CHAPTER 4

1169 Words
THEA FAITH “Good—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin. Para akong napako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ba ang nasa harapan ko ngayon. “Ikaw?” wala sa sarili na bulalas ko. “Why are you here?” tanong niya sa akin. “Good day po, ako po si Thea Faith Ferrer anak po ako ni Theodore Ferrer. Ang sabi po ng daddy ko ay ikaw po ang ninong ko,” pakilala ko ng sarili ko sa kanya. Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa akin. Nakatingin lang sa akin ang lalaking tumulong sa akin kanina. Siya pala, siya pala ang ninong ko. Siya si Noah Villamor. Kung alam ko lang kanina pa ay sana kanina ko pa siya kinausap. “Paano mo mapapatunayan sa akin na ikaw si Thea?” tanong niya sa akin. “Po?” “Ikaw ba talaga ang inaanak ko?” tanong niya sa akin. “Opo, ako po.” sagot ko sa kanya at mabilis kong kinuha sa bag ko ang phone ko. Mabilis kong hinanap ang pictures namin ni daddy. “Ito po,” sabi ko sa kanya at pinakita ko ang graduation picture ko kasama si daddy. “Kumusta na ang daddy mo?” tanong niya sa akin. “He’s in the hospital po,” sagot ko sa kanya. “Hospital? Why?” tanong niya sa akin. “It’s a long story po.” “Why are you here?” tanong niya sa akin. “Nandito po ako kasi hihingi po sana ako ng tulong. Naka-freeze na po ang pera ni daddy. Tapos po palubog na rin ang company namin tapos po siya.” sagot ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. “Uutang po sana ako, para lang po sana sa medical bills ni daddy. Pangako po, babayaran ko po. Puwede po ako mag-resign sa work ko at magtrabaho po sa inyo. Para lang mabayaran ko ang utang ko,” sabi ko sa kanya. “I can’t give you my answer now,” sabi niya sa akin. “Okay po, maghihintay po ako,” sagot ko sa kanya. Simula kanina ay nakatayo lang ako kaya naman nakatayo pa rin ako ngayon. Hindi ko alam kung aalis na ba ako lalo na wala naman na akong dapat na sabihin sa kanya. “Aalis na po ako, nin-Sir.” sabi ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung papayag ba siyang tawagin ko siyang ninong. “Stay, kumain muna tayo bago ka umalis. May tatapusin lang akong trabaho,” sabi niya sa akin kaya nagulat ako. “Naku, aalis na lang po ako. Sorry po kung na abala po kita–” “Kailangan mo ng tulong diba? Dapat marunong kang sumunod sa sinasabi sa ‘yo,” sabi niya sa akin. “Sorry po,” sagot ko sa kanya. “Umupo ka muna,” seryoso na sabi niya. Mabilis naman akong umupo sa may couch. Ayaw ko siyang suwayin kasi baka magalit siya sa akin. Hindi naman kasi siya nagsabi kung hindi ba ang sagot niya. Ang sabi lang niya ay hindi siya makapagbigay ng sagot sa akin ngayon. “Stop staring at me,” saway niya sa akin kaya naman umiwas ako ng tingin. Medyo nahiya ako dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Paano ba naman kasi nagulat talaga ko. Ang buong akala ko kasi ay matanda na siya. Pero nakalimutan ko na nasa thirty six lang yata siya o thirty eight. Saka ko na lang itatanong kapag close na kaming dalawa. Forty one na kasi ang daddy ko. Kaya sa tingin ko ay nasa thirty seven siguro siya. “May gusto ka bang itanong?” tanong niya sa akin. “Ilang taon ka na po?” mabilis na tanong ko sa kanya. “Bakit mo gustong malaman?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo niya “Mukha ka po kasing bagets,” sagot ko sabay takip sa bibig ko. “Really?” “Opo,” mabilis na sagot ko sa kanya. “Saka ko na lang sasagutin ‘yan,” sagot na naman niya sa akin. Wala yata siyang balak na sumagot ng personal questions. “Puwede po ba kitang tawaging ninong?” lakas loob na tanong ko sa kanya. “Ikaw ang bahala,” sagot niya sa akin. “Mas bagay po yata ang Sir na lang,” sabi ko na lang dahil mukhang ayaw niya. “Ninong na lang, ninong mo naman ako eh.” biglang sabi niya. Kaya napangiti agad ako. Feeling ko ay mukha lang talaga siyang strict pero mabait rin naman. Sa tingin ko rin ay makakasundo ko siya. “Let’s go,” sabi niya sa akin. “Tapos ka na po ba?” tanong ko sa kanya. “It’s lunch time,” sagot niya sa akin. “Okay po,” sagot ko sa kanya. Nauna siyang lumabas at nakasunod lang ako sa kanya. “Baka hindi na ako babalik,” sabi niya sa lalaki na nag-assist sa akin kanina. “Okay, Sir.” “Tara na,” sabi niya sa akin at naglakad na kami palabas sa office niya. May private elevator siya kaya doon kami sumakay. Paglabas namin ay sa parking lot na ito. Kahit ang parking lot na ito ay exclusive lang sa kanya. Ang ganda ng kotse niya halatang hindi basta-basta kotse lang. Hindi ko inaasahan na pagbubuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya. “Salamat po,” sagot ko sa kanya. May pagka-nonchalant pala itong ninong ko. Tipid lang magsalita at parang hindi siya marunong ngumiti. Habang nasa daan kami ay tahimik lang kaming dalawa. Nakarating na lang kami sa restaurant ay tahimik pa rin siya. Wala yata siyang balak na kausapin ako. Ako naman ay nahihiya na makipag-usap sa kanya. “Order whatever you want,” sabi niya sa akin. Sinabi ko naman sa waiter ang gusto kong kainin. Isa lang dahil nahihiya naman ako. Alam ko kasi na mahal dito dahil nakita ko ang price ng pagkain. Simula noong nagkasakit ang daddy ko ay hindi na kami nakakain sa labas. Noon ay palagi kaming umaalis. Kahit pa nag-asawa ng iba ang daddy ko ay hindi naman niya ako pinabayaan. Kaya walang dahilan para pabayaan ko rin siya. Mahal na mahal ko ang daddy ko. Miss ko na tuloy siyang isama dito sa labas. Naalala ko pa noong unang sahod ko ay nilibre ko siya at sobrang saya niya noon. Kitang-kita ko sa mga mata niya na proud siya sa akin. He supported my dreams. Hindi niya ako pinigilan sa mga nais kong gawin. “You need my help?” tanong ni ninong kaya napatingin ako sa kanya. “Opo,” sagot ko. “I’ll help you but you need to help me also,” sabi niya sa akin. “What kind of help po?” tanong ko sa kanya. “Marry me and I’ll pay you ten million pesos,” sagot niya sa akin na ikinagulat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD