CHAPTER 2

1079 Words
THEA FAITH “Sumama ka sa akin,” sabi niya sa akin. “Saan po?” “Magpapakasal ka na,” sagot niya sa akin na ikinagulat ko. “A–Anong sabi mo?” nauutal na tanong ko. “Ang sabi ko magpapakasal ka na!” sagot niya at pilit akong hinihila paalis. “Hindi, hindi ako sasama sa ‘yo kaya bitiwan mo ako!” galit na sigaw ko sa kanya dahil wala akong balak na sumama sa kanya/ sa kanila. “Huwag mong gawing komplikado ang lahat ng ito. Sumama ka na lang para matapos na ang lahat ng problema natin.” sabi niya sa akin. “Wala kang karapatan na diktahan ako sa buhay ko kaya tigilan mo ako. Kung gusto mong magpakasal ay ikaw na lang.” pagmamatigas ko. Bakit ako magpapakasal sa taong hindi ko naman mahal? Sa taong hindi ko naman kilala. Magpapakasal ako para magkapera siya? Hindi ko gagawin ang nais niya. Mas gugustuhin ko pang magpakasal sa isang estranghero kaysa pakasalan ang taong nais nila para sa akin. Dahil alam ko na ipapakasal lang niya ako kapalit ng pera. “Barj, hilahin mo na siya. Kailangan na natin siyang dalhin kay Mr. Lim,” utos niya sa anak niyang lalaki. Mabilis naman itong lumapit sa akin at kaagad na hinawakan ang pulsuhan ko. “Bitiwan mo siya!” sigaw ni yaya at hinihila niya ako. “Bitiwan mo nga ako!” naiinis na sambit ko kay Barj na stepbrother ko. “Huwag kang mangialam ditong matanda ka!” sigaw niya at tinulak niya si yaya kaya natumba ito. Dahil sa ginawa niya ay hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Mabilis ko siyang tinulak dahil sa ginawa niya sa yaya ko. Galit ko siyang tiningnan pero nakangisi lang siya sa akin. “Yaya, are you okay?” nag-aalala na tanong ko sa kanya. “Okay lang ako. Tumakas ka na, ‘wag ka munang magpapakita sa kanila.” pabulong na sabi sa akin ni yaya. “No, hindi po ako aalis dito.” sabi ko sa kanya. “May binigay sa akin ang daddy mo. Puntahan mo siya ito, baka siya ang makakatulong sa ‘yo.” sabi ni yaya at may binigay siyang nakatupi na papel. “Pero–” “Sige na, umalis ka na. Ako na ang bahala dito, ako na ang bahala sa daddy mo.” sabi niya sa akin. Ayaw kong iwan ang yaya ko pero kailangan kong umalis dahil sigurado ako na hindi sila nagbibiro. Talagang ipapakasal nila ako para sa sarili nilang kapakinabangan. Alam ko ang ginagawa nila gusto nilang magpakasal ako at babayaran sila ng malaking halaga. “Saan ka pupunta?” sigaw sa akin ng stepmom ko pero hindi ako sumagot o lumingon man lang sa kanya. “Barj, habulin mo siya!” pasigaw na utos niya sa anak niya. Nang dahil sa narinig ko ay mabilis akong tumakbo. Tumakbo palayo sa kanila. Alam ko na mabilis si Barj pero kailangan kong makalayo sa kanila. Hindi niya ako puwedeng mahuli. Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa hindi ko namalayan na may makakasalubong akong tao kaya bumangga ako sa kanya. “I’m sorry po,” mahina na sabi ko doon sa tao at hindi na ako tumingin sa kanya. “Sorry po talaga,” sabi ko sa kanya at mabilis akong pumasok sa isang silid para magtago. Nang sumilip ako ay nakita ko si Barj at ang lalaki na nabangga ko. Nakatalikod ang lalaki sa akin pero nakasuot ito ng business suit. Napahawak ako sa puso ko dahil ang bilis ng t*bok nito ngayon. Naiinis at nagagalit ako sa stepmom ko. Ngayon na alam niyang nasa kritikal na ang daddy ko ay ngayon rin siya gumagawa ng gulo. “Sir, may nakita po ba kayong babae?” tanong ni Barj sa lalaki. “Wala,” sagot nito kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang talaga at hindi niya sinabi ang totoo. Nakahinga ako ng maayos. Kaagad naman na umalis si Barj kaya naman lumabas na ako sa pinagtataguan ko para magpasalamat sa taong tumulong sa akin. “Excuse me, Sir.” mahina na sabi ko. “You’re welcome,” bigla niyang sabi na ikinagulat ko. Wala lang hindi ko lang talaga inaasahan na maririnig ko mula sa kanya ang ganun. Hindi pa nga ako nag-thank you ay nagwelcome na siya. Napangiti na lang ako bigla. Hindi ko lang talaga alam pero bigla na lang akong tumawa. Sa tagal ng panahon ay ngayon lang yata ulit. “What’s funny?” tanong niya sa akin kaya naman tumigil na ako dahil ang seryoso ng boses niya. “Sorry, Sir. Nagulat lang po ako,” sagot ko sa kanya pero hindi siya nagsalita. “Saan ka nagulat?” tanong niya sa akin at bigla na lang siyang humarap humarap sa akin. Kaya naman hindi ko inaasahan na.. na.. na ganito ang mukha niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matulala sa kanya. Ang gwapo niya, ang gwapo niya pala. Kaya pala ang ganda ng boses niya kahit pa seryoso ito. Matangkad siya, maganda ang katawan at sobrang gwapo niya. “Hey, you okay?” tanong niya sa akin sabay snap ng daliri niya. “Okay lang po ako. Thank you po, thank you po sa pagligtas sa akin.” sabi ko sa kanya. Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang siya sa akin. Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-gwapo na lalaki maliban sa daddy ko. May mga gwapo na akong nakita noon pero hindi niya kasing gwapo. Kahit pa naging businessman ang daddy ko ay never akong sumama sa kanya sa mga party dahil taong bahay lang talaga ako. Kaya naman para akong ewan ngayon habang nakatingin sa kanya. Pero bigla rin akong nahiya kaya naman yumuko na lang ako. Baka kasi mamaya ay magalit siya sa akin. Baka isipin pa niya na natataka ako sa kanya kaya sana hindi na lang niya ako tinulungan. Bigla na lang siyang tumalikod sa akin at sa tingin ko ay aalis na siya. “Thank you po ulit, Sir.” sabi ko. Patuloy lang siya sa paglalakad at hindi man lang lumingon sa akin kaya naman naglakad na rin ako sa ibang direksyon. Habang naglalakad ako ay bigla kong naalala ang binigay sa akin ni yaya kanina. Nang tingnan ko ito ay nakita ko na isa itong calling card. “Noah Villamor,” basa ko sa pangalan na nakasulat dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD