Chapter Three

2425 Words
Nefel Malapit nang magtanghali nang makauwi ako sa bahay. Nangangalahati pa lamang ang araw ngunit ang pakiramdam ko ay bente-kuwatro oras na akong nagtatrabaho. Both my physical, mental, and emotional aspects were extremely exhausted. Danica, bwesit ka talaga! Pinahiya mo ako sa tao. Ano ba klaseng interview iyon? Pati ang numero ng babaeng nakipagtalik kay Akraim ay tinanong din! Kaya para hindi magtampo sa ating dalawa ang lalaki ay pumayag ako sa gustong mangyari nito. Isang... Date. Binabanggit ko pa lang ang kataga ay tila gusto ko nang maghanap ng alibi. Isang malakas na alibi para hindi matuloy ang date namin mamaya. Bakit ko pa kasi siya tinanong kung ano pa ang gusto niya bago kami maghiwalay? Danica, maghanda kang mamatay kapag nagkita tayong muli! Nang makapasok na ako sa apartment ay agad kong inilapag ang sarili sa malambot na kama. Bumuntong hininga akong malalim. Malayo pa sa tapos ang araw na ito. Dumaan ang minuto sa pagmamasid ko sa kisame. Nakahiga kasi akong nakatiha. Dinama ko ang komportableng pakiramdam ng kama na mabisang nanunuot sa katawan ko. Hindi ko namalayan na napunta na ang isip ko sa kadakilaan ni Akraim. How he saved me earlier today. How that f*****g interview with him went. How hot his hand during our shaking. And how happy he is when I accepted his request for a date. Nah, Nefel, that is just only his scheme to earn an affection from you. Tonight will be just a date. Nothing more, nothing more. Just a plain date. There we will be talking. Just like two ordinary individuals. Boy and girl conversation. He will know a lot about you. And you as well will know a lot about him. And when it will be over, it will be over. Once again, you will become strangers. You will resume each other's typical life. Pagkatapos ng date ay diretso uwi. Nanatiling akong nakahiga. Muli ay napabuntong hininga ako. Tinatamad na hinanap ng kamay ko ang cellphone. Nakita ko ito at dinial ko ang numero ng dakila kong bestfriend. Danica, hindi ko palalagpasin ang araw na ito nang hindi kita nabubulyaw! It took three rings before I heard a background noise from the other line. Danica has answered the call. Kumuha ako ng bwelo. Sinigawan ko siya, "Hoy, babae! Lintik ka talaga sa akin kapag nagkita tayo!" Marahang tumawa ang kabilang linya. Na ipinagtaka ko naman. "Nakakatakot naman ang mga pagbabanta mo kung ako si Danica. Seryuso ka, Nefel?" Agad na nawala ang galit na kanina pa ako kinukunsumo. Ibang tinig kasi ang nagsalita sa kabilang linya. Isang lalaki. Kilala ko ito... "Loquias?" patanong tono kong sabi. Kung tama ako, si Loquias Kirk itong sumagot sa tawag ko. Siya ang fiancee ng dakila kong bestfriend. "Oo, ako nga ito," pagkumpirma niya. "Bakit kamo lintik ang bestfriend mo sa iyo?" "Ah wala, Loq. Pwede pakibigay sa kanya ang cellphone?" Narinig ko siyang tumawa. "Pwede naman. Basta sa isang kondisyon. Huwag mong papatayin ang fiancee ko. Magiging malungkot ako." "Okay. Pero pwedeng pagalitan?" tanong ko. "Pwedeng-pwede. Parang hindi pa ako nasanay sa away aso't pusa n'yong dalawa. Sige." Nanatili akong nakahiga habang hinintay ang pagsasalita ng bestfriend ko. Although haven't been married yet, Danica and Loquias are already living together. Nasa condo pa nila sila siguro kaya si Loquias ang nakasagot sa tawag ko. "Hello, Nefel?" magiliw ang tono ni Danica. Parang wala lang itong problema. Agad na bumalik ang galit at inis ko sa kanya. Sumigaw ako, "Napakasama mo talagang kaibigan, Danica. Loka-loka ka! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa akin? Pinahiya! Bakit ganoon ang mga tanong na inilagay mo sa guide? Pinagmukha mo akong isang teenager sa lalaking iyon. Parang slambook lang ang peg? Sobrang personal na ng mga tanong mo. Kahit na hindi niya pinapahalata, alam kong pinagtatawanan niya ako sa isipan niya. I retired. Ayaw ko na kitang maging bestfriend!" "Opps, opps, opps. Easy, Bestie Nefel. Alam kong nabibigla ka lang. I'll give you time to decide for that again. We have 30 years of experience as bestfriend, right? It'll be a big loss if you will retire already kahit hindi pa tayo patay. Now, bagalan natin. Ano ang issue tungkol sa guide na ginawa ko para sa interview mo kay Akraim?" "Don't play pretend, Danica. Lahat ng nandoon ay may issue!" "Really? Akala ko okay na ang mga nandoroon. So sisimulan natin mula introduction papunta sa number 18 question? Nang sa gayon ay maayos natin lahat ng mga issues, okay na ba?" "Alam mo, inaabuso mo ang kapangyarihan mo sa pagiging editor sa Pleasure Life.” Ang Pleasure Life ay ang magazine firm kung saan kami nagtatrabahong dalawa. "Hindi a. Ikaw ang may mali. Bakit hindi mo man lang ni-review ang folder na binigay sa iyo ni Falcon? Hindi sana naayos na ang mga issues bago ang interview mo sa kanya." "Argh! Bahala ka riyan!" pikon ko na tugon. "Ikaw, bahala ka rin diyan," tugon niya. "Tapos na ang pagkakaibigan natin!" sabi ko. "Oy wait..." pagpipigil niya. May mga sasabihin pa siya. Ngunit hindi ko na narinig. Pinatay ko na kasi ang tawag. Bahala siya sa buhay niya. Galit na galit na galit ako sa kanya! Pinikit ko ang mga mata ko at inilublob ang sarili sa pag-iisip. Sa pag-iisip ng lahat ng mga nangyari ngayong araw. Bakit ganito ako ka-affected sa lalaking iyon? Pogi nga, pero s*x maniac naman... Napapikit ako. Nakakaantok. Tila sinisingil na ako ng katawan ko sa pagiging puyat ng ilang araw. Ngunit bago pa ako tuluyang makatulog ay may narinig ako. Muli kong minulat ang mga pagod kong mata. Nag-ri-ring kasi ang cellphone ko. May tumatawag... I picked my phone to answer the call. I did not read the contact information of the caller. "Hello. Sino ito?" "Hala grabe ka, Bestie. Ilang minuto pa lang ang nagdaan nang huli tayong nagkausap. Hindi mo na agad ako kilala?" Pinagulong ko muna ang mga mata ko bago tumugon. "Ikaw si Danica Fieldberg, 'di ba? Okay na?" "Nefel, sorry na." "Sabihin mo iyan sa in-interview ko kanina." "Nasabihan ko na siya." Peste. Talaga lang? "Pagod ako, Danica. Ilang araw akong walang tulog dahil sa interview ko kay Akraim. May date ako mamaya. Matutulog na ako." "Nakwento nga rin iyan sa akin ni Akraim. Ang bilis ng lalaking iyon, 'no?" She took a pause before speaking again, "Kaya dapat ikaw rin mabilis." "Huh?" tanging katagang lumabas sa bibig ko. Ano ang sabi niya? Hindi ko naiintindihan. "Maging mabilis. Gawa na agad kayo ng anak." °°°°°° Akraim Kung kanina ay ako ang late sa meeting namin, ngayon ay siya naman. Gumaganti ba si Nefel sa akin? I don't know. Perhaps I can't tell. Buong panahon kasi sa interview niya kanina ay hindi man lang niya binanggit na nahuli ako. Sobra isang oras ko rin kasi siyang pinaghintay kanina. Ngunit bakit kaya wala pa siya hanggang ngayon? Posible kaya ang nasa isip kong hindi na niya ako sisiputin? Wala naman akong nakikitang rason para hindi siya makakadalo ngayon. Nothing that I am aware of. Ngunit dalawang oras na rin kasi ang nakakalipas nang sinimulan ko ang paghihintay. Dapat ko na bang isipin