NAGISING SI CLEMONT pagkaraan ng isang oras na mababaw na pagtulog. Nakatulog na pala siya ng hindi niya namamalayan. Siguro nga'y dahil sa buong maghapon nilang pag a-activities sa buong isla. Pagbaling ng kanyang tingin sa kanyang braso ay nasilayan niya si Trisha na nakahiga duon. Pinagmasdan niya ang mahabang pilik mata nito, meron pa ngang pagkakataon na hinawakan niya ang labi nito na sobrang lambot. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na magkasintahan na silang dalawa. Parang kasing bilis ng kidlat ang mga pangyayari. And he didn't know na matagal narin palang may gusto sa kanya si Trisha.
Dahan-dahan niyang inangat ang ulo nito at marahang inilipat sa may unan. Hinalikan pa niya ang pisngi nito at sinabihan ng "Mahal kita." Bumagon na siya sa may kama pagkatapos, pagbaling niya ng kanyang tingin sa kaliwa ay nakita niya ang kanyang hubad na katawan sa isang malaking salamin. Pinagmasdan ang sarili, tinatanong kung ito nga ba ang lalaking dapat mahalin ni Trisha. Nalungkot bigla ang kanyang mukha. Alam niya kasing hindi malinis ang konsensiya niya katulad ng inaakala nito. Na ginamit din niya lamang ito para sa paghihiganti. Huminga siya ng malalim. Naglakad tungo sa may bintana, tinignan ang senaryo sa labas at sinabi. "Oras na." Kumuha siya ng isang malinis na papel at umupo sa may maliit na lamesa. Tinignan pa niya si Trisha na natutulog bago tuluyang magsulat.
Trisha. Siguro pag nabsa mo ito eh umalis na ako. Alam kong mali ang desisyon na gagawin ko at masakit ito sa akin, pero alam kong ito ang tama. Bahagyang napahinto si Clemont sa pagsusulat. Tila bumibigat ang kanyang palad habang isinusulat ang mga katagang sunod niyang gustong sabihin. Trisha. Nagsinungaling ako sayo. Pagpapatuloy nito.
Naalala pa ni Clemont ang lahat. September 25 nuon. Limang taon na ang nakakaraan ng magpunta siya sa may NAIA terminal 3 upang wakasan na ang lahat. Nagmamadali siya. Pang limang beses na kasi itong pagsisinungaling ng ka live in niyang si Brigitte kung saan ito nagpupunta ng hindi niya alam. Napapadalas din ang pagsesekreto nito sa kanya. Ang hindi alam ni Brigitte ay kinasabwat niya ang best freind nitong si Mavic para sabihin sa kanya ang mga kilos nito. Mavic concerned about their relationship. Ito rin ang nagbukas ng topic na baka nga may ibang lalaki si Brigitte.
Nung una ay skeptic siya sa mga posibilidad na maari siyang ipagpalit ng kanyang girlfreind pero lumakas ang suspetsa niya sa mga ilang mga bagay, katulad ng minsa'y may kausap ito sa telepono kapag tulog siya, nagtatago pa ito sa loob ng banyo o kaya eh lumalabas ng bahay at nag iiba narin ang hobbit nito katulad ng madalas na paggamit ng f*******: account na dati ay hindi nito ginagawa.
Pag tigil ng sinasakyan niyang taxi sa may treminal ay dali dali siyang bumaba. Hinanap niya kaagad si Brigitte mula sa dami ng mga taong naghihintay duon. Hanggang sa isang pamilyar na boses ang bigla na lamang nag agaw ng kanyang pansin. "Honey I miss you!" Boses yun ni Brigitte." Dahan dahan niyang nilingon ang kanyang ulo sa kanyang likuran at hindi nga siya nagkamali dahil mula duon ay nakita niya ang eksena ng kanyang nobya na nakalingkis sa leeg ng isang hindi niya kilalang lalaki. Hanggang sa di naglaon ay nakilala rin niya ang pangalan nito,walang iba kundi si Ronald Tecson.
NAGBAGO ang mundo ni Clemont pagkatapos ng lahat ng pangyayari, hinid narin pinagkaila ni Brigitte na boyfriend niya nga si Ronald at nang di nagtagal ay nakipag hiwalay narin ito sa kanya. They relationship didn't work. Sinubukan niya itong ibalik sa dati pero si Brigitte narin ang umayaw. Napabayaan ni Ronald ang kanyang carrer sa pag awit. Iniwan niya ang kanyang banda bilang lead vocalist . Palagi na lamang siyang ngkukulong sa may kwarto at hindi nagpapagupit ng buhok. Ang pagpapahabang ito rin ang naging simbolo niya ng pagpapakatanga sa babaeng halos ibinigay na niya ang kanyang buong buhay pero niloko lamang siya.
Pagkaapos ng isang taon ay naisipan ni Clemont na bumalik mula sa industriya ng pagkanta. Siya narin ang nangulit at tumawag sa kanyang mga kaibigan upang magtanong ng mga gig. Mag sosolo na lamang siya tutal ay kaya naman niyang kumanta ng mga jazz at mas malaki daw diumano ang kita sa pagkanta sa mga kasal at mga private parties. Pero mukhang malaking disaster yata ang kanyang muling pagbalik dahil sa napag bintangan siya ng isang babae na nagnakaw ng wallet nito sa una niyang pinuntahang kasal at ang mas grabe pa duon ay ang batuhin pa siya ng three inches high heels nito. Buti na lamang ay naidala siya kaagad sa isang malapit na ospital at hindi naman malala ang natamo niyang sugat.
Pagkatapos ng ilang araw habang papunta siya sa bago niyang client upang kumanta ay napansin niyang may sumusunod sa likuran niya. Huli na ng napagtanto niya na ito pala ang babae na nagbato sa kanya ng sapatos. Tinakpan pa nga niya ang kanyang mukha, natatakot na baka batuhin siya ulit nito pero hindi naman pala. Mabait pala ang babaeng nagpakilala bilang si Trisha. Bilang pampalubag loob ay pinatira pa siya nito sa bahay nito, tinuruan ng mga basic love problems at binuhay ang kanyang sawing kalooban to live once again. Sa makatuwid ay binago ni Trisha ang buhay niya. Siguro ngay tadhana narin ang pagkikita nilang dalawa upang ma realize niya na hindi nakakatakot magsimulang muli.
Pero habang sinasanay siya ng dalaga upang magbuo ng bagong identity ay duon rin niya nalaman na may connection pala ito kay Ronald. Nalaman niya iyon ng gabing nagpunta si Ronald sa bahay ni Trisha sa gitna ng kanilang inuman. Nagulat siya bigla, nawala ang kanyang pagkalasing at sinuntok niya ito. Sino ba naman ang makakalimot sa isang walanghiyang lalaki na katulad nito. Ngayon pa namang nalaman niya na pati ang ex-girlfreind niya na si Brigitte ay niloko rin nito. Ngayon hinding hindi siya papayag na pati si Trisha ay mahuhulog ulit sa lalaking ito. Kaya gagawa siya ng paraan. Kaya naman ng humingi si Trisha ng tulong sa kanya upang asarin ito sa isang magaganap na Gala's nigth sa anibersaryo ng kompanya nito ay hindi na siya nagdalawang isip pa. Gagawin niya ang kanyang naitatagong karisma to prove his worth.
Sabay nilang pinag selos si Ronald sa nasabing event. Kulang pa ang salitang sweet sa pinaggagawa nila ni Trisha ng gabing iyon. Pero maliban duon ay may isa pa pala siyang na realize that night dahil nung nagtama ang kanilang mata habang sila ay sumasayaw ay duon lamang niya napaganto na gusto niya ang dalaga. Kakaibang kinang na nakita niya sa mga mata nito. Parang nangungusap iyon ng hindi niya maintindihan.
Sa mga araw na dumaan ay mas lalong nagkakaroon ng buhay ang umaga niya kapag nakikita niya ang dalaga. Ang pagkagusto niya dito ay unti-unti ng ta-transfrom into love. Kaya naman ng malaman niya na may gusto rin ito sa kanya ay halos ipag sigawan niya sa buong mundo kung gaano niya ito kamahal. Pero mukhang hindi pa iyon ang kanilang happy ending dahil meron pa siyang isang problema. Walang iba kundi ang past niya.
Hindi na mapigilan ni Clemont na umiyak habang nagsusulat. Ang huling katagang mag iingat ka ay ang pinaka masakit na salita na isinulat niya ng mga sandaling iyon. Alam niya kasing once na tupiin na niay ang sulat at iwan iyon sa may ibabaw ng lamesa ay na ang hudyat upang umalis na siya. Sa kabila ng kanyang utak ay tinatanong kung ito nga ba ang paraan to prove her that he loves her. Maybe yes. Gusto niyang bigyan ang kanyang sarili ng oras upang mag isip at mapagtanto ang mga bagay bagay.
Kaya naman nagbihis na siya, ni hindi na siya naligo at inilagay ang bugkos ng pera sa may ilalim ng drawer. Kinuha narin niya ang mga bagahe niya sa ilalim ng kama. Then afterwards ay napatinign siya ulit sa dalaga. And give her a one goodbye kiss before he left.
HINDI makapaniwala si Trisha mula sa kanyang mga nabasa. Ang koneksiyon ni Clemont kay Ronald. Ang totoong feeling nito sa kanya nuon pa at ang dahilan ng pag lisan nito. "Pero Heart sa lahat ng mga kasinungalingang sinabi ko sayo ay isa lamang ang totoo, walang iba kundi ang pagmamahal ko sayo." Pinagpatuloy ni Trisha ang pagbabasa sa sulat ni Clemont. Nung nagtapat ako sayo at sinabi kong mahal kita nung araw nayun eh totoo yun. Pero hindi mo kaagad ako sinagot kaya ang akala ko ay wala karing gusto sa akin. Pero nitong kahapon lang nung nagtapat karin na gusto morin ako eh yun na yata yung isa sa pinaka magandang araw sa buong buhay ko." Napahawak si Trisha sa kanyng labi habang nagbabasa. Pinipigilan niyang lumuha. "Sabi ko sa sarili ko eh sa wakas, matutupad ko narin ang isa sa mga misyon sa buhay ko, ang walang iba kundi ang mahalin ka.
