Matapos ang hapunan ay nag paalam na si Lisa sa mga kaibigan na mag papahinga muna. Nag dahilan na lang ito na masakit ang ulo. Hindi naman nag pumilit ang dalawang kaibigan nya dahil abala ang mga ito sa paki kipag usap sa mama ni Lisa. Inalalayan naman sya ni Sam, at dinala sya sa kanyang kuwarto. Nang maka pasok na sila sa loob ay agad na silang nag handa sa kanilang pag-alis. Dumaan na lang sila sa secret room ni Lisa, upang wala nang makita sa kanila palabas. .... Mahigpit ang Security ng Village kung saan nakatira si Senador Alejo. Itinawag pa sa home owner ang pag dating nila, at tinanong kung totoong bisita sila ng nasabing home owner. Agad din silang pinapasok dahil sinabi ng kausap ng security na mga bisita nya sina Mr and Mrs Carters at kanina pa hinihintay. Pa

