Chapter 8

2394 Words
"BESS HINDI KINAKAIN ang sandok, pinaghahalo yan." Tila biglang nagising si Trisha mula sa kanyang malalim na pag-iisip dahil sa pagpuna sa kanya ni Vanessa. Pinaghalo siya nito ng niluluto nitong caldereta pero imbis na mag halo ay tila nawala siya sa kanyang sarili dahil sa sobrang kakaisip. Bigla niyang binaba ang sandok. "Ano yun Van?" "Anong ano yun Van, akin na nga yan!" Kinuha nito ang sandok kay Trisha at ito na ang naghalo. "Ano nanamang iniisip mo at pati itong sandok eh pinag ti-tripan mo ah?" "Wala." "Ikaw Bess ah, huwag moko ng echusin. High school palang tayo eh alam ko na ang ibig sabihin ng mga kilos mo kaya ano nga yun?" Tahimik parin si Trisha. "Okay huhulaan ko nalang, dahil nanaman ba kay Ronald?" "Nako Vanessa ah dont say bad words, ang aga-aga." "Ay oo nga pala. Wala na pala si Ronald sa company ninyo. Eh teka speaking of Ronald eh bakit nga ba siya umalis?" Bigla ring napaisip si Trisha. Sa totoo niyan ay hindi niya rin alam. Basta na lamang itong hindi na pumasok pagkaraan ng paghaharap nila at sabihin niya dito na imposible na silang magbalikan pang muli. "Hindi ko rin alam. Saka huwag na nga natin siyang pag usapan pwede?" "Okay sige, eh sino nga Bessy yung iniisip mo. Dalawa lang yan eh. Kung hindi si Ronald eh di si Clemont!" Bigla niyang tinakpan ang bibig nito. "Huwag ka ngang maingay diyan, baka marinig niya tayo." Napatingin si Vanessa sa may sala. Nandun kasi si Clemont na kasalukang may kausap sa telepono. "Sus! So si Papa Clemont nga ano?" Hindi siya sumagot pero hindi rin niya itinanggi, basta kinuha na lamang niya ang sandok at siya ulit ang nag presentang maghalo. "Oy huwag mo akong echuserahin sumagot ka. Si Papa Clemont nga no?" "Oo na." "Asusus! eh ano naman ang iniisip mo na envolve siya. Siguro kayo na no?"Kung todo kurot si Vanessa sa tagiliran niya habang nang aasar gamit ang nakakalokong mukha. "Hoy hindi pa!" "Nako hindi pa, so may possible, bakit nagtapat naba siya sayo ah. Kwento ka naman Bess." "Wala akong ikekwento sayo." Bigla siyang bumaling sa kabilang lamesa. "Grabe naman to, Ano to pa-private life lang ang peg mo ngayon? Mag kwento kana kasi. Saka napansin ko nitong mga nakaraang araw eh parang ilang kayo sa isat-isa. Bakit?" "Okay fine." Parang nihihiya pa si Trisha na ipagtapat kay Vanessa ang lahat. "Kasi eh nung isang araw sabi niya na gusto niya daw ako." "Really, eh ano namang sabi mo?" "Hindi lang ako sumagot." Hinampas nito ang lamesa. "Dyosme bakit naman. Bessy huwag mong sabihing wala kang gusto kay Papa Clemont? Umamin ka." "Eh syempre meron, kaya lang ewan ko ba. Kapag kaharap ko na siya eh natatameme ako. Hindi ako makapag salita." "O ngayon eh pa dalagang Pilipina naman ang peg mo? For your information eh hindi na uso ang mga ganyang pa demure effect." "Hindi naman ako pa demure. Hinampas niya ang balikat ni Vanessa. Maya maya pa habang silay nasa kalagitnaan ng kanilang pag uusap ay biglang sumulpot si Clemont sa may kusina na parang nagmamadali. "Oh anong nangyari?" Nagkagulatan silang tatlo. "Hindi niyo ba naamoy?" "Ang ano?" Sagot naman niya. "Yung niluluto niyo sunog na!" Agad na tinanggal ni Trisha ang kasirola sa may apoy at nilagay iyon sa lababo. "Okay lang kayong dalawa? Kalapit niyo lang yung kalan tapos hindi niyo naamoy?" Napakamot siya sa likod ng kanyang ulo. "Itong si Vanessa kasi eh dinadaldal ako." Tumaas naman ang kilay ni Vanessa habang minamaniobra nito ang nasunong na lutuin. "At ako pa ngayon ang may kasalanan. Kapag talaga ako nainis sayo eh Bessy ah, ipagtatapat ko kay ano yung sinabi mo." Pinang dilatan niya ito ng mata. Tila sinasabi na tumahimik na lamang ito. "Hay nako Clemont duon na nga lang  tayo sa may sala at baka kung ano pa ang masunog ulit dito. Hinila niya si Clemont sa may sala. Pero pagtingin niya dito ay natatawa ito. "Oh bakit ka naman natatawa?" "Wala lang. para kasi kayong aso't pusa nung bestfreind mo. Yung totoo mag best friend ba talaga kayo." "Mahirap mang paniwalaan pero oo." Tila may pag sisisi ng sinabi niya ang huling kataga. "Ay teka wala kabang kanta ngayon. Parang napapansin ko mukang ilang araw kanang walang sked ah." "Speaking of sked, actullay meron." "Ed di maganda, Saan naman?" Nagpunta si Clemont sa may gilid ng pintuan. "Ang layo eh sa may Puerto Galera." "Ay maganda diyan sabi ng ka officemate ko." "Kaya lang eh parang ayokong puntahan." "Bakit? sayang naman dahil mababa yung bayad?" "Hindi naman sa ganun." "Eh bakit nga?" "Wala kasi akong kasama." Biglang dumagundong ng malakas ang kanyang dibdib. Para kasing may laman ang sagot nito. IIang sandali pa ay nagpunta si Clemont sa harapan niya. "Ah eh Trisha may favor lang ako sayo kung pwede." "Huh ano yun?" "Pwede mo ba akong samahan." Isang mabilis na tanong na hindi niya kayang sagutin na madalian. It takes a minute bago niya naibuka muli ang kanyang bibig.  "Ano payag ka? Pero kung ayaw mo eh okay lang sakin." Nakatingin lamang si Trisha sa mukha ni Clemont, ito ba ang klase ng mukhang hihindian niya? "Oo" "Huh anong oo?" Naguguluha parin si Clemont sa sagot niya. "I mean oo, sasama ako." DINIPA kaagad ni Trisha ang kanyang dalawang kamay pagtapak ng sinasakyang nilang perry sa isla ng Purto Galera. Dinama niya ang lamig ng hangin habang malakas ang paghampas nito sa kanyang balat. Pati ang amoy ng dagat ay mariin din niyang sinimsim habang nakapikit. Maya maya pa ay naramdaman niya na tila may humawak sa nakadipa niyang mga palad. Pagdilat niya ay nakita niya si Clemont. "Anong ginagawa mo, panira ka ng moment eh." "Eh diba ikaw si Rose at Ako si Jack?" sa natatawa nitong sabi. "Ewan ko sayo." Inirapan niya ito pero sa loob loob niya ay kinikilig siya. Lalo na ng hinawakan ng binata ang kamay niya. Pagkatapos ay naglakad na sila patungong isla. Babawiin sana ni Trisha ang pag sama niya sa bagong Gig ni Clemont dahil sa na a-awkward parin siya dito pero ayon narin sa kaibigan niyang si Vanessa eh huwag na. Maganda raw itong offortunity para mapag isa sila ng binata.To prove to her self kung totoo nga ang nararamdaman niya dito. "Mukhang mayaman yung client mo ngayon ah, sinundo pa tayo ng perry." "Oo mayaman talaga ikaw ba naman ang maging tigapagmana ng Acienda sa Ilocos eh." "Really, grabe naman! Friend mo?" "Hindi. Kaibigan nung kaibigan ko. Si Edzel siya yung nag kontak sa akin para kumanta. Speaking of Edzel eh nandito na pala sila." Kumaway si Clemont sa di kalayuan. Isang lalaki ang naka short lang ang tila naka pang hawaiin na polo ang lumapit sa kanilang dalawa. Pagkalapit ng lalaki na nagpakilalang Edzel ay nag body clap pa sila ni Clemont. "Oy pare kamusta kana. Saka yung long hair mo ah buti naman eh pinagupitan mo na. Mukha ka kasing pulubi dun." "Maka pulubi ka naman. By the way si Trisha nga pala." "Girlfriend mo?" "Nako hindi pa, I mean hindi." Sagot ni Trisha pagkatapos ay tumawa si Edzel. Si Edzel na ang kumuha ng mga bagahe ni Trisha at sinamahan sila nito sa loob ng pinaka malapit na hotel. "Ito pare room 301 kayong dalawa. Ay teka hindi ko pala natanong. Magsasama ba kayo ng kwarto or hiwalay. Kasi if you want eh si Trisha nalang saka yung girl friend ko yung magsasama?" Tumingin si Clemont kay Trisha. Tila sinasabi na ito na ang mag desisyon. "Ah eh o sige." Sagot niya. "Anong oh sige?" Naka kunot na banggit ni Clemont. "Kami nalang nung girlfriend ni Mr. Edzel right. Huwag kang kung ano ano ang iniisip mo diyan." "Sinabi ko nga." Kamot ulo namang sagot ni Clemont.  