Chapter 7

2216 Words
KASABAY ng pagbuka ng bibig ni Clemont at pagkanta nito ng isang malamyos na awitin ay ang paglabas ng mga anghel sa kisame ng banquent room ng Dusit Hotel. Tila tumigil ang oras at nawala ang mga tao sa paligid. Sa pakiwari ni Trisha ay siya lamang ang naroon ni Clemont. Unti unti ay nilapitan siya ng mga anghel at inilipad siya ng mga ito sa may ere. Yun ang nararamdaman niya sa mga tagpong ito. Pero bakit ganun na lamang ang nararamdaman niya buhat sa pagkanta nito. Tagos sa puso iyon. Bawat letra at bawat sambit ni Clemont sa mga salita ng kanta ay talaga namang ninanamnam niya. Sinabayan pa iyon ng natural na galawa nito sa stage na talaga namang nagdagdag ng appeal nito. Napahawak si Trisha sa kanyang dibdib habang nanonood na tila sinasabi sa kanyang sarili na ayun na yata ang pinaka magandang kanta na narinig niya sa tanang buhay niya. Pero habang busing busy ang lahat sa panonood ay isang komosyon ang bigla na lamang nangyari sa di kalayuan. "Ronald saan ka pupunta?" Banggit ni Bernadette pagtingin niya sa pwesto ni Ronald ay nagmamadali itong naglakad papunta ng stage. Ang lahat ng mga mata ay nakatingin rito ngayon. Paglapit ni Ronald sa entablado ay inakyat niya si Clemont sa itaas at kinuha ang mikropono nito. "Ang kapal talaga ng mukha mo." Walang muang si Clemont na nakatingin lang dito hanggang walang anu anoy bigla na lamang itong nanuntok. Nagulat si Clemont sa pangyayari kasabay ng pagbagsak nito. Dumugo kaagad ang ilong ng binata. And that's not all dahil pagkatapos ay pinag tatadyakan pa niya ito, ni hindi lamang si Clemont lumalaban. To the rescue ang mga tao na lumapit kaagad sa stage. Hinawakan nila si Ronald na kulay pula na ang mukha dahil sa sobrang galit. "Clemont!" Tumakbo rin si Trisha. Kinamusta kaagad niya ang kalagayan ni Clemont na ngayon ay inaalalayan ng dalawang lalaki para tumayo. "Kailangan kitang dalhin sa ospital." "Nako hindi na." Binuka ni Clemont ang kanyang bibig pero may lumabas duong dugo. "Anong hindi, tignan mo nga yang kalagayan mo." Kuya paalalayan siya sa may kotse. Sa tulong ng dalawang lalaki ay naihatid at nailagay ng mga ito si Ronald sa loob ng hiniram nilang kotse. Si Trisha na ang mag di-drive. Sinarado niya ang pintuan at agad na pinatakbo ang sasakyan. Habang nagmamaneho ay hinawakan niya ang kamay ni Clemont. HIndi niya magawang manghina  kapag nakikita ang kalagayan nito. "Clemont hold on, anong nararamdaman mo?" "Umuwi nalang tayo. Okay lang ako. Malayo ito sa bituka." "Ano bang mga pinagsasabi mo. Tignan mo nga yang bibig mo dumudugo na." "Hindi. Itigil mo yung kotse sa tabi." "Ano? Ngayon ka paba aarte? Hindi dadalhin kita sa ospital." "Hindi ako umaarte, ayos ngalang talaga ako." Hinawakan ni Clemont ang kamay niya at ito ang nag maniobra ng manibela. Isang bakanteng lote ang hinintuan nila. "Pahinging panyo." Binigyan naman siya ni Trisha ng panyo. Pagkatapos ay pinunasan ni Clemont ang duguan niyang labi habang tumitingin sa rear vew mirror ng sasakyan. Pumutok lang pala ang labi niya dahil narin siguro sa suntok sa kanya ni Ronald. "Bakit ba ang kulit mo!" "Oh easy ka lang. Saka bakit kaba sa'kin nagagalit?" Humarap si Trisha kay Clemont pagkatapos ay bigla niyang nirubrob ang dibdib nito. "Kasi bakit hindi ka lumaban?" Biglang nag iba ang ora ng mukha nito. Ang lahat ng suntok ni Trisha sa dib-dib nito ay bukas palad niyang tinanggap. "Ano tapos ka naba?" Hingal na huminto si Trisha sa kakasuntok, agad siyang pinag pawisan sa pinag gagawa niya. "Now tell me, bakit ka hindi lumaban? Sumagot ka!"  "Eh wala naman yun sa pinag usapan natin diba." "Tanga ka! Wala nga iyon sa pinag usapan natin pero hindi ko sinabing magpabugbog ka sa lalaking yun." Hindi na nagsalita pa si Clemont pagkatapos. "Oh huwag ka ng magalit. Dumudugo na nga tong labi ko tapos inaaway mopa ako." Hinawakan ni Clemont ang kamay niya. Medyo mainit iyon, isang klase ng init na gustong gusto niya. Kinalma ni Trisha ang sarili pagkatapos ng ilang minuto. "O sige nawawala lang yung inis ko sayo sa isang kondisyon." "Ano yun?" "Pupunta tayong ospital at ipapagamot mo yang sugat mo." GULAT na gulat si Vanessa pag pasok nila ng bahay. Kasalukuyan pa namang itong kumakain ng pipino habang naka facial mask ang mukha ng makita si Clemont na duguan ang damit pang itaas. "Oh anong nangyari sa inyo at may gasa nanaman itong mukha ni Papa Clemont?" "Nako mahabang istorya. Saka bakit gising kapa?" "Eh hindi nga ako mapakali sa inyong dalawa. Sabi mo estimated ten o'clock kayo darating tapos anong oras na eh hindi pa kayo umuuwi." Hindi na niya sinagot si Vanessa bagkus ay nagpunta na lamang siya ng banyo para umihi pero paglabas niya ng c.r. ay nandun parin ito at nakadungaw sa kanya. "Ano nga kasi ang nangyari?" "Eh si Ronald kasi eh gumawa nanaman ang eksena." "Sabi ko nga ba eh!" Inihampas pa ni Vanessa ang kanyang kamay sa may pader. "Na hindi matatapos ang gabing ito na walang ginagawang eksena yang lalaking yan, pati tuloy itong si Papa Clemont eh nadamay." Sabay nilang tinignan si Clemont na nakahiga na sa may sala. Si Vanessa ang tumulong dito para maglatag ng hihigaan. "Na gu-guilty nga ako eh. Dahil sa kagustuhan kong inisin yung walanghiyang lalaking yun eh idinamay kopa si Clemont." "Nako Bes huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi morin naman alam na may pagka ugaling kanto yang ex jowa mo diba?" Kinalog klaog ni Trisha ang kanyang ulo. Ay basta ako na ang bahala kay Clemont bukas babawi ako." "Eh paano naman yung walahiya mong ex?" "Isa payun. Humanda siya sa'kin bukas. Makakatikim siya sa akin." Kinabukasan ay nakakapanggalaiting dumaan sa harapan ng table niya si  Ronald sa kabila ng mga ginawa nito kagabi.  Ang kapal talaga ng mukha nito pumasok pa sa company pagkatapos ng mga pangyayari, hIndi pa ito nasisante. "Hi Trisha Good morning." "Kung ikaw lang ang makikita ko sa morning eh hindi appropiate ang salitang good sa sinasabi mong morning!" "Ang harsh mo." "Matagal na akong harsh Mr. Ronald. Saka nakalimutan ko nga pala na mas makapal pa sa suot kong high heels ngayon sa kapal ng mukha mo para batiin mo pa ako pagkatapos ng mga ginawa mo!" Tumingin siya sa paligid. Buti na nga lamang ay walang tao sa lokasyon nila ngayon kaya naman kung todo lakas ng kanyang boses. "Siya nga pala kinausap ko na si Boss. Humingin ako ng apologize sa mga nangyari kagabi---" "At ano binola bola mo siya at kung ano nanaman  ang mga pinagsasabi mo sa kanya, sabagay ganyan naman ang mga style mo kahit nuong tayo pa. Pangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan na ako lang ang babae na mamahalin mo, pero anong ginawa mo naghanap ka ng iba tapos iniwan mo lang ako." Biglang namula ang mga mata ni Trisha na para itong iiyak. Isang mabilis na flashback ang nangyari sa isipan niya. Bigla niya ulit naramdaman ang labis na sakit at hapdi ng mga araw na iniwan siya nito. Napatahimik naman si Ronald sa isang tabi. Tila natauhan ito sa mga pinagsasabi niya. "Trisha." Tanging nasabi nito. "Hindi Ronald. Tama na. Sa ginawa mo kay Clemont kagabi eh mas lalo mo lang pinatunayan sa akin na hindi ka dapat mahalin." Duon na tumulo ang luha niya pero pinunasan niya kaagad iyon. "Na ni kahit na katiting na pagmamahal sa puso ko eh wala na. Saka napaka wild ng imagination mo na pagkatapos mo akong lokohin ay sa pamamagitan ng pasuyo suyo mo araw araw eh magkakabalikan tayo, No Ronald. Minsang na akong nagpaka tanga sa iyo at tama nayun. Hanggang dun nalang yung relationship na gusto mo." Nag walk out si Trisha at nagpunta ng banyo. Pagbukas niya ng pintuan ay tamang tama namang papasok ang ka trabaho niyang si Bernadette. "Oh what happened?" Hindi niya pinansin si Bernadette. Tumuloy lamang siya sa isang cubcle na naroon at umupo sa may toilet seat. Kinatok naman siya ni Berna dahil sa pag aaala nito sa kanya. "Trisha okay ka lang ba?" "Oo okay lang ako. Don't worry. Bigla lang kasing sumakit yung tiyan ko." "Are you sure?" "Oo ano kaba." "Okay." Pagkatapos ay narinig na lamang niyang lumabas ng rest room si Bernadette at saka niya pinagpatuloy ang kanyang pag iyak upang lumabas kahit papaano ang sakit na kanyang nararamdaman. PAGBUKAS niya ng ilaw ay biglang napabangon din si Clemont sa hinihigaan nito. Kanina pa talaga nito siya hinihintay kaya lang nag overtime siya sa trabaho. "Oh nagising ba kita, papatayin ko nalang ulit yung ilaw." "Papatayin mo yung ilaw eh paano ka makakakilos sa dilim eh hindi mopa nga nahuhbad yung sapatos mo?" May point si Clemont at hindi niya kaagad naisip yun, siguro nga'y dahil narin sa pagod niya sa office work sabayan pa ng komosyon nila ni Ronald kanina, hindi pa siya naka get over duon. "Eh kumain ka naba?" "Oo." Inilagay muna ni Trisha ang kanyang bag sa may sofa at hinuhubad na ang kanyang sapatos. "Isang cup ng hot choco tapos biskwit kanina." "Kaya naman pala parang wala ka sa sarili mo kasi wala kapang masyadong kinain eh, halika at kumain ka muna. Pagkahubad ng kanyang sapatos ay hinila kaagad siya ni Clemont sa may kusina. Ito narin ang naghubad ng jacket niya at inilagay yun sa likod ng upuan. Binuksan ni Clemont ang nakataob na pagkain sa may lamesa at bumulaga sa kanya ang isang litsong manok at isang malaking pizza. "Oh saan galling to?" "Binili ko." "Eh bakit naman ang dami mong binili eh hindi naman ngayon uuwi si Vanessa." "Eh di kainin nating dalawa, kanina pa nga kita hinihintay kaya lang late na nung nag text ka sakin na mag oovertime ka. Nakabili na ako. Saka huwag kang mag alala kasi pinainit ko narin ang mga yan." Kumuha si Clemont ng isang slice ng pizza. "Oh ito una mong kainin, Hawaiian yung binili ko kasi diba nung isang araw nasabi mo sa akin na ito yung favotite mo." Kinuha niya ang pizza at tinignan. "Clemont may nangyari kanina---" "HUh?" "Nag usap kami ni Ronald." Pati si Clemont ay hindi kaagad nakagalaw pagkasabi ni Trisha ng mga katagang iyon. "Ah ganun ba?" Ngayon may hint na ang binata kung bakit ganun na lamang siya katamlay pagdating niya. "Eh anong sabi niya. Sigurado nag away kayo." "Yun naman talaga ang dapat eh. Buwisit nayun. Hanggang ngayon kaya eh naiinis parin ako sa ginawa niya." "Ano kaba, huwag mo ng isipin yun, Tapos nayun eh saka ma e-stress kalang." Dinadaan nalang ni Clemont sa ngiti ang lahat dahil ayaw niyang  sabayan pa o gatungan ang inis ni Trisha dahil baka lumiyab nanaman at sumariwa ang galit nito. "Saka ang totoo niyan eh nahihiya rin ako sayo, nadamay kapa sa gulo ng buhay ko." Pinagmasdan ni Clemont ang kanyang mga mata. "Hindi mo naman ako pinilit eh. Nung tinanong mo ako kung gusto kong sumama sayo eh sinabi ko na oo kasi nga choice ko yun." Panandalian siyang napatahimik, "Totoo yun na choice mo naman yun pero naisip korin na tama na. Ayoko na." Nakatingin lamang sa kanya si Clemont "Anong tama na?" "Tama na, yung acting natin. Na realize ko kasi na..." Nagsasalita pa si Trisha ng bigla ring nagsalita si Clemont. "No, hindi natin ititigil ito." "Huh anong hindi ititigil eh ayoko na nga?" Duon na hinawakan ng binata ang kamay niya. Mas mainit pa iyon kaysa sa dati, ng tuminign naman siya sa mga mata nito ay tila nangungusap iyon, tila maraming gustong sabihin. "Trisha please gamitin mo ako." "Huh?" Trisha was still shocked on what just happened. Tinalo pa niya ang nakakita ng isang libong multo.  "Oo gamitin mo ako not for him but for yourself. Gamitin mo ko para pasayahin ka, para intindihin ka at higit sa lahat, para mahalin ka." Totoo ba ang lahat ng lahat ng ito. "Clemont..." Tanging nasabi niya habang patuloy lamang silang nagkatitigan. Ilang sandali pa ay papalapit ng papalapit na ang mukha ni Clemont sa mukah niya. Hanggang sa naamoy na niya ang hininga nito. Bigla siyang napakapit sa kanyang inuupuan sa eksenang iyon, Bakit nga ba kahit na gusto niyang umiwas ay sa kabila ng kanyang utak ay tila sinasabing hindi. Mas lalong bumilis ang pintig ng kanyang puso, ano nga ba ang gagawin niya sa sitwasyong ito. Mag papaubaya na lang ba siya sa sitwasyon? Gabuhok na lamang ang lapit ng kanilang mga labi ngunit hindi paman naglalapat iyon ay isang pagkatok ang biglang nagpahiwalay sa kanilang dalawa. "Bessy? Gising kapa?" Tila nagising ang dalawa mula sa isang malalim na panaginip. "Ako na ang mag bubukas." Sabi niya kay Clemont pero nag refuse ito. Siya nadaw." "O sige." "Binuksan ni Clemont ang pintuan at nakita niya duon si Vanessa na maraming mga dalang gulay at prutas. "Miss sa pagkakaalam ko eh hindi kami nagpadeliver ngayong gabi." "Sorry ah. Hindi kasi ito deliver, donations ito." Pagbibiro naman ni Vanessa sabay punta ng kusina. Pagdating duon ay nakita nito duon si Trisha, nagkagulatan sila. Habang inilalagay nito ang mga dalang gulay sa may lamesa ay may napansin siya. "Oo nga bakit pa kayo gising?" "Ikaw rin, bakit nagpunta ka sa bahay ko ng gantong oras ng gabi?" Ngumiti lang ito. "Huwag mong ibahin ang usapan Bess. Siguro may ginawa kayo ni Papa Clemont no? Oh my God, did I miss anything?" "Tumigil ka, kumain lang kami." "Okay relax kalang. Masyadon kang hot eh!" "Ewan ko sayo, basta ako eh matutulog na. Good night!" Tumayo na si Trisha sa may upuan at nagpunta na ng kanyang kwarto. "Baliw anong goodnight, baka good morning." Pagtatama naman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD