Dumating si Pj sa Hotel kung saan gaganapin ang kanyang Taping. Nangunguna sya sa pag lalakad at sa murang edad nito ay para na syang binata kung umasta. Naka lagay pa sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanan nyang kamay. Akala mo tunay na binata na ito na pinag kakaguluhan ng mga Teenagers. Maraming mga kabataan ang nag abang sa kanya sa Lobby ng Hotel. Napapangiti naman sina Joy at Pamela sa nakikita nilang eksena. Agad naman sila nakarating sa venue. Tuwang tuwa ang Director nang makita si Prince P. Agad itong pina upo sa harap ng salamin upang ayusan. " Prince P! hintayin lang natin sandali si Emerald para maka pag simula na tayo." wika ng Director Tumango lang si Prince P bilang sagot sa Director. Naka bihis na sya at ready na sa kanilang gagawin. Ilang sandali pa ay dumating an