Pero sa bawat sandali na nakikita ko ang mukha mo ay na gu-guilty ako. Alam kong hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko kaya ginusto ko nalang na umalis. Mahal na mahal kita Trisha. Ikaw ang nagbigay sa akin ng tunay na kahalagahan kung pano bumangon muli mula sa gitna ng isang malakas na unos sa buhay ko.
Saka Heart huwag mo na akong hanapin. Alam kong makulit ka. Palagi kang mag iingat at iwasan ang msayadong paginom ng kape. Maraming salamat.
Nanginginig ang kamay ni Ttrisha ng tuluyan niyang bitawan ang naturang sulat. Duon na tumulo ang kanyang luha. Hindi niya mapigilan yun. Bakit ba hindi na lang ito nagtapat sa kanya ng harapan at kailangan pa nitong umalis ng walang paalam. "Gago ka kahit kailan." Sambit niya habang humihikbi. Tinignan pa niya ang parte ng kama kung saan si Clemont humiga kagabi. In her mind ay tila nag rewind ang lahat ng nangyari sa kanila mula sa pag dating nila sa may isla hanggang sa pagtulog nila ng sabay. Pero hindi. Matigas na kung matigas ang ulo niya pero hahanapin parin niya si Clemont.
Bigla niyang kinatok ng malakas ang pintuan nila Edzel na nasa kabila lamang na kwarto. "Oh Trisha, Anong nangyari sayo?" Agad siya nitong pinagbuksan ng pinto.
"Nasan si Clemont? Saan siya nagpunta?"
"Huh si Clemont bakit?"
"Saan nga please naman Edzel." halata na ang pag mamakawa niya dito.
"O sige calm down ka muna, halika't pasok ka muna sa loob."
Binuksan ni Edzel ang bintana. Natutulog pa sa kama si Romina ng makita niya ito. Pinaupo siya nito sa may couch. "Nasan si Clemont alam mo ba. Alam kong ikaw ang sasabihan niya ng plano niya."
"Ang totoo niyan eh hindi korin alam kung saan siya nagpunta. Gagong yun iniwan kang mag isa."
Nadismaya si Trisha sa nasagap niyang inpormasyon. Kita yun sa expression ng kanyang mukha. "Sigurado ka?"
"Wala talaga. Kung alam ko lang eh sasabihin ko kaagad sayo." Hinawakan ni Edzel ang konting bigote niya na hindi pa naahit. "So I believe na hindi morin alam yung tungkol sa plano niya dito sa Puerto no?"
"Anong plano?"
"Trisha. Ngayon lang ulit kami nagkita ni Clemont alam mo yan."
"Oo and then?"
"Ewan koba sa lalaking yun. A couples of weeks ago eh kinontak niya ako sa may f*******:. Alam niya kasing may friend ako na event coordinator kaya pinahanap niya ako ng pwede daw niyang kantahan. Eh tamang tama dahil mag Pu-Puerto rin kami ni Romina."
"Anong ibig mong sabihin?
"Ang ibig kong sabihin ay hindi talaga client ni Clemont yung kinantahan niya kahapon. Ginawa niya lang yun na alibi para daw magsama kayo dito sa Puerto at ayaw niyang ipaalam yun. Gusto daw niya sayong bumawi or something."
HIndi nakapag salita si Trisha. Tila nakatingin lamang ito sa may hangin at walang naaninag kundi liwanag.
"Trisha are you okay?" Tanong sa kanya ni Edzel habang nagising narin mula sa pagkakatulog si Romina sa kama nito.
"Huh? Oo okay lang ako. Sige" Dahan dahan siyang tumayo mula sa kanyang pag kakaupo. Gusto siyang alalayan upang ihatid ni Edzel sa kanyang kwarto but shes immediately refuse. Kaya na daw niya. Binuksan niya ang kanilang nagsilbing kwarto ni Clemont sa dalawang gabing nandun sila sa may isla. Kahit ganun lamang sila kadaling namalagi dun ay she consider it as one of the happiest days of his life. walang kapantay iyon, kayaga ng biglaang pag alis nito, wala rin iyong katumbas na sakit. Sinarado niya ang pinto, Hindi na niya makayanan pa ang pagbagsak ng luha mula sa kanyang mga mata na parang patak ng ulan sa pagdaloy. Nagpadausdos siya sa likod ng pinto habang sinasambit ang pangalan ni Clemont. Para siya ngayong sirang plaka na paulit ulit. Kung hanggang kailan siyang ganun? Wala pa siyang ideya kung kailan siya matatapos.