Nefel Walang hiya ka, Akraim! From the very beginning, niloloko mo lang ako! Pagka-iwan ko ng sulat sa ibabaw ng nightstand drawer ay agad na akong umalis sa apartment ni Akraim. May nadiskobre akong isang bagay. Isang bagay na alam kong sapat na para mapagtantong niloloko lang ako ng lalaking iyon. Hindi makitid ang utak ko para ipagsawalang bahala lang ang nalaman. Matapos naming magtalik ay humiga si Akraim sa tabi ko. Niyakap niya akong mahigpit. Tila ayaw niya akong pakawalan sa kanyang malalaking mga bisig. I can feel his warm body and grape-flavored exhalation. The latter is touching my face that is basking in the afterglow. Ayaw ko siyang gambalain sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Kayanaman, nagdesisyon akong huwag nang pumalag sa yakap niya. Bukal sa loob na dinama ko ito

