HALOS ISANG KILOMETRO pa yata ang nilakad nila Trisha bago si Clemont tumigil. "Eh kung nag jeep nalang kaya tayo eh di kanina pa tayo nakarating sa pupuntahan mo?" Tinignan siya ni Clemont. "Baka ang gusto mong sabihin ay pupunatahan natin, Saka hindi na kailangan dahil nandito na tayo. Tinignan ni Trisha ang bahay na hinintuan nila. Private house iyon ng pamilyang Soriano. Alam niya iyon dahil sila lang naman ang nagmamay ari ng malaking super market na malapit sa may parke. Sa madalas niya nga na pagpunta duon ay halos lahat na yata ng mga crew ng supermarket ay kakilala na niya.
"Diyan tayo sa loob pupunta?"
"Oo bakit?"
"Nako wala." Ngumiti lamang siya.
Nag doorbell si Clemont sa may pintuan. Pagkatapos ay pinagbuksan sila ng isang kasambahay. Pinapasok sila nito sa loob at hinatid sa may garden area. Kakaiba ang loob ng bahay. Mas malaki pa pala ito kaysa sa kanyang inaasahan.
Isang malamyos na musika ang agad na sumalubong sa kanila sa may hardin. Hinanap kaagad ng binata ang event coordinator. "Oh bakit ngayon ka lang?"
"Eh Sir. Sorry po."
"O siya dalian mo at ikaw na ang susunod sa program." Pagkatapos ay nagpunta naman si Clemont sa may gilid ng maliit na stage at nagpalit ng damit. Kulay asul na polo ang pinangpalit niya. Naglagay ito ng parang hair cream sa buhok at tinali niya iyon ng isang itim na pony tail. "Diyan ka muna ah. Kakanta na ako." Tinapik pa niya si Trisha sa balikat na parang close sila. Otomatikong tumaas tuloy ang kilay niya.
50th anniversary ng mag asawang Soriano. Lahat ng mga anak nila ay present sa mahalagang anibersaryo ng kanilang buhay. Sa mga relasyon ngayon ay bihira na ang nag nagtatagal sa ganong tagal ng relasyon kaya naman hangang hanga si Trisha sa mag asawa. Sweet lamang ang dalawa na nakadungaw sa may mini stage habang tila nag ke-kwentuhan. Sinasabi ni Trisha sa kanyang sarili na kung sino man ang makatuluyan niya sa future ay ganun din sana sila.
Ilang sandali pa ay ipina kilala na ng emcee si Clemont sa mga bisita. Pagkatapos ay tuluyan na itong nagpunta sa ibabaw ng stage at kumanta. Pagbukas palang ng labi ng binata ay nakakaakit na kaagad ng boses nito. He's voice is like an angel. Hindi nga ni Trisha mapigilang mapatanga at mag day dream. Meron pa palang lalaking may ganitong kagandang boses sa balat ng lupa. Ibig niyang sabihin ay base sa postura nito na parang hindi naman marunong kumanta. Nadadala siya.
Pati na ang body movement ni Cemont ay pinagmamasdan niya. Bagay na bagay dito ang mga kilos nito. Even his pony tailed long hair ay bumagay sa porma nito, hindi ito nagmukhang dugyot. Sa katunayan niyan ay isang babaeng katabi niya ang tila naakit din sa ganda ng boses nito. Muntikan pa ngang matapon ang lamang alak ng hawak hawak nitong kupita dahil sa pagka tanga nito. Dalawang kanta pa ang kinanta ni Clemont bago siya tuluyang bumaba ng stage. Ang pang huling kanta ay request ng isa sa mga anak ng mag asawa. "Oh okay kalang diyan?"
"Oo." Maikling sagot niya. Nakalugay na ang buhok ni Clemont paglapit nito sa kanya. Para tuloy itong babae, Isang gwapong babae.
"Kumain ka naba?"
"Nako hindi ako nagugutom, saka nakakahiya kasi sabit mo lang ako dito. Ikaw nalang for sure eh nakakapagod yung pagkanta."
Nagpunta si Clemont sa tabi niya. "Ay hindi. Kung hindi ka kakain, eh 'di ako rin."
Inirapan niya ito. "Bahala ka." Napatingin si Trisha sa mga pagkain nakahain sa lamesa. Itsura palang ng mga ito ay talaga namang nakakatakam na, kung hindi nga lang siya nahihiya eh kanina pa siya nagpunta duon at nilantaan na ang dapat lantakan. Pero hindi, pipigilan niya ang gutom niya at tutal eh kumain naman siya ng kanyang paboritong instant noodles for lunch.
Ilang sandali pa ay nilapitan naman nila Mr. at Mrs. Soriano si Clemont. Kinamayan ng mag asawa ang binata. Binati nila ito dahil sa maganda nitong performance. "Are you a professional singer?" Tinanong siya kaagad ng ni Mrs. Soriano pag katapos nitong makipag kamay sa binata.
"Nako Maam hindi po. Amateur pa po ako."
"Really, amateur ka palang ng lagay nayan eh pwede kanang hinanay sa mga kumakanta sa t.v." Nginitian lamang ni Clemont ito. "Eh teka kumain naba kayo."
"Nako Maam hindi pa po. Kasi busog padaw po yung kasama ko."
"Nako. Marami pa naman akong masasarap na delicacies na pinaluto, you must try it. Iha and iho."
Napatingin si Trisha kay Clemont. Mukhang siya pa ang sinangkalan nito para lamang mapilit siya nitong kumain. "Ano iha?" Inakay na siya ni Mrs. Soriano. Hindi daw ito kasi papayag na matapos ang event na hindi nito natitikman ang mga luto na siya ang gumawa. Habang niyayakapd naman siya ni Mrs. Soriano ay napapatingin siya kay Clemont. Sinasabi sa kanyang isip na humanda ito mamaya sa kanya pag nag solo silang dalawa.
"Nakakainis ka!" Hinampas niya si Clemont sa balikat habang naglalakad na sila papalabas ng bahay. Tapos na ang Event. Hanggang sa huli ay todo parin ang papuri ng mag asawa kay Clemont. Ang sabi pa nga ni Mr. Soriano ay ito parin daw ang dapat na kumanata sa susunod nilang anniversary.
"Oh bakit?"
"Anong, anong bakit eh ako pa talaga yung sinisi mo kung bakit hindi ka dapat kakain kanina ah."
"Eh bakit hindi ba?" Natatawa lang si Clemont sa reaksiyon ng mukha niya. "Alam mo ang cute mo kapag nagagalit." Namula kaagad ang magkabilang pisngi ni Trisha, bahagyang nag init yun sa hindi niya alam na kadahilanan. "Oh ano hindi kana nakapag salita diyan." Naaala niya tuloy ang tinanong ni Mrs. Soriano sa kanya kanina habang kumukuha siya ng kalderetang baka. Na swerte daw siya sa boyfriend niyang si Clemont dahil daw magaling itong kumanta.
"Oh bakit may naaala ka siguro no kaya ka hindi makapag salita diyan." Tuluyan na siyang inasar ni nito.
"Ay ano yun?"
"Tama nga, lumilipad yung isip mo." Napatingin siya sa mga mata ng binata, and then she was realize na mas maganda pala itong tignan ng malapitan.
"Oh ngayon eh tinititigan mo naman ako, bakit meron ba akong muta?"
"Hoy hindi kita tinititigan ah." Umiwas siya ng tingin dito, bahagya siyang napahiya.
"Saka nga pala. Paano mo nalaman yung pangalan ko, stalker ba kita?" Patuloy lamang silang naglalakad ng bigla silang lumiko.
"Wow ah, unang una eh hindi mo ako stalker, pangalawa wala akong time para instalk-in ka. Busy ako sa buhay ko."
"Eh itong pagsunod mo sakin ngayon, hindi bato pang in-stalk."
"Ang kapal ng mukha mo! Ibang usapan naman to!"
Biglang tinakpan ulit ni Clemont ang mukha niya, baka daw kasi batuhin siya ulit ni Trisha ng kung anong bagay na mahablot nito. "Nako ewan ko sayo, hindi ka seryosong kausap." Tumawid sila ng isang kanto pagkatapos. Nanguna si Trisha sa pag tawid sa kabilang kalye kaya sinundan siya ng binata. "Hindi nga, yung seryosong usapan, saan mo nga nalaman?"
"Gusto mo talagang malaman."
"Syempre naman."
"Eh di duon sa mag asawang last na kinatahan mo. Saka nagpunta rin ako sa bahay nila para humingi ng despensa. Pero teka saan pala tayo pupunta?"
"Ewan ko sayo sinusundan lang kita eh."
Tinignan ni Trisha ang daan."Eh ako dito na yung way ko pauwi eh ikaw?" Biglang nag iba ang ora ng mukha ni Clemont. Nabasa kaagad niya yun. "Wala kang mapupuntahan no?"
"Huh? Paano mo naman nasabi? meron ah!"
"Sus huwag ka ng magsinungaling. Nagpunta din kami sa inuupahan mo kahapon at sabi nung Aling masungit na matabang yun eh matagal ka nadaw duong hindi umuuwi. Nagagalit nga siya kasi umalis ka daw ng hindi nagbabayad ng renta."
Tahimik lamang si Clemont habang nakatingin sa kanya.
"Oh ano, ikaw naman ang natulala diyan dahil tama ang lahat ng sinabi ko? Saka please huwag mo akong tignan dahil kailangan ko ng sagot. May matutulugan kaba ngayong gabi?"
"Wala." Mahinang sagot ng binata.
Huminga ng malalim si Trisha pagkatapos. "Okay. If you want eh sa apartment ko nalang muna ikaw matulog, hindi ka naman siguro killer diba?" Napangisi si Clemont. "Oh patawa tawa ka diyan, mabuti na yung maliwanag.