Nagpuna si Trisha sa kwarto ni Romina sa room 302. Hindi paman niya nabubuksan ang pintuan ng kwarto ay bumukas na kaaagad ang pintuan nito. "Isang magandang babae ang bumungad sa kanya na tadtad ang kolorete sa mukha. "You must be Trisha." "Yes ako nga." "I'm Romina. Pero you can call me Mina for short. Plaese come in." Pumasok siya sa loob ng kwarto. Winelcome naman siya ni Romina sa original na kwarto talaga nila ng boyfriend nitong si Edzel. Ipinakita pa nga nito sa kanya ang sing sing na ibinigay nito. "Maganda ba?" "Oo naman. It so beautiful." Itinapat iyon ni Romina sa may ilaw. Mas kuminang ang malaking bato sa gitan niyon. "Ikaw Trisha ano na ang ibinigay sayo ni Clemont?" Tumingin ito sa kanya. "Nako wala pa," "Bakit naman?" Natawa siya. Hindi pa kasi kami." "Oh my God bakit?" "Hindi korin alam." Napabuntong hininga nalang siya. "Alam mo. Mabait naman yang si Clemont eh. Katunayan nga eh siya yung nag papa-aral sa dalawang kapatid niya sa province." "Kilala mo si Clemont?" "Hindi masyado nakilala ko lang siya a couple of years ago. Pero na kekwento siya ng boyfriend ko sakin. Crush ko rin kasi siya dati." May kilig sa tono nito, But don't worry nuon yun." "Ano pang alam mo kay Clemont?" "Ahm wala na besides sa kweto ng long hair niya." "Anong kwento yun?" Inayos muna ni Romina ang kanyang buhok bago muling nagsalita. "Simula kasi nung niloko siya ng girlfriend niya at ipanag palit siya sa ibang lalaki eh hindi na siya nag pagupit. Yun ay kwento rin lang sakin ni Edzel." "Talaga?" "Sabi nila pero I don't know kung totoo nga yun ay teka maiba ako. Ano nga palang susuotin mo mamaya sa wedding pwedeng makita?" MAKALIPAS ang ilang oras ay siuot na ni Trisha ang kanyang cocktail dress na kulay light pink kagaya ng motif ng kasal na pink with a touch of light blue. Pagkasuot ng kanyang damit ay pinuntahan naman niya si Clemont para kamustahin. Pag pasok niya sa kwarto nito ay nahuli niya itong nag vo-vocalization. Nakahawak ang kamay nito sa lalamunan nito habang tila sinasadya nitong umubo. "Anong ginagawa mo?" nagulat niya ata ito, bigla kasi iotng napahawak sa kanyang dibdib.  "Nag vo-vocal lang." Ito ang ritual ni Clemont bago kumanta kasama na diyan ang hindi pag inom ng tubig at pagtapat sa salamin habang kumakanta. Napansin din ni Trisha ang suot nitong damit. Off white ang lahat at tila naka pamada ang clean cut nitong buhok."Ang gwapo mo sa suot mo." Lumapit siya sa binata, napansin niya kasi na hindi rin naka allign ang kwelyo ng suot nitong polo kaya naman ay inayos niya iyon. Ngumiti lang si Clemont. "So na ga-gwapuhan ka nanaman sa akin?"He uses his killer smile again against her. Pakiwari niya ay nalulusaw siya sa loob ng kanyang katawan.  "Hi-hindi no." Nauutal siya. "Sige na, aminin mo na." Kinayag siya nito sa may bewang pero agad rin siyang kumawala.  "Ewan ko sayo, Alam mo mag practice ka nalang diyan at duon nalang tayo magkita sa baba." Naglakad na siya papunta sa may pintuan ng kwarto, pero hindi paman siya tuluyang nakakapunta ruon ay bigla siyang tinawag nito. "Trisha wait." "Ano nanaman yun?" Ngumiti ito. "Maganda karin sa sout mo." Kahit na hindi niya nakikita ang sarili sa salamin ay alam niyang namula ang kanyang pisngi dahil sa sinabi nito, pati rin ang puso niya ay bumilis nanaman ang pintig. "I know right " Tanging nasabi niya sabay labas ng pintuan. Pinalibutan ng mga baging ang isang parte ng tabing dagat upang gawing lugar ng pagkakasalan, meron din duong maliit na stage at pinuno ng malaysian moms na bulaklak ang mga upuan upang magkaroon ng konting drama. Tuwang tuwa naman si Trisha na makita ang bride habang naghihintay ito sa may dulo ng isle kung saan ito maglalakad. Ang cute kasi ng bridal gown nito na mini skirt lang ang harap habang tila mermaid tail naman ang likod dahil sa mahabang tela nito duon. Ilang sandali pa ay tumayo na ang lahat upang masaksihan na ang paglakad ng bride. Pati narin si Clemont ay nag simula narig kumanta at wala talagang kupas ang ganda ng boses nito. Nasa langit nanaman siya sa mga oras na ito, parang nawawala nanaman siya sa kanyang sarili habang nasa ilalim siya ng mahika ng pagkanta nito. Meron pa ngang saglit na kinindatan siya ni Clemont ng mapatingin ito sa kanya. Sabi na nga ba niya eh na magpapacute nanaman ito sa kanya once na mahuli siya nitong tumingin dito.  Pagkatapos ng seremonya ng kasal ay mas minabuti niyang mag stay sa dalampasigan habang pinagmamasdan ang ilang nag fi-fire dance sa di kalayuan. Its an eye candy to her eyes habang pinagmamasdan niya ang pag ikot ng mga apoy sa kamay ng mga lalaki habang tila pinintahan naman ang katawan ng mga ito ng puting pintura.  "Nandito kalang pala. Hindi kaba kakain?" Akala niya ay kung sino na ang bigla na lamang dumating, si Clemont lang pala. "Hindi pa ako nagugutom." "Sigurado ka?" "Oo nga" Hindi na nagsalita pa si Clemont pagkatapos nun. "Eh di hindi rin muna ako kakain." Tumabi ito sa kanya. Umupo rin ito sa buhanginan. Ilang sandali pa ay biglang may kumislap sa langit at biglang pumutok. Isang daang paputok ang sabay sabay na naglikha ng komosyon sa kalangitan. "Ang ganda!" napanganga si Trisha habang tila malapit lamang sa kanyang harapan ang mga fireworks." "Oo maganda, parang ikaw." Bigla siyang napatinign kay Clemont. May dala ito ngayong isang bulaklak na kinuha pa yata nito sa mga bulaklak sa reception area. "Ano to? Ang corny mo." "Bulaklak para sayo." Kinuha niya ang bulaklak mula sa kamay ni Clemont habang sa kalangitan ay panay parin ang pag putok ng mga fireworks, tila sinadya talaga ang lahat ng mga pangyayari para maging espesyal ang sandaling iyon sa kanilang dalawa. "Ah sige babalik nako dun." Sabi ni Clemont. Tuluyan na itong tumalikod sa kanya. "Clemont teka." "Ano yun?" "Yung sinabi mo ba sakin nung isang araw eh seryoso kaba dun?" "Yung alin?" Nag rolyo ang dalawang mata niya, awkard mang sabihin at ulitin sa harapan nito pero, oo sige na uulitin na niya for his sake. "Yung sinabi mong gusto mo'ko." Tinignan lamang siya ni Clemont ng ilang minuto, Tila nag papaka suspense si loko para madagdagan ang kabang nararamdaman niya. Bwisit! "Oo totoo yun. Gusto kita." Bahagya siyang napangiti to confrimed na tama nga ang narinig niya ng araw na iyon. "So ano na?" "Anong so ano na?" "Gusto morin ba ako ah Trisha?" "Oo gusto---" Hindi paman siya tapos sa kanyang pagsasalita ay bigla siyang nilapitan at hinagkan ni Clemont. It was a blissful kiss na ngayon niya lang ulit naramdaman. Halos lahat ng kanyang stress at dalang mabibigat sa kanyang kalooban ay tuluyang nawala. Hinawakan niya ang batok ni Clemont with caress. Samantalang si Clemont naman ay tila walang balak na bitawan ang mga pisngi niya. "Alam mo parang gusto ko ng magpunta dun, bigla akong ngutom eh." Seryoso niyang sabi pagkatapos niyang ilayo ang kanyang mukha sa mukha nito. "So nakakagutom pala ang halik ko?" "Sira." Pagkatapos ay sabay silang nagtawanan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD