NAHULOG ng Lalaking kumakanta ang mic na hawak hawak nito. Akala moy nakakita ito ng multo sa di kalayuan at hindi na naka awit pang muli. Ilang sandali pa ay bigla na lamang nanlabo ang kanyang mga mata, isang bagay kasi ang hindi nito nailagan na bigla na lamang sumulpot kung saan. HIndi na niya alam ang sunod na nangyari, biglang nanginig ang ulo niya at namula ang paningin niya dahil sa dugong bigla na lamang dumaloy mula sa kanyang kilay. Nagawa pa ngang hawakan ng lalaki ang kanyang noo upang tignan kung dugo nga ang pulang likidong iyon pero huli na ang lahat dahil bigla na lang siyang nawalan ng malay . All the people on that church was shoked on what happened. Pati si Trisha ay nagulat din sa kanyang nagawa. Bigla siyang niyakap ni Vanessa. "Bess ano nanamang ginawa mo?"
"Ano?" Tila wala siya sa kanyang sarili hanggang isang malakas na kalabog ang narinig nila sa central isle ng simbahan. Nakita na lamang nila ang lalaki na nakabulagta na sa may sahig ng simbahan habang dumudugo ang mukha nito, nilapitan naman kaagad ito ng mga tao na malapit lamang duon para tulungan ito.
"Miss ikaw nanaman!" Puna ng pulis ng makita nanaman nito si Trisha sa Police headquarters. Hindi man lamang si Trisha nagsalita sa labis na kahihiyan. Aba't malay ba niya na may part two papala ang pagkikita sila ng panot na pulis na ito.
"Kami na nga ho Sir." Nakangiting sabi ni Vanessa.
"Oh ngayon. Ano nanaman ang ginawa ninyo?" Tinignan ng Pulis ang tila papel na nasa harapan niya. "O sige sabi dito na nanggulo kadaw sa isang kasal? Tama ba Miss Trisha Sevilla?" May diin ang pulis sa pagsabi ng kanyang pangalan. Patuloy lamang si Trisha sa pananahimik. "Pero buti na lamang eh hindi na nagreklamo pa yung bagong kasal."
"Nako salamt ho! Eh yung lalaki ho kamusta?" Tanong ni Vanessa.
"Yung lalaki ba kamo?"
"Oho yung naano nitong kaibigan ko sa ulo?"
"Ayon sa findings eh maayos naman siya. Buti na lang eh hindi narin siya magrereklamo."
"Oh my God. Narinig moyun Bess. Napaka swete mo talaga!" Si Vanessa ulit ang sumagot. Tinignan naman ito ng Mamang Pulis. "Miss yan ka nanaman eh, ikaw ba ang tinatanong ko?"
"Hindi nga ho, sabi ko nga ho. Ito tatahimik na." Tinapik ni Vanessa si Trisha. Pinangdilatan nito siya.
"Eh Sir hindi ko naman ho sinasadya eh. Ang akala kopo kasi eh siya yung kumuha ng wallet ko."
"Anong wallet? Anong kulay?"
"Yung kulay pink po na may hello kitty po sa unahan."
Binuksan ng pulis ang drawer sa kaharap lamang nitong lamesa at mula duon ay isang pitaka ang kinuha nito. Ito ba 'yun Miss?"
Nanlaki naman ang mga mata niya. "Nako Sir yan nga ho!" Kinuha kaaagd yun ni Trisha at pinaghahlikan. Binuksan rin niya ang pitaka upang tignan ang laman niyon at wala iyong bawas.
"Nako Bess. Nakakahiya duon sa lalaki kanina. Hindi naman pala siya yung kumuha ng pitaka mo tapos binato mopa ng sapatos!" Sabi ni Vanessa habang naglalakad na sila papauwi galing ng police station.
"Yun na nga eh. Na gu-guilty tuloy ako."
"Eh kasi naman Bess eh sabi ko sayo na pigilan mo yang pagbulusok ng damdamin mo. Saka yan ang napapala ng pagbibintang ng walang ebidensiya."
"Oo na aminado na ako na ako na ang mali!"
"Oh ngayon ano ng gagawin mo?"
"Hindi ko alam. Maybe hahanapin ko nalang yung lalaki para maghingi ng sorry."
"Maghingi ng sorry eh saan naman natin makikita yung lalaking yun? Eh nung pupuntahan sana natin sa may ospital eh bigla na lang nawala."
BIgla tuloy siyang napaisip. Sa lawak ba naman ng kamaynilaan ay imposibleng maisa isa niya ang mga bahay dito. Pero habang patuloy silang naglalakad ay isang ideya ang naisip niya. Agad siyang napahinto. "Alam kona Vanessa! Meron akong Idea!"
"Ano namang idea yan?"
"Dito ba Bess sure ka?" Inis na sabi ni Vanessa habang tagaktak na ang pawis nito dahil sa sobrang init ng suot nito. Kung hindi ba naman ito tange ay nag ¾ itong blouse at nag maong pa na pantalon sa kainitan ng panahon. Lilibutin nila ngayon ang mga town houses sa may Sacred heart , Quezon City para hanapin ang bahay nila Mr. Noel at Mrs. Andrea Aquino, ang mag asawang iniskandaluhan niya sa kasal. "Oo tama ito, alangan namang mali 'tong ibninigay ng Pulis na address."
"Ano Pulis? teka teka pinuntahan mo yung Pulis?"
"Oo kaninang umaga. Pinaghirapan ko kayang kunin yan." Kung todo ang pagmamakaawa niya sa harapan ng panot na pulis nayon para lamang ibigay sa kanya ang address ng mag asawang Aquino. Buti na nga lang ay umepekto ang mga pag dadarama niya.
Konting lakad pa ang ginawa nila hanggang sa pinasok nila ang isang kalye. "Oh ito." Tinignan ulit ni Trisha ang papel. "I think yun na yun." Isang bahay na may chechered na gate ang nilapitan nila. Maaring ito na nga ang bahay na hinahanap nila dahil kaparehas ng number na adress na ibinigay ng pulis ang nakaukit sa pintuan ng gate. "1-B" Binasa pa iyon ni Trisha paglapit nila dito. Halata ring bagong lipat ang mga ito dahil meron pang mga box sa bakuran ng bahay na hindi pa nabubuksan.
Pinindot ni Trisha ang buzzer na nasa gate, makalipas lamang ng ilang sandali ay isang babae ang lumabas mula sa may pintuan ng bahay wearing a red apron at naka pony tail ang buhok. "Hi hello po." Namukhaan kaaagd ni Trisha ang itsura ng babae at hindi nga siya pwedeng magkamali dahil ito nga ang babaeng muntik ng maudlot ang kasal dahil sa kagagahan niya. Tinitigna din siya ng babae sa mata. "Mukang kilala kita. Diba ikaw yung?"
"Ah eh sad to say pero ako nga po yun."Sabay angat niya ng isang box ng cake bilang peace offering." Napatignin din sa cake si Andrea. "Okay please come in."
Pagpasok sa bahay ay pinapupo kaagad sila ni Andea. "Umupo muna kayo." Utos nito pagkatapos ay umupo rin ito sa harapan nila. "So anong pag usapan natin?"
"Ah Maam, unang una po eh nag so-osrry po talaga ako dun sa ginawa ko sa kasal ninyo. Hindi ko naman po talaga sinasadya."
"To be honest nainis talaga ako sa ginawa mo. Special day kasi namin yun tapos bigla kang nag eskandalo. Pero I know na lahat ng actions mo ng araw na yun ay may dahilan. Hindi ba?"
"Yes Maam."
"Saka hindi pa kayo sakin dapat mag sorry kundi kay Clemont." Duon lamang niya nalaman na Clemont pala ang panagalan ng lalaking nabato niya ng sapatos.
"Yun pa nga Maam yung isa pa naming pakay sa inyo. Alam nyo po ba kung saan namin siya makikita?"
"Nako to be honest hindi ko alam. Yung kabigan korin kasi yung nag hire sa kanya para kumanta sa wedding namin. Pasensiya na."
"Ganun po ba?" Pay paghihinayang sa boses niya.
"Pero teka lang ah, willing ba kayong mag hintay kasi yung friend ko i te-text ko. I'm sure na alam niya."
"Nako Maam sige po." Abot langit ang ngiti niya. Nakuha naman nila Trisha ang address mula sa kaibigan ni Andrea pero bigo nanaman silang makita ito. Pag dating kasi nila sa may lugar ay wala na daw duon si Clemont, nahuli pa nga nilang nagbubunganga ang my ari ng boarding house kung saan ito huling namalagi dahil sa tinakasan daw siya ng binata na hindi nagbabayad ng renta.
"Eh Bessy saan na natin hahanapin si Long hair?"
"Malay ko at sa'kin kapa talaga nagtanong eh no Vanessa. Hindi korin alam."
KINABUKASAN ay tumirik nanaman ang mata niya sa inis dahil sa nakita niyang isang bouquet ng red rose sa may lamesa niya sa office. For God! sake pati ba naman dito ay tuluyan ng na-invation ni Ronald ang teretoryo niya. Kailan kaya ito titigil sa panggugulo sa kanya. Napilipan pa nga siyang basahin ang isang maliit na card na nakakabit sa isang tangkay ng mga rosas and it say "I still love you Trisha". Walang duda, na kay Ronad nga ito galing. Bwisit nayun! Tinawag niya kaagad si Mang Romeo ang janitor nila.
"Kuya Romeo sa next na may magpapabigay nito sa table ko without my consent eh huwag nyo pong tatanggapin ha."
"Eh Maam—"
"Ah basta Kuya!"
"Eh Maam. Sa totoo niyan eh meron pa ho siyang gustong ipasabi sa inyo."
"Sino ho yung nagbigay ng mga bulaklak?"
"Yes Maam."
"Ano ho?"
"Gusto niya hong ipasabi na maghihinay daw po siya sa may labas."
"What?" Mas lalo siyang nag hesterikal. Halos marinig na nga ang boses niya sa buong fifth floor ng UNIWIZ building. Nagpunta siya kaagad sa may bintana at mula sa may poste na nasa kabilang kalye ay nakita niya si Ronald na naninigarilyo habang nag te-text. "Ang gagong yun! Ang kapal talaga ng mukha."
"Nako Manong punta kayo dito dali."
"Ano po yun Maam?" Lumapit naman kaagad si Mang Romeo.
"Kung tanungin niya pa ulit ako eh sabihin nyo na hindi ako pumasok ngayon. Nag AWOl ako or whatever kayo na ang bahala."
"Ye-ye-yes Maam." Nauutal nitong sabi.
Halos five minutes nalang ay uuwi na siya pero pagsilip niya sa bintana ng kanilang opisina ay nandun parin si Ronald na nakatanga. Mukhang wala talagang balak itong umalis ng hindi siya nakikita, sa isip-isip niya eh saan kaya ito kumukuha ng lakas para tumanga at maghintay dun ng ilang oras , ginawa na nga niya dito ang lahat ng pangbubuska at sinabihan ng mga masasakit na salita pero hindi parin ito tumitigil. Padabog siyang nagpunta sa kanyang desk at sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay. Sa totoo niyan ay ayaw na niyang makita pa ang pagmumukha nito dahil kapag kaharap niya ito ay hindi niya mapigilang matikman muli at magbalik sa kanyang ala-ala ang lahat. Ang mga araw na paghihinagpis niya dahil sa lalaking ito at ang mga araw na parang gusto na niyang mamatay dahil she feel empty and betrayed inside.
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang desk at tinignan duon kung may text si Vanessa pero wala. Until she got an idea. Nilagay niya kaaagad ang kanyang cellphone sa may text mode. Pagkarating duon ay ti-next niya kaaagd si Ronald na kailangan nilang magkita sa may malapit na mall ngayon din. Akalain ba niyang magagamit niya ang number nito ng minsang nag pa miscall ito sa kanya.
Sumilip ulit siya sa may bintana pagka send niya ng text. Mula sa labas ay nakita niya kaagad si Ronald na kumakandarapa ng alis. Yes! Kinagat nito ang patibong niya. Pagkatapos nun ay dali-dali na siyang bumaba at umalis na ng office.
"Oy Bess ano nanaman ito ngayon. Sinundanan ka nanaman ni Ronald no, your faithful ex." May naisip nanaman si Vanessa na bagong tawag kay Ronald habang nag uusap sila sa may parke.
"Ano pa nga ba. Kahit na yata anong sabihin ko dun eh hindi ako titiglan."
Dinilaan ni Vanessa ang binili niyang tatlong scoop ng chocolate ice cream. "Nako Bess mukhang mamumuti yung mata nun sa kakahintay sayo sa mall. Nakakloka ka!
"Hayaan mo siya. He deserved it!"
Tumawa lamang si Vanessa ng malakas. "Eh bess paano kung mag hire ka ng lalaki para maging boyfriend mo."
"Bakit naman?"
"Para tigilan kana ni Ronald. Kasi alam mo kaya yan malakas ang loob na makipag balikan sayo kasi nga eh single kapa."
"Sus akala ko ba eh sa mga pelikula yan nangyayari. Saka ayoko."
"Ikaw ang bahala. Buhay mo naman yan." Napahinga tuloy ng malalim si Trisha. Ano nalang kaya ang paraan para lubayan siya ni Ronald. Actually hindi niya alam. Wala siyang ideya.
Halos isang daang miss called yata ang natanggap niya pagsilip niya ng kanyang cellphone kinabukasan. Mukha yatang pinagsisihan pa niya ang pag text niya kay Ronald kahapon. Nabuhayaan pa yata ng loob si loko. Babe bakit hindi ka nagpunta sa tagpuan natin kahapon?ilang text ni Ronald na nabasa niya. Ano raw tagpuan? Ang kapal talaga ng mukha ni Loko. As if namang pagkatapos ng lahat ng panloloko sa kanya nito ay ganun lang niya ito kakausapin.
Mag ma-make face pa sana siya ng nakita niyang nakatingin sa kanya ang kaharap niyang lalaki sa loob ng jeep. Halatang pinag tatawanan siya nito pero pinipigilan lang. Dadi dali niya nga itong inirapan at tumingin sa kabilang banda, pero hindi paman siya tuluyang nakaka move on sa mga bwisit na text ni Ronald sa kanya ay isang himala ang bigla na lamang nangyari. Si Clemont nakita niyang naglalakad. "Ma para nyo sa tabi!"
"Nako Miss bawal po dito. Baka mahuli ako. Duon nalang sa may kanto." Pagpapaliwanag ng driver.
"Nako Manong." Hindi na siya makapag pigil pa, umusog siya sa may dulo ng jeep at tumalon duon. "Clemont!"
"Huh?" Naagaw naman niya ang pansin ng binata. Napatigil ito sa pag lalakad. Nung una ay hindi nito siya nakilala ngunit ng tuluyan na itong makalapit sa kanya ay bigla siyang nagtakip ng mukha.
"Oy oy oy! Anong arte yan?"
"Kilala kita."
"Kilala mo ako?"
"Oo, ikaw lang naman ang gumawa nito?" Tinanggal ni Clemont ang kanyang kamay sa kanyang mukha at mula sa may bandang kilay ay pinakita nito ang kanyang natamong sugat.
"Eh kaya nga kita hinahanap eh. Kasi---" lalapit pa sana si Trisha kay Clemont pero bigla itong nagsalita.
"Hep hep hanggang diyan ka lang."
"Oy huwag ka ngang O.A. Hindi ako nandito para bigyan pa ng twin brother yang sugat mo. Kun'di eh humihingi ako ng sorry."
Natahimik si Clemont. Ang tangi niya lamang naririnig ngayon ay ang ingay ng mga sasakyan na akala moy kumakaripas ng takbo sa daan. "Oh ano hindi kana makapag salita diyan. Sabi ko na sorry sa ginawa ko. Upset lang kasi ako nung araw nayun." Nakatingin lamang si Clemont sa kanya na hindi man lamang nagsasalita. Pagkatapos ay walang anu anoy bigla itong tumalikod sa kanya.
"Oy Clemont? Ano pinapatawad mo na ko."
"Oo na." Nagpunta siya sa harapan nito. Pero sa isang kundisyon."
"Ano yun?"
"Na hindi mo na ako babatuhin ng sapatos mo."
Hindi ba niya maintindihan pero bahagya siyang natawa.
"Oh bakit ka natatawa, seryoso ako."
"Bakit? seryoso din naman ako ah." Pinipigilan niyang tumawa. Pagkatapos nun ay nagpatuloy na maglakad si Clemont. Sumunod siya dito. "Saan ka pala pupunta sa gantong oras ng gabi?"
"bakit ba ang dami mong tanong?"
"Bakit masama ba? Ang sungit nito."
"Kung gusto mong malaman eh samahan mo nalang ako."
Nag duda kaagad siya sa gusto nitong mangyari. Paano na lamang kung--- Biglang napahinto si Clemont na maglakad "Teka alam ko yang tingin nayan. Ako paba ang pagdududahan mo eh ikaw nga diyan ang nangbabato ng sapatos."
"Hoy wala akong sinabing ganyan ah."
"Wala ka ngang sinabi pero halata naman sa kilos mo. Ikaw bahala ka!" Iniwanan na siya ni Clemont sa may mahabang daanan na wala ni isang tao, nagpapatay sindi ang ilaw ng lamp post na katapat niya at meron pang tila isang lalaking lasing na papalapit. "Grrr! Oo na sasama nako. Clemont hintay!" Sabay takbo niya sa tabi ng binata.