Lisa's POV Halos mawala ako sa aking sarili, dahil sa mga nangyayari sa aking buhay. Akala ko noon, kapag marunong na akong maki pag laban at may kapangyarihan na mag patupad ng batas ay magiging maayos ako. Sa una totoong nakamit ko ang kapayapaan na hinahangad ko. Masaya ako sa tuwing may natutulongan akong tao at nabibigyan sila ng katarungan. Napapanatag ang kalooban ko sa tuwing may mga criminal akong nahuhuli, at nadadala sa tamang kalalagyan. Hindi ko rin maiwasan na hindi pumatay ng tao, dahil kung hindi ako ang unang kikitil ng buhay ay ako ang mamamatay. Wala akong pinagsi-sisihan sa lahat ng ginawa kong kalupitan sa mga halang ang kaluluwa. Hindi rin ako nakakaramdam ng awa sa kanila, dahil sila mismo ay hindi marunong maawa sa mga inosenting tao na kanilang nagiging bikti

