CHAPTER 3

1102 Words
THEA FAITH “Noah Villamor,” basa ko sa pangalan na nakasulat dito. Iniisip ko at pilit kong inaalala dahil parang pamilyar sa akin ang pangalan niya. Parang narinig ko na ito dati pa. “Saan ko ba narinig ang name niya?” tanong ko sa sarili. “Noah?” “Noah?” “Noah?” paulit-ulit na bigkas ko sa pangalan na ito. “Noah? Ninong Noah?” tanong ko bigla sa sarili ko at may bigla akong naalala. Tama! Siya nga, siya nga ang ninong ko na nakatira sa ibang bansa. Siya ang sinasabi sa akin ng daddy ko noon na kaibigan niya pero mas matanda lang ang daddy ko sa kanya. Maaga rin kasing nag-asawa ang daddy ko noon. At may mga kaibigan siya noong high school pa siya na ibang grade level. Kaagad akong nabuhayan ng loob na baka tulungan niya ako pero naisip ko rin na baka wala siya dito sa Pilipinas. Bigla akong nalungkot pero alam ko sa sarili ko na kailangan kong subukan. “Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan self,” kausap ko sa sarili ko. May nakalagay na address dito kaya susubukan kong puntahan. Baka kasi nasa Pilipinas na siya. Baka kasi matulungan niya ako sa company ni daddy at sa pagpapagamot ko sa kaibigan niya. Nakakahiya man itong gagawin ko ay kailangan kong lunukin ang lahat ng hiya ko para sa daddy ko. Lahat ay kaya kong gawin para sa kanya. Mabilis akong umalis ng hospital. Nag-taxi na lang ako kahit pa nagtitipid ako dahil hindi ko rin naman alam pumunta doon kapag nagjeep ako. Habang nasa daan ay iniisip ko na kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Sana lang talaga ay makausap ko siya. Sana lang talaga ay maalala niya ang daddy ko. Nang makarating na ako sa may harap ng matayog na building ay halos malula ako sa sobrang taas nito. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papasok sa loob ng building. Pinapasok naman nila ako at itinituro sa may information para doon daw sabihin ang kailangan ko. “Good morning, Miss. Puwede ko po bang makausap si Noah Villamor?” tanong ko sa information desk nila. “May appointment ka po ba, Ma’am?” tanong niya sa akin. “Wala eh, biglaan lang kasi. Pero ninong ko siya, puwede mo bang itanong kung puwede ko siyang makausap?” tanong ko sa kanya. “Hindi ko po magagawa ang bagay na ‘yan–” “Teacher po ako, ito po ang ID ko. Hindi naman po ako masamang tao, gusto ko lang talaga makausap ang ninong ko. Puwede mo pong sabihin sa kanya ang pangalan ko. Puwede niyo pong sabihin na anak ako ni Theodore Ferrer,” sabi ko sa kanya dahil nagbabakasakali talaga ako na makausap ko si ninong.. “Baka po mawalan ako ng trabaho, Ma’am. Mahigpit po kasi ang protocol na bawal po ang mga walk-in. By appointment lang po talaga,” sabi niya sa akin. “Ganun ba? Sige, thank you na lang.” sabi ko at tumalikod na ako para umalis. Ayaw ko naman na mawalan ang iba ng trabaho ng dahil sa akin. Ayaw ko na madamay ang iba sa kamalasan ko. Hangga’t maaari ay ako na lang. Alam ko rin naman na nagtatatrabaho lang siya at ginagawa lang niya ang trabaho niya. Alam ko na may mga responsibilidad siya at ang makapasok sa ganitong kumpanya ay hindi rin ganun kadali. Sure ako na dumaan rin sila sa butas ng karayom. “Wait, Ma’am. Sure ka po ba na ninong mo si Sir?” tanong niya sa akin. “Opo, ninong ko po siya.” nakangiti na sagot ko sa kanya. “Paki-hintay na lang po saglit, Ma’am. Tatawag ako sa taas, susubukan ko po na itanong kung kilala ba ni Sir ang daddy mo,” sabi niya sa akin. “Thank you, Miss. Thank you so much,” masaya na sabi ko sa kanya. May tinawagan siya at ako naman ay matiyaga na naghihintay. Sinabi niya ang pangalan ng daddy ko at ganun rin ang pangalan ko. Nilalamig nga ang mga paa at kamay ko. Dahil paano kung nakalimutan na ni ninong ang daddy ko. Pero hindi, hindi dapat ako mawalan ng pag-asa. Dapat positive lang ako. Kaya naman ilang beses akong huminga ng malalim para alisin ang kaba ko. “Ma’am, nasa meeting pa po si Sir. Makakapaghintay ka po ba?” tanong sa akin ng babae. “Opo, maghihintay po ako. Thank you, Miss.” masaya na sabi ko sa kanya. “Upo ka na lang po muna doon, Ma’am. Thirty minutes pa po bago matapos ang meeting ni Sir. Kakasimula pa lang po eh,” sabi niya sa akin. “It’s okay, Miss. Hindi naman ako nagmamadali,” nakangiti na sabi ko sa kanya. Umupo na lang muna ako dito sa waiting area nila. Kinakabahan man ay kailangan kong lakasan ang loob ko lalo na kailangan ko ito. Nakasuot pa rin ako ng school uniform ko. Nag-aalala ako sa mga students ko pero mas nag-aalala ako sa daddy ko. Baka kasi palabasin kami sa hospital kapag hindi kami makapagbayad. Hihingi ako ng tuloy sa kanya pero babayaran ko siya sa paraan na alam ko. Puwede akong magtrabaho sa kanya para mabayaran ko siya. Kahit pa maging katulong niya ako ay tatanggapin ko maging maayos lang ang daddy ko. ****** “Ma’am, akyat ka na po, tapos na po ang meeting ni Sir. 19th floor po,” nakangiti na sabi sa akin ng babae. “Thank you, Miss.” sabi ko at naglakad na ako papunta sa may elevator. Sobrang kinakabahan ako pero kailangan kong ikalma ang sarili ko. Nang makarating na ako sa 19th floor ay katahimikan ang bumungad sa akin hanggang sa may sumalubong sa akin na isang lalaki. “Are you Ms. Ferrer?” nakangiti na tanong niya sa akin. “Yes, Sir.” sagot ko sa kanya. “This way, Miss.” nakangiti na sabi niya at sinamahan ako. “The CEO is waiting for you inside. Pasok ka na lang po,” sabi niya sa akin. “Thank you po,” sagot ko sa kanya. Umalis na rin siya at naiwan ako dito sa labas ng pintuan. Kumatok ako para naman malaman ng nasa loob na may tao dito. “Come in,” narinig ko na sabi nito kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. “Good—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin. Para akong napako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ba ang nasa harapan ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD