Chapter 11 - End

1988 Words
MAAGANG nagising si Trisha ng umagang ito. Pagbangon ay agad niyang ginawa ang kanyang morning routine. Una ang pagkuha ng barya sa kanyang pitaka upang bumili ng tinapay, pangalawa ang pag check sa kanyang cellphone kung meron siyang mga importanteng text. Pero papunta palang siya sa may message mode ng kanyang phone ay huli na ng nalaman niya na Linggo pala ngayon at wala siyang pasok. Kinurap kurap niya ang kanyang mata pagkatapos. Kung alam lang niya ay sana late na siya nagising. Ilang minuto pa ay binuksan niya ang pintuan ng kanyang kwarto. Pagbukas niyon ay naamoy niya kaagad ang kakaibang aroma sa may hangin. Hindi paman niya nakikita ang naturang putahe pero alam niyang masarap iyon. Habang nakapikit ay isang mukha naman ang biglang nagrehistro mula sa kanyang isipan. "Clemont?" Tumakbo kaagad siya sa may kusina. Nagbabaka sakili na baka masilayang muli ang mukha ng binata. Sabi na nga ba niya na hindi siya matitiis nito at magbabalik itong muli sa piling niya. Ni hindi niya iniba ang code ng lock sa front door ng bahay niya para nga naman kapag gusto ni Clemont na bumalik ay madali na lamang itong makakapasok sa bahay niya.  "Clemont!" Madulas dulas pa siyang tumakbo sa kusina ng bigla siyang napatigil. "Oy pasensiya kana ah, pinakeelaman ko natong patis, binuksan kona." Nakatingin lamang si Trisha kay Vanessa habang naghahalo. Ni hindi ito nagasalita.  "Oh bakit parang tuod kana diyan?" Inirapan naman niya ito at dahan dahan umupo sa may lamesa. "Oy ano nga? Ngayon sinisimangutan mo naman ako." Tumaas na ang kilay ni Vanessa. "Ay alam ko na, dissappointed kano. Kasi yung Clemont nayun yung akala mong nagluluto?" Tinignan muli ni Vanessa si Trisha at ganun parin ito. "Anak ng pitong kalabaw at tupa naman bess. Ilang buwan na yung nakakaraan eh hoping ka parin ng magpapakita parin sayo yung mokong nayun. Pagkatapos ka niyang iwan sa may Puerto!" Umupo narin si Vanessa sa may lamesa. "At hindi mo maitatanggi na ginamit karin niya para makapag higanti kay Ronald. Magkaiba nga lang kayo ng motive pero iisa lang ang target ninyo." "May rason naman siya kaya niya nagawa yun." "Okay nandun na nga tayo, yung may rason siya pero ang hindi ko maintindihan eh yung nilihim niya sayo ang lahat. Hinid love ang tawag dun. Selfishness."  Ewan ba ni Trisha. Malinaw pa sa tubig na ginamit siya sa ibang banda ni Clemont pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay mahal niya parin ito. Madalas  pa nga niya itong napapanaginipan kesyo magkasama sila sa isang isla habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Kung pwede nga lang na hindi na dumilat sa loob ng kanyang panaginip ay gagawin niya.    "Oy Bess nakikinig kaba sa mga pinagsasabi ko dito. Kanina pako dada ng dada eh tapos nakatulala ka nanaman diyan!"  "Oo naririnig kita. Ang lakas kaya ng boses mo." "Ay talaga, bahala kana sa buhay mo at malaki kana. Ang mabuti pa eh kumain ka muna nitong luto ko." Sinandukan siya ni Vanessa ng niluto nitong sopas. Pero imbis na kainin niya yun ay tinitigan niya lamang ito. Marami kasing katanungan na bumabagabag sa kanyang isip. Magpapakita pa kaya sa kanya si Clemont, if ever na hindi ay makakahanap pa kaya siya ng katulad nito. "Hoy sabi ko kumain ka, hindi yung titigan mo lang yang sopas. Hindi yan nakakabusog. Alam mo ba na napanood ko sa t.v. na ang pagkain daw sa umaga ang pinaka importante." Hindi parin umiimik si Trisha habang dumadada si Vanessa, wala parin ito sa kanyang sarili. "Ay alam ko na bessy para mabuhay yang spirit ng katawan mo eh mag mall nalang tayo, kasi simula nitong mga nakaraang araw eh busy busy-han ka sa work mo." "Ayoko, wala akong gana. Matutulog nalang ako." "Grabe naman to. Alam mong napanood ko sa t.v. na ang sobrang pagtulog ay---" "Oo na sasama na ako matigil kalang. Ang ingay ng bunganga mo!" Natawa si Vanessa. "I know right. Special skills ko yan." "ALAM mo namiss kotong gantong bonding." Dinilaan ni Vanessa ang binili niyang ice cream sa may seven eleven. Sa katunayan niyan ay pangatlo na niyang bili iyon. Siya kasi yung klase ng tao na kahit na anong klase ang kainin ay hindi tumataba.  "Yung totoo Van. Yung bonding ba natin yung na miss mo o yung panlilibre ko." Sabay tingin ni Trisha sa dala niyang shopping bag. Grabe ka naman kung makapag husga bessy, hayaan mo at babayaran korin to sayo. Marami kaming order kami ngayong weekend. Maraming marami. Kaya marami rin akong datung."  "Oo na, may magagawa pa ba ako eh nabili mona, inalok mo lang yata akong mag bonding kuno dito dahil sa t-shirt nayan eh. Patingin nga!" Kinuha niya ang t-shirt na binili ni Vanessa sa may shopping bag at binulatlat iyon sa may ere. It's a green t-shirt na may mukha ni Bob Marley sa gitna.  "O bakit ka natulala diyan maganda diba, Huwag mong hihiramin yan ah." "Hindi." Nag iba nanaman ang ora ni Trisha. Halata ang kalungkutan sa mukha nito.  "Eh bakit anong nangyari? Joke lang yun Bess, pwede mo yang hiramin."  "Hindi yun, kasi favorite artist ito ni Clemont."  "Sino si Bob Marley? Seryoso ka?" Biglang hinablot ni Vanessa ang t-shirt. "Akin na nga to. Dyosko! dapat kasi eh nagsasaya tayo ngayon eh pwede ba Bess kahit na konting saglit lang eh lubayan mo muna sa iyong imagination si Clemont---"  Hindi paman si Vanessa tapos mula sa kanyang pagsasalita ay nahuli nanaman niya si Trisha na nakatulala . "Oh Bess sino namang tinitignan mo dun?"  "Teka para kasing si---"Tumingin din si Vanessa sa lokasyon na tinitignan niya pero wala naman itong ibang makita. "Alin ba diyan ha? Yung lalaking gwapo dun sa may hotdog cart. Yummy!"  "Loko hindi yun, para kasing nakita ko si Cemont eh."  "Huh si Clemont, Oh my God Bess ito nanaman tayo." Tuluyan ng tumayo si Trisha mula sa pwesto niya. Pagkatapos ay tumakbo ito sa pwesto kung saan niya nakita si Clemont kanina. Habang tumatakbo ay patuloy niyang sinisigaw sa kanyang isipan ang pangalan nito ng paulit-ulit. Hindi siya pwedeng magkamali. Kahit na likod lamang ni Clemont ang makita niya sa malayuan ay kilala niya iyon. Pagkarating niya sa may tindahan ng mga rosas kung saan niya ito nakita ay bigla na lamang itong nawala. "Bess hintay." Mula sa di kalayuan ay nakita rin niyang tumatakbo si Vanessa. "Ano kaba Bess, si Clemont ba talaga yun?"  "Oo siya yun, hindi ako pwedeng magkamali." "Oh eh nasan na siya, wala naman ah." Pinagmasdan ni Trisha ang paligid, pinapanalangin sa may kapal na sana ay si Clemont nga ang nakita niya kanina hanggang sa di kalayuan ay muli niyang nakita ito na sumasabay sa dagsa ng maraming taong papunta sa itaas ng lrt station. Nagmamadali ulit siyang tumakbo. Sinisiksik ang sarili sa mga taong pumapanik sa itaas "Excuse me please!" ni hindi na inisip na baka madisgrasiya siya sa kanyang ginagawa. It was a busy hour dahil oras ito ng labasan ng mga tao sa kani-kanilang mga opisina. Sinabayan pa ng libreng sakay kaya ang regular na dami ng tao ay mas domoble pa. "Clemont!" Sumigaw siya pag panik niya sa itaas pero sa ingay ng paligid ay ultimo ang sarili niyang boses ay hindi niya marinig, Hindi rin siya makaentrada. Hindi niya tuloy tuluyang makita si Clemont ng maigi, kahit na makita isa-isa ang mga mukha ng mga tao duon ay imposible niyang magawa. Pero kahit na ganun ang sitwasyon ay hindi parin siya nagpatinag. Ni wala ang salitang imposible sa diksyonaryo niya ngayon. Agad siyang nag isip. Sa di kalayaun ay meron siyang nakitang mga food cart. Humiram siya ng isang mono block mula sa isang tindahan na naroon. Nilagay niya iyon sa gilid ng station at tumayo. Sinilip ang iba pang tao sa may lugar pero kahit na isa sa mga iyon ay hindi niya nakita si Clemont. Bigo siya. "It's over?" Ika niya habang bumababa sa may mono block, siguro nga'y tama si Vanessa na dapat na niyang lubayan ang kahit na anong memory ni Clemont para makapag move on na siya. Kung magpapatuloy lang kasi iyon ay siya rin ang masasaktan. Isa pa, siguro nga'y hindi si Clemont ang nakita niya kanina. Maaring isa lamang iyong kathang isip na gawa ng utak niya dahil sa pagnanais niyang makita itong muli. Kinuha niya ang mono block pagkatapos. Handa na niya itong ibalik sa may food cart na pinaghiraman niya dito ng pag sulyap niya sa kanyang harapan ay nakita niya ang isang pamilyar na pigura. "Hinahanap moba ako?" Ang postura pa lamang ng tayo nito. Ang taas nito, ang katawan, even the feature of his face ay biglang nagrehistro kaagad sa isipan niya. "Clemont." Nabitawan niya ang mono block at napatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig. It was the same feeling from before. The same feeling when their eyes have met for the first time and She realize that he fell in love with him. Parang tumigil ang oras sa buong estasyon ng tren. Pati ang mga tao ay huminto sa kani kanilang mga ginagawa at isa isa itong nawawala. Sa diwa niya ay sila lang nadawa ni Clemont ang nasa buong lugar, nothing else. Ilang sandali pa ay bigla na niyang tinakbo ang binata. Its like almost a year na hindi niya ito nakikita. Habang tumatakbo ay biglang nag flash back sa kanyang diwa ang lahat. Simula ng una nilang pagkikita, mga panahon na kinakantahan siya nito, kapag sinasamahan niya ito sa mga gig nito, at ang mga masasayang araw nila sa may isla. Paglapit niya sa mga braso ni Clemont ay naramdaman niya kaagad ang init ng katawan nito. Their body touches once again. Akala moy wala ng bukas at wala silang balak na maglayo muli.  "Na miss moko?" HIndi lamang siya sumagot. Ninanamnam niya kasi ang bawat sandali. If it a dream then sana ay hindi na siya magising pa. Duon na tuluyang bumagsak ang kanyang luha. Halo-halong inis at saya ang nararamdaman niya dito. "Oh bakit, umiiyak kaba?" Biglang kumawala siya mula sa pagkakayakap nito. "Eh loko ka pala eh, anong gusto mong gawin ko, magsaya ako pagkatapos mo akong iwan sa may isla. Nababaliw kana talaga no!" Tinignan lamang siya ni Clemont sa kanyang mga mata. A type of look that She misses when he left. Pagkatapos ay ngumiti ito. "Na miss ko yang mga mata mo." "Talaga." Hinawakan niya ang mga mata nito, even his all around of his face. Sinisigurado na hindi ito isang panaginip, that this is real. Ilang sandali pa ay tinanggal naman ni Clemont ang kamay niya sa mukha nito.  Pagkatapos ay ito naman ang humawak sa mukha niya, Hinipo nito ang mukha ni Trisha with caress and afterwards in amount of seconds ay binigyan siya nito ng isang halik. "Kung alam mo lang kung gaano ko pinagsishan yung pag iwan ko sayo. I miss you Heart." Tumulo ulit ang luha ni Trisha from his eyes down through her chin. "Yan naman pala eh then don't leave me again." "Oo pinapangako ko. Hinding hindi na kita iiwan. Never again." Napalakpakan ang lahat ng tao sa buong train station. Pagtingin nila sa paligid ay duon lamang nila naalala na nasa loob pa pala sila ng lugar. "O my god nakakahiya!" Tinakpan ni Trisha ang kanyang mukha.  "Anong kakakahiya. Huwag mong takpan ang mukha mo. Dahil Believe me after this day eh nasa you tube na itong eksenang to." Napatawa siya. "Loko ka talaga kahit kailan." Pakatapos ay hinawakan ni Clemont ang likuran niya. Bahagyang inilapit ang mukha sa kanya at saka siya muling hinalikan nito.  END. _______________ Note: Hi po sa inyo. Kung umabot ka dito. Thank you po for your support! Actually this is a second version already. Yung unang version po nito ay sinulat in first POV and syempre iba din ang title. Kung sino man po ang nakabasa nung unang version then maraming salamat din po. So ayun, ginawa ko rin po itong second and revised version dahil pinasa ko ito sa isang publishing house pero in some circumstances ay hindi po siya na publish pero buy the way Thank you po ulit at sinamahan nyo ako sa journey nila Clemont and Trisha. God bless all.  Its Me, Azul!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD