Chapter 1

3832 Words
Somewhere in California; ....... Sa isang Disco Club, masaya ang bawat isa. Maraming sumasayaw at umiinom.Maingay ang paligid, at buhay na buhay ang gabi. Sa isang madilim na bahagi, may tatlong babae na nasa edad twenty-two ang masayang nag inuman. Dito sa Club na ito napili ni Chelsea na e- celebrate ang kanyang birthday. Kasama ang dalawang kaibigan na sina Halley at Mila. Masaya silang nag ku-kwentohan habang umi-inom sa gabing iyon. Hanggang sa may mga ilang lalaki ang dumating. Umupo sila sa katapat nilang table. Guwapo at mukhang ma pagka-katiwalaan ang hitsora nila. Napa patingin sila sa mga binata dahil sa kahanga-hanga nilang mukha at pangangatawan. Naka randam ng pag hanga si Halley sa isa sa mga lalaki. Tumayo ito at naki pag-kilala. Dahil na rin sa epekto ng alak, kaya malakas na ang loob ni Halley na maki pag- usap sa mga lalaki. Naki pag shake hands pa sya sa mga ito.Inalok din nya ng alak ang mga ito. Hanggang sa nakipag inuman na sila sa groupo at hindi na nila namalayan ang pag lipas ng oras. Hating gabi na pala, kaya nagpasya na silang umalis. Pauwi na silang mag kakaibigan. Naglakad sila pa-puntang car park, para sumakay sa kotse ni Chelsea.Biglang may mga sasakyan na itim ang dumating at tumigil sa harapan nila. Agad na nag babaan ang mga lalaki. Nanlaki ang mga mata nilang mag ka-kaibigan nang makita nila ang mga lalaki na papunta sa kanila. Huli na para tumakbo sila. Namukhaan naman nila ang mga ito. Sila ang mga lalaking nakasama nilang uminom kanina. Mabilis ang mga kilos ng mga lalaki, isa- isa silang tinakpan sa ilong ng panyo na may gamot na pampatulog. Agad nawalan ng malay ang mga babae. Mabilis naman binuhat ng mga ka lalakihan ang mga kawawang babae na wala ng malay tao. Dinala sila sa kanilang mga sasakyan, at mabilis na nilisan ang lugar. Kinaumagahan, Nag kagulo ang mga tao sa isang eskinita. May mga katawan ng tatlong tao ang nakita ng mga dumaraang mga tao at naka silid sa loob ng basurahan. Agad din dumating ang mga Police, sa lugar upang imbistigahan ang pangyayare. Tatlong katawan ng mga babae ang nakuha sa loob ng basuran. Halos hindi na makilala ang kanilang mukha dahil sa dugo na bumabalot dito. Dumating din ang mga FBI para mag imbistiga at mangalap ng mga ebidinsya. Isa si Agent Samuel Parker sa mga humawak sa kaso. Habang dinadala ang katawan ng mga babae, ay biglang gumalaw ang isa na kinagulat ng lahat. Agad naman nila itong nilagyan ng oxygen at dinala sa pinaka malapit na hospital. Sumunod naman ang mga autoridad kasama si agent Parker. ....... Hospital. ...... Agad na ipinasok ang babae sa Operating Room. Matyagang nag hintay si Agent Parker sa labas ng O. R para malaman kaagad ang lagay ng babae. Himalang nabuhay ang isa, ngunit 50/50 parin ang chance na maka ligtas. Nahirapan ang mga FBI sa pag resulba ng kaso. Wala silang witness at ibedensya. Wala din nakuha ang cctv sa lugar dahil sira ito at matagal nang hindi gumagana. Kaya hindi nila matukoy kung sino ang mga salarin. Halos isang buwan ang lumipas, bago gumising ang pasyente sa icu. Agad na pumunta si agent Parker sa Hospital, matapos maka tanggap ng tawag mula sa Doctor na tumitingin sa pasyente. Maraming Police na naka bantay sa labas ng pinto ng ICU kung saan naka confine ang babae. Pag dating ni Agent Parker, sumaludo ang mga police na naka bantay sa pinto. Agad syang pumasok at kinausap ang Doctor na nag babantay. Iyak ng iyak ang babae matapos malaman na parehong patay na ang mga kaibigan nito. Awa naman ang naramdaman ni Agent Parker para sa babae. Lumapit sya dito para maka usap nya ito na mabuti. Kinuha nya ang kanyang recorder para ma record ang lahat nang sasabihin ng biktima. " What is your name?" panimulang tanong ni agent Parker " Chelsea Watts" sagot nito sabay pahid sa luha na nag lalandas sa kanyang pisnge. " Do you remember what happened to you and your friends?." malumanay na tanong ni Agent Parker, Sabay lapag sa recorder sa ibabaw ng kama. Sinalaysay ni chelsea ang buong pangyayare. Mula pag pasok nila sa club hanggang lumabas sila hanggang sa dinukot sila ng mga sendikato at dinala sila sa isang bahay. Tinurukan pa sila ng gamot para sunod- sunoran sila sa lahat ng iutos at gagawin sa kanila. Ilang lalaki ang palitan na gumamit sa katawan ng bawat isa sa kanila, habang may nag vi-video naman sa kanila. Pagkatapos ay walang awa sila pinag babaril ng isang lalaki. Ayon kay Chelsea. Isang nag ngangalang Mr. Chua ang pangalan na narinig nyang tawag sa Leader ng groupo. Tinapon nila ang katawan ng mga babae malapit sa Club kung saan sila kinidnap. ....... Manila Philippines ....... Maagang nagising si Lisa, upang mag handa ng babaonin ng kanyang anak na si Pj. Kahit may mga katulong sya, mas gusto pa rin nya na siya mismo ang maghanda ng baon ng kanyang unico hijo. Walong taon gulang na si Pj. ( Patrick Sanchez Jr.) Hindi maiwasan ni Lisa na mapa luha kapag naa- alala nya ang trahedyang nangyare noon sa kanyang pamilya. Namatay ang kanyang mapag mahal na asawa habang pino protekhan nito ang kanyang mga emplayo at mga magulang. Nag karoon ng Robbery Holdup sa isang Branch nila sa Meycauayan Bulakan noon, ang St. Patrick's Pawnshop and Money Changer. Pag-aari ng pamilya Sanchez ang Shop na iyon at nag kataon na bumisita ang kanyang asawa ng araw na 'yon. Naroon din ang mga magulang ni Patrick sa araw na 'yon dahil sa kahi-lingan ng Branch Manager. Kaibigan ng ama ni Patrick ang manager at magre- retire na sya 'non. Nag karoon pa ng Farewell Party sa loob bago ang madugong Robbery. ........... Ang pag abbalik tanaw sa nakaraan.... .......... Magka babata sina Lisa at Patrick. Mag kasama din sila na lumaki at nag-aral. Mag kapit- bahay din sila mula pa sa pagka silang nila sa mundo. Matalik na mag kaibigan ang mga magulang nila. Ang ama ni Lisa ay isang Judge. Sya si Judge Miguel Salvador na kinatatakutan ng lahat. Habang ang Mama nya ay may sariling Fashion Boutique. Si Señora Lucille Penda-Salvador. The former famous model. Ang ama naman ni Patrick na si Mr.Gilbert Sanchez, is the Founder of St. Patrick's Pawnshop, Jewellery and Money Changer. At ngayon ay meron na rin Remittance. Ang ina naman nya ay si Ms. Joanne Diaz-Sanchez, ay Owner of the Famous Joanne's Grill Restaurant na meron dalawang Banch. Masaya ang pamilya nila, lagi din silang nagbo-bonding. Every Sunday kung nasa bansa ang mag-asawang Sanchez. LAW ang kinukuhang kurso ni Lisa. Dahil sa paki-usap ng papa nya. Ang dalawang ate niya kasi ay walang interest sa pagli-lingkod sa bayan. Nag mana sila sa mama nila na fashionista. Kaya sa modeling sila nag focus. Si Mylene ang pangay nila ay nasa Paris, at doon nag bukas ng sarili nyang Boutique. Ang pangalawa naman na si Michelle ay nasa New York . Sikat sya na modelo doon at kilala na rin sya sa buong mundo. Ang bunso nilang si Miquelito ay Criminology naman ang kinukuha. Idol na idol daw nya ang uncle Greg nila na kapatid ng mama nila. Na ngayon ay isa ng General. Sina Lisa at Patrick ay parang magkapatid noong mga bata sila. Hanggang nag dalaga at binata sila ay hindi nag bago sng kanilang samahan. Madalas din sila nag sleepover lalo na pag may mga project silang tinatapos. Mag kasama silang magre-review para sa kanilang exam habang kuma kain ng snacks. Sabay din sila pumasok sa School mula pa noon mga bata sila. Ngayon ay si Patrick na ang nag drive, madalas din silang napagka-kamalan mag boyfriend/girlfriend dahil sa lagi silang mag kasama, at sweet din sila tingnan. Maraming nai-ingit sa kanya, lalo na ang mga babaeng may crush kay Patrick. ...... Isang araw habang kumakain si Lisa sa Canteen, kasama ang mga kaibigan nyang sina Yvette, Loraine at Lynette. Masaya silang nag u-usap na apat, habang kumakain ng kanilang Lunch. Isang grupo ng mga lalaki na nasa anim ang dumating sa Canteen upang kumain. Napa lingon ang mag ka-kaibigan dahil biglang nag ingay ang mga kumakain doon na mga Students. Isang Grupo ng mga binata ang masayang pumasok sa Canteen. Kinikilig naman ang ibang mga babae, dahil sa pag hanga sa mga lalaking bagong dating. "i love you Jake" sigaw ng isang babae. "Hi Jake. Halika dito, tabi tayo." sabi naman ng isa pa, na nasa kabilang table. " Grabe! ang guwapo ni Jake" " Akin si Leo" Dahil sa ingay ng mga babae sa paligid kaya napatigil na rin sa kanilang kuwentohan sina Lisa at tumingin na lang sa mga babae sa paligid nila, na akala mo ngayon lang naka kita ng lalaki sa buong buhay nila. Napansin din nya ang isang lalaki na parang ito ang leader ng grupo. Dahil pinag hila pa sya ng upuan ng kasama nito. Matangkad, maputi at chinito. Mukhang Rich kid, dahil mga Branded ang suot nitong damit. May makapal din syang suot na kwentas at ring. " Ano ba yan. Nakakahiya naman si Amber. isigaw pa talaga na mahal nya si Jake." ani ni Lynnette. "Naku gurl, sinabi mo pa." sagot ni Loraine na halatang naiinis. " Sino ba ang mga yan? parang ngayon ko lang sila nakita dito?." tanong naman ni Lisa na halata sa mukha ang pag ka curious. Tumawa naman ang tatlong kaibigan, matapos marinig ang tanong nya. " Hahahaa! grabe ka gurl, mag Graduate na lang tayo, pero hindi mo man lang pala sila kilala." si Yvette habang tumatawa. " Bestfriend, tumingin ka rin kasi sa paligid mo, at hindi puro libro ang tinintingnan mo. Sige ka, baka mamaya tumanda kang dalaga nyan. Sayang ang lahi mo!." ani naman ni Lynnette habang hina haplos ang likod ni Lisa. " Gurl, sumama ka kasi sa amin minsan na manuod ng Basketball para makita mo kung gaano kagaling mag laro si Jake." si Loraine " Kaya nga gurl. Huwag mong borohin ang beauty mo sa Library. Baka sakaling mahanap mo na ang Prince Charming mo." si Yvette sabay inom ng kanyang juice. Lingid sa kaalaman ng apat na magka kaibigan, ay kanina pa sila pinag mamasdan ng groupo ni Jake. "Jake, type mo ba si ms. Salvador?. " tanong ni Leo na isa rin Basketball Player "eh bata yan ni Sanchez, hindi nyo ba alam yun? baka magalit yun pag pinaki alaman yang chicks nya." ani naman ni Clifford Masamang tingin naman ang isinagot nJake sa kaibigan. "Sinasabi mo ba na matakot ako sa Sanchez na iyon?." galit na turan nito sa kaibigan. Sabay tayo at nag lakad papunta sa table nina Lisa. Nagulat si Lisa ng biglang may nag salita sa harapan nya. "Hi miss. pwede bang makipag kilala, i'm Jake Chua." sabay lahad sa palad nito. Pilit naman na ngumiti si Lisa,. "Monalisa Sandoval" nahihiyang sagot nya saka naki pag kamay kay Jake. Mula noon ay naging madalas ang pag kikita nina Lisa at Jake at nag papalitan din sila ng text messages na dalawa. Papasok na sa University sina Lisa at Partrick ng biglang tumawag si Jake. "H-hello" nag aalangan na sinagot ni Lisa ang phone nito. "Hi Lis, are you free tonight?." tanong nito sa dalaga. "Uhmm. yeah! why?." sagot nito habang nahihiyang naka tingin kay Patrick na abala naman sa pag drive ng kotse. "ah Lis,invite sana kita tomorrow night for my birthday party. sana pumayag ka." tanong ng binata habang naka upo sa kama nito sa kanyang Condo. Bahagyang nag-isip naman si Lisa sa isasagot nya dahil hindi nya alam kung papayagan sya ng magulang nya na lumabas ng gabi. "Jake, mag papa alam muna ako sa parents ko kung papayagan ako." sagot nya saka kinagat ang labi. Kunot ang noo ni Patrick habang nag mamaneho saka nag tanong. "Sino si Jake at saan kayo nagka kilala?." tanong nito sabay sulyap sa dalaga at binalik din agad ang paningin sa daan. "Si Jake, 'yong sikat na basketball player sa University. Nagka kilala kami last week sa Canteen." paliwanag nito sa kababata na parang mag dikit na ang kilay sa sobrang pagka kunot ang noo. "Anong sinabi nya sayo at kailangan mong pag paalam kina tito at tita?." naiinis na tanong ulit nito sa dalaga. "ininvite lang nya ako na pumunta sa birthday party nya B- bukas ng gabi." sagot nito na medyo may pangamba. "Ano?. "gulat na tanong nya sa dalaga."bakit ka nya e embitahan eh kailan lang kayo nagka kilala." tanong ulit nito na medyo mataas na ang boses. Hindi na lang umimik si Lisa dahil alam nyang galit na ang kababata nya. Pagdating nila sa subdivision agad na bumaba si Lisa at tuloy tuloy sa loob ng bahay nila. Habang nag aalmusal sina Lisa, kasama ang mga magulang at bunsong kapatid na lalaki ay nag paalam sya sa kanyang Papa para sa Party na pupuntahan. Matapos ang ilang katanungan sa anak nila tungkol sa background ng nag invite at kung saan lugar gaganapin ay pumayag din ang mga ito sa kondisyon na bawal uminom ng alak. Sakay ng taxi si Lisa at nagpa hatid ito sa naturang Restaurant kung saan gaganapin ang Dinner Party ni Jake. Sa loob ng restaurant, halos lahat ng mga tao ay napatigil pag pasok ni Lisa sa loob. Naka suot sya ng plunge neck split thigh red dress na talaga naman nakaka agaw pansin sa lahat. samahan pa ng paglugay nya ng kanyang buhok na medyo kinulot sa dulo. Halos tumulo na ang laway ng mga lalaking bisita dahil sa magandang tanawin na nasa harapan nila. Agad naman nilapag ni Jake ang wine glass na hawak nya at sinalubong si Lisa na nakatayo pa rin malapit sa pintuan. "Your so beautiful babe." tanging nasabi nito habang titig na titig sa mukha ng dalaga at bahagyang sinulyapan din ang mayayaman nitong dibdib. Parang hindi makalakad si Lisa. Nahihiya ito dahil tinitingnan sya ng lahat ng bisita. "H-happy birthday Jake." pag bati nya sa binata sabay abot sa maliit na box na dala nya. "Thank you babe, akala ko hindi kana darating." sabi nito at sabay na silang pumasok para ipakilala ito sa mga kaibigan nya. After ng dinner party, nag presenta si Jake na ihatid si Lisa sa bahay nila at pumayag naman naman ang dalaga. Habang nasa daan, napansin ni Lisa na iba ang way na tinatahak nila kaya bigla sya natanong sa binata. "Jake, hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin. dapat sa kanan ka dumaan." kinakabahan na tanong nito. "Don't worry babe, we're going home." malamig na sagot nito, bago tinakpan ng panyo na may gamot na pang patulog ang ilong ng dalaga at tuloyan na itong nakatulog. Nagising si Lisa na masakit ang boo nyang katawan, nag taka pa sya kung anong ginawa nya at ganon na lang ang nara- ramdaman nyang sakit. Dahan dahan syang bumangon dahil gusto nyang gumamit ng toilet pero napa ngiwi sya sa sakit na biglang gumuhit sa pagitan ng kanyang mga hita. Biglang pumasok sa isip nya ang huling pangyayare sa kotse ni Jake bago sya mawalan ng malay. Galit at pagkalito ang namayani sa dalaga dahil sa isang iglap nawala ang isang pinaka importanting bagay na pinaka iingat-ingatan nya. Takot dahil sa ama nya na siguradong papatayin sya oras na malaman ang nangyari sa kanya. Babangon na sana sya nang biglang may gumalaw sa kaliwang bahagi ng kama. Naka dapa ito at tinakpan pa ng unan ang ulo nya. Ganon pa man, alam ni Lisa na si Jake ang lalaking katabi nya at nag nakaw ng virginity nya. Dahan dahan syang tumayo upang hanapin ang kanyang damit at bag. Nakita nya ang bag nya na naka patong sa ibabaw ng sofa, at ang damit nya ay nagkalat sa sahig kasama ang mga kasuotan ni Jake. Naka bihis na si Lisa at handa na sanang umalis pero hindi nya alam kung nasaang lugar sya. Kaya dahan dahan syang pumunta sa side table upang kunin ang envelope na naka patong doon. Kinuha din nya ang wallet ni Jake at saka kinunan ng litrato ang id nito at ang loob ng kwarto. Ano man ang mangyare, meron syang pang hahawakan labang sa walang hiyang lalaking ito. Pagka labas nya sa kwarto ay isang marangyang Living room ang tumambad sa kanya. Kung hindi sya nagka kamali Penthouse ito ni Jake. Agad nyang tinawagan ang number ni Patrick upang masundo sya sa lugar na ito at sinabi nyang hintayin nya ang kababata sa lobby. Samanta, hindi makatulog si Patrick sa gabing iyon. Inaabangan nya ang pag uwi ni Lisa. Alas dos na ng madaling araw pero wala pa ito kaya nag aalala na sya kung napaano na ang kanyang kaibigan o mas madaling sabihin na kanyang mahal. Lalabas na sana sya sa terrece upang muling silipin ang harap ng bahay pero biglang umilaw ang celpon nya kaya dali dali nya ito nilapitan at nakita nya na tumatawag si Lisa. Agad nyang kinuha ang telepono nya saka sinagot. "Hello Lisa! nasaan kaba at hanggang ngayon hindi kapa nakaka uwi? madaling araw na for chr**t sake." ani nito habang nangi gigil sa galit ngunit mga hikbi lang ng dalaga ang narinig nya kaya lalo na naman sya nag alala. "Lisa are you okay? umiiyak kaba? nasaan ka at pupuntahan kita?"sunod sunod na tanong nya habang naglalakad papasok sa closet upang makapag palit ng damit dahil naka boxer lang syaat sando. "Patrick, please puntahan mo ako dito sa Ayala, send ko sayo ang address." ani nya sabay end call at tenext ang address ng Condo at bumaba sa may Lobby. Halos paliparin ni Patrick ang kanyang sasakyan makarating lang agad sa Ayala. Dahil madaling araw na kaya wala nang traffic at nakarating sya agad. Pagtigil ng kotse nya sa may Lobby ay agad din lumabas si Lisa at patakbong sumakay sa kanyang kotse at halata ang takot sa mukha nito. Hindi na lang nag salita pa si Patrick dahil alam na nya na meron nangyare sa dalaga na hindi maganda. Agad din pinatakbo ang kotse nya pabalik sa subdivision nila at saka na lang nya kakausapin ang dalaga pag maayos na ang pakiramdam nya. Mabuti na lang at nagpunta ang magulang nya sa America para sa pag bubukas ng unang Branch nila doon na St. Patrick's Pawnshop and Jewelleries. Pag dating nila sa kanilang mansion, inalalayan nya si Lisa paakyat sa kanyang kwarto. Hindi na bago kay Lisa na matulog doon. Mga bata palang sila ay ginagawa na nila ang mag sleepover, minsan dito kina Patrick at minsan naman ay sa bahay nila. Hinahayaan lang sila ng mga magulang nila kahit mga dalaga at binata na sila. May tiwala naman ang mga ito sa kanila at mag bestfriend sila kaya walang problema. Pag pasok sa loob ng kuwarto, agad na pumasok si Lisa sa banyo upang maligo. Halos dumugo na ang katawan nya sa sobrang pag kuskos na ginagawa nya habang umiiyak. Sinisisi nya ang sarili dahil sa nangyari sa kanya. Diring-diri din sya sa sarili nya sa mga oras na ito ilang beses din sya nag sabon at shampoo na akala mo ay matatanggal ng sabon ang dumi na pumasok sa katawan nya. Mayamaya pa mga katok sa pinto ang nag pabalik sa kanyang realidad. Narinig nya si Patrick na sumisigaw na sa labas. "Lisa, what takes you so long? are you okay?" tanong nito habang kumakatok sa pinto ng banyo. Pero wala syang marinig na sagot kaya lalo syang nag-alala. Sinubukan nyang pihitin ang door knob at laking pasalamat nya na bukas iyon kaya dahan dahan nyang binuksan ang pinto. Laking gulat nya nang makita nya si Lisa na naka-upo sa sulok ng shower room na walang saplot at nanginginig na sa lamig habang umiiyak. Agad nyang kinuha ang bathrob nya at saka pina suot sa dalaga na parang wala sa sarili saka nya binuhat at dinala sa kama. Agad din nya pinatay ang aircon para hindi lalong lamigin ang dalaga. Kumuha pa sya ng towel at pinunasan ang buhok nito na tumutulo parin ang tubig. Habang abala sa pag papatuyo si Patrick sa buhok ng dalaga ay bigla na lang umiyak si Lisa. Sa pag kakataon yun ay sinalaysay nya ang nangyari sa kanya. Sobrang galit ang naramdaman ng binata at hindi nya napigilan ang sarili na pagsu- suntokin ang headboard ng kanyang kama. Hanggang sa mabutas ang Leather na bumabalot sa foam na naka lagay sa kanyang headboard. Nag-alala naman si Lisa dahil sa inaasal ni Patrick. Umiiyak na rin ito at nag banta pa na papatayin nya ang hayop na lalaking iyon na nag samantala sa bestfriend nya. Umaga na nang maka tulog sila pareho. Nagising si Patrick sa mga katok sa pintuan ng kanyang kuwarto. Kaya kahit antok pa ay bumangon ito upang buksan ang pinto. Nabungaran nya ang isang katulong nila na si Amy. "Sir, good morning po. Pasensya na po, tumawag po kasi si Señora Lucille at hinahanap po si siñorita Lisa. Hindi daw po umuwi kagabi, baka daw po nandito?." Tanong nito sa amo nyang halos nakapikit pa rin ang mata. Humikab muna ang binata bago sumagot. "Yeah! tell them shes here with me. Sinundo ko sya kagabi at dito ko na pinatulog. Tell tita na huwag nang mag-alala." ani nya saka humikab ulit at isinara ang pinto at bumalik sa kama. Lumipas ang mga araw at parating na ang Board Exam kaya naman sa pag re- review na naka tutok si Lisa, ganon din si Patrick. Pareho silang mag tatapos na sa College at gusto nila pareho na maging Topnotcher. Kaya naman doble ang pag- aaral ang ginagawa nila. Si Lisa na gustong ibigay sa kanyang ama ang karangalan na maging magna c*****de. Isang araw, matapos mag-basa ng books si Lisa sa Library. Naka ramdam sya ng pagka hilo. Naisip nya na baka puyat lang kasi ilang gabi na rin siyang nag pupuyat sa pag review. Minabuti nya na tawagan na lang si Patrick, para malaman nya kung tapos naba ito at nang maka uwi na sila. Sakto naman na nag lalakad na si Patrick sa oras na yun, tanaw na nya ang dalaga. Binilisan na lang nya ang pag lalakad para makarating na agad sya sa kinaroroonan ng kanyang bestfriend. Nagtaka pa si Patrick nang makita si Lisa. Namumutla ito at pinag papawisan, kaya agad nya itong inalalayan papunta sa kotse. "Anong nangyayare sayo? bakit namumutla ka? ." nag aalalang tanong nito. "Patrick, nahihilo ako please tulongan mo ako." ani nya. sabay yakap kay Patrick para doon kumuha ng lakas dahil parang hihimatayin na sya. Dali-dali naman syang inalalayan ng binata pasakay sa kotse nito. "Dadalhin na kita sa doctor, baka kung ano na 'yang nararamdaman mo. " ani nya habang pinapaandar ang kotse. Hindi na tumangi si Lisa, alam nyang kailangan nya mag patingin sa doctor. Ayaw nyang lumala kung ano man ang kanyang nararamdaman.Baka hindi sya maka kuha ng Board Exam sa susunod na lingo kung mag kasakit sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD