Kabanata 3
"Kailangan ba talagang ganito kaikli, Cornelia?" I asked while trying to pull the skirt down. Hapit na hapit na nga ang damit na ipinahiram niya, saksakan pa ng ikli. Pakiramdam ko ay isang maling galaw ko lang ay mapupunit ang damit o kaya ay mabobosohan ako nang walang kahirap-hirap.
She glanced at me while driving. Dahil hindi ako basta makakapasok sa subdivision kung saan gaganapin ang birthday party, nagprisinta na lang si Lia na ihatid.
"Ano ka ba? You look fine!" She smirked. "Pretty girls stick together, Lisa. You have nothing to worry about. Ang hot mo kaya?"
I sighed. Hindi ko alam kung dapat ko iyong ipagpasalamat. It didn't even sound like a compliment to me, kaya itinikom ko na lang ang bibig ko at tahimik na nagdasal na sana ay gabayan ako ng Diyos sa gagawin ko. Hindi na rin naman ako makakaatras dahil naibigay na sa akin kahapon ni Lia ang paunang bayad. Nagastos na namin sa ospital at kung tutuusin ay kulang pa.
"Mababait naman siguro 'yong mga nandoon, 'di ba? I mean, kaibigan mo naman sila?" kinakabahan kong tanong nang makalagpas kami sa main gate ng subdivision.
"Yeah. In fact, ex ko pa ang may birthday kaya hindi pwedeng ako ang pumunta as entertainer niya."
Napakurap ako. "Ex mo tapos hahayaan mo ako na kaibigan mo ang kumuha nitong trabaho?"
She smirked. "Silly. It doesn't matter anyway. We only had a relationship for like a month just for pleasure. Hindi naman kami seryoso sa naging relasyon namin so it doesn't really bother me. Besides, mas mayaman naman ang boyfriend ko ngayon."
Hindi na lamang ako nagkumento. I know Cornelia loves living a luxurious life anyway. Kaya lahat ng mga nagiging nobyo niya ay talagang may kaya.
We became friends when we became partners for a project and I did all the tasks. She realized I was smart so she started paying me to do her homeworks. Pabor naman sa akin dahil extra income din.
I tucked my hair behind my ear when her car parked in front a huge three-storey house with cream paint and large mahogany gate. Nang huminto ang sasakyan ay nilabas niya ang compact powder niya at ni-retouch ang make up ko.
"Tama na, Lia baka mukha na akong bangkay."
She laughed softly. "Silly. Oh, siya. You look great. Good luck!"
"Uhm, hindi ka ba papasok?" alanganin kong tanong.
Iniling niya ang kanyang ulo. "Nope. Dinaan lang kita. May date din kami ng boyfriend ko so I have to go. By the way, pagkatapos ng party, ibibigay na sayo ang kulang. I asked for a bonus, don't worry para may pandagdag ka sa gastusin ninyo sa ospital."
Ngumiti ako't hinawakan siya sa braso. "Lia, salamat talaga, ha?"
"No biggie. Sige na, baka hinihintay ka na rin nila."
Sandali akong humugot ng hininga at pilit na pinaalala sa sarili kung bakit ako naroroon. Mula pagkabata, lahat na ng sakripisyo at pagtitiis ay ginawa na ni Tatay para sa akin. Ngayong ako naman ang kailangan niya, hindi ako papayag na mabibigo ko siya.
I waited for Lia to leave before I pressed the door bell. Pinagbuksan naman ako ng katulong na kaagad akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
My lips pursed. I'm well aware of those kind of look. Alam kong sa isip niya ay hinuhusgahan niya na ako dahil sa ikli ng aking suot.
"Ikaw ba 'yong isang bisita nina Ser?" tanong niya.
Kinakabahan akong tumango. "O--Opo."
She jerked her head. "Dito. Pasok ka. Nandoon sila sa entertainment room sa tabi ng pool."
Entertainment room? I have no idea what that is. Ngayon pa lamang din ako nakapasok sa ganito kalaking bahay kaya halos matapilok ako kakatingin ko sa paligid. Puro big time pala talaga ang friends ni Cornelia. Hindi kaya siya nahihiya na maging kaibigan ako?
"Dito, Miss."
Bumaling ako ulit sa katulong. Doon ko lamang napagtanto na naiwan na pala niya ako sa bagal kong maglakad, kaya nang makita kong parang naiinip na siya ay dali-dali akong naglakad kahit na hirap ako sa may takong na sapatos na ipinasuot sa akin ni Cornelia.
I reminded myself not to break the heels. Siguradong mahal ang sapatos at ayaw kong may gastusan pa akong iba kung sakali.
Sumunod ako sa katulong hanggang sa narating namin ang pool area. I was so amazed by the changing lights under water, and the Greece-inspired sculptures on the other side of the place.
Nang marating namin ang tila isang buong bahay pang silid sa tapat ng pool area, kumatok sandali ang katulong. I could hear the loud upbeat music coming from the inside, at nang bumukas ang pinto ay halos mabingi ako sa lakas.
My face wrinkled as I tried to adjust with the loud music. Nang makabawi kahit papaano ay saka ko lamang nagawang tignan ang lalakeng nagbukas ng pinto, ngunit nang napagtanto ko kung sino ang lalakeng nakangiti ngayon sa harap ko habang may hawak na bote ng mamahaling alak, muntik na yatang lumuwa ang mga mata ko.
Is that... Jigo Prieto?
"Thanks, Manang," aniya sa katulong bago bumaling sa akin. "Hey! You're Lisa, right? I kind'a remember you."
My eyes blinked. Natandaan niya ba noong sinundo nila si Khalil sa tabing daan matapos akong halikan ng kaibigan nila? Iyon ba ang tinutukoy niya?
"Uh, oo. A--Ako si Lisa. Khallisa uhm... Baltazar."
Lumawak ang kurba sa kanyang manipis na mga labi. "Come on in, Lisa. My friend's been waiting for you."
Bigla yata akong kinabahan nang maalala kung ano ang pinunta ko rito. Ibig bang sabihin ay hindi si Jigo ang seserbisyohan ko? Diyos ko, huwag niyang sabihing si...
"Hell yeah!"
My eyes automatically searched for the familiar man after I heard his loud voice followed by a loud chuckle. Nang makita ko ang lalakeng nasa ibabaw ng billiards table, walang suot na pantaas at may sash na "birthday boy" habang may hawak na bote ng alak, muntik nang bumigay ang mga tuhod ko.
He can't possibly be the man I have to entertain...
"Khalil! She's here," ani Jigo na lalong nagpalakas sa kabog ng dibdib ko.
Khalil's sleepy eyes instantly met my wide gaze. Nang makita ako'y kaagad siyang ngumisi at tumalon pababa ng billiards table. Nalunok ko na lang ang laway ko nang makita kung papaano niya akong tinitigan habang nilalaklak niya ang bote ng alak, at nang tuluyan siyang huminto sa harap ko, pakiramdam ko ay bigla kong nakalimutan kung papaano ang huminga.
"Well, well. Isn't fate on my side, hmm?" He scoffed as he lifted my chin using his index finger so he could look at my face properly. "Hey, baby?" His gaze drifted to my lips. "I missed your lips."
Dumagundong nang husto ang aking dibdib at ang mga labi ko ay umawang nang bumaba ang kanyang mukha hanggang sa tuluyan kong naramdaman ang mainit niyang hininga sa aking tainga. I don't understand why my system suddenly went on a haywire when I felt his hand on my lower back, his thumb caressing the exposed part of my skin.
"Now I'm no longer in the mood to party." I gasped when he suddenly pulled my body closer, his lips almost brushed against the edge of my ear. "How about we jump right in to the fun part?"
Pilit akong lumunok habang pinipigilan ang mga tuhod ko sa pangangatog. "H--Hindi ko alam ang... ibig mong sabihin."
He laughed softly right in front of my ear. "I'm talking about a birthday s*x, babe..."
Sex? Sex... s**t!
I tried to remember how to think straight, but my heartbeat was getting faster and faster due to all the adrenaline rushing through my body. Para akong namanhid at nawalan ng kontrol sa aking paghinga. The next thing I knew, everything was starting to get blurry while my body felt so weak due to palpitation.
Nawalan na ako ng lakas na manatiling nakatindig. I don't even know what's happening. Naramdaman ko na lang na sinalo ako ni Khalil, at habang binubuhat niya ako, tuluyang nagdilim ang paningin ko.
When I woke up, I was already inside an unfamiliar room. I groaned and tried to remember everything, but when I felt someone's arm on my waist, my body froze and my eyes widened as I searched for the man's face to know who it was.
Muntik nang tumalon palabas ng dibdib ko ang aking puso nang makita ang walang pantaas na lalakeng katabi ko at masarap ang tulog habang nakatagilid paharap sa akin.
Khalil...