Chapter 5

2056 Words
"GINAWA KO TALAGA YUN!" Gulat na gulat si Clemont ng malaman niya mula sa kwento ni Vanessa ang ginawa niya kagabi. "Oo no, nakakaloka ka nga eh, in-uppercut mo nga si Ronald tapos ayun knock out si loko!" may kasama pang demonstration iyon. Kasalukuyang nag aayos ng kanyang damit si Clemont dahil meron siyang kanta ngayong umaga. Bale tatlong sunod sunod na event ang pupuntahan niya. Pabor naman sa kanya iyon dahil malalapit lamang ang locations ng mga nasabing event. "Eh teka teka sino naman si Ronald? "Ay hindi paba nasasabi ng Bessy ko, okay sasabihin ko sayo for your enlightenment. Si Ronald lang naman ang walanghiyang ex-jowa niya na niloko siya at nag two time! O ngayon alam mo na." Siniko naman kaaagd ni Trisha si Vanessa, tila sinasabi na tumigil na ito sa kakadaldal. "Oh bakit umaanggil ka diyan eh totoo naman." "Tama na kasi yung sabihin mo na ex-jowa ko yung tao, but huwag mo na sanang i-chismis." Inirapan siya ni Vanessa at tuluyang tumayo sa may sofa. "Ay ewan ko sayo, bakit ba parang ayaw mong ipaalam yung ginawa ng lokong yun?" "Kasi nga It's not necessary." "Okay fine!"Tumingin ulit si Vanessa kay Clemont. "Basta Clemont magaling yung ginawa mo kagabi winner na winner!" Kulang na nga lang ay itaas pa nito ang kamay ng binata at sambahin. "Eh tapos anong nangyari kay Ronald pagkatapos?" "Eh di nagtatakbo yung duwag nayun! Saka huwag mo ng intindihin yun okay." Tuloy parin si Vanessa sa pag sasaya. "O siya at aalis na ako." Tuluyan ng natapos si Clemont sa kanyang seremonya bago umalis. Ni hindi na nga ito nagawa pang kumain at uminom ng tubig dahil baka daw magbago ang timbre ng kanyang boses. Try and tested nadaw nito iyon. "O sige mag ingat ka nalang. Ba-bye!"Sinundan nila ng tingin si Clemont hanggang makalabas ito ng pintuan. "Ay Clemont teka. Free kaba mamayang alas dose?" Tanong ni Trisha sabay hinto naman ni Clemont sa paglalakad. "Hindi ko pa alam pero sa tignin ko mga 11:30 tapos na yung kanta ko sa pangalawa kong client." "O sige text nalang kita mamaya for the update." Sabay tuluyang pag alis ng binata. "Oy ano yun?" Tinapik siya ni Vanessa sa may likod pagka alis ni Clemont. "Anong ano yun?" "Yung pagyayaya mo sa kanya sa labas, may date kayo?" Natawa si Trisha. Date ka diyan. Gusto ko lang siyang i-treat sa ginawa niya sakin kagabi saka part parin yun para makabawi ako sa ginawa ko sa kanya." "Para makabawi? Che! if I know..." "Anong if I know? Nako Van ah! Tigil tigilan mo ako. Wala ako sa mood ngayong umaga." "Oy oo nga pala. Wala kabang pasok ngayon? Ala syete na kaya?" "Ay oo nga pala. Ikaw kasi eh dinadaldal mo ako!" "Charing!" TUMAAS nanaman ang dugo ni Trisha pag pasok niya ng office. Parang ayaw niya ngang magpunta sa table niya for some reason. Paano ba namang nakita niya si Ronald na nasa harapan ng opisina ng boss niya, likod palang ni Ronald ay kilala na niya. Bakit ba hanggang dito ay sinusundan siya ng tao na labis niyang kinaiinisan sa buong daigdig, Hindi na lang ba ito makuntento sa pagtingin tingin sa kanya nito sa labas ng opisina at nagawa pa talaga nitong pumasok sa loob. At hindi lang yun dahil kung todo formal pa dress ito at sobrang kintab ng suot ng sapatos. Nakakasilaw. Ilang sandali pa ay biglang may kumalabit sa likuran niya. Ang boss pala nila na si Mr. Marvie Ancheta. "Trisha what are you doing there?" "S-sir ah eh may ibinigay lang po ako kay Robbie sa baba, important papers." Pagsisinungaling niya. "Ganun ba." Sumilip si Mr. Marvie sa kinatatayuan ni Ronald. "I forgot may ipapakilala pala ako sayo. Nakilala mo naba siya?" "Sino Sir?" Sinundan niya ang kanyang boss hangagng makapunta sila sa pwesto ni Ronald. Kunyari pa itong nagulat nung makita siya. Ang galing talaga ng acting! Kung todo rin ang ngiti nito na labis niyang kinaiinisan. Para itong isang aso. Pagkatapos nun ay kinamayan ni Mr. Marvie si Ronald. Nag tataka siya sa mga nangyayari. "Ahm Mr. Ronald Tecson I like you to meet Ms. Trisha Sevilla. One of my hard working employee in my company." "Sir huwag ninyong sabihin na siya yung bago nating?" "Of course siya yung palit kay Eleonor. Bakit magkakilala naba kayo?" "No Sir hindi ko siya kilala." Inangat ni Ronald ang kamay nito upang makipag kamay umano sa kanya. Tinignan naman ni Trisha si Mr. Marvie bago siya tuluyang makipag kamay. Alam niyang sinadya iyon ni Ronald dahil alam niyang hindi niya mahihindian itong kamayan ito lalong lalo na sa harapan ng kanyang boss. She has no choice, kailangan niya itong gawin. "Nice to meet you Miss. Trisha Sevilla." "Nice to meet you too Mr.Ronald." Ayaw man niyang bigkasin ang pangalan nito ay napilitan siya. Kulang nalang eh isumpa niya ang araw nayon dahil sa muli niyang pagbigkas sa pangit nitong pangalan. Pagkaalis ni Mr. Marvie ay hinila niya kaagad si Ronald sa loob ng banyo. Hinampas niya ang katawan nito sa pader sa sobrang galit. "Ang kapal ng mukha mo! Pati ba naman dito eh sinusundan mo 'ko. Ano ba talagang gusto mo Ronald? Please mag resign ka ngayon din!" "So lovely, binanggit morin pangalan ko in such a long period of time. Na miss ko yun." Umikot ang mata niya. "Ano bang gusto mong gawin ko para lubayan mo ako?" "Teka teka lang. Sino ba ang nagsabi na ikaw ang ipinunta ko dito sa company nato. I want a job" "Wow ah sigurado kang yun ang motibo mo? Napaka coincident naman yata na sa lahat pa ng company na papasukan mo eh dito kapa sa amin nag apply." "Sabihin na nating oo, coincident lang ang lahat. Satisfied?" "Hindi, at hindi ako kailanman ma sa-satisfied hanggang nakikita kita sa loob ng company nato! Lumayo siya ng bahagya kay Ronald pagkatapos ng mga sinabi niya. "At isa pa ito ang tandaaan mo. Huwag mo akong titignan at guguluhin sa labas man o sa loob ng opisina. Maliwanag." "Maliwanag." Sagot naman ni Ronald na nakangiti pa. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa pintuan ng banyo ng bigla siya nitong hinawakan sa braso. "Saka teka may tanong pa ako sayo?" Tinignan niya ito ng masama. "Ano nanaman yun?" Sa muling pa tingin niya dito ay duon niya lamang napansin ang putok na labi nito. Sa kanyang hula ay iyon ang resulta ng suntok ni Ronald dito kagabi. "Sino yung lalaking yun sa bahay mo kahapon?" "Is none of your business." Sinubukan niyang kumawala mula sa pagkakahawak nito pero malakas si Ronald.  "Sino nga?" Agad siyang nag isip ng isasagot hanggang isa nanamang kasinungalingan ang naisip niya. "Boyfriend ko bakit?" "Ano? Yung lasingerong gung-gong nayun?" "Hoy para malaman mo. May pangalan yung taong sinasabihan mo ng gung gong at para sabihin ko sayo ay ibang iba siya sayo. Siya yung klase ng lalaki na hindi ako ipagpapalit sa kahit na sinong babae. Naiintindihan mo?" Napatahinik si Ronald sa mga huli niyang sinabi. Pagkatapos nun ay tuluyan na saying lumabas ng banyo at ibinagsak niya ang pintuan nito na sobrang lakas. Paglabas niya ay nahuli pa siya ni Tristan isa sa mga kasamahan niya sa trabaho sa akto niya at na shock ito. Hindi kaagad ito nakapag salita. "Oh what happened? Anong ginagawa mo sa C.R. ng mga lalaki?" "Ah eh wala lang. Nagkamali lang ako" Patay malisya siyang nagpunta sa kanyang table na parang walang nangyari. "ANO nag apply si Ronald sa trabaho mo?" Halos tumalsik ang laway ni Vanessa dahil sa gulat nito na ibinalita ni Trisha sa dito. Buti nga lamang ay itim ang suot niyang damit ngayon dahil kung hindi ay baka mag mukha siyang basura dahil sa kababuyan ng kaibigan niya. "Oo tama ang narinig mo at ang mas grabe ay natanggap pa siya. Walang hiyang lalaki yun. Pati yata sa banyo eh susundan ako. Kung pwede ngalang may resign eh gagawin ko." "Nako Bess yan ang huwag na huwag mong gawin. Huwag kang magpadaig sa ex boyfriend mong sira ulo no?" Hinigop ulit ni Vanessa ang inorder niyang sagu na leche flan flavor. "Saka kung gagawin mo yun eh parang sinabi mo narin na talo ka." "Oo naman no. Bakit kung gusto niya na makipag asaran sa akin eh gagawin ko." Napatingin sa malaking orasan ng mall si Trisha. "Teka nasaan na pala si Clemont?" "Ay bakit tuloy ba ang date ninyo?" "Oy sabi ko na ngang hindi ito date. Meron bang date na kasama ka? Aber? Saka tinext ko na siya kanina sabi niya eh tapos naraw yung kanta niya." "Okay ite-text ko narin kung nasaan na siya." Kinuha ni Vanessa ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang bag pero hindi pa naman niya tuluyang na te-text kung nasaan si Clemont ay tila isang delubyo ang nakita nito sa di kalayuan. "Oh my God nandito siya." "Sino si Clemont? Na'san?" "No yung isa?" "Huh sinong isa?" Tumingin din si Trisha kung saan si Vanessa nakatingin at mula duon ay nakita niya si Ronald. "At ano ang ginagawa ng hinayupak nayan dito?" "Hi girls!" Nakangisi nanaman ito na parang aso. "Bakit ka nandito?" "Para puntahan ka. Bakit meron pabang ibang dahilan?" Hindi na siya nagsalita pang muli bagkus ay inirapan na lamang niya si Ronald. "Nako Van lika na nga, ayoko ng hangin dito. Nakaka suffocate." Pero hindi pa siya tuluyang nakakaalis ay bgila nanaman siyang hinarang ni Ronald. "I'm sorry kung ano yung nasabi ko sayo kanina. Gusto lang naman talaga kitang makausap eh." "Bakit hindi paba pag uusap tong ginagawa natin?" "Oh common I mean in private yung tayong dalawa lang." "Ano kaba Ronald diba nga sabi ko sayo na may boyfriend na ako. Kaya tigilan mo nato!" "May boyfriend palang kayo at hindi pa mag asawa." "Eh di lumabas din ang totoo! Na pumasok kalang sa company namin dahil sa akin." "Oh huwag kang sumigaw, naririnig naman kita eh." Pigil na pigil na si Trisha sa kanyang sarili. Ano ba talaga ang dapat niyang gawin para lamang lubayan siya ng walang hiyang lalaki na ito. Wala naman siyang alam na pinainom niya ito ng gayuma Para ganun na lamang ito mabaliw sa kanya. Or if she has a chance eh hinding hindi niya gagawin yun. "Bitawan mo siya." Isang boses ang bigla nalang nag agaw ng pansin nilang dalawa. Pagtingin nila sa kanilang likuran ay nakita nila si Clemont with his guitar. Kulang na nga lang na sabihin niya na You're my hero na ubod ng lakas. "Oh ikaw pala?" Tinitigan ni Ronald ng masama si Clemont. "Oo ako nga." Nagpunta kaagad si Trisha sa tabi ni Clemont na parang isang pusa na nahanap na ang kanyang amo. Kinayag siya ni Clemont na mas lalong nagpasakit sa mata ni Ronald. Halata sa mukha nito ang pagseselos. "Pweba ba lumayo ka sa girlfriend ko." Napangisi lang is Ronald. "O sige I don't make a scene dito pero hindi pa tayo tapos. Maliwanag ba honey?" Tinignan ni Ronald si Trisha sa isang malagkit na tingin pagkatapos ay umalis na ito. Pinuntahan naman sila ni Vanessa pagkatapos. "Ano Bess okay kalang? Ikaw Clemont?" "Oo ayos lang ako." Biglang napaupo si Clemont sa malapit na bench. Akala moy naubos ang buo nitong lakas dahil sa mga nangyri. "Ano Clemont, anong gusto mo? Water, juice?" Inalok siya ni Vanessa ng inumin.  "Tubig, gusto ko ng tubig." Nagpunta kaagad si Vanessa sa pinaka malapit na burger stall at bumili ito ng mineral water. Pagkatapos nun ay binibgay niya kay Clemont ang tubig at ininom naman nito iyon kaagad. Hingal na hingal parin ito pagkatapos uminom. Inatake siya ng nebiyos. Ang totoo niyan ay akala niya na magsusuntukan sila ni Ronald kanina. "Nakakatakot pala talaga yung lalaking yun?" Tumingin si Clemont kay Trisha. "Oo. Nakakahiya mang aminin pero yung ang katotohanan. Hindi ko nga nga alam kung anong gagawin ko dun eh. Ayaw akong tantanan." Pagkatapos nun ay biglang napatawa si Clemont. "O bakit ka natatawa?" "Kasi hindi ko maimagine kung paano ko siya nasuntok kagabi." Napatawa rin si Trisha pagkatapos. "At hindi lang suntok kundi na knock out mopa." Pagtatapos niya. Tinignan ni Trisha ang pagilid. Sa totoo niyan ay nag iisip parin siya hanggang ngayon kung paano ba niya bukas iiwasan si Ronald na alam naman niyang napaka imposible. "Anong iniisip mo?" "Ako?" Bumuntong hininga siya. "Iniisip ko kung ano nanaman ang mangyayari bukas." "Hayaan mo tutulungan kita." Biglang nagsalita si Clemont sa kabila ng kanyang pag buntong hininga. "Anong sabi mo?" "Ang sabi ko eh ako na ang bahala sayo, diba nga eh mag syota na tayo ngayon? Ano ayos ba?" Hindi alam ni Trisha kung ano ang isasagot niya kay Clemont, but one thing for sure. Magiging exciting ang mangyayari sa mga susunod na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD