Chapter 1
SOMEWHERE IN CALIFORNIA...
.......
SA LOOB ng isang Disco Club. Masayang nagpa-party ang bawat isa. Maraming sumasayaw sa dance floor, at kahit sa gilid mismo ng kanilang mga lamesa ay may umiindak, habang umiinom. Maingay ang buong paligid dahil sa pinaghalong tawanan, sigawan, kalansing ng mga baso at bote na nadagdagan pa ng malakas na tugtugin. Buhay na buhay ang gabi at tila walang katapusan na kasayahan.
Sa isang madilim na bahagi ng Bar ay naka upo ang tatlong babae na nasa edad tweenty to twenty-two ang masayang nag inuman.
Dito sa Club na ito napili ni Chelsea na e-celebrate ang kanyang birthday. Kasama ang dalawang kaibigan na sina Halley at Mila.
Masaya silang nag ku-kwentuhan habang umi-inom sa gabing iyon. Hanggang sa may ilang lalaki ang dumating sa kinaroroonan nila.
Umupo ang mga lalaki sa katapat nilang table. Guwapo at mukhang mapagkakatiwalaan ang mukha nila.
Napapatingin sa kanila mga binata. Tila gustong makipag kilala ng mga ito, ngunit nahihiya naman silang lumapit.
Nakaramdam ng paghanga si Halley sa isang lalaki. Tumayo siya at naki pagkilala sa mga ito.
Dahil sa epekto ng alak, kaya malakas na ang loob ni Halley na lumapit at makipag usap sa mga lalaki. Naki pag-shake hands siya sa mga ito at ipinakilala ang sarili. Inalok din niya ng alak ang mga ito, saka umupo sa tabi ng isang lalaki na natipuhan. Tinawag na rin niya ang dalawang kasama at nakipag inuman na sila sa groupo. Hanggang hindi na nila namalayan ang paglipas ng oras. Hating-gabi na ng magpasya silang umalis.
Lumabas silang magkakaibigan sa Club at naglakad sila papuntang carpark. Ngunit biglang may mga sasakyang kulay itim ang biglang dumating at tumigil sa harapan nila.
Agad na nagbabahan sa mga sasakyan ang mga lalaki at hinarang sila. Nanlaki ang mga mata nilang magkakaibigan nang makilala nila ang mga lalaki.
Huli na para tumakbo sila. Mabilis ang kilos ng mga lalaki, at isa- isa silang hinawakan at tinakpan ng panyo sa ilong. Agad nawalan ng malay-tao ang mga babae, dahil sa gamot na nakalagay sa panyo.
Mabilis binuhat ng mga lalaki ang mga kawawang babae na walang malay-tao.
Dinala sila sa kanilang sasakyan, at mabilis na nilisan ang lugar.
*******
KINAUMAGAHAN....
NAGKAKAGULO ang mga tao sa isang eskinita sa downtown. Lahat sila ay nakatingin sa malaking plastic na basurahan sa likod ng mga building. Makikitang nakahirila sa loob ng basurahan ang mga katawan ng tatlong babae sa loob. Dugùàn at walang anumang sapøt ang kanilang mga katawan.
Dumating ang mga City Police sa lugar upang imbistigahan ang pangyayari. Nilagyan nila ng harang ang paligid, upang hindi makapasok ang mga tao, para mapabilis ang kanilang imbistigasyon.
Dumating din ang mga FBI para mag imbistiga at mangalap ng mga ebidinsya kaugnay sa krimen. Isa si Agent Samuel Parker ang dumating sa lugar. Siya ang na-assign na humawak sa kaso.
"Good morning, Chief. I'm Special Agent Samuel Parker, FBI. We're here to take over the crime scene." pakilala ni Agent Parker sa Chief na nasa lugar.
"Good morning, Agent Parker. It's an honor to finally meet you in person. I'm glad you arrived so early. Please don't hesitate to call me or any of the officers here if you need anything." sagot ni Chief, habang kinakamayan si Agent Parker.
Dinadala ang katawan ng mga babae sa mga naka abang na ambulance. Ngunit nagulat ang mga medics, dahil sa biglang pag galaw ng isang babae.
"She's still alive!" sigaw ng babaeng medics, saka mabilis na kinuha ang stethoscope.
Agad nila itong nilagyan ng oxygen at life support, saka dinala sa pinakamalapit na hospital.
Sumunod naman sa ambulance ang mga otoridad kasama si Agent Parker, para siguraduhing hindi manganganib ang buhay ng babae. Puwede nilang gawing star witness ang babae, kaya kailangan nilang bantayan ito 24/7.
*****
HOSPITAL...
PAGDATING sa hospital ay agad ipinasok sa Operating Room ang babae, para tahiin ang mga sugat nito.
Matiyagang naghintay si Agent Parker sa labas ng Operating Room, para siguruhin na maliligtas ng mga doctor ang babae.
Nahirapan ang mga FBI sa pagtukoy kung sino ang salarin sa krimen. Wala silang witness at ibedensya, maliban sa babaeng himalang nabuhay. 50/50 pa rin ito sa hispital, kaya wala silang magawa ngayon, kung hindi maghintay.
May CCTV naman sa lugar, ngunit sira ito at matagal ng hindi gumagana. Wala rin silang nakuhang ano man na puweding pagkakilanlan sa mga babae.
Halos isang buwan ang lumipas, bago gumising ang pasyente sa na nasa ICU. Agad na pumunta si agent Parker sa Hospital, matapos makatanggap ng tawag mula sa Doctor na tumitingin sa pasyente.
Maraming Police at FBI ang nakabantay sa labas ng pinto ng ICU, kung saan naka confine ang babae. Napakahigpit ng siguridad sa ICU, dahil star witness ang kanilang binabantayan.
Pag dating ni Agent Parker ay biglang tumayo ng matuwid ang mga nagbabantay. Sumaludo ang mga police at FBI na nagbabantay sa pinto, bilang pag galang sa isang mataas na FBI Agent.
Matapos magtaas ng kamay sa mga nakasaludo si Agent Parker ay agad na siyang pumasok sa loob ng ICU. Kinausap muna niya ang Doctor na nagbabantay, bago niya nilapitan ang pasyente.
Iyak ng iyak ang babae matapos malaman na namatay na kanyang mga kaibigan.
Awa naman ang naramdaman ni Agent Parker para sa babae. Lumapit siya dito para maka usap niya ito, at makapagtanong.
Kinuha muna niya ang kanyang recorder para ma-record ang lahat nang sasabihin ng biktima. Kailangan niyang e-record ang lahat, para may nagamit siyang ibidensya, laban sa mga kriminal.
"What is your name?" panimulang tanong ni agent Parker.
"Chelsea Watts." sagot nito sabay pahid sa luha na naglandas sa kanyang pisngi.
" Do you remember what happen to you and your friends that night?." malumanay na tanong ni Agent Parker, saka nilapag sa recorder sa ibabaw ng kama.
Isinalaysay ni chelsea ang buong pangyayari sa gabing iyon. Mula pumasok sila sa club,hanggang lumabas sila at dinukot ng mga sendikato. Malinaw din niyang idinetalye ang mga ginawa sa kanila ng mga lalaki sa loob ng isang bahay.
Tinurukan sila ng gamot para maging sunod-sunuran sila sa lahat ng i-utos sa kanila. Ilang lalaki ang palitan na gumamit sa katawan ng bawat isa sa kanila, habang may nagvi-video naman sa kanila. Pagkatapos ay walang awa sila pinag babaril ng isang lalaki.
Ayon din kay Chelsea ay isang nagngangalang Mr. Chua ang pangalan na narinig niyang tawag sa Leader ng groupo. Ito rin ang nag utos na iligpit sila, matapos silang pagsawahan ng mga lalaki.
Tinapon nila ang katawan ng mga babae malapit sa Club kung saan sila kinidnap.
Manila Philippines
MAAGANG nagising si Lisa, upang maghanda ng babaunin ng kanyang anak na si Pj. Kahit may mga katulong siya ay mas gusto niyang siya mismo ang maghanda ng babaonin ng kanyang unico hijo. Walong taon gulang na si Pj, ngunit para kay Lisa ay baby pa rin niya ito.
Habang hinihintay ni Lisa ang anak ay hindi niya maiwasan ang mapaluha kapag na aalala niya ang trahedyang nangyari noon sa kanyang pamilya.
Namatay ang kanyang mapagmahal na asawa habang pino-protekhan nito ang mga empleyado at mga magulang sa nangyaring m@ssacre/Holdup, ilang taon na ang nakakaraan.
FLASHBACK....
MAGKABABATA sina Monalisa Salvador at Patrick Sanchez. Magkasama silang lumaki at nag-aral. Mag kapitbahay sila at halos tumira si Lisa sa bahay nila Patrick noon.
Matalik na magkaibigan ang mga magulang nila Lisa at Patrick, kaya para din silang magkapatid na dalawa.
Ang ama ni Lisa ay isang Judge sa Quezon City. Siya si Judge Miguelito Salvador Sr. Ang kinatatakutan na Judge sa buong Pilipinas. Habang ang ina niya ay may
sariling Fashion Boutique. Si Señora Lucille Penda-Salvador. The former famous model in the late 1970's.
Ang ama naman ni Patrick na si Mr.Gilbert Sanchez, is the Founder of St. Patrick's Pawnshop, Jewellery and Money Changer. At ngayon ay meron na rin silang Remittance Center. Ang ina naman ni Patrick na si Mrs. Joanne Diaz-Sanchez, ay ang owner ng Famous Joanne's Grill Restaurant na meron dalawang Banch. Ngunit ngayon ay naging Food Chain na kilala sa buong Pilipinas.
Masaya ang pamilya nila, lagi din silang nagbo-bonding every sunday kung nasa bansa ang mag-asawang Sanchez.
LAW ang kinukuhang kurso ni Lisa, dahil sa paki-usap ng papa niya ito ang sumunod sa yapak ng ama. Ang dalawang ate niya kasi ay walang interest sa pagli-lingkod sa bayan. Nagmana sila sa mama nila na fashionista. Kaya sa modeling sila nag focus at hindi sa pagpapatupad ng batas.
Si Mylene ang pangay nila ay nasa Paris, at doon nag bukas ng sarili niyang Boutique.
Ang pangalawa naman na si Michelle ay nasa New York . Sikat siyang modelo doon at kilala na rin siya sa buong mundo.
Ang bunso nilang si Miguelito ay Criminology naman ang kinukuha. Idol na idol daw niya ang uncle Greg nila na kapatid ng mama nila na isang PNP General.
Sina Lisa at Patrick ay parang magkapatid noong mga bata sila. Hanggang nagdalaga at nagbinata sila ay hindi nagbago ang kanilang samahan.
Madalas din silang mag-sleepover, lalo na kapag may mga project silang tinatapos. Magkasama silang magre-review para sa kanilang mga exam habang kumakain ng snacks.
Sabay din silang pumasok sa School mula pa noon mga bata sila. Ngayon ay si Patrick na ang nag-drive ng kotse, kaya madalas silang napagkakamalan na mag-jowa.
Napaka-sweet nilang tingnan, at kahit anong anggulo ay aakalain mong mag-jowa sila. Maraming nai-ingit kay Lisa, lalo na ang mga babaeng may crush kay Patrick. Naiinis sila kay Lisa, dahil siya lamang ang napapansin ni Patrick.
Isang araw habang kumakain si Lisa sa Canteen, kasama ang mga kaibigan niyang sina Yvette, Loraine at Lynette, nang biglang dumating ang isang groupo ng mga lalaking siga sa University. Masaya silang nag uusap na apat, habang kumakain ng kanilang Lunch ng dumating ang isang grupo ng mga lalaki. Napalingon ang magkakaibigan dahil biglang nag ingay ang mga kumakain doon sa canteen.
Kinikilig na nakatingin ang mga kolehiyala sa isang Grupo ng mga lalaki na halatang mga anak mayaman. Napapatili pa ang ibang babae, dahil sa paghanga nila sa mga lalaking bagong dating.
"i love you Jake" sigaw ng isang babae.
"Hi Jake. Halika dito, tabi tayo." sabi naman ng isa pa, na nasa kabilang table.
" Grabe! ang guwapo ni Jake"
" Akin si Leo"
Dahil sa ingay ng mga babae sa paligid kaya napatigil sa kanilang kuwentuhan sina Lisa at tumingin na lang sa mga babae sa paligid nila Aakalain mong ngayon lang sila nakakita ng lalaki sa buong buhay nila, dahil sa ingay.
Napansin ni Lisa ang isang lalaki na parang ito ang leader ng grupo. Dahil pinaghila pa ito ng upuan ng kasama nito. Matangkad, maputi at chinito. Mukhang Rich kid, dahil mga branded ang suot nitong damit. May makapal siyang suot na kwentas at ring na tila singsing ni Troy kalaki.
"Ano ba yan! Nakakahiya naman si Amber, isigaw pa talaga na mahal niya si Jake." nasusuyang saad ni Lynnette.
"Naku Gurl, sinabi mo pa." sagot naman ni Loraine na halatang naiinis din.
"Sino ba ang mga yan? Parang ngayon ko lang sila nakita dito?." nagtatakang tanong ni Lisa. Bakas sa mukha niya ang pagka-curious.
Tumawa naman ang tatlong kaibigan, matapos marinig ang tanong niya.
"Hahahaa! Grabe ka, Gurl, mag -graduate na lang tayo, pero hindi mo pa rin sila kilala." sabi ni Yvette habang tumatawa.
"Bestfriend, tumingin ka rin kasi sa paligid mo, hindi puro libro ang tinintingnan mo. Sige ka, baka mamaya tumanda kang dalaga niyan. Sayang ang lahi mo!..." tumatawang sabi ni Lynnette habang hinahaplos ang likod ni Lisa.
"Gurl, sumama ka kasi sa amin minsan. Manuod tayo ng Basketball sa court, para makita mo kung gaano kagaling maglaro si Jake." saad ni Loraine.
"Kaya nga, Gurl. Huwag mong borohin ang beauty mo sa Library. Baka sakaling mahanap mo na ang Prince Charming mo."
sabi ni Yvette sabay inom ng kanyang juice.
Lingid sa kaalaman ng apat na magkakaibigan ay kanina pa sila pinagmamasdan ng groupo ni Jake.
"Jake, type mo ba si Ms. Salvador?. " tanong ni Leo sa kaibigan.
"Eh, bata yan ni Sanchez, hindi niyo ba alam yun? Baka magalit 'yon kapag pinaki alaman mo 'yang chicks niya." saad naman ni Clifford.
Masamang tingin naman ang isinagot ni Jake sa kaibigan. Hindi niya naibigan ang sinabi ni Clifford.
"Sinasabi mo ba na matakot ako sa Sanchez na 'yon?" galit na tanong nito sa kaibigan. Sabay tayo at naglakad patungo sa table nina Lisa.
Nagulat naman si Lisa sa biglang nag salita sa harapan niya. Salubong ang dalawang kilay niya na napatingin sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan.
"Hi, Miss, p'wede bang makipagkilala? I'm Jake Chua." saad ng lalaki, sabay lahad sa palad nito sa harapan niya.
Pilit naman na ngumiti si Lisa, bago nagsalita. "Monalisa Sandoval" nahihiyang sagot niya, saka naki pagkamay kay Jake. Hindi maintindihan ni Lisa kung bakit bigla na lang siyang natameme, matapos niyang makita si Jake sa malapitan.
MULA NOON ay naging madalas ang pagkikita nina Lisa at Jake at nagpapalitan din sila ng text messages.
Isang umaga, habang nagda-drive si Patrick, patungo sa University ay biglang nakatanggap ng tawag si Lisa. Napasulyap pa siya sa dalaga, dahil napapansin niyang lagi itong may ka-text sa cellphone nito at kausap sa gabi.
Agad naman sinagot ni Lisa ang tawag.
"H-hello" nag aalalangan na sagot ni Lisa, saka napasulyap kay Patrick.
"Hi Lis, are you free tomorrow tonight?." tanong ng nasa kabilang linya.
"Uhmm... Yeah! Why?" sagot ni Lisa sa kausap, habang nahihiyang nakatingin siya kay Patrick na abala naman sa pagmamaneho ng kotse.
"Ahm, Lis, invite sana kita tomorrow night for my birthday party. Sana pumayag ka." tanong ng binata sa kanya.
Bahagyang nag-isip si Lisa sa isasagot niya sa lalaki, dahil hindi niya alam kung papayagan siya ng magulang niya na lumabas ng gabi.
"Uhmm, Jake, magpapaalam muna ako sa parents ko kung papayagan ako." sagot nya saka kinagat ang labi.
Napakunot ang noo ni Patrick habang nag mamaneho, dahil sa narinig. Napatingin siya kay Lisa, at nagtanong.
"Sino ang Jake na kausap mo, at saan kayo nagkakilala?." kunot noo na tanong nito sa dalaga at binalik din agad ang paningin sa daan.
"Si Jake, 'yong sikat na basketball player sa University. Nagkakilala kami last week sa Canteen." paliwanag nito sa kababata na parang mag dikit na ang kilay sa sobrang pagkakunot ng noo.
"Anong sinabi niya sayo at kailangan mong mag paalam kina tito at tita?." naiinis na tanong niya sa dalaga.
"Ini-invite lang niya ako na pumunta sa birthday party niya bukas ng gabi." sagot
ni Lisa na medyo may pangamba.
"Ano?!" gulat na tanong ni Patrick sa dalaga."Bakit ka niya e-embitahan eh kailan lang kayo nagkakilala?" naiinis na tanong nito na medyo mataas na ang boses.
Hindi na lang umimik si Lisa dahil alam niyang galit na ang kababata nya. Pagdating nila sa University agad na bumaba si Lisa at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa loob ng University.
*****
Habang nag-aalmusal sina Lisa, kasama ang mga magulang at bunsong kapatid na lalaki ay nagpaalam siya sa kanyang Papa para sa Party na pupuntahan mamayang gabi.
Hindi naman nagalit ang mga magulang, dahil minsan lang magpaalam sa kanila si Lisa. Matapos ang ilang katanungan kay Lisa, tungkol sa background ng nag-invite sa kanya at kung saan lugar gaganapin ang Party ay pumayag din ang mga ito sa kondisyon na bawal uminom ng alak.
Sakay ng Taxi si Lisa, patungo sa Restaurant kung saan gaganapin ang Dinner Party ni Jake. Kinakabahan din siya, dahil first time niyang dumalo sa ganitong pagtitipon na mag-isa.
Pagpasok ni Lisa sa loob ng restaurant ay halos lahat ng mga tao ay napatigil, dahil sa pagpasok ni Lisa sa loob. Naka suot siya ng Plunge neck split thigh red dress na talaga naman nakaka agaw pansin sa lahat. Samahan pa ng nakalugay niyang buhok na medyo kinulot sa dulo.
Halos tumulo ang laway ng mga lalaking bisita ni Jake, dahil sa magandang tanawin na nasa harapan nila.
Agad naman inilapag ni Jake ang wine glass na hawak niya at sinalubong si Lisa na nakatayo pa rin malapit sa pintuan at palingalinga sa paligid na tila may hinahanap.
"Hi, Babe, you're so beautiful tonight." sabi ni Jake, habang titig na titig sa mukha ng dalaga at bahagyang sinulyapan din ang mayayaman nitong dibdib.
Parang hindi makalakad si Lisa, dahil naiilang siya Nahihiya ito dahil tinitingnan siya ng mga bisita. Tila hinuhubaran siya ng mga ito, dahil sa klasi ng pagtitig nila sa kanya.
"H-happy birthday, Jake." pagbati niya sa binata, sabay abot sa maliit na box na dala
niya.
"Thank you babe, akala ko hindi kana darating." pasalamat niya, saka niya inakay si Lisa sa loob at ipinakilala sa mga kaibigan.
After ng dinner party ay nagpresenta si Jake na ihatid si Lisa sa bahay nila. Pumayag naman naman ang dalaga, dahil wala naman siyang nakikitang masama sa pahatid sa kanya.
Habang nasa daan sila ay napansin ni Lisa na iba ang tinatahak nilang way, kaya bigla siyang natanong sa binata.
"Jake, hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin. Dapat sa kanan ka dumaan, hindi dito. Malayo na ito sa amin." kinakabahan na tanong ni Lisa.
"Don't worry babe, this is the right way. We're going home." malamig na sagot ni Jake, saka may kinuha sa bulsa at tinakpan ang ilong ng dalaga.
NAGISING si Lisa na masakit ang buo niyang katawan, nagtaka pa siya kung anong ginawa niya at ganon na lang ang nararamdaman niyang sakit. Dahan-dahan siyang bumangon dahil gusto niyang gumamit ng toilet pero napa ngiwi siya sa sakit na biglang gumuhit sa pagitan ng kanyang mga hita.
Biglang pumasok sa isip ni Lisa ang huling pangyayari sa loob ng kotse ni Jake, bago siya mawalan ng malay-tao. Magkahalong galit at pagkalito ang namayani sa isip at puso ng dalaga, dahil sa isang iglap ay nawala ang pinaka iingat-ingatan niyang dangal. Natatakot din siya dahil sigurado siyang pap@tayin siya ng ama, oras na malaman ang nangyari sa kanya.
Babangon na sana siya ng biglang
may gumalaw sa kaliwang bahagi ng kama. Nakadapa ang lalaki sa tabi niya at tinakpan ng unan ang ulo nito. Kahit hindi makita ni Lisa ang mukha ng lalaki, pero sigurado siyang si Jake ang lalaking katabi niya at kumuha ng virginity niya.
Dahan-dahan siyang tumayo upang hanapin ang kanyang damit at bag. Nakita niya ang bag sa ibabaw ng sofa, at ang damit niya at undies ay nagkalat sa sahig kasama ang mga kasuotan ni Jake.
Mabilis na nagbihis si Lisa at handa na sana siyang umalis pero naisip niyang hindi nya alam kung nasaang lugar siya. Kaya dahan-dahan siyang pumunta sa side table upang kunin ang envelope na naka patong doon. Kinuha din niya ang wallet ni Jake at saka kinunan ng litrato ang id nito at ang lalaki sa ibabaw ng kama. Ano man ang mangyari ay meron siyang panghahawakan labang sa walang hiyang lalaking ito na minsan ay pinagkatiwalaan niya.
Pagkalabas niya sa k'warto ay isang marangyang Living room ang tumambad sa kanya. Kakaiba ang ayos nito sa isa lamang Condo, at puro mamahalin ang mga gamit na alam niyang galing ito sa ibang bansa. Kung hindi siya nagkakamali ay Penthouse ito ni Jake.
Agad niyang tinawagan ang number ni Patrick upang magpasundo sa lugar na iyon.
Samanta, hindi makatulog si Patrick sa gabing iyon. Inaabangan niya ang pag uwi ni Lisa. Alas dos na ng madaling araw pero wala pa ito kaya nag aalala na siya kung napaano na ang kanyang kaibigan o mas madaling sabihin na kanyang mahal.
Lalabas na sana siya sa terrace upang muling silipin ang harap ng bahay pero biglang umilaw ang celpon niya, kaya agad niya ito nilapitan at nakita niyang tumatawag si Lisa.
"Hello Lisa, nasaan kaba at hanggang ngayon ay hindi kapa nakakauwi? Madaling araw na, for chr**t sake." tanong niya habang nangigigil sa galit ngunit mga hikbi lang ng dalaga ang narinig niya kaya lalo na naman siyang nag alala. "Lisa, are you okay? Umiiyak kaba? Nasaan ka at pupuntahan kita?" sunod-sunod na tanong niya habang naglalakad papasok sa closet upang magpalit ng damit. Naka boxer shorts lang siya at sando, dahil iyon ang nakasanayan niyang pantulog.
"Patrick, please, puntahan mo 'ko dito sa Ayala. Send ko sa 'yo ang address." ani nya sabay end call at tenext ang address ng Condo at mabilis na bumaba sa may Lobby.
Halos paliparin ni Patrick ang kanyang sasakyan makarating lang agad sa Ayala. Dahil madaling araw na kaya wala nang traffic at nakarating siya agad sa kinaroroonan ni Lisa. Pagtigil ng kotse niya sa may Lobby ay agad din lumabas si Lisa at patakbong sumakay sa kanyang kotse. Halata ang takot sa mukha nito, at hilam ito ng luha.
Hindi na lang nagsalita pa si Patrick dahil alam na niya na meron nangyaring hindi maganda sa dalaga. Agad din niyang pinatakbo ang kotse, pabalik sa subdivision nila. Mabuti na lang at nagpunta ang mga magulang niya sa America para sa pag bubukas ng unang Branch nila doon ng St. Patrick's Pawnshop and Jewelleries. Pagdating nila sa kanilang mansion ay inalalayan niya si Lisa pa-akyat sa kanyang k'warto. Hindi na bago kay Lisa na matulog doon. Mga bata palang sila ay ginagawa na nila ang mag-sleepover, minsan dito kina Patrick at minsan naman ay sa bahay nila Lisa. Hinahayaan lang sila ng mga magulang nila kahit mga dalaga at binata na sila. May tiwala naman ang mga ito sa kanila at mag bestfriend sila kaya walang problema.
Pagpasok sa loob ng kuwarto, ay agad na pumasok si Lisa sa loob ng banyo upang maligo. Halos dumugo ang katawan niya sa sobrang pagkuskos na ginagawa niya sa balat, habang umiiyak. Sinisisi niya ang sarili dahil sa nangyari sa kanya. Diring-diri siya sa sarili niya sa mga oras na iyon at ilang beses din siyang nagsabon at shampoo na akala mo ay matatanggal ng sabon ang dumi na pumasok sa katawan nya.
Mayamaya pa mga katok sa pinto ang nag pabalik sa kanyang realidad. Narinig niya si Patrick na sumisigaw na sa labas at tinatawag siya.
"Lisa, what takes you so long? Are you okay?" tanong nito habang kumakatok sa pinto ng banyo. Pero wala siyang marinig na sagot, kaya lalo siyang nag-alala.
Sinubukan niyang pihitin ang door knob at laking pasalamat niya na bukas iyon kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.
Laking gulat niya nang makita niya si Lisa na naka-upo sa sulok ng shower room na walang saplot at nanginginig na sa lamig habang umiiyak. Agad niyang kinuha ang bathrobe niya at pinasuot ito sa dalaga na parang wala sa sarili. Binuhat niya si Lisa, at dinala sa kama. Agad din niyang pinatay ang aircon para hindi lalong lamigin ang dalaga. Kumuha pa siya ng towel at pinunasan ang buhok nito na tumutulo pa rin ang tubig. Habang abala sa pagtuyo sa buhok ng dalaga ay bigla na lang umiyak si Lisa. Nagulat si Patrick, dahil sa biglang pag iyak ng malakas ng kababata.
Isinalaysay ni Lisa ang buong pangyayari sa kanya. Sobrang galit ang naramdaman ng binata at hindi niya napigilan ang sarili na pagsusuntokin ang headboard ng kanyang kama. Hanggang sa mabutas ang Leather na bumabalot sa foam na nakalagay sa kanyang headboard.
Nag-alala naman si Lisa dahil sa inaasal ni Patrick. Umiiyak na rin ito at nag banta pa na pap@tayin niya ang hayop na lalaking iyon na nagsamantala sa bestfriend niya. Umaga na nang makatulog sila pareho.
Nagising si Patrick sa mga katok sa pintuan ng kanyang kuwarto. Kaya kahit antok pa siya ay bumangon siya, upang buksan ang pinto. Nabungaran niyang nakatayo sa labas ang isang katulong nila na si Amy.
"Good morning po, Sir Patrick. Pasensya po sa abala. Tumawag po kasi si Señora Lucille at hinahanap po si Señorita Lisa. Hindi daw po umuwi kagabi. Tinatanong niya baka daw po nandito?." Tanong nito sa amo niyang halos nakapikit pa ang mata.
Humikab muna ang binata bago sumagot. "Yeah, She's here. Tell Tita, na sinundo ko siya kagabi at dito ko na pinatulog." sagot ni Patrick, saka humikab at isinara ang pinto.
Lumipas ang mga araw na pilit kinakalimutan ni Lisa ang nangyaring bangungot sa kanyang buhay. Parating na rin ang Board Exam, kaya sa pagre-review na nakatutok ang isip niya, ganon din si Patrick. Pareho silang magtatapos sa College at gusto nila pareho na maging Topnotcher, kaya naman dobleng pag-aaral ang ginagawa nila. Si Lisa ay gustong ibigay sa kanyang ama ang karangalan na maging magna c*****de.
Isang araw, matapos mag-basa ng books si Lisa sa Library ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Naisip niya na baka puyat lang 'yon, dahil ilang gabi na siyang nagpupuyat dahil sa pagre-review.
Minabuti niyang tawagan si Patrick, para malaman niya kung tapos na ito sa klasi at makauwi na sila.
Sakto naman na naglalakad na si Patrick sa oras na 'yon at tanaw niya ang dalaga sa di kalayuan. Binilisan niyang maglalakad para makarating agad siya sa kinaroroonan ng dalaga. Nagtaka si Patrick ng makita si Lisa. Namumutla ito at pinagpapawisan kaya agad niya itong inalalayan papunta sa kotse.
"Anong nangyayari sa 'yo? Bakit namumutla ka?" nag aalalang tanong niya sa dalaga.
"Patrick, nahihilo ako, please tulongan mo 'ko. Hindi ko kayang maglakad." sagot ni Lisa, sabay yakap kay Patrick para doon kumuha ng lakas dahil parang hihimatayin siya.
Dali-dali naman siyang inalalayan ng binata pasakay sa kotse nito. Nag alala din siya sa dalaga, dahil para itong tinakasan ng dugo sa pagkaputla at nilalamig ang mga kamay.
"Dadalhin kita sa doctor, baka kung ano na 'yang nararamdaman mo. " saad ni Patrick. Agad niyang isinakay sa kotse ang dalaga at pinapaandar ang kotse.
Hindi na tumangi si Lisa, dahil alam niyang kailangan niyang magpatingin sa doctor. Ayaw niyang lumala kung ano man ang kanyang nararamdaman. Baka hindi siya makakuha ng Board Exam sa susunod na lingo kung magkakasakit siya.