na ang date na ito ay hindi na matutuloy? I took a sip of wine as I roamed my eyesight around the place. People were all trying their best to be sophisticated. Kanina ay binigla talaga ako ni Nefel na alam niya ang dalawang pagkain na pinakapaborito ko. That is hawaiin pizza and mac and cheese. Paano niya kaya nalaman ang mga iyon? Sa kadahilanang gusto ko ring magpa-impress sa kanya, kaya sinabihan ko siyang dito kami magkikita para mag-date. This is a big time restaurant and I am aching to know her very more.I think, this is the befitting place to make what I want possible. Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa aking wristwatch. Ngayon na ginawa ko ulit ito, ang mga kamay ng orasan ay binigyan ako ng reading na alas nuebe na ng gabi. Ano kaya ang nangyari at bakit wala pa siya hanggang ngayon? Marami nang magkapareha na kasama kong pumasok dito ang umaalis na. At ang iba na nananatili pa rito ay napapansin ang pagiging mag-isa ko mula pa kanina. Bakit wala pa kaya siya? Just as I will take another sip of red wine, Nefel showed at the entrance door. Ikinagulat ko ang pagpapakita niya. Nakanganga ang bibig ko habang pinagmamasdan ang paglapit niya sa pwesto ko. Is this my eyes are still working well? Or is this already the effect of consuming half-bottle of red wine? Kanina ko lang siya nakita ngunit bakit ang laki ng pinagkaiba niya sa ngayon? Kung kanina ay mukha siyang pagod at balisa, bakit ngayon ay parang napakaganda niyang pagmasdan? "Sorry, I'm late," agad na sabi ni Nefel nang marating ang table namin. Agad kong ibinaba ang hawak na martini glass bago napagdesisyunang magsalita. Tugon ko, "No, no, don't feel sorry. Whatever reason it is, it's okay." Tumayo ako sa aking kinauupan at nilapitan siya. Pagkalapit ko ay agad kong naamoy ang pabango niya. Bukod sa napakaganda niyang tingnan ay ang bango rin niya. Anong perfume kaya ang gamit niya? "Please be seated," alok ko sa kanya habang ipinipresenta ang upuang kaharap ng sa akin. "Salamat," magiliw niyang sabi at umupo roon. Bumalik ako sa aking upuan. "What do you want?" tanong ko habang ibinibigay sa kanya ang menu. Tinanggap niya ito at sinimulan nang basahin ang mga nakasulat doon. "Treat mo ba ito?" "Of course!" agad ko na tugon. "Yayayain pa kita ng date kung ikaw ang pababayarin ko? Napakawalang hiyang lalaki ko naman kapag ganoon." "Sige, alin ba rito ang masarap. Hmm..." As she remained her eyes reading the menu, I also remained my eyes looking at her. Bakit kanina ay hindi ko nakita ang kagandahang ito? Para siyang isang bulaklak na sa unang tingin mo ay hindi mo agad ma-a-apreciate ang kagandahan. Hindi pa kasi ito sumisibol. Ngunit nang muli mo na itong tiningnan makaraan ang ilang saglit, kay anong ganda niyang pagmasdan at amuyin ngayon. Ngayong namukadkad na ito. Mahahaba ang kanyang mga pilikmata. Ang mga mata naman niya ay magagaan. Idagdag pa ang naniningkad niyang mga labi. At ang partially-exposed niyang mga dibdib... Sandali, bakit exposed ang mga iyan? Mabilis kong kinuha ang martini glass at agad na inubos ang natitirang wine doon. But, sadly, nabigo itong pawalain ang nararadaman kong uhaw. Bakit tumigang bigla ang lalamunan ko nang matingnan ang bahagyang nakalabas na mga globo ni Nefel? Dali-dali kong inabot ang bote ng wine at binalak na salinan ulit ang baso ko. Likido ang wine, ngunit bakit ang epekto nito ngayon ay mas pinauuhaw ako? Just as lalagyan ko na ng laman ang aking wine glass, napahinto ako sa aking ginagawa. Narinig ko kasing nagsalita si Nefel. "Ak," pagtawag niya sa atensyon ko. Agad ko naman siyang hinarap. Pagpapatuloy niya, "Pakilagyan din ang baso ko ng wine." Sabay presenta sa martini glass. Lumunok muna ako ng laway bago tumango-tango sa pakiusap niya. Nilagyan ko una ang aking baso. Sunod naman ang sa kanya. Niyaya ko siya na mag-cheers na agad naman niyang pinayagan. Nag-umpukan ang mga baso namin dahil sa nangyari. Sabay na ininom namin ang kanya-kanyang wine. Ngunit sa pagkadismaya ko, parang tigang na buhangin pa rin ang pumasok sa lalamunan ko. Bakit nanunuyo ang lalamunan ko? "Ito ang sa akin, Ak," wika ni Nefel. Sunod na binanggit nito ang mga natitipuhang pagkain. Isang strawberry shortcake at marmalade ang gusto niya. Parehong mga deserts. Kaysa tanungin pa siya kung bakit ganoon ang mga in-order niya, mabilis kong tinawag ang isang waiter. Sinabi ko ang order ko. Pati na rin ang kay Nefel. At nang makaalis na ang waiter ay napabuntong hininga ako. And now, this is the right time para makilala ko pa nang husto ang babaeng ito. "So, Nef," pagsisimula ko. "Pwede ba kita makilala pa nang mabuti?" Bahagyang natigilan siya sa narinig. Ngunit hindi niya hinayaan na matatagalan siya sa pagsagot. Tumango muna siya bago nagsalita, "Parang interview lang kanina, a. Of course you can." Pagkatapos ay ngumiti siya. Bagay na ikinataba ng puso ko. Bakit napakakaiba nitong babae sa kanina? Maaari kayang may kambal si Nefel na hindi ko alam? At ang babaeng iyon ay siya itong kasama ko kasalukuyan? Ano ba ang pumapasok sa isip mo, Akraim? Parang tumatama na sa iyo ang wine, a? Walang kambal si Nefel at alam mo iyon! "Nefel, may boyfriend ka na ba o taong nanliligaw pa lang sa iyo?" tanong ko. I admit, parang kagaya nga sa tinanong niya sa akin sa interview. Nefel shook her head as an answer. At minsan pa ay parang tumaba ang puso ko sa nalaman. Wala pa palang may nagpaparamdam sa kanya na natitipuan siya. "Pareho tayong single," sabi niya at ngumiti. Shit. I'm dead! Her smile is so sweet. Parang may humaplos sa pagkatao ko. At ano itong nararamdaman ko? Bakit bumibilis ang t***k ng puso ko? "May balak ka bang magpaligaw?" namamaos ko na tanong. "Oo naman." She took a pause while taking another sip on her wine glass. "Kahit na wala pang may nagpapahayag ng affection nila sa akin, maybe natatakot sila, but I am optimistic na magkakabuo rin ako ng sarili kong pamilya balang araw." Agad akong ginapangang ng kakaibang pakiramdam sa kanyang sinabi. Nagpapakita ba siya ng motibo? Iyon kasi ang pagkakaintindi ko sa winika niya. "Ako rin," tugon ko. "Kailan kaya natin makikilala ang nakatadhana sa ating dalawa?" "Maybe tonight?" pasimple kong sabi. Sinakyan ko ang trip niya. This lady I am facing tonight is not the typical Nefel. She has entirely changed in just hours we haven't seen each other. What drives her to become like this? And now my manhood is throbbing, enlarging. "You gotta be kidding me," masaya niyang sagot. "Why would I?" ginantihan ko ang kanyang maligayang tono ng pananalita. "Because, I'm with you." "And why is that even a problem?" "That is not a problem, really. Unless it will be you, will be my destiny, that is the problem." "I don't see a problem with that." "But, you say you are a boy, not a man." "But I can be a man." "Really?" "Really, promise." "Then prove it to me." "Let's head to my apartment." At that time, I already knew that what will happen next is worshiping each other flesh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD