Chapter 4

2243 Words
BINUKSAN kaagad ni Trisha ag ilaw pag pasok niya ng kanyang apartment, it a simple model house na may isang kwarto at maliit na dirty kitchen. "Sige pasok." Paanyaya niya kay Clemont habang naghihinaty ito sa may labas upang papasukin niya. Dahan dahang pumasok ang binata sa loob ng kanyang bahay. "Oh bakit?" Nahuli niya itong nakatingin sa kanya. "Wala lang, Sino palang kasama mo dito?" "Ako lang mag isa. Pero paminsan minsan eh dito rin natutulog yung best friend ko since high school. Parang dito narin siya nakatira actually." Pumasok muna si Trisha sa loob ng kanyang kwarto para ibaba ang kanyang malaking bag pagkatapos ay binalikan niya si clemont sa may sala. "Oo nga pala, duon ang banyo tapos ito ang kusina." Tinuro niya ang ispasyo ng kusina. Pero sa muli niyang pagtingin sa binata ay nahuli lamang niya itong nakatingin sa kanya. "Oh bakit nanaman?" "Wala lang." Nginitian siya ulit nito. It was a gorgeous smile na gustong niyang bilihin pang habang buhay. "Oo nga pala. Dito ka sa may upuan matutulog." "Pwede sa may lapag nalang?" "Sure walang problema pero malamig yung sahig, ay teka." Pumasok ulit siya sa loob ng kanyang kwarto at kinuha ang isang makapal na kumot. "Ito gamitin mo." "Salamat." Kinuha ni Clemont ang kumot na hanggang ngayon ay todo parin ang pasasalamat sa kanya. "Ano kaba? Okay lang yun, eh kulang panga ito sa ginawa ko sayo sa simbahan." "Hindi this is already enough." Hinawakan ni Clemont ang kamay niya. Mainit ang mga kamay nito. Pero ng mapagtanto niya na medyo na a-awkward na siya sa kanilang sitwasyon ang bigla niyang kinuha ang kanyang kamay mula sa piling nito. "O sige gabi na, Kung may kailanagn ka lang eh huwag kang mahiyang magsabi sa akin." Pagkatapos ay nagpunta na siya sa kanyang kwarto. "Ay Trisha!" "Ano yun?" Bigla siyang napatigil. Tiniwag siya ni Clemont. "Kung gusto mong i-lock yung pintuan ng kwarto mo. Okay lang." "Nako hindi na. No need." Pumasok na si Trisha sa loob ng kanyang kwarto pagkatapos nun. First time niyang mag patulog ng isang lalaki sa loob ng kanyang bahay na siya lamang mag isa, Hindi ba niya mawari pero hindi siya nakaramdam ng takot sa maaring gawin ni Clemont sa kanya, besides she feels protected with his company. Kinabukasan. Pag mulat ni Trisha ay agad siyang bumangon. Nagmamadali niyang binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto at sumilip sa siwang nito. Sa may lapag ay nakita niyang natutulog pa si Clemont na parang pusa kung ibaluktot ang katawan. Nakadakot pa ito sa kanyang harapan na tila may kukuha ng sagradong agimat nito. Natawa tuloy siya. Naalala niya kasi si Vanessa habang natutulog, ibang iba silang dalawa, Kung si Clemont kasi ay parang pusa kung matulog, si Vanessa naman ay parang kainan na bukas sa lahat ng kumakain. Mahilig kasi itong bumukaka pati narin ang bibig. Pagkatapos silipin si Clemont sa pagtulog ay bumili naman siya ng pandesal  sa may kanto. Sinamahan narin niya iyon ng tatlong itlog at isang sachet ng palaman sa tinapay. Pagbalik niya ng bahay ay dahan-dahan siyang naglakad papuntang kusina, ayaw niya kasing istorbohin ang pagtulog ni Clemont. Kumuha siya ng mangkok sa lalagyanan ng mga gamit, pagkatapos ay binate niya duon ang tatlong itlog. Pero hindi paman niya iyon nailalagay sa mainit na kawali ay natunugan niyang nagising na si Clemont. "Good morning!" "Oy gising kana pala, teka lang ah. Niluluto ko pa 'to." "Okay lang." Pagkatapos ay nagpunta ito sa loob ng banyo. Everything was perfect. Inayos ni Trisha ang table for two para sa kanilang dalawa. Weird nga ito kung tutuusin dahil ngayon lamang siya nag abala ng ganto. "Gusto mo ng tulong?" Pinuntahan siya kaagad ni Clemont paglabas nito ng banyo. "Saan dito? Nako huwag na, ang mabuti pa eh umupo ka nalang diyan at tikman mo 'tong niluto ko." "O sige." Isinubo ni Clemont ang niluto ni Trisha para dito. Pagkatapos ay nginuya-nguya nito iyon. "Anong lasa? masarap ba?" "Oo masarap, anong nilagay mo dito?' Kumuha pa si Clemont ng isa pang parte ng itlog pero pagtingin niya kay Trisha ay natahimik ito, para itong iiyak." "Oh bakit? Ayos ka lang?" "Oo ayos lang ako." Pag sisinungaling niya pero ang totoo ay naalala niya kasi si Ronald sa sitwasyon na iyon. Isang beses niya kasi itong pinagluto ng agahan pero imbis na pasalamatan siya nito for appreciation ay nilait lait pa nito ang luto niya. "Sigurado kang ayos ka lang. Sinabi ko namang masarap ah." Pinipigilan ni Trisha na maging emosynal muli sa harapan ni Clemont. Ayaw na niyang umiyak pa sa harapan ng isang lalaki katulad ng dati. Ayaw na niyang maging mahina sa paningin ng iba. Ilang sandali pa may kumatok naman sa may pintuan. "Ako na yung magbubukas." Pagboboluntaryo ni Clemont. "O sige." Pagkatapos ay bigla na itong tumayo. Pero hindi pa man siya tuluyang nakaka recover mula sa kanyang pag babalik tanaw sa nakaraan ay bigla na lamang siyang nakarinig ng isang kalabog mula sa may sala. Agad siyang nagpunta duon. "Anong nangyari?" Mula sa may lapag ay nakita niya si Clemont na nakahiga na sa may lupa at duguan habang si Vanessa naman ay nasa pintuna at halatan ring nagulat sa pangyayari. NILAPATAN ng pangunang lunas ni Trisha ang sugat sa may kilay ni Clemont na bumukas muli. Paano ba namang inaper kick ni Vanessa ang binata na napag kamalan nitong magnanakaw. "Eh paano ba namang hindi ko mapag kakamalang magnanakaw itong lalaking ito eh hindi moko ininform na iuuwi mo siya dito sa apartment." "Kahit na, huwag ka kasing padalos dalos. Saka isa pa may pangalan yung tao." Tinignan niya ng masamang tingin si Trisha. "Oo nga pala Clemont right. Hoy pasensiya na talaga ah. Alam mo naman sa mga news ngayon na nag silipana yung mga akyat bahay gang." "Okay lang. Malayo naman to sa bituka eh." Nilalagyan na ngayon ni Trisha ng gasa ang sugat nito sa may kilay habang nagsasalita nanaman ng walang humpay na bunganga ni Vanessa. "Saka Sis, hindi naman kasi siya magkaka initial na sugat diyan kung hindi mo siya binato ng sapatos mo nung nakaraang araw. Hindi ba Clemont?" Inambangan naman niya ito. "Ikaw ah tumahimik ka diyan at baka yang kilay mo naman yang paduguin ko! Nag sisisi na nga ako sa nangyari eh tapos pinapaalala mo pa. Kung pwede lang eh tumahimik ka!" "Oo na tatahmik na. Akin na yung bayong ko at magluluto nako ng bonggang bongga!" Kinuha ni Vanessa ang kanyang bayong at agad na nagpunta sa kusina. Home made baker si Vanessa sa kanilang bahay. Gumagawa siya ng mga cakes at cupcake kasama ng kanyang ina habang ang kapatid naman niyang si Lito ang nag dedeliver. Ito na ang kanilang naging family business. "Pasensiya kana dun sa bestfrend ko ah. May pagka amazona." "Oo nga pareha kayo." Bulong ni Clemont habang idinidiin ni Trisha ang medical tape sa dumugo nitong sugat. "Ano?" napadiin ang pagkakalapat ng kamay niya sa kilay nito. "Aray! Wala. Ang sabi ko. Parehas kayong magaling sigurong magluto." "Sigurado kang yun lang yung sinabi mo?" Diniinan muli ni Trisha yung sugat niya. "Oo naman! Dahan dahanin mo naman yung paglagay masakit eh!" Pagdating ng hapon ay biglang nawala si Vanessa. Nakahimbing na pala siya sa may sofa ng hindi niya namamalayan habang nakatulog din sa may lapag si Ronald para ipahinga ang kanyang sugat sa kilay. Pinagmasdan niya itong natutulog. Isa lamang ang nakikita niya ngayong kilay nito dahil ang isa ay natatakpan ng gasa pero maganda ang tubo ng mga iyon. Even his nose ay matangos and his lips ay medyo pinkish. Ewan ba niya sa kanyang pag da day dream pero mukhang gusto niya itong hawakan at hagkan. "Oy anong ginagaw mo diyan?" Nagulat siya. Sa pagka taranta niya ay naihagis niya ang kanyang cellphone at naibato niya ito sa mukha ni Vanessa. "Nako Bess ah mukhang nanadya kana!" "Eh bakit kasi nang gugulat!" "Oy F.Y.I hindi po ako nanggugulat. Tinanong lang po kita kung ano ang ginagawa mo at pinagmamasdan mong matulog yang lalaking yan." "Si Clemont." Wika niya. "Okay si Clemont." Pagtatama nito. Maya maya pa ay bigla naman nagising ang binata. "Ano yun, bakit parang narinig ko yata yung pangalan ko." "Ah yun ba? kasi itong si Bess eh mukhang tinitignan---" Agad na tinakpan ni Trisha ang bunganga ni Vanessa. "Ah wala yun. Pinag uusapan lang namin yung sugat mo. Ano ayos naba?" Hinipo naman ni Clemont ang kanyang sugat sa may bandang kilay. "Hindi na masakit. Medyo okay okay na." Sagot nito. "Eh di maayos, pwede na tayong mag inuman!" Mula sa isang pulang supot ay biglang inilabas ni Vanessa ang dalawang emperador." "Ano yan?" Tanong ni Trisha. "Pansit canton to sis! Ano kaba syempre alak." "Biglang nagrolyo ng mata si Trisha sabay kamot sa batok. "ito nanaman po tayo mga kaibigan." "O common! Paminsan minsan lang to Sis saka welcome's party narin natin to para kay Clemont." "Ay hindi, wala ako sa mood para uminom ngayong gabi." Kinuha ni Trisha ang dalawang bote ng alak at inilagay ulit iyon ng sa may plastic. "Huwag ka ngang kill joy. Pangit naman kung ako lang mag isa yung iinom tapos manonood lang kayo, syempre damay damay nato! Diba Clemont?" Pagtingin ni Vanessa kay Clemont ay nakangiwi ito. "Oh bakit?" "Eh kasi hindi rin ako sanay uminom eh." "Seryoso? Kahit kaylan? Puros kasal yung pinunpuntahan mo syempre kahit papano nakakatikim ka dun ng mga imported na alak." "Nakakainom naman pero hindi ko hilig." "O sige tapos naba ang mga pag iinarte ninyo. Para sabihin ko sa inyo eh bawal ngayon ang pag iinarte naiintindihan ba. Ito ang gabing para i welcome natin si Clemont dito sa apartment period!" Kinuha ni Vanessa ang isang bote ng alak pagkatapos ay itinaas nito iyon sa may ere. INURONG ni Vanessa ang baso sa harapan ni Clemont paggkatapos niya itong lagyan ng alak. "Oh ito ang sayo ah. Shot kana!" Nakatingin lamang si Clemont sa baso na parang ayaw itong inumin. "Oh bakit ayaw mong i-try?" "Pano pag ayoko may magagawa kaba?" "Oh common. Parang isang shots lang yan eh pagkatapos niyan for sure magugustihan mo rin yung lasa." Pangako ni Vanessa sa kanya. Puro talaga pasimuno itong si Vanessa, dito niya ginagamit ang charm niya, ang manugmbinsi at mag udyok sa mga trip na maisipan niya. "Sige na nga." "That's my boy!" Tumayo pa si Vanessa sa may sofa at itinaas ang kamay na parang sira ulo. Bigla namang ininom ni Clemont ang alak. Napangiwi ang mukha nito dahil sa pait nitong lasa. "Oh ano isa pa?" "Vanessa huwag mo ngang pag tripan yang si Clemont." Pag aapila ni Trisha. "F.Y.I Bess hindi ko siya pinag t-tripan ah. Saka teka ikaw na pala yung iinom. Hindi ka excepted." Nilagyan ulit ni Vanessa ng alak ang shot glass pagkatapos ay ibinigay naman niya ito kay Trisha. Nauwi ang isang inom ng isa pa, ng dalawa hanggang sa hindi na nila mabilang na ikot ng baso. Hanggang sa tila umikot ang gulong sa kanilang tatlo habang umiinom. S Clemont na kasi ang nagtatagay sa kanilang tatlo ng alak. Ang isang good boy na kagaya niya ay tila nagiging lasenggero na! "Oh shot kapa!" ""O sige lagyan mo!" Sigaw ni Vanessa na tila lasing narin. Tumayo naman si Trisha at nagpatugtog ng isang nakakaindak na musika. "Ay Bess alam ko yan. Diba yan yung kinakanta ni Miley Cyrus ngayon yung yung. Party in the U.S.A?" "Tama Sis." Sagot naman ni trisha pagkatapos ay nakipag kamay siya kay Vanessa. Maya-maya pa ay si Clemont naman ang namili ng kanta sa mga C.D. na naroon. "Hoy anong hinahanap mo diyan?" "Teka lang, wala ba kayo ditong pang mellow na music?" Wika nito sa lasing na boses. "Teka friend. Walang hiya ka, tumabi ka diyan." "Kahit na lasing ay alam parin ni Vanessa kung saan nakalagay ang mga c.d sa tama nitong mga lalagyan. Kinuha niya ang isang Christina Bautista album at pinagtugtog nito iyon sa may DVD player." Oh yan friend kakanta kaba?" Tumayo si Clemont sa ibabaw ng sofa kahit na patembwang tembwang siyang maglakad. Umayos ng tindig pagkatapos ay sinabayan ang kanta sa may DVD. Maganda parin ang boses nito kahit na lasing. Hindi parin nawawala ng hiwaga ng tinig nito kahit na tila sinasapian ito ng kakaibang katauhan dahil sa kakulitan nito. Napatanga lang naman sa kanya si Trisha habang nakikinig. Pinikit pa niya ang kanyang mga mata at tila nahimasmasan at nawala ang pagkalasing. Pero hindi paman siya tuluyang napupukaw ng kanta ni Clemont ay bigla na lamang silang nakarinig ng katok mula sa may pintuan. "Teka Bess parang may kumakatok?" Pinatigil nila si Clemont na kumanta at duon nila napagtanto na meron ngang kumakatok sa may pintuan. "Ako na ang magbubukas." Nagboluntaryo bigla ang binata.Bumaba siya ng sofa at nagpunta kaagad sa may pintuan at binuksan ang doorknob. "Nasaan si Trisha, kailangan ko siyang makausap." Isang lalaki ang bumulaga kay Clemont duon. "Sino ka?" Tanong ni Clemont dito. "Wala kang pakielam kung sino ako, nasaan nga si Trisha." Pinilit ng lalaki na pumasok sa loob pero pinigilan kaagad siya ni Clemont. Hinarangan nito ang lalaki gamit ang kanyang dibdib. "Don't touch me." Tinanggal ni Ronald ang kamay ni Clenmotn sa dibdib nito. "Clemont sino yan?" Dumating narin sa eksena sila Trisha at Vanessa. Kaya naman mas lalong umigting ang kagustuhan ni Ronald na makapasok sa loob at makausap ito. "Trisha pwede ba tayong mag usap." "Ronald? Anong ginagawa mo dito?" Pero ng ipapasok na muli ni Ronald ang kanyang paa sa loob ng pintuan ay bigla nanaman siyang hinarang ni Clemont. "Ano kaba ah. Gusto ko lang namang makauspa si Trisha. Umalis ka nga sa harapan ko!" "Paano pag ayoko?" "Bakit anong gagawin mo sakin. Mayabang ka ah!" Hindi na nakapag pigil pa si Clemont. Hanggang walang anu anoy bigla na lamang niya itong sinuntok sa mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD