Buong gabi kaming gising at sinulit talaga namin ang bakasyon namin. Hindi ko alam kung kailan na naman ito mauulit, dahil pag balik namin sa Maynila ay balik trabaho na rin kaming lahat. Ilang beses din kaming kumanta at sumayaw ng mga kaibigan ko. Namiss talaga namin ang pagkanta at pag sayaw. May Pop Group kami noon College at sikat na sikat kami sa buong University. Kami ni Henry ang Lead Vocalist at sina Lynnette, Evette at Lorraine ang back-up singer/dancer namin. Maliwanag na ang paligid ng matapos kami. Umaga na pero hindi pa kami natutulog, naubos din namin ang mga inumin. Nag paalam na ako sa kanila upang mag pahinga kahit ilang oras lang. Mamayang hapon na kami babalik ng Maynila kaya gusto ko munang matulog. Magka akbay kami ni Sam na pumasok sa aming silid. Ga

