Zeus And Hera
Napalingon ako sa katabi kong si Zeus. Halos araw-araw ay palagi kong dinadasal na sana dumating na yung time na magkaklase kami. Pero mukang kabaliktaran ata sakaniya iyon. Ni hindi nga niya ako pinapansin o lingunin man lang. Sabagay sabi niya. Mag act nalang kami na hindi na magkakilala.
"Bakit ba tingin ka ng tingin sakin?...Nagtuturo ang Prof, makinig ka'" diin niya, pero hindi siya nakatingin sakin.
"May problema ba riyan Ms Hera?" Napalingon ako kay Prof.
"A-ahh wala po"
KRIIIIIINNNNGGGGGGG*
"Mamayang uwian, hintayin mo'ko dito...." napahinto ako at napatunganga. "A-ah sige."
Pagkatapos ay umalis na siya. Nagpunta ako sa mga kaibigan ko na nasa canteen.
"Anong atin?"
"Hayyy nako. Hera ayang kaibigan natin, Umiiyak" lumingon ako kay Sophia na umiiyak.
"Anong nangyari?"
"Br-"
"Break na sila ng Jowa niya." Nanlaki ang mata ko. Huh?. kailan?.
"Kagabi...May babae siya" Iyak pa ni Sophia. Hinawakan ko siya sa likod.
"Hayss, lalaki lang yan!...marami niyan dito. Hindi ka mawawalan."
"P-pero kasi...Mahal ko siya eh"
"Martyr" komento ni cristine.
"Tse!....Palibhasa kasi walang Jowa".
"Tumigil na nga kayong dalawa...Halika nga" Hinila ko si sophia at saka siya niyakap.
"Shh... Tahan na"
Ako kaya...? may magmamahal kaya sakin?. Mararanasan ko bang masaktan?.
♡
"That's For today Class Goodbye" Kinuha ko ang mga gamit ko ng may maalala.
Mamayang uwian..Hintayin mo ako dito.
Umupo nalang ulit ako habang pinapanood ang mga cleaners na maglinis...Dahil wala akong magawa ay tinulungan ko nalang sila kahit na hindi ako cleaners.
"Ang bait mo naman Hera, Salamat" ngumiti pa ang kaklase ko at nagpasalamat.
"Wala iyon...Isa pa, may hinihintay rin kasi ako rito"
"Sino?, jowa mo?" napatawa ako.
"Hindi. Isang ka--Kaklase natin sa isang subject."
"Ahh..Sige una na kami" tumango ako at umupo. Kinuha ko ang libro ng Matematika at nagbasa nalamang habang hinihintay siya.
6:00 PM na...bakit kaya wala pa siya?.
"Ohh? Hera?...Bakit andito ka pa?" Pumasok si Sir ray sa Classroom at lumapit saakin.
"H-hinihintay ko po si...Z-zeus"
"Aba?...Anong oras na, hayyy wala ng tao dito sa School, ikaw nalang" Nag-aalala niyang saad. Akala ko masungit siya.
"Ehh ano bang kailangan mo't paimportante pa yang Inaanak kong si Zeus" Ninong ni zeus si sir Ray?.
"Ahh sa Thesis po, kami po kasi ang magkagroup and, he said po na hintayin ko po siya rito.
"Hmm...0 sha, sige...Mauna na ako. Ahh teka lang, eto yung susi. Kung magtatagal ka pa rito ay ilock mo nalang ang pintuan ah?" tumango ako.
"Opo sir.."
"Ano ka ba, huwag ka ngang matakot sakin. Di kita kakainin Etchoserang ito...0 sha sige mauna na ako ha?. Ingat"
"Sige po sir, thank you po,ingat."
Nakakahiya!. Nahihiya ako huwahhhhhh.
Umupo ako mag-isa sa upuan ko. Bakit ko ba kasi siya hinihintay?..Ewan?...Hayss.
Mamayang uwian...Hintayin mo ako dito.
Nagflashback sa isipan ko ang sinabi niya kanina. Isang oras na akong naghihintay rito ah?.
Hindi ko na alam ang nangyari dahil nakatulog na ako. Nagambala lang ang mahimbing kong tulog nang may kumalbit saakin.
"Z-zeus?..." Nagpunas ako ng laway na tumulo siguro habang natutulog ako at tumayo paharap sakaniya.
"K-kanina ka pa ba naghihintay?, Sorry ah? Nakatulog ako, sorry kung pinaghintay kita hehe" Nagsmile pa ako sakaniya. At bakit ako ang nagsosorry? Eh ako nga itong pinaghintay niya huwahhh. Pero siya?...Walang emosyon. Lalong naging Nerd at walang mababasang expression sa mukha niya dahil sa buhok niyang Natatakpan niyon ng kaniyang mga mata.
"Hera" Pagbigkas niya sa pangalan ko. Parang Isang Anghel aishh ano bang nangyayari sayo Heraa!!!???. Lumapit siya saakin na ikinaatras ko naman.
"Ang sabi ko. KA.Li.Mu.TAN mno na ako...No explanation, period"
"B-bakit ba gustong gusto mo nang kalimutan kita?"
"Wala. Dahil ayoko sayo!...Nandidiri ako sayo, you're so poor and Kinda Slut." Ang sakit naman ng mga sinabi niya.Bakit ganiyan siya?. Diba okay naman siya nung una?-hayss ano ba ako sakaniya? Hera ang tanga mo naman Hera ang tanga mo naman. Tanga ka na nga sa bahay tanga ka pa sa..Hmp! Tanga ka kahit kailan!.
Tumango-tango ako...
"O-ooooooo B-back to reality. Okay; Hello...?..My name is Hera and I'm your Partner on thesis right?...nice to meet you" Pagkasambit ko bago ako tumalikod sakaniya at pinaypayan ang Mga mata ko. It's okay Hera...Ano ba!...Tanga mo talaga.
"And you are?" Lingon ko sakaniya. Naka poker face lang siya habang ako, hindi alam ang gagawin.
"O-oh, balita ko...sikat ka dito, narinig ko pala ang pangalan mo sa mga chismosang schoolmates natin and i heard na Zeus ang name mo?.. Nice, Zeus. The God of Sky lightning thunder, Nice."
"tss" yan lang?.. yan lang ang reaction niya?.
"So...Zeus?.. Saan tayo umpisang gagawa ng Thesis?"
"Sa bahay" nanlaki ang mata ko.
"T-teka...Anong oras na?"
"It's allready 8 pm" No reaction parin siya. Siguradong Magagalit nananaman si ama at ate nito..Pero kerri lang yan Hera, Last lang ito. Para sa grades
"Tara na" Pag-aaya ko. Inirapan pa ako nito at saka naunang naglakad papalabas. Inilock ko ang pintuan at saka sumunod sakaniya. Ang sungit.
Ngunit paglabas namin ngGate ay Umulan ng malakas, Napataklob ako ng Ulo, gamit ang mga kamay ko.
"s**t, Hera this is your fault" Sisi niya saakin. Napa-kunot ako ng kilay.
"Bakit ako?"
"Aishh daldal mo, halika na" hinila niya ang kamay ko at isinakay ako sa kotse.
"Ninakaw mo ba to?" tanong ko, eh bigla nalang kasi kaming sumakay dito.
"Tss, sasakyan ko to"
"Eh?.wehh?"
"Aishh manahimik ka nalang"
Napayakap ako sa sarili ko dahilsa lamig ng aircon dito sa loob.
"Nilalamig ka?"
"O-oo." Then may pinindot siyang kung ano sa harapan namin.
<
To be continued...
COMMENTS