khalil. I smirked and shook my head. Hindi ko na lamang din inintindi ang sumunod niyang mga litanya. Nang mahagip ng mga mata niya sina Jigo at Lee sa pinakaibabang bleachers, kaagad niya akong hinatak upang makaupo kami sa bandang likuran ng dalawa. "Diyos ko naman talaga, Ana! Hindi ka pa ba kuntento sa pwesto natin? Baka mamaya tamaan pa tayo ng bola!" reklamo ko ngunit sinenyasan niya lang akong tumahimik. Nang lingunin kami ng mga kaibigan ni Khalil ay kaagad kong hinawi ang aking buhok upang itago ang aking mukha. Lumapit naman si Khalil sa dalawa habang malaki ang ngisi, at nang makitang sumulyap siya sa amin ni Ana ay kaagad kong itinakip ang folder sa mukha ko nang hindi niya ako makilala. Baka mamaya isipin pa ng kumag na itong siya ang pinunta ko rito, ano! Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay nakita ko siyang tumalikod na, ngunit nang tumabi kina Jigo at Lee ang pamilyar na babae at tinawag siya ay muli siyang bumaling sa direksyong makikita niya ako. "Khalil!" Lia, one of my friends who always commission me to do her home works, shouted then waved at Khalil with a big smile plastered on her lips. Although Lia and Ana are both my friends, mainit ang dugo ni Ana kay Cornelia dahil panay lang daw ang pagawa ng assignment at project sa akin. Khalil turned around after hearing Lia. Huli na para maitago ko ang aking mukha. Nang mahagip ni Khalil ang aking direksyon ay tila sandali siyang nagulat na makitang naroroon ako at nakatingin pa sa kanya. Napalunok tuloy ako nang ngumisi siya at kumindat na akala niya yata ay naroroon ako para panoorin siyang manood. Anong akala niya sa akin? Kursunada siya? I scanned him with disgust. May kakapalan din talaga ang apog ng lalakeng 'to. Hindi ko siya tipo, ano! "Look who came to have a glimpse of me?" aniya habang nasa harap ni Cornelia, ngunit sapat na ang makahulugan niyang pagsulyap sa akin para malaman kong ako ang pinariringgan niya. I sighed and was about to ask Ana to let me go now before more air fills Khalil's head. Ngunit umalingawngaw ang naka-scotch tape kong cellphone dahil sa isang tawag. Sinagot ko naman iyon at tinakpan ang bandang baba nang marinig ako ng kausap ko. "Hello?" I said. "Si Khallisa Baltazar ho ba 'to?" "Ako nga ho. Sino ho 'to?" "Sa Magalona General Hospital po ito. Kayo ho ang nakalagay sa person to contact in case of emergency ni Mr. Kanor Baltazar. Nandito ho siya ngayon dahil nalaglag sa construction site." Halos tumigil ang t***k ng aking puso. Ang tatay ko... naaksidente? "Diyos ko..." Natutop ko ang bibig ko. "Kumusta ho ang tatay ko? Okay lang ba siya?" "Wala pa hong malay. May ilang bali ho siya sa katawan at kailangan ho siyang maoperahan. Kailangan ho namin ang consent ng kamag-anak." "Pupunta ho ako diyan! Parang ninyo na, iligtas ninyo ang Tatay ko..." mangiyak-ngiyak ko nang sabi. Nalukot ang noo ni Ana. "Anong nangyari?" I sniffed and looked at her. "Si Tatay, Ana nalaglag daw sa construction site." "Ano?! Diyos ko, tara! Saka na ang lovelife ko!" Dali-dali kaming umalis ng field at nagpunta sa ospital na sinabi ng tumawag sa akin. Nang makarating kami ng ospital, halos manlumo naman ako sa hinihinging bayad para sa operasyon ni Tatay. Halos matumba ako nang marinig ang kabuuang halaga kung hindi lang ako naalalayan ni Ana. "Gagawa tayo ng paraan. Tatawag ako kina Mama baka makapagpahiram sila sa inyo ni Tito Kanor. Huwag ka nang umiyak, naiiyak na rin ako," aniya habang hinahagod ang likod ko dahil hindi ko na mapigil ang aking paghikbi. "Salamat, Ana." I showed my tears away. "Hindi ko kayang mawala ang tatay ko. Siya na lang ang meron ako ngayon." Awang-awang bumuntong hininga si Ana. "Magdasal ka lang. Hahanap tayo ng solusyon, ha?" I chewed my quivering lower lip and nodded. Nang mapaupo niya ako ay sandali siyang umalis para tawagan ang mga magulang niya sa La Trinidad. Inilabas ko naman ang cellphone ko at sinubukang hingian ng kahit kaunting tulong ang bawat isang nasa contacts ko. Wala na akong pakialam sa pride ko ngayon. If I have to beg every single one of them, then I will. Ngunit sa higit singkwentang napadalahan ko ng text, dalawa lamang ang sumagot. Ang una ay ang mag-asawang tomboy na kapitbahay namin, habang ang isa pa ay si Cornelia. I dialed Lia's number out of desperation. Nang masagot niya ang tawag ay pigil na pigil ko ang paghikbi na nagsalita. "Hello, Lia? Baka kahit magkano, meron ka? Ako na ang bahala sa lahat ng assignments mo. Kailangan lang talaga namin ngayon ni Tatay ng tulong. Wala na akong malapitan." I heard her sigh. "It's so hard to not have money, 'no? Don't worry, Lisa. I think I have a solution to your problem." Nilunok ko ang namumuong bara sa aking lalamunan. "Ano 'yon?" "A friend of mine wants to surprise someone on his birthday party. Ako sana ang ipapadala kaya lang magagalit ang boyfriend ko. Willing siyang magbayad ng singkwenta mil basta i-entertain mo lang 'yong may birthday." Napaawang ang aking mga labi. "S--Singkwenta mil?" "Yes. Hindi ka naman sasayaw. You just need to be around the celebrant during the party. Ano? Tatanggapin mo ba?" Nahagod ko ang nanginginig kong palad sa aking hita. "P--Parang... p****k ba? Gano'n ba ang... gagawin?" Narinig ko ang pagtawa niya. "Grabe ka naman sa p****k! Well, seems like it but you don't have to sleep with him if you don't want to. Iba rin ang bayad kung yayayain ka hanggang kwarto." "L--Lia, bakit alam mo ang... mga ganyan?" "Like I said, mahirap ang walang pera." "P--Pero mayaman kayo, 'di ba?" She sighed. "Huwag ka nang maraming tanong, Lisa. Ano? Tatanggapin mo ba? Kasi kung hindi hahanap ako ng iba--" "T--Tatanggapin ko." I swallowed and shut my eyes while my tears are rolling down my cheeks. "P--Para kay Tatay, tatanggapin ko, Lia..." "Good. I'll text you the address at kung kailan. Kukunin ko na ang paunang bayad. Magkita na lang tayo para makuha mo. Magsuot ka ng sexy'ng damit. Mag-ayos ka rin. Magpa-parlor ka kung kailangan nang maging presentable ang itsura mo." I sniffed. "S--Sige." "One more thing, don't tell anyone about this. It's our little secret, okay? I'm helping you out in your problem. Huwag mo sana akong ipapahamak." "H--Hindi ko ipagsasabi." Hindi ko kaya. Ibinababa ko na nga nang husto ang sarili ko sa pagtanggap sa alok niya, ipagsasabi ko pa bang kumagat ako sa patalim para sa pera? Nang maputol ang tawag at nai-text sa akin ni Lia ang detalyeng kailangan kong malaman, napabuntong hininga na lamang ako habang pinupunasan ang basa sa aking pisngi. Paano kung gusto akong dalhin sa kwarto ng lalakeng bibigyan ko ng serbisyo? Kaya ko bang isuko ang sarili ko sa isang taong hindi ko naman karelasyon? I shut my eyes and rested my head on the wall. Para kay Tatay, kakayanin. Para kay Tatay, lulunukin ko ang pride ko at isasantabi ang dignidad ko. Tumayo ako at nagpunta sa kwarto kung nasaan ang tatay. Nang makaupo ako sa monobloc chair ay hinawakan ko siya sa kanyang may kalyong kamay saka ako humagulgol. I'd rather lose my dignity to a stranger than watch my father die. Isinara ko ang aking mga mata at tahimik na lamang na nagdasal. Diyos ko, huwag ho sana ninyo akong pababayaang mapahamak sa gagawin ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD