Chapter 6

2445 Words
lHALOS  ISANG BUWAN na ang nakararaan pagkatapos malaman ni Trisha na ang ex boyfriend niya na si Ronald ay ang bago nilang ka oficemate, pero hanggang ngayon ay hindi parin maalis ang favorite routine nito ang pagtingin nito sa kanya. HIndi na siya nasanay, para ngang nalalaman na ng kanyang mga ka trabaho na may nakaraan sila ng gung gong na 'to. Bigla siyang kinalabit ni Bernadette pagkatapos niyang ligpitin ang pina type sa kanya ng kanilang Boss. "Oy Trisha." Napatingin siya dito. "Oh Bakit?" "Tignan mo si Ronald. Kanina pa tingin ng tingin sayo, mukha atang may gusto sayo Neng!" Napahinga siya ng lamalim. Anong may gusto eh may boyfriend na ako at alam n'ya yun. Saka Berna pwede ba, hindi ko siya type." "Echosera! Ang gwapo kaya ni Ronald. Ang puti puti." Totoo nga naman ang sinabi nito, banidoso kasi si Ronald. Para nga itong babae dahil kompleto ito sa night ritual regimen nito. May toner, cream at whitening soap. May-maya pa ay tinapik nanaman siya ni Bernadette. "Oh ano nanaman, ginugulo mo'ko!" "Kasi Trish papalapit yata siya dito satin." May halong kilig ng boses nito. "Eh di hayaan mo siyang lumapit." Kunyari ay pa deadma effect naman siya." "Ito naman ang aga- aga eh ang sungit." Tuluyan ng lumapit si Ronald. Ganun parin ang ora nito na parang mayabang at gwapong gwapo sa sarili. "Hi mga Miss?" "Hi Ronald?" Sumagot kaagad si Beradette. "Oh Miss Trisha bakit parang hindi yata maganda ang umaga mo." Tiningala niya si Ronald mula sa kanyang kinauupuan. "Wala naman. Kasi nakita ko nanaman kanina yung walanghiyang ex- boyfriend ko. Hindi pa mamatay." "Really." Napaubo si Ronald pagkatapos ay biglang iniba nito ang usapan. "By the way. Yayain sana kitang maging partner ko sa darating na Gala Night natin eh pero alam ko naman na may boyfriend kana kaya si Miss Bernadette nalang yung yayain ko. Would you Miss Bernadette?" Halatang namula ang pisngi ni Beradette, hindi kaagad ito nakapag salita. "Ye-ye-yes Mr. Ronald oo naman! Ikaw pa. I always say yes!" "Okay then. See you on Sunday." Pagkatapos ay kinindatan pa siya nito bago ito umalis. "Oh my God Trisha! Narinig mo yun, niyaya ako ni Ronald na maging partner niya sa darating na Gala Nigth." "Eh di Congratulation! Pero teka anong Gala?" "Ano kaba Neng. Nakalimutan mo naba? Sa linggo nayung Anniversary Gala Night natin." "Sa Linggo naba yun?" "Oo naman. Puro ka kasi work eh kaya pati yung mga big event eh nakakalimutan mo na." Bumalik si Trisha sa kanyang ginagawa pagkatapos ng mga pangyayari. Bakit sa palagay ba ni Ronald ay magseselos siya sa ginawa nito in front of her. A one big no. Ipinasok na niya sa isang malaking clear envelope ang mga files na bigla nanaman nagsalita si Bernadette. "Oo nga pala Trisha yung boyfriend mo nga ba yung kasama mo sa gala night this Sunday." "Oo siya nga." Pero sa kanyang isipan ang sagot ay hindi. Ni hindi pa kasi niya naiinform si Clemont about sa event. Pag uwi niya ng bahay ay nakaamoy kaagad siya ng masarap ng putahe. Nasa pintuan pa lamang siya ng bahay ay parang gusto na niyang kumain. Agad siyang nagpunta ng kusina. "Vanessa, ano yang niluluto mo ang bango ah." Pero nagulat siya, ang akala niya kasi na si Vanessa ay si Clemont pala. "Oy dumating kana pala." "Marunong kang mag luto?" "Oo naman." Hinahalo ni Clemont ang niluluto nitong potchero ng siya ay dumating. "Bakit bilib ka no?" "Magluluto lang eh bilib na. Carry ko din yan no." Ibinaba niya sa may upuan ang kanyang bag. "Si Vanessa?" "Ewan ko." Sagot ni Clemont until nagpagtanto niya na nagpaalam pala sa kanya ito kanina na gabi na ito makakauwi. Ilang minuto lang ay luto na ang nilutong putahe ng binata. Inilagay nito iyon sa isang mangkok at si-nerve sa harapan niya. "Oh yan alam kong gutom na gutom kana. Anong lasa, masarap ba?" "Easy ka lang. Masyadong kang excited, eto na nga't titikman kona." Nakamasid lang sa kanyang harapan si Clemont sa bawat kilos niya mula sa pagkuha ng ulam, pag subo at pag nguya. Ano masarap ba?" "Masarap naman. Approved to sakin." Inulit pa ni Trisha ang pag subo na mas nagpangiti pa sa labi ng binata. Hindi lang siya gutom this time kaya ito naging masarap, natural na malinamnam iyon. Tinabihan narin siya ni Clemont na kumain. Habang kumakain ay hindi niya magawang hindi ito titigan, cute din pala ito. She mean cute nga ito pero tila mas naging kapansin pansin ito ngayon. "Oh huwag ako ang titigan mo kundi yung kinakain mo. Hindi ako ulam." Ngumisi si Clemont habang ngumunguya. "Hindi ah! tinitignan ko lang yung sugat mo sa kilay kung magaling na." Pagsisinungaling niya. Hinawakan naman ni Clemont ang sugat nito duon upang ipakita sa kanya na mas okay pa iyon kaysa sa salitang okay. "Ayos na naman siya." "Mabuti." Ilang sandali pa habang patuloy lamang siyang kumakain ay aksidenteng napatingin siya ulit kay Clemont. Kakatuwang napatingin din ito sa kanya kaya naman nagkatitigan sila. "Oh bakit nanaman?" "Wala lang." Pinagpatuloy lamang niya ang pagkain. "Trish yung totoo? May gusto kabang sabihin sa akin?" "A-ano ako?" "Bakit meron pa ba tayong ibang kasama dito bukod sa 'ting dalawa?" "Ah eh okay." Sandali siayng nag pause. "Ang totoo niyan eh meron." "Ano yun. Huwag lang tungkol sa pera ah kasi kailangan korin nun." "Hindi, hindi tungkol sa pera. May gig kaba ngayong Sunday?" "Meron bakit?" "Ganun ba? Kasi magpapasama sana ako sa anniversary Gala ng company namin this Sunday  alam mo naman na kailangan ko ng partner pero kung hindi ka pwede eh okay lang." Napatawa naman si Clemont. "Nag jo-joke lang ako. Wala. Wala akong kanta ngayong Linggo and yes sasamahan kita." DUMATING na ang araw ng linggo. Alas sais pa lamang ng gabi ay handa na si Trisha para magpunta sa anibersaryo ng UNIWAZ incorporated ang kompanyang pinapasukan niya. Isang kompanya na gumagawa ng mga damit at mga accessories for export. Ang balita pa sa kanya ni Bernadette ay marami daw mga bigating bisita ang darating, mga ilang politiko at mga kilalang artista sa showbiz. Habang naghihintay sa paglabas ni Clemont ay tinignan niya muna ang sarili sa salamin. Tinatanong kung ito bang itsura niya ngayon ang mukhang iniwanan ng kanyang ex boyfriend na ngayon ay mukhang stalker na niya. With a perfect curve of her body that She has ay tignan lang niya kung hindi maglaway si Ronald pag nakita sila sa may event. Fitted na gown pa naman ang napili niyang suotin with the help of Vanessa ay sinamahan siya nito para magsukat at mag arkila ng damit. "Perfect!" Kinembot pa niya ang kanyang pwet upang bigyan ng landi ang kanyang kilos. "Humanda ka sa akin Ronald, tignan lang natin kung sino ngayon ang magsisisi sating dalawa." Tinignan din niya ang kanyang relo. Bakit ba kung todo tagal nila Clemont sa may kwarto para ayusan ito. "Oy Van matagal paba yan? Baka ma late kami!" "Nako Bessy malapit na. Konting ayos ko nalang ito kay Papa Clemont." Sigaw nito. Natawa naman siya. "Okay bilisan mo ah!" "Sureness!" Tumapat muna siya sa harapan ng electric fan para hindi malusaw ang makeup niya pero habang nakapikit at nagpapalamig ay bigla siyang tinawag ni Vanessa. "Bessy presenting Mr. Clemont Tesoro, 24, Philippines!" Unti unti siyang tumingin, dahan dahan iyon na tila pa suspense kung ano nga ba ang naging itsura ni Clemont mula sa creative minds ni Vanessa at nagulat siya. "Clemont is that you!" "Bakit pangit ba?" Umikli na ang buhok ng binata. Mas nakita ang ganda ng kilay nito at mga mata. Nagliwanag din ang madilim nitong mukha, even his killer smile was brighter than before. Nagpadagdag pa sa angkin nitong kagwapuhan ang suot nito ngayong kulay abong tuxedo at kulay lilac nitong korbata. Nilapitan niya kaagad ito at hinawakan sa magkabilang balikat. "Hindi nga Clemont ikaw bayan? Masamang ispiritu ilabas mo si Clemont! ilabas mo!" Natatawa naman ito. "Ako nga ito. Ano ayos ba?" "Oo ang gwapo mo." Mula sa likod ni Clemont ay nakita niya ang isang supot na puno ng mga pinaggupitan nito ng buhok. "Oh ano naman yan?" "He he remembrance, ang tagal ko kaya itong pinahaba. Itatago ko." "Okay halika na and I'm so excited!" Yaya niya sa binata. Itinaas ni Clemont ang braso nito at kumapit naman siya duon pagkatapos nun ay nagkatinginan muna silang dalawa bago tuluyang lumabas ng bahay. Lahat ay kumikinang pagdating nila ng Dusit Hotel sa may Makati. Mula sa sa may mahaba nitong staircase sa may lobby hanggang sa malaking nitong chandelier na gawa sa kristal. Inayos muna ni Trisha ang kwelyo ni Clemont pagpasok nila ng lobby ng hotel. "Clemont ah enjoy lang natin itong event. Saka yung sinabi ko sayo ah. Galingan mo ang ang acting mo." "Opo Maam." Nginitian nanaman siya nito. Bakit ba kapag nginingitian siya nito ay tila natutunaw at nawawalan siya ng lakas. Nanginginig ang tuhod niya at para siyang mag co-collapse. Bigla siya tuloy umiwas ng tingin. "Oh bakit?" "Wala lang. Lika na sa loob." Sa pintuan palang kung saan ginaganap ang event ay maririnig na ang tila bosa nova na tugtugin. Mero pa silang nakitang event poster na nasa pintuan na nakalagay ang pangalan ng kompanya nila. "Ito na nga yun. Ano ready ka naba?" "Im always ready." Maningning kaagad na ilaw sumalubong sa kanila sa loob ng kwarto. Gold na may kasamang kaunting asul ang motif ng nasabing Gala night. May mga nakalambinitn ding tila lumilipad na mga dove na ginupit sa gintong papel ang nakita nila sa may kisame. Niyakap naman kaagad si Trisha ng mga ka trabaho niya at sinamaan siya ng mga ito sa kanilang table. "Bakit ang tagal mo?" "Eh traffic eh. By the way guys ito nga pala yung bago kong boyfriend si---" Hindi paman siya tapos na ipakikila si Clemont sa kanyang mga ka office mate ay biglang dumating si Ronald. All black naman ang suot nito from head to toe. "Hi Trisha?" Kasama pa ni Ronald ang ka date nito ngayong gabi na si Bernadette. Parang tuko ito kung maka angkla sa braso nito. "Berna si Clemont nga pala boyfriend ko." "Finally nakilala ka narin namin. Medyo malihim kasi itong si Trisha eh lalong lalo na sa lovelife niya. Bernadette nga pala. Berna for short." Kinamayan naman siya ni Clemont pagkatapos. Biglang tumingin si Trisha sa mukha ni Ronald, naintriga kasi siya kung ano nga ba ang magiging reaction nito sa muli nilang paghaharap ng tatlo. She knew it. He has a devilish look on Clemont, walang duda dun, natatawa tuloy siya. Ang kapal kasi ng mukha nitong pagselosin siya sa pamamagitan ng pagyaya nito kay Bernadette in front of her. Pwes malaking pagkakamali iyon dahil sa inihanda niyang programa ngayong gabi upang siya naman ang mang inis dito ay tignan lang niya kung hindi ito umusok sa inis at mag walk out! "Ano sa tingin mo, epektib naman ba yung acting ko kanina?" Mas lalong ginalingan ni Clemont ang pagsasayaw habang nasa gitna sila ng kwarto. Dito nila sisimulan ang kanilang sweet na mga moments kunyri sa isat-isa. Hindi nga alam ni Trisha kung paano nila sisimulan na bwisitin si Ronald hanggang sa biglang pinagtugtog ng Dj ang isang love song.  "Oo naman. Kung hindi mo lang nakita eh parang gusto ka nanaman niyang suntokin." Bahagya siyang tumawa. Pero sa muling pagtingin niya kay Clemont ay tila may malalim itong iniisip. Tagus tugusan ang mga tingin nito sa kanya. "O bakit? Anong iniisip mo?" "Wala lang." "Pwede bang wala lang. Ano nga yun?"  "Wala nga." Umiwas tuloy ng tingin si Clemont. Sa isip isip niya eh napaka hirap basahin ng mga kilos nito kung minsan. Hindi niya ito ma gets. Pagkatapos nilang mag sayaw ng konti ay ipinakilala naman ni Trisha is Clemont sa boss nila na Si Sir Marvie. Parang ng ge-getting to know each other silang tatlo habang nag uusap. Pero sa kalagitnaan nun ay napabaling siya ng tingin sa upuan nila Ronald at nahuli niya itong nakatingin sa kanila. BIgla niyang binulungan si Clemont. "Clemont bulungan morin ako kunyari." "Ano?" "Basta gawin mo nalang. Habang nakatingin pa siya satin." Nakuha naman ni Clemont ang plano niya. Kaya naman ay inilapit nito ang bibig nito sa tenga niya. Humagalpak naman siya ng tawa pagkatapos pero may konting landi iyon. Next mission naman ay habang kumakain na sila. Sinipa niya ang paa ni Clemont sa ilalim ng lamesa. "Ano?" "Subuan mo ako?" "Huh?" "Dali na. Pagkatapos ay pasmple niyang nginuso si Ronald sa kalapit lang nilang lamesa. Kaya naman ay kumuha si Clemont ng konting panghimagas at isinubo iyon sa kanya. Kunyari ay nagulat pa siya sa nangyari. Best actress na best actress talaga ang acting. Pero hindi rin nagptalo si Ronald sa pagkakataong ito. Sinubuan niya rin si Bernadette na para silang real couple. Aba gantihan ang labanan! Bigla siya tuloy napainom ng tubig. Aba bakit sa palagay ba niya eh magseselos pa siya sa ginawa nito. Hell no. Pwes manood ito sa sunod niyang gagawin. "Masarap ba ang pagkain babe?" Sinilip niya kunyari si Ronald habang kumakain. "Oo masarap. Lalo na yung salad." "Ganun ba," Tinignan niya ang labi nito. "Babe teka may dressing kapa sa lips mo." In front of her office mate ay pinunasan ni Trisha ang labi ni Clemont. Talagang ipinakita niya iyon sa madal kung gaano siya ka alaaga at ka sweet dito. "Thank you." Ika ni Clemont na tila nabigla rin sa kanyang ginawa. "Sige lang Babe kumain ka lang." Nagpaalam si Clemont kay Trisha kung maarin itong magpunta ng banyo pagkatapos nilang kumain, agad naman niyang pinayagan ito. Pero hindi paman siya nagtatagal na iwan ng binata ay dinaldal nanamansiya ni Bernadette."Alam nyo ang sweet ninyo. Sana yung magiging future relationship ko eh maging ganyan din ka sweet." "Sure yun Berna makakakita ka. Belive me." Sagot naman niya. "Nako sana nga diba Ronald." Tumingin pa si Berna kay Ronald na tila wala sa kanyang sarili dahil sa tagal nitong sumagot. "Ay oo naman makakakita karin." Nag papacute nanaman si Berna kay Ronald but Ronald's full attention is on Trisha. Mukha kasing effective yata ang pang aasar niya dito. Habang kumakain pa ang iba ay nagpunta ang emcee ng event sa gitnan ng stage. May ia-announce daw ito. "Good evening everyone, hows the food, masarap ba?" "Yes!" Sumagot naman ang mga tao kahit na ang iba ay puno pa ang bibig. "Actually eh nabusog din ako. So habang kumakain pa ang iba sa inyo eh haharanahin muna tayo ng isa sa mga voluntary singer natin ngayong gabi. Please welcome on stage Mr. Clemont Tesoro." Biglang lumaki ang mata ni Trisha sa kanyang narinig. Nabibingi lang ba siya o talagang ang pangalang Clemont ang narinig niya. Maya maya pa ay biglang umakyat si Clemont sa itaas ng stage. Humarap muna ito sa nag papyano at tila may senenyas ito rito. "Ahem, bago po ako kumanta sa inyo ngayong gabi ay may sasabihin po muna ako. Inaalay kopo ang kantang ito sa nag iisang babae sa buong buhay ko. Walang iba kundi sayo Trisha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD