Kabanata 4

1368 Words
Kabanata 4 "Anong ginawa mo sa'kin, ha! Manyak! Manyak ka!" Khalil groaned when I slapped him hard on his cheek. "Tangina naman, oo. Natutulog ang tao, anong manyak ang pinagsasabi mo?" Umalis ako sa kama kahit na nanginginig ang mga tuhod ko sa takot. "Bakit nakayakap ka sa'kin? Anong ginawa mo sa'kin?! Kapag nagising ang tatay ko, isusumbong kita!" Kinuha ko ang unan at ihinambalos sa kanyang mukha. "Bwiset ka!" Bwisit na bwisit niyang pinigilan ang unan nang akmang ihahampas ko ulit sa kanya. I was taken aback when I saw his obsidian eyes sharpen while he was looking at me. Kaya kahit gusto ko pa siyang hampasin ay umatras ako dala ng takot. I grabbed the lamp shade on the bedside table with my trembling hands. "Bakit mo ko yakap-yakap, ha!" He drew in a sharp breath as he pulled himself up on a sitting position. Gigil niyang kinamot ang kanyang ulo saka yamot na yamot akong tinignan habang nakapatong sa nakatiklop niyang hita ang isa niyang braso. "Look, sinira mo na nga ang party ko, aakusahan mo pa ako ng r**e? Why don't you check yourself first hindi 'yong nag-eeskandalo ka diyan?" naiirita niyang sabi. I swallowed the pool of saliva in my mouth. Kinapa ko ang sarili at tinignan kung suot ko pa ba ang underwear ko. Wala rin akong maramdamang masakit kaya nang makitang nakatitig siya sa akin habang ini-examine ko ang sarili ko ay taas-noo akong tumingin sa kanya. "Nakayakap ka pa rin sa'kin." He rolled his eyes as if he was getting so annoyed. "You should be thankful. Do you have any idea how many women wanna cuddle with me? Besides, sanay akong may niyayakap na unan kaya kita nayakap nang hindi ko alam. Malay ko bang para kang unan." He smirked. "If I wanna get laid, I don't have to resort to s****l harassment. No offense but I'm Khalil Ducani, Miss." My lips pursed. Wala akong maisip na isagot dahil pakiramdam ko ay ako ang napahiya sa aming dalawa. Nasa katwiran ako, oo, pero hindi ko pa rin maiwasang mahiya lalo na nang maalala kong nawalan ako ng malay wala pa man akong sampung minuto sa party. "A--Anong... anong nangyari, hmm?" He heaved a sigh. "News flash, you ruined my party just like what I told you." "Ruined?" "Yeah." Bumaba siya ng kama at dinampot ang kaha ng sigarilyo niya sa ibabaw ng bed side table. Umiwas naman ako nang dumaan siya sa aking gilid upang makapunta sa veranda ng silid. Nang makasandal sa railing ay nagsindi siya sandali ng sigarilyo saka niya ako muling binalingan ng tingin. "You passed out so I had to take you here. Hindi na ako nakabalik sa party kahihintay sayong magising so my friends had to send everyone home. Thank you very much, Miss. I really appreciate your lack of ability to stay awake during happy hours," sarkastiko niyang sabi bago muling humithit sa kanyang sigarilyo. Muli akong napalunok. Nang mapagtanto ang isang bagay ay tuluyan akong napaupo sa gilid ng kama habang bagsak ang mga balikat. "Hindi ko nagawa ang trabaho ko. Ibig sabihin... babawiin ang binayad at hindi na ibibigay ang kulang?" "More likely, yes," simple niyang sagot. My lips pursed. Naalala ko si Tatay at ang kulang pang halaga para sa ospital. Saan naman ako kukuha ng pera para maibalik ko ang napaunang ibayad? Hindi ko alam kung dala ng gutom, pag-aalala o stress kaya ang babaw ng luha ko. Nang muli akong tignan ni Khalil ay kumikislap na ang luha sa aking mga mata. Nagsalubong nang husto ang masungit niyang mga kilay. "The f**k are you crying about?" Humikbi ako. "Hindi na ko babayaran? Ibabalik ko ang twenty five thousand?" He sighed. "I guess so. Bakit? Hindi mo naman nagawa ang trabaho mo so bakit babayaran ka pa?" Lalo lang akong naiyak. "Pero kailangan ko 'yong pera at wala na 'yong advance payment. Nagastos ko na." Umismid siya. "Sorry, but that ain't my problem anymore." He pointed me while blowing the smoke out of his lungs. "You did this to yourself, babe." I shoved my tears away and tried to think of any other way for me to still get the money I came here for. Nang may maisip ay lakas-loob akong lumapit kay Khalil. "Bobo ka raw sabi ng ibang estudyante. Ako na lang ang gagawa ng lahat ng assignments mo tapos kung kailangan mo ng katulong, ako na rin. Ipaglalaba kita at ipagluluto basta... ibigay mo lang 'yong kulang kasi kailangang-kailangan ko talaga." "Bobo?" Lukot ang noo niyang tanong bago bumuhanglit ng tawa. "Puta, anong akala mo sa'kin? Ulo lang sa baba ang pinagagana? Sorry, pero iba ang bobo sa sinasadyang ibagsak ang mga klase, Miss." Natatawa siyang umiling bago muling humithit ng sigarilyo. Halos maubo pa ako sa amoy ngunit hindi ko na lamang pinahalata. "Look, I don't think hiring you to do my homeworks and my laundries would be such a great deal for fifty thousand--" "Naaksidente ang tatay ko," putol ko sa sinasabi niya, ang mga luha ay kumikislap sa aking mga mata. "What?" I sniffed and shoved the tears that rolled down my cheek. "Naaksidente si Tatay. Nahulog siya mula sa second floor ng ginagawang building. Umi-extra lang siya sa construction site kaya hindi siya sagutin ng kompanya. Wala na akong ibang maisip na paraan para mabayaran lahat ng kailangan, pero gagawin ko lahat para lang mabuhay ang Tatay ko. Hindi sapat ang paggawa ng assignment at pagiging katulong? Sige. Katawan na lang? Unli gamit hanggang sa magsawa ka. Virgin ako pero willing akong makipag-s*x sayo basta ibigay mo lang ang kulang dahil hindi ako pwedeng bumalik ng ospital nang hindi ko dala ang kulang para sa operasyon ni Tatay." I sobbed. "Ako lang ang makakatulong sa Tatay ko kaya please..." Natulala siya sa akin at hindi kumibo, kaya nang wala akong natanggap na sagot mula sa kanya, sinalat ko ang zipper ng damit ko sa tagiliran at hinila pababa, ngunit bago ko pa man nahubad ang damit ay hinawakan na ni Khalil ang kamay ko upang pigilan ako sa ginagawa. "That's enough." He drew in a sharp breath then rubbed his palm on his face. "Sige na, sige na. I'm gonna hire you to do all the stuff I want you to do." Pairap niya akong tinignan. "But make sure you're telling the truth, Miss o sisingilin na talaga kita diyan sa paraang inaalok mo." Umaliwalas ang aking mukha. "P--Payag ka?" He sighed and jerked his head while blowing the smoke out. Matalim pa rin ang kanyang sulyap sa akin nang patayin ang upos. "Go to my house first thing tomorrow. Give me your f*******: account so I can add you and gie you my address." "F--f*******:? Pero..." I chewed my lower lip then searched for my bag. Nang makita iyon sa paanan ng kama ay dali-dali kong kinuha saka ko nahihiyang inilabas ang cellphone ko. "Pwede bang... text na lang o tawag? Wala ako no'ng... no'ng Facebook." Napapikit siya na tila nangungunsumi. Inis niya ring kinamot ang kanyang ulo saka siya marahas na bumuntong hininga. "Ang ganda-ganda mo tapos kapanahunan pa ni Adan 'yang cellphone mo?" Kinuha niya iyon at in-examine. "Gumagana pa ba 'to? Eh, parang nasagasaan na 'to ng limang truck sa itsura? Pambihira, pagpahingahin mo naman na?" Nahihiya kong binawi ang cellphone ko. "Gumagana 'to." I opened it and asked for his number. Bumuntong hininga naman siya at idinikta ang numero niya. "Ilagay mo diyan boss kong pogi," aniya bago ibinulsa ang mga palad. "Hintayin mo ko rito, magwi-withdraw lang ako. Ano ngang pangalan mo?" "K--Khallisa. Khallisa Baltazar." He jerked his head. "Wait for me here." Tumango na lamang ako at pinanood siyang damputin ang t-shirt niya sa paanan ng kama. Nang maglakad siya patungo sa pinto matapos makapagsapatos, tuluyan kong nilunok ang inhibisyon ko at tinawag siya bago pa man siya makaalis. "K--Khalil." He turned to me with furrowed brows. "What now?" I smiled. "Thank you, ha?" His expression softened as he stared at my smiling face. Mayamaya ay napahugot siya ng hininga saka ipinihit ang knob kasabay ng pag-iwas ng tingin. "Huwag mo kong ngitian nang ganyan. Baka makalimutan kong katulong ang in-apply-an mo sa'kin hindi shota ko..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD